webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · 一般的
レビュー数が足りません
133 Chs

Chapter 43

Chapter 43: Parusa

Ayradel's Side

Buong araw kong inisip  ang sinabi ni Papa.

Langya..... Ang ibig sabihin pala ng Saranghae ay I Love you?!

Napatakip ako ng unan sa mukha at naalala lahat ng pagkakataong sinabi niya sa akin yon at sinabi ko iyon sa kanya!

AAAAHHHHHHH!!!!

Pakiramdam ko sunog na ang pisngi ko sa sobrang init!!!

Buong weekend rin akong hindi kinibo ni Mama. Pinaghahandaan niya lang ako ng pagkain, pagkatapos, hindi niya na ako lilingunin. Mabuti na lang at nandiyan si Papa para pagaanin ang mga oras.

''Alis na po ako. Papa...''

Tumango lang si Papa nang bineso ko siya. Napaling ang tingin ko kay Mama na ngayo'y tahimik na naga-almusal.

''Ma...'' sambit ko. Hinayaan niyang halikan ko ang pisngi niya pero hindi niya ako inimik. Pinagpatuloy niya lang muli ang pagkain. Parang muli na namang nagbadya ang iyak ko dahil doon.

Masiyado kasing mahina ang puso ko pagdating kay Mama. All my life, I'm studying hard para hindi madisappoint ang mga magulang ko, and this is the first time na nagalit si Mama ng ganito.

Buong gabi rin akong umiyak dahil don.

''S-sige po.'' Sambit ko.

''Ingat, ate.'' sagot naman ni Papa kaya ngumiti ako.

Pahakbang na ako palabas ng pinto nang makaramdam ako ng pagka-ihi. Mabuti na lang, hindi pa ako nakakalayo! Dali dali akong tumakbo papuntang CR namin.

Habang nasa CR ako, ay bigla akong may naalala.

''Tawagan mo ako kapag pupunta kang CR."

Agad ko ring iniling-iling ang ulo ko. Aish, ano ba naman, Ayra! Malamang joke lang 'yon! Bakit ko ba naisip 'yon? Kainis!

Nagpaalam na ulit ako kina Mama at Papa upang bumyahe na papuntang school.

Sa gate pa lang, pagkababa ko ng tricycle, ay naramdaman ko na ang mga pares ng mata na nakatingin sa akin. Dapat sanay na ako, pero hindi pa rin pala. Ayoko pa rin sa mga atensyon. Sobrang ironic dahil mahilig akong sumali sa mga Academic Contests.

Pinili kong dumaan sa Science Garden-- short cut papuntang building namin. Walang masiyadong estudyanteng dumadaan dito bukod sa mga 6th year. Bukod kasi sa malilim, hindi rin sementado ang dadaanan. Madalas ay nagpuputik o di naman kaya e, basa ang mga maliliit na damo.

Pero tuwing tag-araw naman ay okay lang.

Hindi ko alam kung bakit bawat tingin ko sa mga bermuda grass, si Richard ang nakikita ko. I smiled, nang maalala ko 'yong pagtakbo namin sa ilalim ng ulan.

Iyon din ang unang beses kong maligo sa ulan nang hindi iniisip na magagalit si Mama. Nagkalagnat ako at nagkasipon dahil doon, pero that was worth it. I consider it as my best moment here in Tirona High.

Naalala ko rin 'yong pangalawang beses na nakita ko siya. Sinaway ko siya dahil pipitas siya ng rose, ni hindi ko agad narealize na siya pala 'yong lalaking pinatid ko. Siya pala si Richard Lee, ang nag-iisang anak ni Alfred Lee.

''Parang baliw lang,'' tumatawang sambit ko sa aking sarili habang sinisipa ang maliliit na bato sa mga dinaraanan ko.

I heave a sigh, saka nag-angat ng tingin.

Tanaw ko na ang exit ng Science Garden, nang bigla akong mapahinto sa paglalakad. Natanaw ko rin mula sa kinatatayuan ko ang isang matipunong lalaki na akmang pipitas ng rose.

Sumimangot ako, at bahagya ring natawa.

Sinadya niya ba 'to?

Ganyang-ganyan din ang itsura niya pero hindi lang siya naka-shades ngayon. Kahit nga siguro mag-shades siya ngayon e, makikilala at makikilala ko ang Lee-ntik na yan.

"Bawal pong pumitas ng rose," sabi ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya. "Nakalagay na nga sa signboard oh."

Ngumisi siya at inilagay ang kamay sa likuran na para bang pag-aari niya itong eskwelahan. Wala pa rin siyang pagbabago.

''Eh bakit, sino ka ba?"

Humakbang siya palapit sa akin kaya pakiramdam ko nabato ang dalawang binti ko. Bigla akong ginapangan ng kuryente lalo na n'ong nakalapit na siya sa harapan ko. Halos kalahating yarda na lang ang pagitan. Deretso lang din ang tingin namin sa isa't isa.

''Ako ang... naka-assign na mangalaga sa Garden na 'to,'' sagot ko. ''Alam mo bang pwede kitang isumbong sa Principal anytime?''

''Ahhh. At ikaw rin 'yong namatid sa akin nung first day ko? Alam mo bang ngayon... wala ka nang kawala?''

Tumawa ako sa mga pinagsasabi naming dalawa. Para lang kaming mga 'BAICHI'. Inuulit 'yong nangyari sa nakaraan.

''Wala si kuya Maximo dito, hindi mo siya matatawag.''

''Hindi ko talaga siya tatawagin," aniya saka tumawa. "Para hindi ka na tumakbo palayo.''

Ngumiti siya samantalang uminit naman ang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin, saka patagong ngumiti.

Bakit ka ba ganyan kabait sa akin ngayon? Hindi ko alam pero sobrang mababaliw na ako sa mga paru-paro ko sa tiyan!

"You cried..." sambit niya. Hindi isang tanong iyon kundi isang pangungusap na parang siguradong-sigurado siya.

Tumalbog ang puso ko dahil don. Masiyado bang halata? Paano niya nalamang umiyak ako buong gabi?

"Hindi naman.'' Sagot ko.

"Bakit namamaga ang mata mo kung hindi?" Sabi niya naman na nagpatawa sa akin. Katunog niya kasi si Mama kapag nanenermon. "Kung iiyak ka, yung konti lang. Huwag masyadong marami kasi pumapangit ka lalo."

Sumimangot ako at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.

"Kapal mo. Maka-panget ka diyan. Tch, tabi nga!" Hahakbang na sana ako palayo nang bigla niya na namang higitin ang braso ko.

"Bakit ba kasi hindi mo ako tinawagan n'ong weekends?"

Umawang ang bibig ko at ilang sandali pa bago makapagreact.

"S-seryoso ka ba d'on?"

"Aish! Mukha ba akong hindi seryoso? Baichi ka talaga."

"Eh bakit hindi ikaw ang tumawag? Ikaw ang may load diyan." Bulong ko.

"Ano?"

"Wala."

"G-galit ka pa ba sa akin?" humaba ang nguso niya at parang bata akong tinignan.

"Hindi na. Bakit naman ako magagalit?"

"Y-yung kay Jayvee..."

Hindi ako nakasagot. Simula n'ong nangyari yun ay hindi ko na siya ulit nakita.

"Halika na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa direksyon papuntang gate.

"Huy, hindi diyan ang papuntang room."

"Alam ko," aniya. "Papunta tayo sa parusa mo."

...