webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · 若者
レビュー数が足りません
46 Chs

FIVE

(SAU Rose Garden)

(Kurt's POV)

 

"KAMUSTA naman ang stay mo sa Tierro Nueve? Maganda ba?" ang bungad na tanong sa akin nina Kuya Dane at Albie habang tumatambay kami sa napakagandang Rose Garden sa tapat ng IL and IAS Building, nagbabakasakaling makita namin mula doon ang mga first love namin. 

"Oo. Maganda naman dun. Tsaka mabait naman ang mga kasama ko." ang sabi ko naman sa kanila.

"Eh si Sam, matakaw ba? Naku, aware kayo dun sa little sister kong yun dahil delikadong mapabayaan siya sa kusina." ang biro pa ni Kuya Dane sabay tawa. Natawa rin kami ni Albie sa sinabi ni Kuya.

"Don't worry Kuya, kumakain naman siya ng tamang-tama. Hindi ko rin hinahayaang malipasan siya ng gutom. Tsaka ipinagtimpla ko siya ng gatas habang nag-aalmusal kami." ang nakangiti kong pagkukwento sa kanila.

"Aba, talaga ngang hindi malayong tumaba si Bunso, ini-i-spoil mo masyado eh." ang sabi pa ni Kuya sabay tapik niya sa ulo ko. "Pero yan ang gusto ko sayo. Hindi mo pinapabayaan ang kapatid ko. Kaya naman tiwala ako na aalagaan at patatabain mo ang kapatid ko sa loob ng tatlong buwan." ang seryoso na may kahalong biro na sabi ni Kuya Dane.

"Thank you Kuya Dane. Don't you worry, patatabain at bubusugin ko si Sam hindi lang sa pagkain, kundi maging sa pagmamahal ko sa kanya...pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan." and I blush slightly. Nakita kong nagkangitian sina Kuya Dane at Albie matapos ang sinabi ko.

"Grabe ka rin noh. Sobrang deds na deds ka talaga sa little sister ko." ang nakangiting sabi ni Kuya Dane.

"Oo nga dude. Malamang ay kinikilig ka kapag nakikita mo si Samantha." kantyaw pa sa akin ni Albie.

"Hindi lang ako basta kinikilig. Sobra-sobra-sobrang kinikilig ako." ang sabi ko pa sa kanila.

"Tutal eh magkasama na rin lang kayo sa Tierro Nueve, ano kaya kung ligawan mo na siya, baka mamaya ay maunahan ka pa ng iba. Or worst, baka isa sa mga lalaking kasama mo, pinopormahan na si Samantha." ang sabi sa akin ni Albie.

"Hindi naman siguro magagawa sa akin ng mga kasama ko na ligawan si Samantha sa harapan ko." 

"Oo nga. Pero baka hindi mo alam, palihim na pala nilang sinusuyo ang little sister ko. Wag kang mag-alala, boto ako sayo at hindi ko hahayaan na may ibang lalaking poporma dyan kay Samantha." ang sabi naman sa akin ni Kuya.

"Salamat Kuya, Albie. Wag kayong mag-alala, kung may balak man ang mga kasama ko na manligaw kay Samantha, uunahan ko na sila."

"Yan! Yan ang fighting spirit ni Kurt De Torre!" ang sabi pa ni Albie sabay tapik niya sa likod ko.

"Salamat. Mabuti na lang at nandyan kayo para suportahan ako." and I smile back at them.

Aaminin ko, sobrang saya ko nang malaman kong kasama sa Tierro Nueve si Sam. Sobrang saya ko to the extend na iniisip kong ligawan na siya at ipagsigawan ko sa mundo kung gaano ko siya kamahal. I admit, I love Samantha ever since high school days namin sa SAU High School Department. At walang nagbago sa feelings ko sa kanya kahit na tumuntong na kami sa kolehiyo at nagkalayo kami ng landas. I still waiting for her at hindi ako magsasawang mahalin siya kahit na maganda man o hindi ang magiging resulta. 

Pero ngayong nasa Tierro Nueve na kami, handa na akong iparamdam sa kanya ang damdaming ilang taon ko nang kinimkim sa puso ko. Handa na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. At handa na akong isakripisyo ang lahat, mapasaya ko lamang siya. 

Natigil lang kami sa pag-uusap nang makita naming lumapit sina Ate Renz, Shainz....at Samantha sa amin. Muli'y nag-fast forward na naman ang tibok ng puso ko kasabay ng panginginig ng katawan ko sa sobrang nerbyos.

"Hi Kuya Dane! Hi Kuya Albie! Hi Kuya Kurt!" ang bati ni Sam sa amin.

"Hi Bunso!" ang bati naman nina Kuya Dane at Albie sa kanya maliban sa akin na muli'y natutunaw na naman sa mala-inosenteng anghel na titig niya sa akin.

"H-Hi Sam." ang pilit kong bati sa kanya habang pilit kong pinagtatakpan ang kilig sa puso ko na baka sumabog na anytime.

"Ba't nga pala kayo napadaan dito? May problema ba?" ang tanong ni Kuya Dane sa kanila.

"Wala kaming problema Kuya. Pero tinitiyak ko sa inyong matutuwa kayo sa sasabihin namin." ang nakangiting sabi ni Sam.

"Matutuwa? Saan?" ang tila natutuliro pang wika ni Kuya Dane.

"Matutuwa kayo dahil pinahiya ni Ate Renz si Paul! Pano kasi, nakakabad-trip siya. Idagdag pa yung bagong kalandian niya! Mukhang linta!" sabi ni Shainz sa amin.

"Haha! That's my Espren!" at nag-appear sina Kuya Dane at Ate Renz. "Mabuti nga sa Paul na yan at nakakarma na siya sa mga panloloko niya sayo."

"You're right Kuya Dane. Malas lang nila ng babae niya na ako ang kinalaban nila. Dahil tinitiyak ko sa kanilang sa impyerno ang kababagsakan nila." and Ate Renz smile so evilly. Hindi ko maiwasang maawa kay Ate Renz dahil sa sobrang sakit na iniwan ni Paul sa puso niya. Pero maski kay Paul ay naaawa rin ako dahil sobra-sobra na ang ginagawang pananakit ni Ate Renz sa kanya.

"Since pinatikim mo na ang mala-Yolandang hagupit mo sa kanila, what's your next plan?" tanong pa ni Kuya Dane kay Ate Renz.

"Makikilala na ng Clingy na yun ang mga fans ni Paul na magiging mga kontrabida sa buhay niya. Of course, in courtesy of Maldita Club, Fashionista Club and Sossy Chick Club."

"Lupet mo naman Espren! Baka naman hindi na makapasok pa ang babaing yun sa kahihiyan sa buhok niya bukas!" ang biro sa amin ni Kuya.

"Malupet pa namang magalit ang tatlong grupong yun!" sabad ni Albie sa kanila.

"Wala na akong pakialam pa sa pwedeng gawin nila kay Arra, basta't ang importante ay maramdaman niyang hinding-hindi siya magiging welcome sa school na 'to." ang sabi pa ni Ate Renz.

"That's my Espren talaga! Ikaw na!" sabi pa ni Kuya Dane sabay appear nila ulit ni Ate Renz.

"Haha...iba na talaga ang nagagawa ng mga magagandang tulad ko." 

"Oo na. Ikaw na maganda." sabad ni Shainz, dahilan para magtawanan kaming lahat. At habang tumatawa ang lahat ay muli ko na namang nasilayan ang napaka-cute na tawa ni Sam na muli na namang nagpatalon sa puso ko sa sobrang kilig at tuwa. Haay naku Sam...wag mo na nga akong titigan ng ganyan at baka mahalikan lang kita ng wala sa oras.

Nang magpaalam na sila Ate Renz ay sumama na sa kanila si Kuya Dane dahil may klase pa sila sa IM Building. Nauna na ring bumalik sa kani-kanilang klase sina Shainz at Albie kaya ang resulta? Kami ni Sam ang naiwan sa garden. And I'm so speechless. Sobrang speechless ako pagkakita ko ng malapitan sa kanyang napakaamong mukha.

"Ahm....K-Kuya....uuwi na ba kayo sa Tierro Nueve? Mukhang wala na kayong klase eh." ang nahihiyang sabi niya sa akin.

"Hindi pa. Wala na akong klase pero mamaya pa ako uuwi." ang sabi ko sa kanya. "Ikaw, may klase ka pa ba?" ang natanong ko sa kanya.

"Wala na rin po. Tsaka OJT lang naman po ako bukas sa TV station eh. Kaya baka bago magtanghali ay nandito na ako." ang sabi naman niya sa akin.

"Hmm...ganun ba." and I smile. "Eh di uwi na tayo sa Tierro Nueve. Magluto tayo ng gusto mong meryenda meal. Ano bang gusto mong meryenda?" 

 

"Gusto ko ng ginataang halu-halo." ang sabi naman ni Sam sa akin.

"Ginataang halu-halo? Sounds great! Tara, magluto na tayo nun!" at patakbo na kaming umalis ni Sam sa Rose Garden para umuwi na sa Tierro Nueve at nang makapagluto na ako ng gusto niyang snack.

Sana nga lang ay magustuhan niya ang lulutuin ko para sa kanya.