webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
46 Chs

SEVENTEEN

 

(Tierro Nueve, St. Anne University, Friday evening)

 

(Kurt's POV)

PUMASOK ako sa library para mag-aral ng lessons ko nang mapansin ko na biglang umalis si Paul. Bagama't nagulat ako ay hindi ko na lang siya pinansin. Inilapag ko ang mga notebooks at libro ko sa library table at naupo na ako para mag-aral. Habang nag-aaral ako ay nakita kong may nagpatong ng mainit na kape sa library table. At nang lingunin ko kung sino yung pumasok sa library ay muli na naman akong napangiti sa kilig nang makita ko si Bunso (Samantha my loves...)

"Kuya Kurt, magkape muna po kayo." ang malambing na sabi ni Bunso sa akin.

"Salamat Bunso." ang sabi ko sa kanya habang pinagsasawa ko na naman ang paningin ko sa napakagandang mukha niya.

"Pwede po bang tumabi sa inyo?" sabi ni Bunso sa akin.

"Sure, you will." at ipinaghila ko ng upuan si Bunso. Naupo siya sa tabi ko. Agad na binuklat ni Bunso ang book niya para mag-take-note ng mga mahahalagang detalye para sa long quiz nila bukas. Habang busy si Bunso sa pag-te-take note ay hindi ko na maalis ang mga mata ko sa kakatitig ko sa kanya.

Haay Samantha....please lang....akin ka na lang....

Dahil sa sobrang pagkabaliw ko kay Samantha ay hindi ko na lang namalayang nahagkan ko na siya sa kanyang makinis na pisngi.

"K-Kuya..." ang nagulat na sabi ni Bunso sabay salat niya sa kanyang pisngi na nahalikan ko.

"Oh...sorry. I'm sorry." ang apologetic na sabi ko sa kanya habang halos pagtakpan ko na ang buong pagmumukha ko sa sobrang hiya ko sa kanya. 

Woah lupa, lamunin mo na ako...

"H-hindi Kuya....o-o-okay lang." ang tila naiilang na sabi niya habang naaninag ko na nag-ba-blush siya.

"Talaga? Okay lang sayo? Pero mukhang nabastos yata kita eh..." ang taranta ko pang sabi pero nagulantang ako nang bigla akong halikan ni Samantha sa pisngi ko, dahilan para halos magkulay-kamatis na ang mukha ko sa sobrang kilig at hiya.

"B-Bu-Bunso....b-bakit mo ginawa yun?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Wala lang po Kuya. Hinalikan nyo po ako sa pisngi ng walang dahilan kaya hinalikan din po kita. Pero may dahilan naman po ako kung bakit ko po ginawa yun." 

"A-anong dahilan?" uutal-utal na tanong ko sa kanya.

"Kasi mabait na nga kayo, generous pa po kayo. Kaya nga labs na labs po kita eh." sabay yakap niya sa akin. 

Bagama't medyo shock ako sa mga sinabi niya ay ginantihan ko siya ng yakap. Hindi ko akalaing ang mga simple words na sinabi niya sa akin ay siya palang magpapagaan sa loob ko. 

Oh Samantha...I really really touched.

At teka lang....

Ako...

LABS NA LABS NI SAMANTHA?!

 

 

 

TOTOO BA 'TO?!

Naku sana naman ay totoo yung sinasabi ni Samantha dahil tiyak na ako na ang magiging pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

Natigil lang ako sa sweet imaginations ko nang maramdaman kong pinitik ni Samantha ang ilong ko.

"Bunso, bakit mo pinitik ang ilong ko?" tanong ko sa kanya.

"Kasi kanina pa po kayo nakatulala, kaya naisip ko pong pitikin ang ilong ninyo." - Samantha.

Shet.....sarap mo talagang ipakatay sa slaughter house noh Kurt De Torre! Nakakahiya ka! xD!

"Ah...hehe...pasensya ka na...medyo epekto lang yun ng halik mo---ah este ng pinanood kong TV Series kanina." ang uutal-utal kong sabi. Shet ka talaga Kurt, wag ka ngang magpapahalata! Baka mabisto ka pa!

"Ah...okay po." at muling ngumiti si Samantha.

Lord...please itadhana nyo na sa akin ang smiling angel na ito! Promise, sasarapan ko pa po lalo ang luto ko sa ginataang halu-halo at hindi ko na aawayin si Adelle at si Charlize!

"Ahm Kuya, napansin mo ba si Ate Renz dito kanina?" ang naibang tanong sa akin ni Bunso. 

"Ahm hindi eh. Hindi ko napansin si Ate Renz. Pero nakita ko kanina dito si Paul." ang sabi ko sa kanya.

"Si Paul? Bakit nasali po si Paul dito?" ang gulat na tanong niya sa akin.

"Kasi napansin ko siya dito kanina. At medyo tahimik siya." ang sabi ko sa kanya. "Malamang ay nag-away na naman sila ni Ate Renz."

"Sigurado na yun. Eh alam nyo namang pong palaging tiklop si Paul kay Ate Renz. At malamang, nagpupumilit na naman si Paul na magpaliwanag kay Ate." 

"Ah...p-pasensya na kung natanong ko yun. Pero bakit nga ba nagkaganun silang dalawa?" ang curious na tanong ko sa kanya.

"Dahil kay Hondred at Valerie." ang biglang nalungkot na sabi ni Bunso.

"Hondred? Valerie? Sino sila?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Si Hondred po ang kapatid ni Ate habang si Valerie naman po ang ex ni Paul." 

 

 

 

"Eh anong nangyari kay Hondred? At anong ginawa ni Valerie para masira ang relationship nung dalawa?" tanong ko pa kay Bunso.

"Gusto nyo po ba talagang malaman?" ang naninigurong tanong niya sa akin.

"Kung pwede sana," ang sabi ko sa kanya.

"Sige po. Ipapaliwanag ko po. Pero sana ay wala po kayong pagsasabihan ng tungkol kay Ate Renz ha, kasi po lagot po ako dun." ang sabi ni Samantha.

"Promise Bunso, walang makakaalam ng sikreto natin." ang sabi ko sabay taas ko ng kamay ko na katulad ng nanunumpa sa oathtaking ceremony.

"Sige po. Ikukuwento ko po." ang sabi pa ni Samantha sabay umpisa na niya ng kanyang pagkukwento. Habang nagkukwento si Samantha ay mataman akong nakikinig sa kanya. Doon ko nalaman ang buong katotohanan....na namatay na nga ang kapatid ni Ate Renz ay nakuha pa siyang lokohin ng Paul na yun. Nalaman ko din na two days after ng kamatayan ng kapatid ni Ate Renz ay biglaang namatay si Valerie. Ang dahilan? Car accident. Agad kong naisip na karma ni Valerie ang nangyari sa kanya dahil nanira na nga siya ng isang relasyon, nakapanloko at nakapanakit pa siya ng tao.

Matapos magkwento ni Bunso ay medyo tahimik ako, marahil ay nadala ako ng awa ko kay Ate Renz at sa mas tumindi ko pang galit para sa Paul na yun.

"Kuya, magpromise ka ulit, wag na wag nyo pong ipagsasabi kahit kanino yung tungkol sa ikinuwento ko sa inyo. Tanging kami lang nina Kuya Uno at Ate Madi ang may alam ng kwento ni Ate Renz."

"Pangako Bunso, walang sinuman ang makakaalam ng sinabi mo. Atin-atin lang yun. Okay?" and again, I kiss Samantha's forehead.

"Kuya naman. Ba't ba lagi nyo na lang akong hinahalikan?" ang naiilang na sabi ni Bunso sa akin.

"Wala lang....MAHAL KASI KITA EH..." ang wala sa sariling sabi ko sa kanya, dahilan para magulat siya

"Ha?! Ano pong sinabi nyo?" gulat na sabi ni Samantha.

"Ha? Ah....eh....kasi wala. Ang sabi ko.... ang cute mo. Napaka-cute mo." ang tarantang sabi ko sa kanya. 

Waah! Kurt De Torre! Napaka-bopols mo talaga! Hindi ka nag-iisip!

*untog-ulo sa pader* 

xD!

"Ah....eh di salamat po." ang nahihiyang sabi ni Bunso habang kitang-kita kong namumula ang kanyang mukha sa sobrang hiya.

"Sige po Kuya, matutulog na po ako sa kwarto ko. Babay po." at hinalikan pa ako ni Bunso sa pisngi bago siya tuluyang umalis sa library. Ako namang si ungas ay muli na namang napatalon sa sobrang kilig dahil nahalikan ako ni Samantha sa pisngi ko.

Nung umalis na si Samantha ay itinuloy ko na ang pag-aaral ko sa library, syempre with matching tiyaga and inspiration na rin....