webnovel

I Love You and Goodbye [Tagalog]

May pag-asa pa bang manumbalik ang isang pagmamahalan na biglang natapos at nawala? The photo used as the book cover of this story was from Alec Douglas on Unsplash.

Eshart · 現実
レビュー数が足りません
1 Chs

I Love You and Goodbye

I Love You and Goodbye

© 2019 Errorr. All rights reserved.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

"Miss, nandito na po tayo." saad nang driver ng taxi na kasalukuyang lulan niya. Tumingin siya sa labas at agad na bumati sa kanyang paningin ang isang coffee shop. Napapalibutan ito ng mga salamin kaya naman kitang-kita na nagliliwanag ang buong lugar dahil sa mga nagniningning na ilaw sa loob at labas nito. Kahit tapos na ang Valentine's Day, mapapansin na dinudumog pa din ito ng mga magkasintahan upang ipagdiwang ang espesyal na okasyon para sa mga tao na umiibig.

Naalala niya kung paano nagsimula sa wala ang shop hanggang sa unti-unti itong lumago at nakilala dahil sa mga masasarap na inumin at pagkain. Paborito din itong puntahan ng mga magkasintahan dahil maaliwalas, tahimik, at komportable ang buong lugar. Napangiti siya, sadyang kay bilis ng panahon. Masaya siya makita na katulad pa din ito ng dati.

"May problema po ba?" tanong nang driver. Bahagya siyang napapitlag sa kanyang upuan at mabilis na umiling. Nawala sa isip niya na kailangan niya nang magbayad at bumaba ng sasakyan. Inabot niya ang lukot na isangdaan piso mula sa kanyang wallet at binuksan ang pinto. Isang pamilyar na pakiramdam ang rumehistro sa kanyang buong katawan ngunit kailangan niya na labanan ito. Huminga siya ng malalim at nagsimula na siya lumakad, pagpasok niya sa loob ay mabilis siya na tumungo sa dulong mesa malapit sa exit door ng cafe. Sumulyap siya sa kanyang orasan, masyado pang maaga.

Sa unang tingin ay aakalain mo na antique shop ang pinasok niya dahil sa makaluma na disenyo nito. Kulay tsokolate ang mga bawat pader na binibigyang buhay ng malamlam na ilaw at mga paintings na nakasabit. Ang mga lamesa at upuan ay gawa sa kawayan na pinapalamutian ng munting plorera ng bulaklak. Sa kabilang banda naman ay isang cork board ang nakasabit, makikita doon ang iba't-ibang larawan ng mga magkasintahan na naging customer ng coffee shop sa loob ng ilang taon. Ang iba sa mga ito ay kilala niya dahil ang ilan dito ay naging kabigan niya.

Ngunit isang pamilyar na mukha ng lalaki ang pumukaw sa atensyon niya. Nakatawa ito at makikita sa makisig na mukha nito ang labis na tuwa. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang pinagmamasdang mabuti ang mukha nito. Sana, ito pa din ang ngiti na sasalubong sa kanya sa oras na magkita sila.

Narinig niya ang isa sa mga staff na itinuro ang puwesto niya. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi man siya humarap ay kilala ng kanyang puso kung sino ang tao na ito. Sabi nga nila, maaring makalimot ang isip ngunit hindi ang puso. Pumikit siya ng mariin at sandaling humugot nang lakas ng loob mula sa baon niya na pag-asa bago humarap sa tao na dahilan kung bakit siya nandito ngayon.

Tumambad sa harap niya ang guwapong mukha ng isang lalaki, ngunit wala nang bakas ng saya sa mga mata o labi nito. Ang tanging nakikita niya lang ngayon ay galit at umaapaw na kalungkutan. Gusto niyang yakapin ito upang pawiin ang lungkot pero alam niya sa sarili na wala siyang karapatan para gawin iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" basag nito sa kanyang katahimikan.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang."

"Busy ako ngayon," malamig na turan nito at saka siya tinalikuran.

"R-Rick--" hinawakan niya ang kamay nito upang pigilan ang binata ngunit mabilis nitong pinalis ang kamay niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Claire. Matagal nang tapos ang lahat sa'tin dalawa kaya makakaalis ka na."

Pakiramdam niya ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon. Bakit ba niya inisip na magiging madali lang ang lahat pagkatapos ng ginawa niya? Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga, isa ito sa mga bunga ng desisyon niya na kailangan niyang tanggapin. Hinabol niya ito palabas ng cafe at inunahan ito na makarating sa sasakyan nito. Hindi niya hahayaan na mauwi sa wala ang lahat. Kahit mahirap, susubukan niya.

"Sandali lang, please, mag-usap tayong dalawa," pakiusap niya dito.

Tumawa si Rick ng may halong panunuya na agad napalitan ng magkahalong galit at panunumbat. "Pagkatapos ng ginawa mo, sa tingin mo ganoon lang kadali 'yon? Umalis ka ng walang malinaw na paliwanag, Claire!" ramdam niya ang labis na sakit sa tinig nito.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa'tin, Claire! Sa nakalipas na dalawang taon, araw-araw, palagi kong iniisip kung sa'n ako nagkulang, sa'n ako nagkamali!"

"Wala kang kasala--"

"Pero bakit mo ako iniwan?! Bakit, Claire?!" tuluyan ng binasag ang boses nito ng kinikimkim na poot at sakit sa nakalipas na isang taon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang mga mata nito na ngayon ay lumuluha ng dahil sa kanya.

"Alam ko na 'di ko na maibabalik ang nakaraan para itama ang mga nagawa ko sa'yo pero gusto kong malaman mo na nagsisisi. Nandito ako para humingi ng tawad, sa'yo dahil alam kong nasaktan kita. Sana, mapatawad mo ako, Rick."

Tuluyan na itong sumakay ng sasakyan at mabilis na pinaharururot ito palayo. Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina pa pilit kumakawala sa kanyang mga mata. Ipaliwanag man niya ang kanyang mga dahilan ay wala ng saysay pa dahil huli na ang lahat para sa kanila.

Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone, mabilis niyang pinahid ang mga luha at kinalma ang sarili bago sagutin ang tawag.

"H-hello?"

"My god, Claire! Finally! Kanina pa ako nagte-text sa'yo. Are you okay?"

"Ayos lang ako, Tanya. Don't worry, pauwi na din naman ako," paninigurado niya sa kaibigan.

"What happened? Nag-usap ba kayo ni Rick? Sinabi mo ba sa kanya na--"

"That I'm dying?" napailing siya at muling napaluha. "No, 'di ko nasabi sa kanya. Siguro, sapat ng nakahingi ako ng tawad kay Jacob. Baka hanggang dito na lang talaga di'ba?"

"Pero mahal mo pa din siya di'ba?"

"Oo naman. 'Di naman nawala iyon kahit kailan."

"Then why did you pushed him away?"

Bakit nga ba? Simula ng malaman niya na may sakit siya at wala ng pag-asa pang gumaling, pinili niya na iwan ang lalaking mahal niya. Mas gugustuhin niya na ang mamuhay sa pangungulila at sakit kaysa saktan ang taong mahal niya Parehong masakit na desisyon ang pagpipilian niya pero mas pinili gawin ang desisyon na sa tingin niya ay magliligtas sa kanyang minamahal mula sa mas matinding pasakit sa oras na lumisan siya.

Pinagmasdan niya ang mga gamot na sumisilip mula sa kanyang bag at pinahid ang luha. "Dahil iyon lang ang tanging paraan na alam ko para hindi na siya masaktan pa. Gusto ko na ipagpatuloy niya ang mabuhay at maging masaya kahit hindi na ako ang nasa tabi niya."

Alam niya na tapos na ang kanilang kwento. Silang dalawa ngayon ay nasa huling pahina ng kanilang libro na magkasama nilang sinulat at binuo noon. Ang kaibahan nga lang, maari pa muling dugtungan ni Rick ang kuwento niya at sumulat ulit ng libro kasama ang panibagong babae na mamahalin at aalagaan niya. Habang siya, maaring ito na din ang huling bahagi ng kuwento niya dahil bilang na ang mga pahina ng kanyang buhay.

Hello everyone! I wrote this story way back in February, but I decided to post it here. This was inspired by Adele's song entitled "Hello". I hope you like it!

Eshartcreators' thoughts