webnovel

CHAPTER 4

Pagkamulat ko pa lang ng mga mata ko napabangon akong bigla at tinignan ang kabuoan ng aking kwarto.

Kwarto? Hindi ko maalalang nakauwi ako kagabi. Nakauwi pala ako kagabi kung ganon? Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Napasapo na lang ako sa aking ulo ng sumakit ito ng ipilit kong alalahanin ang nangyari kagabi.

"Ugh!" I groaned. "Fuck it hurts!" I hissed. Konti lang naman ang naimon ko kaya imposible na malasing ako ng todo. 5 shot lang ng tequila ang nainom ko dahil ipinagpilitan ito nila Luisa at Judith sa akin.

Bumaba ako at humingi kay Manang ng gamot para sa sakit ng ulo, agad niya naman itong ginawa at ngayon nga ay pabalik na siya sa kinaroroonan ko at inabot sa akin ang gamot.

"Salamat ho dito Manang" nanghihina kong sabi habang sapo pa rin ang aking ulo. "Manang itatanong ko lang ho sana kung paano ho ako nakauwi dito sa bahay?" tanong ko pa.

"Naku Elettra hindi ko masasagot iyan. Tulog na ako ng makauwi ka. Pero narinig ko naman ang tunog ng sasakyan mo kaya hindi na ako bumangon pa ng maalimpungatan ako gawa non. Bakit hija?"

"Ah" sasabihin ko ba kay Manang? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Kaya lang baka pati siya ay hindi rin ako paniwalaan kaya 'wag na lang. "W-wala naman po. H-hindi ko lang talaga maalala ang nangyari kagabi ng pag-uwi ko." at ngumiti ako ng tipid para hindi na siya magtanong pa.

"Ah sige. Akala ko naman kung ano na. Sige may gagawin pa ako ha. Teka. Papasok ka pa ba? Eh masakit pa ang ulo mo ah? Kaya mo ba?" nagaalalang tanong sa akin ni Manang.

Napangiwi muna ako sa sakit bago sumagot "Hindi na po muna Manang."

"Maigi kung ganon. Hala sige kumain ka na diyan." bilin pa nito bago umalis at magpatuloy sa ginagawang paglilinis ng garden namin.