webnovel

Ikaw ang GHOST-2 Ko

SecretSuperstar · ファンタジー
レビュー数が足りません
56 Chs

Chapter 35: Death

VON'S POV

{ "Kakausapin ko ang kapatid mo, Von." } Kakatapos ko lang kausapin si papa at ngayon ay si mama naman ang tinawagan ko para ipaalam ang na ayos lang si Luna.

"Bukas na lang 'ma kasi nagpapahinga na siya eh."

{ "Okay lang ba talaga 'yong bata na 'yon, anak? Ano ba talaga ang nangyari bakit hindi mo masabi sa akin?" }

"She's fine, 'ma ako na ang bahala dito kay Luna hindi ko siya pababayaan."

{ "Alam ko anak nag-aalala lang talaga ako kasi baka kako kung napapa'no na ang kapatid mo diyan." }

"She's fine, 'ma, don't worry, okay?"

{ "Sige ikaw na bahala kay Luna, huh, Von? Sige na magpahinga ka na rin at malalim na ang gabi. Alalahanin mong tawagan ako bukas na bukas din, huh?" }

"Yes, 'ma." Binabaan ko na siya nga tawag.

'Ano ba ang nangyayari na 'to? Bilang isang doctor nahihirapan din ako na tanggapin ang nangyayari.'

LUNA'S POV

Kanina ko pa pinipilit matulog pero hindi ako dalawin ng antok. Napabangon na lang ako sa kama at naupo.

"Azine, nasaan ka ba ngayon?" Kung kailan ko siya kailangang makita doon naman siya wala.

"Luna." Napatingin ako sa nagsalita. Malawak akong napangiti at saka agad siyang nilapitan at mahigpit na niyakap.

"Lolo!"

"Ha-ha! Nakita ko ang lahat ng nangyari, apo."

"Lolo, buhay si Azine."

"Alam ko." Napahiwalay ako sa kaniya at tiningnan siya ng masaya. Bigla akong may naalala.

FLASHBACK

"Siya nga pala," 

"Nagpakita ako sa'yo para sabihin na may isa ka'ng paparating na misyon, Luna. Kaya maging handa ka parati, apo."

"Ano ho'ng misyon 'yon, Lolo?"

"Hindi magtatagal at malalaman mo na rin kung ano ang sinasabi ko'ng misyon, apo. Maghintay ka lang at maghanda dahil kusang mangyayari ang misyon mo sa mga darating na araw."

END OF FLASHBACK

"Lolo, ito ho ba 'yong misyon na sinasabi niyo sa akin no'ng huli tayong magkita? Ang malaman ko na buhay pa pala si Azine at tulungan siya na makabalik sa katawan niya?" Naupo si lolo sa kama ko. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Oo." Maya-maya napabuntong-hininga si lolo. Nangunot ang noo ko.

"Lolo, may problema ho ba?"

"Maupo ka dito may mahalaga akong sasabihin sa'yom" Naupo ako sa tabi niya.

"Ano po 'yon."

"Sa mga nalalapit na sandali ay may mangyayari na sobra mong ikakalungkot, Luna pero... papabor naman sa akin."

"Ano'ng ibig niyong sabihin, Lolo?"

"Isang pangyayari na kinatatakutan ng maraming tao, apo. Patatagin mo ang 'yong sarili at alalahanin mo na lang na ang buhay ng tao ay sadyang umiikot lamang sa dalawa. Una, ang isilang at mabuhay ang tao. At pangalawa, ang kaniyang kamatayan." Kinabahan ako. Higit pa sa kaba na naramdaman ko nang malaman ko na buhay pa si Azine. Ano'ng ibig sabihin ni Lolo. Nakukuha ko siya pero ayokong unawain.

"S-Sino ho?" Naglaho na si Lolo. Napatayo ako at tiningnan ang pinagkaupuan niya.

"A-Ano pa ba ang susunod na mangyayari?" Pinilit ko na lang matulog.

"Luna. Luna." Napaungol lang ako. May gumigising sa akin pero hindi ko pinansin dahil pakiramdam ko antok na atok ako.

"Luna, apo, gising na. Kailangan mo ng umuwi sa atin. Apo." Boses ng lola Cora ko hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang gumigising sa akin. Napaharap ako ng higa sa kaniya at unti-unti kong minulat ang mata ko.

"Lola Cora?" Maluwang siyang ngumiti sa akin. 'Yon na yata ang pinakamatamis na ngiti ng Lola ko. Napabangon ako.

"Good morning, lola!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good morning, apo." Tiningnan ko si lola mula ulo hanggang paa.

"Wala na ho kayong sakit, Lola? Magaling ka na po?" Napangiti ulit siya.

"Syempre naman at alam mo ba na kailanman ay hindi na ako magkakasakit."

"Talaga po?"

"Oo. Sige na bumangon ka na diyan. Halika na." Napatalikod na siya sa akin para sana bumaba na. Nangunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko nasa Manila pa ako pero bakit...

"Lola," napahinto siya pero hindi ako binalingan. "Ano ho'ng ginagawa niyo dito sa bahay ni Kuya Von?" Saka siya humarap sa akin.

"Nagpunta ako dito para sunduin ka, apo. Umuwi na tayo kailangan ka na sa bahay. Nami-miss ka na ni lola eh."

"Luna. Luna." Napamulat ako.

"Azine?" Kinusot ko ang mata ko at nakita ko pa rin siya nakatunghay sa harapan ko.

"Azine!" Niyakap ko siya sa sobrang saya na makita siya ngayon pagkamulat ng mata ko. "Mabuti na lang at nandito ka na, Azine. Saan ka ba kasi nagpunta at hindi mo man lang ako binisita dito." Hindi ko talaga maitago ang saya ko.

"Azine, may kailangan kang malaman." Napatayo na ako at hinawakan siya sa braso. Paghakbang ko hindi naman gumalaw si Azine kaya napabalik ako ng tingin sa kaniya.

"Sumama ka sa akin dadalhin kita sa kanila. Sigurado ako sobra kang matutuwa sa pupuntahan natin." Kung gaani ang saya sa mukha ko napansin ko naman si Azine na halos wala man lang bakas ng reaksyon ang mukha.

"May problema ka ba? Hay naku 'wag mo na munang isipin ang problema mo dahil may good news ako sa'yo, Azine. Halika na bilis." Sinubukan ko siyang hilahin pero hindi pa rin siya nagpatinag.

"L-Luna, may balita rin ako para sa'yo."

AZINE'S POV

Ten o'clock pa lang ng umaga marami na akong nasundong kaluluwa at naihatid sa purgatoryo. May hint kasi kami na narito sa Manila ang kaluluwa na hinahanap namin pero hindi naman namin natagpuan.

Bandang alas tres ng hapon nang bumalik kami sa probinsya. Nagtuloy kami sa tambayan namin kung dito sa hardin. Madalas kami dito nina Sky at Cloud kapag wala pa kaming misyon. Napakaganda dito at nakakasariwa ng isipan. Nakakawala ng pag-aalala at kalungkutan. Marami din ang nagtatambay dito kagaya ngayon. Nagtambay lang kami ng mga ilang oras. Hanggang sa maya-maya nagsalita si Sky.

"May susunduin tayo mamaya. Tatlo? Tamang-tama sa atin." Napatingin ako sa kaniya na nakatingin naman sa Libro ng Kasulatan. Nangibit balikat lang si Sky. Wala na kasing bago sa maya't mayang pagsusundo namin ng kaluluwa.

"Ako na dito sa pang una tapos sa'yo Cloud 'yong pang 5:34 PM." Tiningnan ako ni Sky.

"At sa'yo naman 'tong pang madaling araw, Boss Azine. Gusto kong matulog ng mahaba eh." Napailing na lang ako.

"Teka..." Si Sky ulit.

"Ka-apelyido pa ni Luna?" Napatingin ako sa kaniya. Nangunot ang noo ko.

"Cora Del Mundo." Napalapit agad ako kay Sky at inagaw sa kaniya ang libro. Nakita ko ang pangalan ng lola ni Luna na nakasulat doon.

"Azine. Azine. Nasaan ka ba, Azine? Kailangan kitang makita. May kailangan kang malaman. Azine, magpakita ka sa akin ngayon na. May ibabalita ako sa'yo siguradong matutuwa ka. Nasaan ka na ba?" Boses ni Luna. Tinatawag niya ako. Hindi. Hindi ako pwedeng magpakita sa kaniya ngayon. Paano ko sasabihin na ako ang susundo sa lola niya? 'Sorry, Luna.'

Bandang alas tres ng madaling araw nang pumunta ako sa bahay nina Luna. Nasa labas ako ngayon ng kwarto ng Lola niya. Narinig ko mula sa loob ang kalabog. Ang sabi sa aklat mamatay siya dahil sa sakit nito sa puso. Naglaho ako at sumulpot dito sa kwarto ni lola Cora. Nakita ko siya na nakahandusay sa sahig at hirap na hirap. Nakakalat din sa ibaba ang mga bote ng gamot na siyang narinig kong kumalabog kanina. Pilit niyang inaabot ang gamot na tumilapon hindi kalayuan sa kaniya. Napahakbang ako papalapit sa gamot. Hindi ko kayang makita siya na nahihirapan lalo pa at mahal na mahal siya ni Luna. Pupulutin ko na sana ang bote ng gamot nang may biglang humawak sa braso ko. 

"Baliw ka na ba?" Si Cloud.

"Last na 'to, please? Siya lang sige na, Cloud." Makaawa ko sa kaniya.

"Mag-isip ka nga, Azine. Hindi mo siya pwedeng tulungan. Alam mo kung ano ang pwedeng mangyari. Isa pa unfair sa iba kapag tinulungan mo siya. Oras na niya ngayon at wala ka ng magagawa do'n." Lumitaw din si Sky. Hindi siya umimik. Napatingin ako kay Lola Cora na napahawak na sa dibdib nito. Hirap na hirap na siya at hindi makahinga. Pilit niyang inaabot 'yong bote ng gamot. Napatalikod na lang ako. Alam ko ang ibig sabihin ni Cloud. Hindi kami pwedeng makialam sa kamatayan ng isang tao dahil 'yon na nag nakatadhana sa kanila. May kaparusahan kapag nangialam kami at 'yon ay ang mabalewala ang aming isang kahilingan. Natahimik sandali ang paligid. Nakakabingi.

"Sinusundo niyo na ba ako?" Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni lola Cora.

"Cora Del Mundo, 72 years old. Born on January 12, 1948. Date and time of Death, October 5, 2009, 3:39 AM." si Cloud. Saka ako napatingin sa kaniya. Napatingin din ito sa akin.

"Kailangan ko na bang sumama sa inyo ngayon? Maari bang makita ko muna ang aking mga anak at apo bago ako umalis?"

"Oho naman." Napatingin ako sa dalawa na napatingin din sa akin.

"Magkikita-kita ho kayo bago ka namin ihatid." Napangiti siya sa akin.

"Maraming salamat."

Binalikan ko si Luna sa Maynila. Nandito na ako ngayon sa kwarto niya. Mahimbing siyang natutulog. Pinagmasdan ko lang siya ng mga ilang oras. Napansin ko na biglang ngumiti si Luna habang natutulog. Alam kong nananaginip siya at ang lola niya ang nando'n. Hinayaan ko lang siya.

"May problema ka ba? Hay naku 'wag mo na munang isipin ang problema mo dahil may good news ako sa'yo, Azine. Halika na bilis." Hinila niya ako ulit pero hindi ako nagpadala sa kaniya. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha niya at nakokonsensya akong sirain 'yon. Gano'n pa man kailangan niyang malaman.

"L-Luna, may balita rin ako para sa'yo."

"Balita? Ano 'yon?" Napatingin ako sa pintuan.

"Luna." Napatingin na rin si Luna sa bumukas na pinto.

"Kuya." Nangunot ang noo ni Luna nang makita niya ang kapatid.

"Kuya Von, b-bakit ka umiiyak?" Umiiyak ito at hindi mawari ang reaksyon.

"Luna, kailangan nating umuwi. Pack your things, bilis." Lumapit siya kay Von.

"Kuya, ano ba'ng nangyayari? Bakit ka..."

"Si Lola Cora..." Nasapo ni Von ang ulo.

"Si Lola Cora ay ano? Napanaginipan ko nga siya kanina eh at alam mo ba kuya ang saya-saya niya sa panaginip ko. Siguro nami-miss na ako ni Lo..."

"She's already dead, Luna. Patay na si Lola Cora." Natigilan si Luna sa sinabi ni Von. Halatang hindi siya makapaniwala sa narinig.

"K-Kuya, 'wag ka ngang magbiro ng ganiyan. Ang lakas-lakas ni Lola sa... sa panaginip..." Napaiyak na si Luna pero hindi pa rin siya makakilos.

"Luna." Niyakap siya ni Von.

"P-Pano naman siya mamamatay, Kuya? Hindi niya ako iiwan. Mahal na mahal ako ni Lola. Hindi pa siya patay." Pautal-utal na sabi niya. Nanginginig ang buo niyang katawan. Kumawala na si Von sa pagkakayakap kay Luna.

"Uuwi tayo ngayon na, Luna. Nagpa-book na ako ng tickets papuntang province. Iligpit mo na rin ang mga gamit mo. Bilisan mo na, huh? May tatawagan lang ako sandali, magpapaalam ako sa ospital na hindi muna ako makakapasok." Lumabas na si Von. Hindi pa rin kumikilos si Luna. Nilapitan ko siya at nagpunta sa harapan niya.

"T-Totoo ba ang-ang sinabi ni Kuya Von, Azine? Totoo ba 'yon?" Patuloy lang sa pagpatak ng luha ang mga mata niya.

"H-Hndi totoo, di ba? Di ba, Azine?" Hinila ko si Luna papalapit sa akin at niyakap siya. Wala akong magawa kundi ang damayan lang siya ngayon. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Umiyak lang siya nang umiyak sa balikat ko.

LUNA'S POV

MARINDUQUE PROVINCE, ST. PETER CHAPEL.

Hindi ako makapaniwala hanggang sa makatayo na ako dito sa may pinto ng chapel at matanaw ko ang picture ni lola Cora na nakalagay sa tabi ng kabaong. Hindi pa rin tumitigil ang mata ko sa paglabas ng mga luha. Nauna na sa akin si Kuya at nilapitan niya kaagad si mama. Umiiyak din ito kaya nayakap siya ni Kuya Von. Iniwan sandali ni Kuya si mama at lumapit sa kabaong. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili at napaiyak na rin. Nakatingin lang sa amin ang mga taong nandito na umiiyak at nakikiisa sa amin. Maya-maya ako naman ang binalingan ni mama.  Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Pakiramdam ko anumang oras mawawalan na ako ng malay.

Nang makalapit ako sa kanila niyakap agad ako ni mama. Pinigilan ko muna ang humagulhol pero patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

"Wala na ang lola mo, Luna." Humahagulhol na sabi ni mama sa akin habang yakap ako. Kumawala din siya sa pagkakayakap sa akin. Hinayaan niya na muna ako na makalapit kay Lola. Nang makita ko si lola na nakahiga sa loob ng kabaong doon lang ako naniwala na wala na nga siya. Patay na nga si lola ngayon.

"L-Lola." Napahagulhol na ako ng iyak sa pagkakataong ito. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni mama.

"L-Lola," tawag ko sa kaniya na para bang maririnig ako.

"Iniwan niya na tayo, anak."

"Lola, gumising po kayo. Ako po 'to si Luna. Lola Cora!" Napahinto ako nang may liwanag akong nakita mula sa may bungad ng chapel.

"Apo." Napatingin ako doon.

"Lola." Maluwang akong nginitian ni lola. Nandoon lang siya nakatayo. Maaliwalas ang mukha niya at mukhang magaling na magaling sa kaniyang sakit.

"Luna, apo." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya na hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan nito.

"Lola Cora." Hinawakan ko si lola nang makalapit ako pero hindi ko siya mahawakan.

"Lola. Bakit?" Hinagilap ng paningin ko si Azine at nakita ko siya sa isang tabi. Wala siyang kibo at halatang awang awa sa akin. Binalingan ko ng tingin si lola.

"Hinintay lang kita na makauwi, apo. Ayokong umalis na hindi ko man lang kayo nakikita. Mabuti na lang at pinagbigyan ako nang mga grim reaper at dahil 'yon sa tulong ni Azine." Napatingin ulit ako kay Azine. Napangiti lang siya ng bahagya.

"Apo, kailangan ko ng umalis."

"Lola, ma-mami-miss po kita. Hinding-hindi po kita makakalimutan. Mahal na mahal kita, Lola."

"Lola." Napatingin ako kay kuya Von na nakalapit na pala sa amin. Diretso siyang nakatingin kay Lola na para bang nakikita niya ito.

"We will miss you, Lola Cora. Mahal na mahal ka naming lahat."

"Mahal na mahal ko rin kayo mga apo ko. Von, ikaw na ang bahala sa kapatid at mama mo. Huwag mo silang pababayaan, ijo."

"Umasa po kayo, Lola." Napatingin ako kay Kuya. Nakikita niya si Lola Cora. Hindi ko na muna pinansin 'yon.

"Kailangan ko na talagang umalis mga apo. Paalam!" Iniwanan niya kami ng isang matamis na ngiti.

"Lola." Nakita ko sina Sky at Cloud na siya palang susundo kay lola. Natanaw ko na lang sila na palayo at saka naglaho. Wala akong magawa kundi umiyak at tawagin siya. Nayakap na lang ako ni Kuya Von.

"Nakita mo siya, Kuya?" Napatango si Kuya.

"Ipinagkaloob na siguro ng Diyos na makita ko rin siya sa huling pagkakataon."

Pinaupo muna ako ni Kuya at pinakalma. Kinuha niya 'yong tubig na iniaabot sa kaniya no'ng inutusan niya kanina na kakilala namin at siya'ng nag-iintindi dito katuwang ni mama.

"Uminom ka muna, Luna." Uminom lang ako ng kunti at saka ibinalik kay kuya na ipinatong muna nito.

"Kumalma ka muna, huh? Hindi makakabuti sa'yo kung iiyak ka nang iiyak. Ang mabuti pa ihahatid na muna kita sa bahay para naman makapagpahinga ka." Napailing ako.

"Dito lang ako, Kuya. Kailangan ako ni lola dito."

"Luna, 'wag ng matigas ang ulo mo, okay? Nandito na kami ni mama kami na ang bahala dito. Magpahinga ka muna sa bahay dahil pagod ka rin sa byahe. Sandali lang." Nilapitan niya muna si mama na nag-aasikaso ng mga nakikiramay.

"Ma, iuuwi ko lang si Luna sa bahay babalik din ako kaagad."

"Sige, ingat kayo."

"Sige po." Nilapitan niya ako ulit at inalalayan palabas. Inihatid niya ako sa bahay hanggang sa kwarto ko. Tinulungan ako ni Kuya na makahiga sa kama.

"Kailangan ko ng bumalik sa chapel, Luna. Dito ka lang at magpahinga, okay? Babalikan kita mamaya." Napatango lang ako.

"Aalis na ako." Napatingin si Kuya sa malalagong bulaklak na nasa side table ko. Saglit lang at saka ako niyakap at umalis na rin. Mas lalo akong nakaramdam ng pangungulila. Parang biglang lumungkot ang buong bahay. Nakakabingi sa sobrang tahimik.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni Lola. Nilibot ko ito ng tingin. Napaiyak na naman ako. Nilapitan ko ang picture frame naming tatlo ni Lola at kuya na nakapatong sa side table niya. Naupo ako pasandal sa may pader habang yakap ang frame. Umiyak lang ako ng umiyak. Hinaplos ko ang nakatawang mukha ni lola sa frame. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari.

AZINE'S POV

Lumitaw lang ako sa kwarto nang hindi ko na marinig si Luna na umiiyak. Nakasandal siya sa pader habang yakap-yakap ang isang picture frame. Humihikbi pa siya habang natutulog. Sa sobrang pagod na ng katawan niya siguro. Kinuha ko ang frame na larawan pala nila ng lola at kuya niya. Ipinatong ko muna sa side table at saka binalikan si Luna. Kinarga ko siya at saka naglaho. Doon ko siya dinala sa kwarto niya. Maayos ko siyang inihiga sa kama at kinumutan. Naupo ako sa tabi niya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ni Luna. Napatingin ako sa malagong bulaklak na ibinigay ko kay Luna. Napalapit ako sa bulaklak. Inilagay ko ito malapit sa may uluhan ni Luna kasi makakatulong ito para gumaan ang loob niya.

"Matulog ka lang muna magiging maayos din ang lahat." Binantayan ko na lang si Luna.

Kanina ramdam ko ang sobrang kasiyahan ni Luna tapos ngayon sobrang kalungkutan naman. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya. Wala akong magawa kundi ang bantayan lang siya. Sana nga kay Luna na lang napunta ang magandang mangyayari na dulot nitong bulaklak. Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na si Luna.

_____________________________________________________

Hanggang dito na lang muna...☺️

Thanks for reaching 💙💙💙