LUNA'S POV
May dumaan naman kaagad na tricycle kaya sumakay na ako. Si Azine naman ay sumulpot sa tabi ko.
"Ano ba'ng klaseng sasakyan 'to? I'm not comfortable, feeling ko ngayon lang talaga ako nakasakay sa ganitong uri ng sasakyan." Napailing na lang ako.
"Malayo ba ang pupuntahan natin?" maya-maya'y tanong niya.
"Hindi naman," natatamad kong sagot.
Hindi na siya nagtanong pa at tumanaw na lang sa dinaraanan namin na parang ngayon lang niya nakita. Hindi nga kaya siya talaga tagarito? Naalala ko 'yong sinabi niya na sa ibang bansa siya nakatira pero hindi ko naman alam kung totoo 'yon kasi isang multo na ang nagsabi sa'kin. Si Azine.
Nang makarating ako sa bayan ay naghanap na agad ako ng mabibilhan ng flowerpot. Nag-ikot-ikot pa 'ko hanggang sa may nakita na akong isang tindahan at doo'y nagtingin-tingin na rin.
"Maganda ang isang 'to," suhestyon ni Azine.
Napatingin ako sa kaniya na tinuturo 'yong isang paso.
"Ayoko niyan," pagtanggi ko
Masyadong boring kasi ang tinutukoy niya at ayoko ng gano'n. Gusto ko' yong bagay na mapapangiti ako kapag nakita ko o kaya'y mapapagaan ang pakiramdam ko kapag panget ang mood ko.
"Eh, di ito na lang oh," turo niya sa isa pa.
"Hindi ko rin 'yan type," nangungunot-noo kong tanggi ulit.
"Ano ba'ng gusto mo?" naiirita niya ng tanong.
"Miss."
Napatingin ako sa isang ginang na nakalapit na pala sa'kin. Nasa kahapunan na ang gulang niya. Siya yata ang may-ari ng tindahan na 'to kung hindi ako nagkakamali.
"Naghahanap ka ba ng magandang plorera?"
"Opo manang. Mayro'n po ba kayo'ng pinakamaganda rito?"
"Halika, sumunod ka sa 'kin dito sa loob," anyaya niya.
Nauna na siya kaya sumunod na lang ako. Nang makarating kami sa may loob ay may kinuha kaagad siya sa may kaliitang aparador. Bago pa 'yon may nakita akong isang bata na nakatalikod sa'kin at nakapwesto sa may tapat ng kabinet. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay pamilyar pa rin sa 'kin ang suot nitong damit at pang-ibaba.
Humarap siya sa' kin at tama nga ako. "Ate Luna."
Siya nga. Nagulat din ako no'ng humarap ito. Siya nga 'yong bata sa school.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
Si Azine na ang nagtanong. Bago pa siya sumagot ay napukaw na ni manang ang atensyon namin nang may ilabas siyang isang nakakaakit na babasaging vase. Maganda ito kahit simple lang ang pagkakadisenyo.
"Napakaganda naman po niyan manang."
"Nagustuhan mo ba?"
"Opo."
"Heto."
Kinuha ko ito kay Manang. Maganda talaga 'to kumpara sa ibang mga flowerpot. Pinagmasdan ko ang vase. Sa harap nito ay may nakadesenyong mga ugat ng halaman pero hugis mag-ina ito na nakayakap sa isa' t isa.
Napakaganda nito!
"Pwede ho ba na ito na lang ang bilhin ko?"
"Kahit second hand lang 'yan?" tanong niya.
Napatango ako. "Okay lang po."
Kinuha niya sakin ang vase.
"Sige, pero ingatan mo lang 'to ha kasi napakahalaga ng vase na 'to sa mga dating may-ari."
Nagtaka ako sa sinabi ni manang.
"Kung mahalaga po pala sa kanila' 'yan, eh, bakit nila naisip ibenta?" Napabuntong hininga si Manang.
"Malungkot na pangyayari, ija.'Wag mo na lang itanong at baka pati ikaw ay mahawa pa sa kalungkutan."
Napatango na lang ako pero napapaisip pa rin.
Ano kayang kwento sa likod ng vase na ito? Nako-curious tuloy ako.
Lumabas na kami at ibinalot na ni Manang ang vase. Matapos makapagbayad ay umalis na rin kami sa tindahan na iyon. Hindi pa man nakakalayo ay hinarap ko na ang batang sumusunod sa akin kanina pa.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito, Linda?" tanong ko sa kaniya.
"Nagbabantay," tipid na sagot niya at maya-maya ay napangiti ng malawak.
"Bakit?"
"Masaya lang ako, Ate."
"Bakit nga? Magsaya ka kung binigyan ka ng second life ni God."
Napasimangot si Azine sa sinabi ko.
"Kasi-" naputol ang sasabihin niya nang may magbusina sa likod namin. Nilingon ko at isang kotse pala iyon. Hindi ko namalayang nasa may gitna pala kami ng kalsada pero hindi sa may highway, ah. Nagbaba ng bintana ang nasa loob at pagtingin ko ay si Arif Zamora ang nasilayan ko. Nagbusina ulit siya kaya napatabi na ako.
May attitude din siya, ah.
"Ano'ng ginagawa dito ng gagong 'yan?" sinamaan ko ng tingin si Azine sa mga pananalita niya.
"Sino siya?" usisa nitong bata.
Akala ko aalis na siya pero nag-park lang pala ito ng sasakyan sa tabi. Ilang saglit lang at nakalapit na pala ito sa akin.
"Hi!" nginitian ko siya ng bahagya.
"Hi, your face!" inis na sabi ni Azine.
"Hi!" naiilang ko'ng bati rin sa kaniya. "Taga-Gasan ka pala?" tanong ko.
Napatawa siya ng bahagya. "Hindi, taga-Boac ako."
"Ahh." tanging sambit ko.
"Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"
"Hindi ba halatang bayan 'to, syempre may bininili si Luna." inis na namang sabat ni Azine. Deadma.
"May binili lang ako. Ikaw?" balik tanong ko.
"Sinamahan ko lang 'yong kapatid ko kasi may hinahanap lang siya dito." napatango lang ako.
"Luna, let's go!" anas ni Azine. "Wala namang kwentang kausap 'yan eh." tiningnan ko ng bahagya si Azine saka ibinaling kay Arif.
Nginitian ko siya. "Sorry, ah, kailangan ko ng umalis kasi may gagawin pa pala ako." pagdadahilan ko.
"Gano'n ba? Sige."
"Sige." Tinalikuran ko na siya pero napalingon ulit nang tawagin ni Arif ang pangalan ko.
"Huh?"
"K-Kung gusto mo ihahatid na kita sa inyo. Saan ka ba nakatira?"
"WHAT? asik ni Azine.
"Hindi na malapit lang naman ang bahay ko eh. Salamat na lang, Arif. Alis na ako." Tinalikuran ko na siya ng tuluyan.
Nakahabol lang naman ng tingin si Arif sa papalayon si Luna.
Sumakay na ako ng tricycle papauwi sa bahay. Hindi ko na nakitang sumusunod sa akin 'yong dalawa.
Saan na sila nagpunta?
Madali naman ako'ng nakarating sa bahay. Binayaran ko lang ang driver at pumasok na rin sa loob. Nabungaran ko si lola sa terrace na nakaupo sa kaniyang paboritong bangko. Naiidlip pala siya. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Saka ako pumanhik sa loob.
"Baka pabalik na rin 'yon, Langga." si mama. Nakaupo siya sa sofa at may ka-video call sa laptop. Alam ko'ng si Papa ang kausap niya. Napatingin sa may gawi ko si mama.
"Oh, narito na pala ang anak mo, 'ga, eh. Luna, gusto ka makausap ng papa mo."
Lumapit na lang ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Binaba ko muna ang nakabalot na vase na dala ko saka humarap sa laptop.
"Hi, papa," nagtatampo ko'ng bati dito.
"Oh, bakit nakasimangot ang dalaga ko? Nagtatampo ka ba kay papa?" Tiningnan ko si Mama.
"Sorry, 'nak, nabanggit ko na sa papa mo."
"Totoo ba'ng hindi ka makakauwi, papa? kompirma ko.
"'Yon na nga anak eh hindi muna makakauwi si papa diyan kasi hindi pa namin natatapos 'yong misyon dito sa Mindanao. Pasensya ka na muna anak, huh," paliwanag ni papa. Nagtatampo pa rin ako.
"Tapos hindi na naman po kayo makakauwi sa Christmas."
"'Yan ang paglalaanan ko ng oras. Uuwi si papa, okay?" napangiti ako.
"Are you sure, 'pa?"
"Yep."
"Aasahan ko po 'yan. Kumusta po pala kayo diyan?"
"Maayos naman dito. Kayo? Kumusta pag-aaral mo?"
"Ayos naman po nag-aaral ako'ng mabuti."
"Good. Kumusta naman may nanliligaw na ba sa dalaga namin?"
"Parang meron na, Langga," sabat ni mama.
"'Ma!" agad ko'ng saway sa pang-aasar niya. Natawa naman sila ni Papa.
"Wala pa ho ako'ng boyfriend."
"Kapag may naglakas ng loob na manligaw sa 'yo ipakilala mo kaagad sa amin, okay."
"Wala nga po." Nakaramdam ako ng hiya. Pinagtutulungan nila ako'ng dalawa.
"Mag-iingat ka, Papa diyan ah. Palagi kitang ipinagdarasal," seryoso ko'ng sabi.
"Salamat, anak, kaya naman love na love ka ni papa at mama eh. 'Wag ka na ring magtampo sa Kuya Von mo alam mo namang busy 'yon parati."
"Opo."
"Sige na. Ikaw na bahala sa mama at Lola mo diyan, huh. Nasaan nga pala si Nanay?"
"Nasa terrace po naiidlip." ako na ang sumagot.
"Mamaya ko na lang siya kakausapin. Mag-iingat kayo diyan, huh? Love you, Luna."
"Love you, Papa. I miss you so much. Mag-iingat dun po kayo, huh."
"Oo. I miss you, too. Miss ko na kayo ng mama mo."
Kunting usap pa at nagpaalam na rin ako sa kanila. Si Lola naman ang kinausap ni Papa kaya umakyat na ako sa kwarto.
AZINE'S POV
Napatayo ako no'ng may magbukas ng pinto.
Si Luna. Nagulat siya nang makita ako sa loob ng kwarto niya.
Parang ang saya niya naman yata? Halata eh.
Ngunot noo. "Ano'ng ginagawa mo dito?" asik niya. Sinusubukan niyang magalit pero hindi pa rin maitago ang saya sa mukha niya.
Ano kaya'ng nangyari? Dahil kaya kay Arif? Tsk!
"Kanina pa ako naghihintay dito, bakit ang tagal mo?" nag-iinis-inisan ko'ng tanong, nakasigaw.
"Sinabi ko ba'ng maghintay ka?" pasigaw niya ring balik sa akin.
Sakit sa tenga ng boses niya. Naupo ulit ako sa kama niya.
Tinanggal niya ang bag na suot at naupo sa bangko sa harap ng study table niya. Ngingiti-ngiti niyang tinanggal sa balot ang binili niyang vase at sandaling pinagmasdan. Napangiti na naman siya.
Baliw!
Ipinatong niya muna sa lamesa ang vase. Napatayo na ako at nilapitan siya. Napayukod ako malapit sa mukha niya kaya napatingin siya sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo?" mahina ng tanong niya, nawala ang ngiti sa labi.
"Bakit ka nakangiti? Dahil ba kay Arif Zamora?" Itinulak niya ako.
"Baliw!" singhal niya. Naupo na lang ako ulit.
Kinuha niya ang mug na nilagyan niya ng bulaklak kanina at inilapit sa kaniyang harapan. Napangiti na naman siya.
"Wait..." kausap niya sa sarili niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto.
"Ay, Ate Flor nandyan ka po pala." dinig ko'ng kausap niya sa sinuman nasa labas. Hindi ko na narinig ang pag-uusap nila maliban sa narinig ko'ng 'lupa'.
Lupa? Ano'ng gagawin niya sa lupa? Lalagyan niya 'tong vase? Weird.
May kaliitan lang naman kasi ito'ng vase na nabili niya. Sakto lang para umangat at bulaklak na ibinigay ko. Napangiti ako.
Inaalagaan niya nga, ah. Good.
Napatingin ako sa biglang lumitaw na multo. Si bulinggit.
"Hi, Kuya Azine," bati niya sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" angil ko. Tinarayan ko siya.
"Ang sungit naman. Tsk!" Naupo din siya sa tabi ko. Asar 'tong bata'ng ito.
"Si Ate Luna nasa'n?" Pinalibutan niya ng tingin ang kwarto ni Luna.
Close ba kami? Makatanong. Tsk!
"Lumabas," natatamad ko'ng sagot. Tumayo si Linda at naupo sa kinauupuan ni Luna kanina. Pinagmasdan niya ang vase muna saka ang bulaklak na ibinigay ko kay Luna. Tiningnan niya ako.
"Bakit?"
"Bigay mo kay Ate Luna?"
Napangiti ako. "Oo. Maganda ba?"
"Pwede na." Napasimangot ako.
"Pwede na? Magical kaya 'yan," asik ko.
"Alam ko multo din kaya ako. Alam ko kung saan 'to galing. Maganda."
Napangiti ako. Good.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Sinusundan ko si Ate Luna. Bakit, gusto mo ikaw lang?"
Antipatikang bata. Tsk.
"Alis ka na nga dito."
"Ayoko nga." Napatingin kami sa pintuan. Nagpalipat-lipat ng tingin si Luna sa aming dalawa. May dala siyang lalagyan na may lamang lupa.
"Hi, Ate Luna."
"Nandito kayo'ng pareho."
Hindi ba halata, Luna? Tsk.
Bumalik si Linda sa may tabi ko at naupo rin. Si Luna naman ay ipinatong muna ang dala sa mesa at saka naupo. Itinuon niya ang atensyon sa naiwang ginagawa.
"Lalagyan mo ng lupa 'yang vase?" takang tanong ko.
"Oo. Bakit may angal?" sagot niya na hindi manlang ako tinitingnan. Busy siya.
Weird talaga. Nilalagyan ba naman ng lupa ang babasaging vase? Pasalamat siya magical 'yang bulaklak na bigay ko kaya mabubuhay 'yon kahit saan.
Ilang sandali pa at mabilis niyang natapos ang ginagawa. Napangiti na naman si Luna. Pinagmasdan ko lang siya.
"Huy!" Napatingin ako sa bulinggit na katabi ko.
"What?" inis na tanong ko.
"Makangiti ka naman diyan."
"Nakangiti ba ako?" Napatango ito.
Nakangiti pala ako? Hindi ko napansin.
"Ano ngayon, eh, di ngumiti ka din. Pasaway!"
"Pati ba naman bata pinapatulan mo?" Napatingin kami kay Luna.
"Ito kasi eh." Nagpa-cute lang ang bata. Tsk.
Hinarap ni Luna si Linda. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Hmm... gusto kitang pasalamatan, Ate Luna." Nangunot ang noo namin ni Luna.
"Para sa'n?"
"Kasi ikaw ang nakabili niyan." Napatingin kami ni Luna sa tinuro niyang vase.
"Kayo ba ang may-ari nito?" Napatango siya.
Kaya naman pala nandito siya.
"Binabantayan mo?" tanong ko.
"Hindi ba halata Kuya Azine?" Sinimangutan ko siya.
Ayst! Nagtanong pa ako. Pareho sila ni Luna'ng asungot.
"'Wag ka'ng mag-alala iingatan ko 'tong mabuti."
"Salamat, Ate Luna." Nagkangitian na lang sila.
Umalis na pala si Linda. Si Luna naman ay malamang nasa ibaba. Naiwan ako dito sa kwarto niya. Kadarating ko lang ulit dito kasi galing ako kay na Max pero wala siya sa bahay nila. Hindi ko alam kung nasaan siya.
Naisip ko'ng bumaba na lang para sundan si Luna nang biglang tumunog ang cellphone niya'ng nakapatong sa bedside table. Napatayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan ang phone niya.
"Hindi naka-register ang number? Sino naman kaya 'to?"
Naglaho agad ako at sumulpot sa harap ni Luna. Narito siya sa salas nila kasama ang lola ay mama niya.
Napatingin siya sa 'kin. "May tumatawag sa phone mo." Tiningnan niya ang mga kaharap.
"Taas lang po ako, 'ma," paalam niya.
Nagmamadali na siyang umakyat sa kwarto. Kinuha niya ang tumutunog na cellphone at sandaling pinagmasdan saka sinagot.
"Hello?" nangunot ang noo niya.
"Hello?" ulit niya.
Hindi yata siya sinagot kaya binabaan niya na ng tawag.
"Sino 'yon? Hindi ka kinausap?" Napailing siya.
"Sino kaya 'yon?" nagtataka rin niyang tanong.
"Napagtripan ka lang siguro."
"Siguro nga." Halata pa rin na nagtataka siya. Tiningnan niya ako.
"Ano pa ang ginagawa mo dito?"
"Wala."
"Kung ako sa 'yo pupuntahan ko na lang si Maxine kasi baka may iba ng bumabakod do'n."
"Loyal sa 'kin si Max, okay?" singhal ko sa kaniya. Nakalapit na siya sa pintuan.
"Sana nga," pang-aasar niya. Saka niya sinaraduhan ang pinto.
Lakas niyang mang-asar. Lumusot ako sa pinto at sinundan siya.
"Huy!" Hindi siya huminto at patuloy na naglakad sa hagdan.
"Kahit kailan hinding-hindi ako ipagpapalit ng girlfriend ko, okey." Napahinto siya at nilingon ako.
"Paano ka nakakasiguro?"
"Dahil alam ko. Kilala ko siya." Napatawa siya. Naiinis na ako.
"Okay." Tinalikuran niya ako at naglakad uli pero inunahan ko siya.
"Bakit mo naman naisip na ipagpapalit ako ni Max, huh?" seryoso ko'ng tanong.
"Kasi maganda si Max, sexy, mayaman, mabait, sikat at talented pa nga yata."
"So?"
"Kaya hindi imposibleng may magkagusto sa kaniya sa campus at sa labas. Wala ka ba'ng balak na ipaalam sa kaniya ang tungkol sa'yo?"
"Ikaw nga 'yong may ayaw, di ba?"
"Ako?"
"Oo. Kasi nga sabi mo dati baka hindi ka maintindihan ni Max at baka akalain niya pa'ng nababaliw ka." Napamaang siya. Naalala yata 'yong sinabi niya dati.
"Gusto mo na ba?" Ako naman ang napaisip. Nagdadalawang isip na ako ngayon.
Ano kaya'ng magiging reaksyon ni Max kapag nalaman niya na ang boyfriend niya ay isa na ngayong kaluluwa? Isang multo? Baka matakot siya. Baka layuan niya si Luna.
"Huy." Nabalik ang diwa ko dahil kay Luna.
"Natulala ka na diyan? Ano sasabihin ko na ba sa girlfriend mo?" Agad ako'ng napailing.
"'Wag na lang muna." Naglakad-lakad na siya pababa. Nakasunod naman ako.
"Bakit nagbago ang isip mo?" tanong niya.
"Basta."
"Takot ka 'no?"
"Hindi 'no. Bakit ako matatakot?"
"Na-feel ko lang."
"Mali ang feeling mo."
"Talaga lang ah." Huminto ulit siya at tiningnan ako.
"Don't worry hindi naman kita pababayaan eh. Tutulungan kita kay Max kahit pasaway ka."
Pasaway? Na-touch ako.
"Kaso..." bitin niya.
"Ano?"
"Masasaktan mo si Maxine sa huli."
"Hindi ko siya kayang saktan."
"Just in one way."
"In what way?" Nagpatuloy na naman siya sa paglalakad. Hindi na niya ako sinagot.
"Huy! Luna, ano nga?"
"Kapag umalis ka na malamang," sagot niya na hindi ako nililingon. Napahinto ako. Natigilan.
Tama si Luna. Kapag umalis ako masasaktan ko si Maxine. Mas lalong hindi niya dapat malaman na nag-i-exist ako.
Pero napaisip ako.
Iiyak din kaya si Luna kapag umalis ako?