AZINE'S POV
Nakita ko sina Sky at Cloud na papalapit sa kinauupuan ko. Nandito kami ngayon sa Hardin. Napatayo ako at hinarap silang dalawa.
"Ano'ng nangyari kanina pag-alis ko?" Oo nando'n ako kanina.
FLASHBACK
May sinundo ako malapit sa school nina Luna kaya naisip ko na silipin man lang siya kahit sa malayo. Papunta sana ako sa may field nang maramdaman ko na malapit lang sa akin si Luna at nakita ko nga siya 'di kalayuan malapit sa may gate. Bigla akong na-badtrip ng makita ko na kasama na naman niya si Arif Zamora. Magkasama na nga sila kanina sa Canteen kanina na nakita ko rin kasi pinuntahan ko din siya kanina. Papalapit na sana ako sa dalawa nang marinig kong sumigaw si Sky. Sakto namang papalingon si Luna kaya naglaho agad ako. Nagtuloy na lang ako dito sa Hardin.
END OF FLASHBACK
"Kilala mo naman si Luna mahirap baguhin ang isip no'n." Napaupo 'yong dalawa.
"Hindi niyo nakumbinsi si Luna?" Napailing lang sila. Oo, inutusan ko silang dalawa na kumbinsihin ang pasaway na si Luna para itigil na ang pagtulong niya kay Princess. Mapapahamak lang siya sa ginagawa niya. Napaupo na lang din ako.
"Bro, itigil mo na ang pagpunta kay Luna kasi alam mo naman ang kautusan. Hindi mo maaring labagin ang mga utos dahil maapektuhan ang pagbalik mo sa katawan mo." Bakas ang concerned sa boses ni Cloud.
"Hindi naman ako nagpapakita sa kaniya eh."
"Oo nga pero alam mo naman na nararamdaman ka ni Luna at pwede ka niyang makita kung hindi ka mag-iingat." si Cloud ulit.
"Mukha namang hindi ka ipagpapalit ni Luna sa Arif na 'yon eh." Napatingin ako kay Sky. That Arif!
"Pero hindi ka niya tinanong sa amin kanina. Mukha ding hindi ka niya nami-miss." Nakangisi niyang pang-aasar. Sinimangutan ko na lang siya.
"Si Sky talaga oh ginagatungan pa. Pero alam niyo parang hindi ko rin gusto ang lalaking 'yon. Parang... Parang may nararamdaman ako sa kaniya na hindi ko lang maipapaliwanag kung ano." Napatingin ako kay Cloud. Naramdaman niya rin 'yong unang naramdaman ko kay Arif nang makita ko ito dati.
"You're right. Akala ko ako lang ang nakapansin," dagdag ni Sky. "Tingin ko hindi lang 'yong bad spirit ang dapat iwasan ni Luna kundi pati si Arif Zamora." Napaisip din ako sa sinabi nila. Tama nga silang dalawa kaya lang paano ko pa mababalaan si Luna? Parang hindi ko kayang makatagal na hindi ko siya nakakausap within one month.
Noong nasa Manila kami pinuntahan ko pa siya sa bahay nila pero nalaman ko na lang na nakauwi na pala siya. Biglaan 'yon at medyo nagtampo ako kasi akala ko hindi niya ako iiwan kahit ano'ng mangyari. Naiintindihan ko naman si Luna baka nagsiselos lang siya kay Max. Medyo napangiti ako sa isiping 'yon. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita at makausap. Miss ko na talaga si Luna.
LUNA'S POV
Hanggang ngayon na pauwi na ako galing school iniisip ko pa rin 'yong sinabi nina Sky kanina. Ang totoo niyan natatakot din naman ako na baka may gawing masama sa akin ang bad spirit na 'yon pero kailangan ko pa rin na tulungan si Princess kasi nangako ako sa kaniya at inaasahan din niya ako.
Halos mapatalon pa ako nang may biglang bumusina sa harap ko. Napatingin ako sa isang kotse at sa bumaba doon.
"Hey, Luna."
"Arif." Napatingin ako sa paligid at nandito na pala ako sa may sakayan ng jeep pauwi sa amin. Hindi na kasi ako nagpasundo kay mama kasi ayoko naman na mapagod pa siya. Patawid sana ako mabuti na lang hindi ako nabangga. Lumapit sa akin si Arif.
"Uuwi ka na?"
"Oo eh, ikaw?"
"Pauwi na rin sana. Gusto mo hatid na kita?" Mabilis akong napailing.
"Huwag na magko-commute na lang ako, salamat."
"Hindi, sige na ihahatid na kita, Luna. Wala naman na akong gagawin eh. Sige na sakay ka na ihahatid na kita sa inyo."
"M-Malayo din 'yong sa amin eh baka mapagod ka pa sa pagmaneho."
"It's okay, Luna walang problema sa akin. Let's go?"
"Hmm..."
"Tara na." Bahagya pa siyang natawa.
"Sige na nga." Pinagbuksan pa niya ako ng pinto.
Habang nasa byahe napatingin ako kay Arif.
"Kumusta na pala 'yong kapatid mo?" Basag ko sa katahimikan. Sandali siyang napatingin sa akin.
"She's fine. Kinukumusta ka nga rin niya sa akin eh."
"Gano'n ba?"
"Yeah." Natahimik ulit kami.
"A-Ayaw mo ba talagang sumali sa international contest na 'yon, Arif?" Maya-maya'y tanong ko. Medyo nailang pa akong itanong sa kaniya kasi parang personal na. Lumuwag naman ang pakiramdam ko nang ngumiti siya.
"Gusto mo ba akong sumali?" Ano daw? Bakit niya tinatanong sa akin?
"B-Bakit ako?" Bigla akong nailang.
"Di ba sinabi ko naman sa'yo na wala akong inspiration kaya tinatamad akong sumali. Ikaw, pwede ba kitang maging inspiration, Luna?" Bigla akong napaubo. Natawa naman si Arif sa reaksyon ko.
"Okay ka lang?"
"O-Oo, okay lang ako. Sorry, ah. Kailangan pa ba ng gano'n?"
"Oo naman syempre. Mahirap gumawa ng obra kapag wala kang inspiration. Mahirap manalo 'yong gano'n kasi dapat bawat guhit namin may pinaghuhugutan so in that case 'yong mga judges and audience mararamdaman nila ang gustong iparating ng aming obra."
"Ahh... gano'n pala. Eh, di ba pwede ka namang maging inspired sa family mo or sa friend o kahit kanino at saan. Alam mo kayong mga artist dapat hindi lang din kayo nag-i-stick sa isang tao o bagay."
"Sige, sabi mo eh." Nakangiti lang siya. Nagulat ako nang bigla ihinto ni Arif ang sasakyan.
"Ano'ng nangyari?"
"Parang may biglang tumawid eh." Napatingin ako sa unahan pero wala naman akong nakitang tao.
"Nasagasaan mo ba?"
"Hindi, wala naman. Dito ka lang." Bumaba si Arif ng sasakyan at tiningnan nga kung may nabangga siya. Bumalik din kaagad siya sa loob.
"Ano, meron ba?"
"Wala naman eh." Pinaandar niya na ang sasakyan at saka kami umalis na. Hindi na kami nakapag-usap ni Arif hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba na kami ni Arif.
"Halika, pasok ka muna sa loob."
"Hindi ba nakakahiya sa mama mo?"
"Hindi 'yon. Tara sa loob?"
"Sige." Pagkapasok namin bumungad kaagad si mama.
"Hi, anak!"
"Ma." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Napatingin si mama kay Arif.
"Good afternoon po, tita."
"Hi, good afternoon." Napatingin sa akin si Mama.
"He's..."
"Ma, si Arif schoolmate ko po. Hinatid niya po ako papunta dito." Pinagmasdan ulit ni mama si Arif.
"Ahh! Natatandaan ko na siya. Ijo, di ba ikaw 'yong nagpunta sa chapel no'ng burol ng lola Cora ni Luna para makiramay sa pamilya namin?"
"Ako nga po 'yon, tita Yvonne."
"Sinasabi ko na nga ba eh kaya ka pala pamilyar sa akin. Salamat sa paghatid sa anak ko, huh?"
"Wala po 'yon."
"Halika nga muna dito ijo maupo ka muna ipaghahanda kita ng maiinom."
"Salamat po." Hinila na ni mama si Arif paupo sa sofa. Nakasunod lang naman ako sa kanila.
"Bakit kaya hindi ka na lang dito kumain, ijo? Tama, mabuti pa nga na dito ka na maghapunan kasi malapit na rin naman akong matapos sa pagluluto eh."
"Nakakahiya naman po."
"Naku, don't feel shy, ijo. Pasasalamat ko na rin sa'yo sa paghatid mo sa anak ko dito. Paano, maiwan na muna kita diyan at tatapusin ko na muna ang niluluto ko, huh?"
"Sige po, tita."
"Sige. Luna, ikaw muna ang bahala sa bisita mo, anak." Pumanhik na si mama sa kusina.
"Mabait pala talaga ang mama mo, Luna. Nakakatuwa siya'ng kausap. Siguro masaya siyang maging mama, ano?"
"Oo, masaya talaga siyang kasama. Teka, mabait din naman ang mommy mo eh." Nangunot ang noo ni Arif.
"Nakilala mo na ang mom ko?" Nagulat din ako sa sinabi ko. Oo, nakausap ko na ang mommy niya sa phone dati at pakiramdam ko mabait naman ito kahit doon ko lang siya nakausap. Hindi nga pala alam ni Arif na sinagot ko ang tawag ng mommy niya.
"Uhm... hindi pa nga eh pakiramdam ko lang."
"She's really kind kaya lang..." Hinintay ko na lang ang sasabihin niya.
"Nevermind." Bahagya ko na lang siyang nginitian.
"Naiintindihan kita, Arif. Ahh... Maiwan muna kita saglit magpapalit lang ako. Okay ka lang ba dito?"
"Sige lang, Luna."
"Sige." Napatayo na ako at pumanhik sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang bulaklak na nag-iisa na lang ulit. Hindi na siya kagaya ng dati na maraming bulaklak. Ibinaba ko lang ang bag ko at lumapit dito. Nangalumbaba ako sa harap ng bulaklak at pinagmasdan ito.
"Madaya ka talaga, Azine. Naalala mo ba 'yong sinabi mo sa akin dati? Ang sabi mo hindi mo ako iiwan at mananatili ka lang palagi dito sa tabi ko. Pero nasaan ka na ngayon, huh? Iniwan mo na lang ako at alam kong masaya ka na ngayon sa girlfriend mo. I hate you! I really hate you, Azine. Kapag nakita kita hindi talaga kita papansinin, manigas ka!" Pinitik ko pa ang dulo ng bulaklak na nakakuyom na. Ang aga naman nitong matulog.
Pagkababa ko handa na pala ang lahat kaya naupo na ako sa gilid ni mama katapat si Arif.
"Kumain na tayo pero bago 'yan let's pray muna." Napapikit na lang ako ng mata.
"Lord God, thank you po sa pagkain na nasa harap namin ngayon. Nawa'y magbigay po ito Ama ng kalakasan sa aming pangangatawan at maghatid ng magandang kalusugan. Salamat din po at nakasalo namin si Arif sa pagkain ngayong hapon na ito. Amen. Okay, let's eat." Nagsimula na kaming kumain. Todo asikaso naman ni mama itong si Arif at halos ipatikim na lahat ang mga niluto niya. Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Arif. Mukha namang nag-i-enjoy siya.
"Alam mo, ijo, ngayon lang nagdala ng lalaki 'yang si Luna dito sa bahay namin. Ngayon lang siya nagpakilala ng lalaking kaibigan sa akin."
"Ma, unfair kayo kay Paulo."
"Sus, eh hindi naman lalaki 'yon eh kundi binabae." Nagkatawanan silang dalawa.
"Ang ibig kong sabihin eh 'yong lalaking-laki katulad nitong si Arif." Hindi naman si Arif ang una kundi si Azine. Siya ang kauna-unahang nagpunta dito sa bahay nagkataon nga lang na hindi siya nakikita nang mga tao dito sa bahay.
"Luna."
"Po?"
"Nakatulala ka na diyan, tinatanong kita kung paano ba kayo nagkakilala nitong si Arif." Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako nang maisip ko si Azine.
"By accident lang po, mama." Kumain na lang ako ulit.
"Alam niyo diyan nagsisimula ang lahat eh sa by accident."
"Mama, nakakahiya kay Arif." saway ko kay mama. Nakatawa lang naman si Arif.
"Bakit ba? Ay, teka 'yong kasama mo ba dati na magandang babae eh girlfriend mo, ijo?" Ibinaba muna ni Arif ang hawak na kubyertos at hinarap si mama.
"She's not my girlfriend, tita, kaibigan ko lang po 'yon."
"Gano'n ba? Hmm... mas mabuti."
"Mama," seryoso kong saway kay mama.
"He-he! Sorry, baby. Sige na nga kumain na kayo." Napailing na lang ako.
Matapos kumain nagpahinga lang saglit at saka nagpaalam si Arif kay mama na uuwi na. Inihatid ko na lang si Arif sa may kotse niya.
"Sorry sa mama ko, huh, masyado lang 'yong mapagbiro."
"Okay lang natutuwa nga ako sa kaniya eh." Napahinto kami nang nasa may tapat na kami ng kotse niya.
"Thanks sa dinner, Luna. Nag-enjoy akong kasama kayo. Sana sa susunod ikaw naman ang bumisita sa bahay namin."
"Oo naman walang problema 'yon." Maluwang niya akong nginitian. Pansin ko kanina pa hindi mawala ang ngiti sa labi niya.
"Pa'no, alis na ako."
"Sige, ingat pauwi." Patalikod na sana siya nang harapin ako ulit. Lumapit siya sa akin at bigla niya na lang akong hinalikan sa pisngi. Hindi agad ako nakagalaw dahil nabigla ako sa ginawa niya. Napamulagat lang ako.
"Bye! See you tomorrow, Luna." Napatango na lang ako at tinanaw siyang pumasok sa loob ng kotse hanggang sa makaalis siya. Nahipo ko na lang ang pisnging hinalikan ni Arif. Shete! Ano'ng ginawa niya?!
AZINE'S POV
Naibagsak ko ang librong hawak ko sa sobrang inis. Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang inis na nararamdaman ko. Kitang-kita ko ang paghalik ng Arif na 'yon kay Luna. Nakakainis si Luna dahil hinayaan niya lang na pagsamantalahan siya ng lalaking 'yon.
"Bro, kumalma ka lang." si Sky na nakalapit na sa akin. Nandito kami sa Paraiso. Nakatingin lang naman si Cloud habang nakaupo. Sinamahan kasi nila akong dalawa kanina na puntahan si Luna. Hindi nila ako hinihiwalayan kapag pupunta kay Luna kasi nga baka raw hindi ako makatiis at magpakita na ako sa kaniya. Hindi ko naman gagawin 'yon kahit gustong-gusto ko.
"Gustong-gusto ko na silang lapitan kanina. Gustong-gusto ko ng hilahin si Luna sa tabi ko at ilayo siya sa lalaking 'yon." Nagpupuyos talaga ang damdamin ko. Hindi ko alam kung makakatiis pa ako na lumayo kay Luna. Ako lang dapat ang humahalik kay Luna at ako lang ang may karapatan sa kaniya.
"Kumalma ka nga, bro. Hindi makakatulong sa'yo 'yan. Tama ang ginawa mo kanina na umalis na lang do'n." si Cloud. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Alam ko... nagsiselos ako. Masakit na makita ko siya na may kasamang iba at si Arif pa.
"Kailangan ko siyang makausap ngayon." Agad akong pinigilan nitong dalawa.
"Azine! Kumalma ka lang, bro. Hindi maganda ang naiisip mo, okay?" Natigilan kami nang may tumighim. Napaayos kami ng tindig nang makita namin si San Pedro na papalapit.
"San Pedro." Nagbigay-pugay kami sa kaniya.
"Naririnig ko ang pag-uusap ninyong tatlo kaya ako lumapit." Mataman akong tiningnan ni San Pedro.
"Azine, nararamdaman ko kung ano ang nasa loob mo pero kailangan mong magtiis. Anuman ang mangyari ipinapaalala ko sa'yo na kailangang hindi ka mangialam sa anumang problema ng mga tao. Binabati kita dahil napagtagumpayan mong pigilin ang anumang nararamdaman mo kanina nang makita mo ang babaeng pinakamamahal mo na kasama ng ibang lalaki. Kaya nga lamang ay hanggang kailan mo kaya kayang pigilin ang iyong damdamin? Sana'y hindi ka madala nang iyong damdamin, ijo. Pagwagian mo sana ang pagsubok ng sa gayon ay makabalik ka na sa katawan mo." Ni isa sa amin ay walang nakapagsalita kahit nakaalis na si San Pedro.
Hanggang kailan ko nga ba kayang pigilin ang damdamin ko? Parang hindi ko na kaya.
"Ano'ng gagawin mo ngayon?" tanong sa akin ni Cloud. Hindi agad ako nakaimik.
"May naisip akong paraan." Napatingin kaming pareho ni Cloud kay Sky.
"Ano?" sabay naming tanong.
"Ang mabuti pa siguro magbitiw ka na lang bilang Grim Reaper, Azine."
"Ano?" bulalas ko. Nagkatinginan kami ni Cloud.
"Di ba tama ako? Tutal hindi mo naman na kailangang bunuin ang dalawang taon para mabuhay ulit kasi talaga namang buhay ka pa. Isang buwan na nga lang ang kailangan mong tapusin para tuluyan ka ng makabalik sa katawan mo, di ba?"
"Ano naman ang kinalaman ng pagbibitaw ni Azine sa pagiging Grim Reaper niya sa sitwasyon?" Naguguluhan ding tanong ni Cloud.
"Kapag hindi na Grim Reaper si Azine hindi niya na kailangang bumaba pa sa lupa. Ibig sabihin maiiwasan niya na rin na makita si Luna kasama ang lalaking 'yon. Eh di walang gulo. Isang buwan lang naman ang kailangan mong tiisin eh." Napaisip din ako sa sinabi ni Sky. Kaya lang kaya ko ba na hindi makita si Luna kahit saglit? Ang masilip nga lamang siya mula sa malayo ay hindi pa sapat sa akin eh 'yon pa kayang hindi ko siya makita ng straight na isang buwan?
"Paano 'yong misyon ko? Kailangan kong mahanap ang kaluluwang nagtatago pa rin sa katawan ng isang tao."
"Oo nga pala." Napakamot pa si Sky sa ulo niya.
"Ano nang gagawin natin ngayon?"
"Iisipin na lang namin na hindi namin narinig ang mga suggestions mo," pagbibiro ni Cloud.
"Minsan na nga lang ako nag-suggest eh." Nagkatawanan na lang kami. Pero maganda naman ang suggestions ni Sky dangan nga lamang at may misyon pa akong dapat tapusin. Kaya ko namang magtiis ng isang buwan lang eh.
__________________________________________________
See you next chapter...💙💙💙