webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · 一般的
レビュー数が足りません
133 Chs

Chapter 43 (2)

Chapter 43.2: FREEDOM

Ayradel's Side

"Lee University." Sambit lang ni Richard saka nakangiting sinusulyapan ang daanan sa labas.

Wala na akong nagawa kundi ang magpahila mula Tirona, hanggang sasakyan, at hanggang makapunta nga kami dito ngayon.

''Anong meron dito?'' Sambit ko habang hinihila niya na naman ako sa kung saan. Hindi siya nagsalita, hanggang sa muli ko na namang nakita ang puro asul nilang buildings.

Mahaba ang catwalk na nilakaran namin bago iyon matanaw.

''Freedom,'' suddenly, out of the blue, sinabi niya. Namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa Freedom Park nila. Nilibot ko ito ng tingin, at sa pinakasulok ay nakita ko ang mga pamilyar na taong nakatalikod mula sa amin.

"Besty?" Mas lalong lumilinaw habang papalapit kami. "...at Suho."

Bakit sila nandito?

Tumakbo ako palapit upang tawagin sila, ngunit agad ding natigilan nang makita ko rin na kasama nila sina Santi... 'yong lalaking nagbigay sa akin ng jacket. Si Karl, 'yong nangidnap sa akin, at isa pang lalaking kasama noon ni Santi nang puntahan niya si Ella sa Tirona High. May headphone siya at nakatutok sa cellphone. Sa harapan nila ay sina Nathalie, Jully, Jecel, Zhien, at iba pang mga babaeng pamilyar. Natatandaan ko pa 'yong iba na nagpanggap na Media at nang-interview sa akin.

What is happening?

Ni hindi ko man lang napansin o narealize na magkakakilala pala sina Richard at Santi. Napakaliit talaga ng mundo.

''RJ!'' Hinila pa ako palapit sa kanila ni Richard nang tawagin siya nila Karl. Agad na napatingin sa pagdating namin sina Besty, at iba pang mga babae. Napayuko ako sa sobrang kahihiyan... kay besty at pati na rin sa iba.

"Ano nang nangyari?" Tanong ni Richard. Ngumisi si Karl, samantalang nagtama naman ang mga mata namin ni Santi. Walang emosyon ang mukha niya't inirapan lang ako.

Parang laging may problema ang isang 'to. Nilipat ko na lang ang tingin kay besty na ngayo'y nakahalukipkip ngunit nakatalikod sa akin. Nginitian naman ako ni Suho.

"Wala pa rin, pre. Wala namang umaamin."

"Tch. Sila na ba iyon lahat?"

"Yup," sagot ni Karl saka tumingin sa akin. "By the way, Ra. You okay--"

"Ra your ass."

"Can you stop calling her Ra?!"

Nagkatitigan sina Richard at Santi na sabay pang nag-react sa sinabi ni Karl. Natigilan kaming lahat, at ang halakhak ni Karl ang bumasag dito.

"Woah, dude!" Hinampas niya ang balikat ni Santi na umiwas ng tingin at nagpamulsa. "Easy, man. Easy. Hahahaha! Bakita parang galit ka rin?"

Sinulyapan ko naman si Richard na kunot na kunot ang noo habang kay Santi nakatingin.

"TSS." aniya. Nahuli niya ang titig ko ngunit inirapan lang din niya ako.

''ANO MGA BABAE? Nandito na sina Ayra!" Kumalabog ang dibdib ko sa ginawang pagsigaw ni besty. Nakalimutan ko nang nandito pala sina Jully sa harapan namin. "Wala pa rin bang aamin sa inyo, HA?!''

Tungkol ba ito sa nangyaring aksidente sa akin?

Nahuli ko ang masamang titig na ipinupukol ni Jully sa akin, ngunit agad ding naputol iyon sa pagsasalita ni Jecel.

''Bakit ba napakakulit niyo? Sinabi nang hindi kami!'' sagot ni Jecel.

''Me too,'' napalingon kami kay Nathalie na nagflip ng buhok. ''Like, why would I do that?! And like, why am I even here?! I don't have time, so I think I should go.'' Naglakad siya paalis.

"Sige. GO! Pero hindi ka na makakabalik pa sa school na 'to, o kahit pa sa ibang school."

Tumigil sa paglalakad si Nathalie at sa isang iglap ay nasa harapan namin siya muli.

"Like hell! I said that wasn't me! I never do that to her!" tinuro niya ako kaya napaatras ako sa gulat. Naramdaman ko ang marahang haplos ni Richard sa bewang ko.

"Really, huh?"

Humalakhak si besty na siyang nagpatiklop sa mga babae. Parang siya 'yong Luisa noong una ko siyang makilala... maldita, walang kinatatakutan, away kung away.

Ginapangan ng kaba ang dibdib ko nang maisip na baka mahuli kami ng mga teachers o profs sa ginagawa namin ngayon. O kung mayroon mang gulong mabuo.

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman-- matuwa dahil nagmamalasakit sila sa akin, at gusto nilang malaman kung sino ang gumawa n'on... O malulungkot dahil makakapagdulot pa ito ng gulo ngayon?

''Honey, kalma-'' pinalis ni besty ang kamay ni Suho, at muling dinuro sina Nathalie.

''I'll give you one last chance,'' aniya. ''SINO. ANG NAGBAGSAK NG PASO KAY AYRA!''

''BAKIT BA AYAW MONG MANIWALANG HINDI KAMI-''

Napapikit ako sa paglagapak ng pisngi ni Jecel. Maging sina Suho, Santi, Karl, ay hindi na umimik. Naramdaman ko muli ang kuryente nang maramdaman ang kamay ni Richard sa waist ko.

"LIAR!" sigaw pabalik ni besty.

Umalingawngaw sa katahimikan ang hikbi ni Jecel.

''Para 'yan sa pambubully niyo kay Ayra sa tuwing wala ako o kami. Pasalamat ka't yan lang ang ginawa ko. Kung hindi lang ako pinipigilan ni Ayra baka kung ano ang magawa ko at pinaluhod ko na kayo ngayo--''

''Luhod.''

Natigil ang lahat nang magsalita si Richard sa likuran ko. Malamig at ma-autoridad. Maging ako ay natigilan. Pinagmasdan namin kung paano siya maglakad papunta sa harapan ko, na para bang pinoprotektahan niya ako laban sa lahat.

''I want you all... to kneel infront of us, and say sorry to her.'' He said. Nalaglag ang panga ko.

"Hey, h-hindi na kailangan..." bulong ko sa likuran niya ngunit hindi niya ako nilingon.

''What the hell, that's too much, Richy!'' May babaeng nagsalita mula sa likuran nila Nathalie. ''I thought you like me? Why are you doing this to me?!''

''What are you talking about, Carmie? That's me!''

''No! Ako ang girlfriend ni Richy!''

Umingay na dahil sa pagsasalita nila, ngunit natigilan silang lahat nang muling sumagot si Richard.

''Isang babae lang ang minahal ko at wala sa inyo 'yon,'' Aniya na nagpatigil sa lahat. Narinig ko ang pagngisi ni Santi. Nilingon ko siya, at doon lamang muling bumalik sa normal ang mukha niya. ''Now, kung ayaw niyong mapahirapan...''

''Richard,'' bulong ko muli sa kanyang likuran sa kabila ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. ''You don't have to-''

''Kneel.'' Ma-autoridad ang kanyang boses na siyang nagpa-luhod sa mga babae sa harapan namin. Napapikit ako at napakagat sa labi, lalo na n'ong marinig ko na ang pagsambit nilang lahat ng sorry.

Humigpit ang hawak ko sa tagiliran ni Richard.

''Woah, kung ako kasi sa inyo, hindi ko gagalawin ang mga gusto ng isang Richard Lee,'' singit ni Karl habang ngumingisi sa isang tabi.

Tumikhim si Santi, ''I already warned them 'bout this.''

''Richard, please stop this,'' hindi ko na kinayang tignan sila kaya hinila ko na ang braso ni Richard, but he's too strong para mahila ko.

"No." Matigas na sambit niya.

''Ano ba?! Makinig ka nga!"

''NO!" Nagitla ako sa pagtaas ng boses niya. "You. Will. Listen to me!'' Siya na ngayon ang nakahawak sa mga kamay ko. Tinitigan kong mabuti ang mga mata niyang hindi ko mabakasan ng kung ano... Bago siya humarap ulit kina Jully. ''From now on, you will not hurt her. Kung hindi, ako ang makakalaban niyo!''

Saka niya ako hinila palayo kina besty, at papunta sa kung saan. Walang masiyadong estudyante sa paligid, ngunit ang iilan ay talagang napapatingin sa amin. Pero wala akong ibang inintindi kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

Nakarating kami sa liblib na bahagi ng school. Sa may bandang may ilog, may railings, at may mga puno. Binitawan niya ako at nanatili lang siyang nakatalikod.

"Bakit mo ginawa 'yon?!"

Hinarap niya ako nang kunot ang noo.

"Bakit?" He said, umawang ang bibig ko. "I don't get you! Hindi mo ba nakita yung sarili mo n'ung nasa clinic ka at may sugat sa ulo? Akala mo biro 'yon?! I did this for you pero bakit mas iniisip mo pa sila?!"

"Hindi mo naman kailangang gawin e! Okay naman ako diba?!"

Kailangan niya ring itigil ang ganito dahil iba ang dating sa akin! Naiinis ako! Naiinis ako dahil tingin ko ay espesyal ako sa kanya na alam kong mali!

"Pwes ako hindi ako okay!" sigaw niya pabalik. "Bakit, Ayra?! Ikaw ba yung natakot n'ong akala ko napano ka na? Ha?!"

"E ano bang pakialam mo sa akin?! Katawan ko 'to! Ako yung naaksidente pero bakit ba mas apektado ka pa?!"

"Eh mahal kita e! Okay!?"

Nalaglag ang panga ko sa huling mga salitang narinig ko. Frustrated na napasabunot siya sa buhok niya, pagkatapos ay tumalikod sa akin para i-hinahon ang sarili.

Napalunok ako at hindi pa gaanong madissolve ang mga narinig ko.

"Kailangan ko pa bang sabihin sa 'yon yun para malaman mo kung bakit ko yun ginagawa?!" simula niya. "Hindi mo ba talaga naramdaman?! T4ngina simula nung tumabi ako sa'yo, hindi mo talaga nahalata? Pati mga pagpapapansin ko hindi mo nahalatang gusto kita?! Ganyan ka ba kamanhid!"

Hindi ulit ako nakasagot.

"Pinigilan ko naman e." humarap na siya sa akin pero umiwas ulit ng tingin. "Kasi alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan! Na si Jayvee ang gusto mo. Pero wala e!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at titigan sa mata.

"Naintindihan mo na ba?! Mahal kita!"