webnovel

Imperfect Couple

Si Samantha Cortez ay isang professional Engineer. She will use her beauty para makuha ang isang bilyonaryong lalaki na si Brian Lopez. Magtatagumpay kaya siya na makuha ang lalaking inaasam niya? Lalaking gagamitin niya upang maiganti ang pagkamatay ng kanyang ama. Brian Lopez ay isang bilyonaryo at taga-pagmana ng isang construction firm na kilala sa buong Pilipinas, maging sa ibang bansa. Kakagat kaya siya sa plinaplano ni Samantha Cortez? Subaybayan natin ang kwento ni Brian Lopez at Samantha Cortez.

cloudymichiqoh · 都市
レビュー数が足りません
5 Chs

Chapter Three

SAMANTHA CORTEZ Point of View

I'm so tired and exhausted. This man beside me can't spare me a little mercy. Ilang beses ba niya kailangan angkinin ang katawan ko para lang masiyahan siya? Kung tigre lang ito ay malamang nalapa na niya ako ng buo.

Naging interesado siya sa deal na sinabi ko. "Konting push pa, makukuha ko na ang tiwala nito." sabi ko sa sarili. Hindi ako papayag na mabelawala lang ang gabi na ito na pinaghirapan ng aking katawan.

"Is it a deal or no?" tanong ko sa kanya. Nagdadalawang isip ito pero hindi ko ipinakita na natatakot o nagdadalawang isip ako. Ang tanging confident ko lang ang magpapanalo sa laban na ito.

"What if, ayoko sumugal sa gusto mong offer?" tanong nito.

"Then, I won't bother you anymore." ngiting sabi ko. Kinuha ko ang kumot na nakapulupot sa amin dalawa. Tumayo ako sa kama at hinanap ang damit ko.

Napalingon ako muli sa lalaki ng magsalita ito. Sinalubong ako nito ng kakaibang ngiti sa kanyang mukha na ngayon ko lang nakita. My heart beat fast at parang lumiwanag ang aking paligid.

"Alright!" sagot nito. "Let's make a deal. I will give you one week to work on this project. You know my reason, right?" sabi nito. "If you win, I will marry you."

'Yun lang naman ang hinihintay kong sagot. Umabot tenga ang ngiti ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi pa naman pala ako ganoon kamalas sa buhay. And yes! I know his reason kung bakit kailangan within one week makuha ang project dahil nalalapit na ang engagement nila ni Ivory.

"Thank you!" sabi ko na may nakakaakit na ngiti. "I will not disappoint you, brother-in-law." Sabi ko.

Dinampot ko sa sahig ang dress na suot ko kanina. Nakabalagbag din ang bra ko. Isinuot ko na ang aking damit panloob at dress. Naghanap-hanap ako sa paligid dahil hindi ako makaka-alis kung hindi ko suot ang aking undie. Nakita ko ito malapit sa ilalim ng kama kung saan nakahiga si Brian. Yumuko ako doon at kinuha iyon sabay suot.

"You won't stay?" tanong nito. Hindi ko na ito nilingon dahil sa aking paghahanap.

"Not anymore, brother-in-law. Beside nakuha ko na ang sagot mo at okay na ang deal natin." pangiti kong sagot.

Papalabas na ako sa kwarto ng magsalita muli ito, pero hindi na ako lumingon patalikod.

"Mapapatawad ka pa kaya ng pamilya mo kapag nalaman nila ang nangyari ngayon? Dahil sa kagustuhan mong pakasalan ako pati puri mo ibinigay mo ng ganun kabilis."

Napakuyom ako habang hawak ang doorknob. Tama siya! Para lang pakasalan niya ako ganun ko kadali ibinigay ang puri ko na matagal kong iningatan. Hindi ko na sinagot ang kanyang tanong at mabilis na umalis sa hotel.

Sumakay ako agad ng taxi at pumunta sa isang kilalang tulay dito sa cebu. Ilang minuto lang ang layo nito sa hotel kaya agad akong nakarating dito.

Ang tulay na ito ay ginawa 5 year ago. Sa kasamaang palad, bumagsak ito after a month ng pagkakagawa. Marami ang namatay dahil sa insidente. Pinikit ko ang aking mata at inalala ang pangyayari ng panahon na iyon. Rinig ko ang iyakan ng mga tao na nakapaligid dahil sa mga nawala nilang mahal sa buhay. Ang mga pulis ay nagkakagulo ganun din ang ilan ahensiya ng gobyerno na makakatulong sa insidente.

Dinilat ko ang mata ko at naglakad sa tulay. Ibang-iba na ito kumpara noong una itong ginawa. I hummed a song na paborito kong awitin ni daddy. That day, bago buksan ang tulay sa publiko dinala ako ni daddy dito. He's very proud of his creation at ito talaga ang kanyang pangarap.

"Anak." tawag sa akin. Puno ng determinasyon, kasiyahan at fullfillment ang mukha ni daddy. "Dahil sa tulay na ito, mas madali nang makaka-byahe ang mga tao sa cebu papunta sa karatig na kalapit na lugar na ito. Anak, ito ang isang bagay na maiiaalay ko sa iyo. Ito ang pinaka malaking achievement ni daddy na ibinibigay ko para sa'yo. Sana maging proud ka kay daddy."

Maluha-luha ako ng araw na iyon dahil sa wakas unti-unti ng naabot ni daddy ang kanyang pangarap. Ngunit nagimbal ang buong cebu ng bumagsak ang tulay matapos ang ilang buwan na paggamit nito.

Kung ano-anong pang babatikos ang tinanggap ng aming pamilya dahil sa nangyari, lalo na kay daddy. Kinurakot daw ni daddy ang pera at tinipid ang materyales kaya bumigay itong tulay. Wala daw kwentang engineer si daddy. Sana daw ito na lang ang namatay at kung ano-ano pa.

Marinig ang mga salitang iyon ay nagbibigay ng matinding sakit sa puso ko. Alam ko na hindi totoo ang mga sinasabi nila. May tiwala ako kay daddy na hindi niya kayang gawin ang bagay na iyon. Naalala ko pa ang hulo niyang sinabi bago ako nito iwan sa mundo.

"Anak, kilala mo ang daddy, hindi ba?" Nakangiti ito sa akin at nakalagay ang dalawang kamay sa aking balikat. "Hindi kayang gawin ng daddy ang mga bagay na iyon. Hindi totoo ang mga paratang nila sa akin. Anak, maniwala ka. Nagkakamali sila na paratangan ako na corrupt at naglustay ng pera na ginamit sa pagpapagawa nitong tulay."

Uminit ang mata ko at narinig ko ang hikbi na nanggagaling sa bibig ko. "Daddy." mahinang tawag ko sa kanyang pangalan. "Daddy." Todo hagulgol ako dahil sa kalungkutan na nararamdaman ko.

"Hindi ako makakapayag na mabalewala ang pagsasakrispisyo mo. Daddy! Ako na ang bahala sa lahat. Lahat gagawin ko para mapatunayan na wala kang kinalaman sa nangyari dito sa tulay 5 years ago. Pangoko ko sa iyo na pagbabayaran ng mga taong iyon ang nararapat na parusa sa kanila."

Meron na akong matibay na ebidensiya na walang kasalanan si daddy sa nangyaring pagguho ng tulay. Iniwan nito sa akin ang original blueprint ng tulay. Malayong-malayo iyon sa ginawang tulay na gumuho. "Whether it is Gonzales Group na pagmamay-ari ni tito Damian o Diamond Bride na pagmamay-ari ni Brian, pagbabayaran nila lahat. Lahat lahat hanggang sa magmakaawa sila na mamatay na lang at sumunod sa libingan ng aking ama."

Pasado alas 9 na ng umaga ng makauwi ako sa bahay. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ay sinalubong na ako ni Ivory na may kakaibang ngiti sa labi.

"At saan ka na naman galing, magaling kong kapatid? Hindi ka umuwi kagabi, ah!" sarkastikong sabi nito. "Nakipagkita ka ba sa ex-boyfriend mong si Harold?" tanong nito. "'Di ba kakauwi niya lang kahapon from Canada? Nabalitaan ko sa makakating dila na mga kaibigan ko na nililigawan ka pala ulit ng lalaking iyon." Ngumisi ito.

Tinignan ko lang siya ng masama at mas lalo pa itong nang-aasar. "Well, not now my dear step-sister." Nilapitan ko ito at ngumiti.

"I never thought na interested ka pala sa private life ko. Anyway, since tinanong mo na ko.

Sasabihin ko na sa iyo." Nilapit ko ang ulo ko sa kanyang tenga at binulungan ito. "Kasama ko ang boyfriend ko kagabi. He's not like a piece of trash na katulad ni Harold."

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Binuksan iyon at ipinakit ang isang picture. Inilapit ko iyon mismo sa kanyang pagmumukha. Napatawa ako ng manlaki ang kanyang mata.

"Malandi ka! How dare you seduce my man?" sabi ni Ivory na akmang sasampalin ako pero mabilis kong nahawakan ang kamay nito.

"Ivory, nakalimutan mo na ba yung ginawa mo sa akin noon? Gusto mo ba ipaalala ko pa sa iyo kung paano mo nilandi si Harold na ex-boyfriend ko?" matalas kong sabi. "Sabi mo lahat ng gusto mo nakukuha mo, and now, I'm just returning a favor."

"Bitawan mo ko! Tignan na lang natin kung magagawan mo pa ng paraan kapag sinira ko na yang pagmumukha mo." galit na tugon sa akin.

Nagpumiglas si Ivory at mabilis akong itinulak nito. Mas matangkad ako sa kanya ng kaunti at malakas din ang grip ko kaya hindi niya ako agad napatumba. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin at ngumisi na nakakaloko.

Pasugod muli sa akin si Ivory at hindi ko na pinalampas iyon. Lumaban na ako at tinulak ito. Napa-upo siya sa may sofa. Nagsimula na rin kaming mag sabunutan at magsigawan. Napatigil lang ako sa pagsaunot at pagsampal kay Ivory ng umawat si mommy.

"Tama na 'yan!" bulyaw nito. "Bakit sinasaktan mo ang kapatid mo ha?" galit na tanong sa akin ni mommy. Bilang respeto ay tumigil na ako at lumayo kay Ivory.

Hingal na hingal ako at naramdaman ko na mas nadagdagan ang pagod ko.

"Mommy." malambing at mahina kong sabi. Nakayakap ito kay Ivory at inaayos ang buhok nito.

"Huwag mo kong tawagin Mommy dahil wala akong anak na kagaya mo."

Nanlumo ako sa narinig ko. Actually dapat masanay na ako dahil palagi naman niyang kinakampihan si Ivory. Simula ng maging Gonzales siya ay mas prinaority na niya ito kesa sa akin na anak niya.

"Wala kang galang at utang na loob. Pagkatapos ng pagkupkop at pagtanggap sa atin ni Ivory at ng tito Damian mo ganito pa ang gagawin mo? Aawayin mo na lang basta basta ang kapatid mo?"

Napangisi ako at napairap sa pinagsasasabi ni mommy. Nanahimik pa rin ako.

"Mommy, si Samantha nilandi niya si Brian. Kagabi kasama niya ang fiancee ko at ang masaklap magkasama pa sila sa kwarto."

"Ano?" nanlalaking matang tanong ni mommy. Bumaling ito sa akin na puno ng galit.

Sinugod ako ni mommy at pinagsasampal ako. Sa braso, sa pisngi at kahit saan parte ng katawan ko na mahahagip niya.

"Wala kang kwentang anak. Pagkatapos mamatay ng tatay mo at pagkatapos niya tayong bigyan ng kahihiyan, ang pamilyang ito lang ang kumupkop sa atin. Tapos ganito pa ang gagawin mo, hayop kang bata ka!"

Pumalag na ako. Hindi ko na kayang magpa-api at tanggapin ang pananakit ng sarili kong ina.

"Sa mata mo, ganyan na ba talaga ako kasama? Sa mata mo wala talaga akong kwentang anak?" bulyaw kong sagot. Pinigilan ko ang luha na papatak sa mata ko at binigyan ito ng magandang ngiti. "Kung ganon, aalis na ko sa bahay na ito! I wish you tree a happy family."

Pagkatapos kong magsalita ay iniwan ko ang dalawa at umakyat sa kwarto. Dapat matagal ko na talagang ginawa na lumayas dito sa impyernong bahay na ito.