webnovel

In Love With My Bestfriend

作者: Ladybumbum
若者
連載中 · 6.2K ビュー
  • 3 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Kiara Monte is in love with her bestfriend for a long time, she doesn't want to confess to her bestfriend because she's scared that her bestfriend, Christian Josh Alfonso might ignore him so she decided to forget her feelings towards her bestfriend but everytime she's with him, she falls harder. Will he love her back? LANGUAGE: FILIPINO

タグ
1 タグ
Chapter 1Chapter One

Kiara Monte's POV

"Bye Ma!" sigaw ko mula sa pinto ng bahay namin

Excited akong pumasok dahil makikita ko na ulit si Josh, bestfriend ko.

Nakangiti akong naglalakad habang nakatingin sa sapatos ko.

"Ang saya mo ah?"

Bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses na yon. Unti-unti kong inangat ang ulo at tumingin sa taong nasa harapan ko at hindi nga ako nagkamali, sya nga.

"Josh!" masayang bati ko dito at tsaka ito niyakap

Natatawang niyakap nya naman ako pabalik.

"Bakit ang tagal mo? Sabi mo nung huli tayong mag-usap, isang linggo bago magsimula ang klase nandito ka na, eh bat ngayon ka lang? At tsaka bat hindi mo man lang ako tinawagan o kaya ti-next o kaya chinat" pinaulanan ko agad sya ng tanong matapos kong kumalas sa yakap naming dalawa

Natatawang ginulo nya naman ang buhok ko

"Sorry na bestfriend, may inasikaso pa kasi sila daddy sa Singapore tapos nasira pa yung cellphone ko kaya hindi kita nagawang contact-kin" naka-ngiting pag-hingi nito ng tawad

Pero hindi ko magawang suklian ang ngiti nya.

Bestfriend... Hay bestfriend naman talaga ako ah?

"Huy, galit ka ba? Sorry na nga eh" napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses nya

"H-ha? Ah oo, bayaan mo na yon tara na" sabi ko at tsaka nagunang maglakad pero agad nya rin naman akong sinundan at inakbayan

Walking distance lang ang bahay namin sa school na pinapasukan ko kaya naglalakad lang kami ni Josh sa tuwing pumapasok kami.

Sa isang village kami nakatira pareho at mag-kapitbahay din kami. Magkaibigan kasi si Mama at si Tita Chello, Mommy ni Josh kaya naging magkababata kami ni Josh.

Habang naglalakad papasok sa school ay nagkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa bakasyon nya sa Singapore.

Doon kasi nakatira ang tita nya na nag-mamanage ng kumpanya nila doon, kaso ay naaksidente ang tita nya, kaya kailangan nilang pumunta doon dahil wala pang asawa at anak ang tita nya kaya walang mag-aalaga dito.

Pagkapasok namin sa main gate ng school ay maraming napapatingin sa amin lalo na sa kamay ni Josh na naka-akbay sa akin.

May itsura rin kasi 'tong mokong na 'to e. Kaya nga may mga naiinis sa akin dahil close kaming dalawa. May mga nagsasabi pa nga na nilalandi ko daw si Josh, hindi raw kami bagay at kung ano ano pang pang-lalait.

Pero hindi ko rin naman sila masisisi. Masyado kasi kaming malapait sa isa't-isa to the point na nagmumukhang kaming mag-boyfriend at girlfriend.

Bigla naman syang tumigil sa paglalakad at tinangggal din nito ang pagkakaakbay sa akin kaya takha akong napatingin sa kaniya.

Pero imbis na sumagot ay pinaharap nya ang katawan ko sa kaniya at tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tsaka yumuko ng bahagya para magpantay ang mga mukha namin.

Gulat naman akong napatingin sa kaniya at naramdaman kong bumilis ang pintig ng aking puso.

あなたも好きかも

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · 若者
レビュー数が足りません
35 Chs