webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
40 Chs

Chapter 1.14

Nagising na lamang si Wong Ming sa isang hindi pamilyar na kwarto.

Mula sa loob ng hindi pamilyar na silid ay rinig na rinig niya ang mga ingay na nagmumula sa labas.

Napakaingay kung tutuusin at masasabi niyang hindi ito maihahalintulad sa normal na ingay ng siyudad dahil ang tanging naririnig niya ay mga boses bata ang mga ito at nakakarindi pakinggan ang mga hagikhikan ng mga ito.

Gayunpaman ay inilibot ni Wong Ming ang sariling paningin niya sa nasabing silid na kinaroroonan niya at ang tanging nakikita niya lamang ay ang mga tambak ng mga kahoy na kung hindi siya nagkakamali ay ginagamit ang mga itong panggatong sa pagluluto.

Gayon man ay batid niyang nasa bahay-imbakan siya at masasabi niyang hindi naman siya nagkaroon ng pasa o anumang pananakit ng katawan.

Isa lamang ang ibig sabihin nito at iyon ay walang intensyon ang batang lalaking batid niyang ito rin ang nagdala sa kaniya sa lugar na kinaroroonan niya.

Hindi matukoy ni Wong Ming kung ano ang nangyayari sa lugar na kinaroroonan niya ngunit gusto niyang alamin ang katotohanan.

Bahagyang nakabukas ang mga bintana at walang ano-ano pa ay sumilip si Wong Ming roon upang tingnan ang nangyayari sa labas.

Ganon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang malaman kung ano ang nangyayari mula sa labas.

Gabi na kung tutuusin at kitang-kita niya ang pagliwanag ng kalangitan dahil sa mga bituin sa langit na tumatanglaw sa kadiliman ng gabi.

Batid niyang matagal ang kaniyang pagkatulog dahil sa kung anumang bagay na ginawa ng paslit na batang iyon.

Nagkakasiyahan sa labas at kitang-kita niya na puro mga batang halos nasa edad lima hanggang walo ang nagkakasiyahan habang umiinom ng kakaibang likido sa mga baso ng mga ito.

Mayroong nakahaing mga prutas na ang iba ay hindi niya matukoy kung ano ang mga ito ngunit batid niyang masarap ang mga ito dahil kitang-kita niya na napakasarap ng mga ito mula sa malayo.

Iba din ang dala nitong takam kay Wong Ming dahil gutom na rin siya kung tutuusin ngunit pinigilan niya lamang ang kaniyang sarili dahil batid niyang hindi ito para sa kaniya. Di nga siya sinama sa kasiyahan ng paslit na iyon kaya imposibleng bahagi siya ng masayang piging ng mga batang nagkakasiyahan sa loob ng nawasak na siyudad.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na manood na lamang habang tikom ang kaniyang bibig dahil kakaiba nga ang nasabing piging o okasyong ito.

Hindi niya mabilang kung ilang mga batang nagkakasiyahan ngunit mababatid niyang napakarami ng mga ito. Sa sobrang dami ng bilang ng mga ito ay aakalain ng sinuman na isa itong paaralan o akademya ng mga bata, kaibahan nga lamang ay imbes na nag-aaral ang mga ito ay tila natututo ang mga ito ng mga bagay na may kinalaman sa mga gawain ng mga matatanda.

Maya-maya pa ay kakaibang tunog ang narinig ni Wong Ming. Malamyos at kahali-halinang pakinggan sa pandinig ng sinuman ngunit habang papatagal ay tila nagiging pangit na pakinggan.

Dito na nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ni Wong Ming. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi ito ritmo ng isang pangkaraniwang tugtugin bagkus ay isa itong kakaibang musika, musikang hindi niya matukoy kung ano ito.

Nangangamba si Wong Ming kung ano ang nangyayari ngunit pinili niya lamang na manahimik sa isang tagong lugar at manood sa nangyayari.

Maya-maya pa ay isang kakatwang pangyayari ang nasaksihan ng dalawang mga mata niya.

Ang mga bituin sa kalangitan ay bigla na lamang gumalaw at unti-unting nagkaroon ng kakaibang pormasyon ang mga ito kasabay ng pag-iba ng tono ng kakaibang musika sa kapaligiran.

Naging aware na si Wong Ming sa nangyayari at mabilis na binalot ni Wong Ming ang sarili niya ng sarili niyang pabilog na protective barrier.

Kasabay niyon ay nangagsira ang mga tumpok ng kahoy sa kinaroroonan niya at ramdam niya ang tila pagyanig ng lupang tinatapakan niya.

"Devil's Hour?! Imposibleng mangyari ito? Bakit nagkaroon ng kakaibang penomena ang nawasak na siyudad na ito kagaya ng nakasaad sa memorya ng dating nagmamay-ari ng memorya ng piratang iyon?!" Seryosong sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang habang gulong-gulo siya sa naiisip niya.

Dahil sa memoryang meron ang si Wong Ming mula sa fragmented soul ng namayapang pirata ay may ideya siya kung bakit nangyayari ito.

Hindi nga siya nagkakamali at nakita niya ang isang kaganapang maghahatid sa kaniya sa ikakokomplikado ng isipan niya.

Unti-unting nagbago ang kaanyuan ng mga batang nagkakasiyahan at nakita niya kung paano'ng tila mula sa mga batang anyo ng mga ito ay parang biglang tumanda ang mga ito ng ilang beses kumpara kanina.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong mabilis na naglabas ng mga enerhiya at awra ang katawan ng mga nagbagong anyong mga tao. Kitang-kita niya na naging mabagsik ang ekspresyon ng mga ito.

"Ito ang pinakahinihintay nating mangyari ulit. Kahit ano'ng mangyari ay kailangan nating masira ang kakaibang pananggalang na ito na siyang bumitag sa atin. Nakaya nating pinsalain noon ang kakaibang pananggalang na ito ay magagawa natin ito sa kasalukuyan!" Sambit ng isang matandang lalaking mayroong kakaibang kasuotan na hindi pangkaraniwan sa mga nilalang na nakikita ni Wong Ming sa paligid.

"Tama ang aking Lolo mga kapwa ko Mintiyan. Nakasalalay sa atin ang kalayaan ng ating siyudad mula sa sumpang ito na bumabalot sa lugar natin. Kahit nga ang mortal na kaaway na siyudad ay kinalimutan tayo ngunit naniniwala akong magtatagumpay din tayo!" Sambit ng boses ng isang babaeng sa malumanay na boses ngunit kakikitaan ang tono nito ng tapang at pagmamahal sa kapwa nito. Suot nito ang kakaibang tilang mayroong mga kakaibang mga disenyo at simbolo na ngayon lang rin ni Wong Ming nasilayan ng maigi.

Ngunit mayroong mga tinig ang tila hindi sang-ayon sa gustong mangyari ng mag-lolo na tila bakas ang labis na pagtutol rito.

"Bakit namin gagawin iyon City Lord, hindi ba't mabuti ng hayaan na lamang ang nangyayari sa kasalukuyan at huwag ng sirain ang kaganapang ito!"

"Ninanais ko na maging bata na lamang palagi at hindi na kukulubot ang balat ko!"

"Ako rin, hindi na ako sang-ayon sa gusto mong mangyari!"

Makikitang halos lahat ng mga naririto ay hindi na makapagpigil sa kanilang kagustuhan. Kagustuhang maging bata na lamang dulot ng kakaibang hiwagang bumabalot sa nawasak na siyudad.