webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · 都市
レビュー数が足りません
129 Chs

KONTRABIDA

Naalimpungatan si Yen nang marinig ang langitngit ng pinto. Kinusot kusot ang kanyang mata at sinilip ang oras sa cellphone niyang malapit nang malobat.

6:20 am

Liningon niya ang pinto at nawala ang antok niya nang makita ang ama ni Jason na may kasamang dalagita.

" g-good morning po." bahagyang nautal si Yen nang batiin niya ito.

" good morning. andito ka pala? "

" ah... tinawagan po kase ako ng clinic nila. Hindi ko po alam ang contacts ninyo kaya po napatakbo po ako dito kagabi." sagot niya dito.

" ah ganun ba? salamat ha?" wika nito.

" kasama ko si Andrea. Tinuro nito ang kasamang dalagita.

"Pinsan ni Jason. Siya na ang magbabantay sa anak ko. Pwede ka nang umuwi at magpahinga iha. Mamaya lang ay darating din si Trixie para alagaan siya." wika nito.

May parang karayom na tumusok sa puso ni Yen. Sa sinabi nito ay talagang parang tahasan siya nitong itinataboy.

Trixie? Ang sabi ni Jason ay may kinakasama na ito? Parang may mali.

Bahagyang napanga-nga si Yen sa tinuran ng ama nito. Inabutan siya nito ng kape

" magkape ka muna iha para di ka makatulog sa jeep." sabi nito.

Hindi na umapila si Yen. Nilingon niya si Jason na mahimbing pa rin ang tulog.

" ah hindi na ho. Aalis na po ako at hahabol po ako para makapasok sa trabaho." inayos niya ang sarili at nagmamadali na siyang lumabas ng kwartong iyon.

Hindi na niya nagawang magpaalam kay Jason. Hindi niya naman pwede na hintayin pa na magising ito. Sa tono ng kanyang ama ay tila tinataboy na siya. Hindi naman siya manhid para hindi niya iyon mahalata.

Bakit ba palaging ganon?

Sa tuwinang makakasilip siya ng pag-asa ay agad ding binabawi sa kanya? Saglit siyang sasaya pagkatapos ay madidismaya sa huli. Nakakapagod pala magmahal. Nakakapagod pala maghintay. Nakakapagod ang umasa nang umasa at mabigo nang paulit-ulit.

Unti-unti ay pumatak ang luha niya.

Hindi niya alam kung para saan iyon, dahil ba kaybTrixie o dahil sa matabang na trato ng ama ni Jason sa kanya o dahil pagod na siya at wala pang maayos na tulog. Napailing siya at inayos ang sarili bago tapakan ang selinyador ng kotse niya.

Pagdating sa bahay ay agad na sinalubong siya ni Manang Doray. Ipinagbukas siya nito ng gate. Ipinaghanda ng almusal. Sabay silang kumain at pagkatapos ay umakyat muli si Yen sa kanyang silid.

Naligo at nagpalit ng pantulog at pasalampak na humiga sa kanyang kama. Nakatingin sa kisame, at hinihintay na dalawin ng antok.

Nagising si Jason na may kamay na pumipisil sa kanyang mga palad. Inakala niyang si Yen iyon kaya hinigpitan niya ang hawak dito. Pagdilat niya ay nagulantang siya nang makita si Trixie na may malapad na ngiti.

Biglang sumama ang kanyang mukha at binitawan niya ang kamay nito. Inikot ni Jason ang kanyang paningin. Ngunit hindi na niya nakita ang kanyang hinahanap.

" nasaan si Yen?" kunot noong tanong ni Jason.

" sino si Yen ako ito babe." yumakap naman sa kanya si Trixie.

Parang sumulak naman ang dugo ni Jason sa ginawa nito. Bahagya niya itong itinulak at sinamaan ng tingin.

" nagugutom ka ba? gusto mo kumain? subuan ba kita??" sunod sunod ang tanong ni Trixie habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Tinapik niya ang kamay nito.

" pwede ba? lumayo ka saken?! "

Natigilan naman si Trixie ngunit sandali lamang ito. Muli itong ngumiti. Talagang suplado si Jason. Marahil ay bagong gising ito at masama ang pakiramdam kaya wala sa mood.

" Andrea...pakuha naman ng cellphone ko." tuon ni Jason sa kanyang dalagitang pinsan.

Tumalima naman ito at inabot sa kanya ang cellphone niya.

Hinanap ni Jason ang number ni Yen. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Nag-aalala siya dahil baka kung ano nanaman ang ginawa ni Trixie dito. Nakatingin lamang sa kanya si Trixie. Tahimik siyang pinapanood. Si Andrea naman ay nanatiling nakaupo lamang.

Dinial niya ang number ni Yen. Laking pasalamat niya nang mag ring ito.

Papikit na si Yen nang maramdaman ang pagvibrate ng kanyang cellphone. Inabot niya ito at sinagot nang hindi man lang tiningnan kung sino ang caller.

" hello. " matamlay ang kanyang tinig. Wala siya mood.

" nakaalis ka na pala. hindi mo ko ginising." naulinigan niya si Jason.

" ahh... kase tulog na tulog ka pa kanina. Kailangan ko na umalis kase may pasok pa ako kaya umalis ako pagdating ng papa mo."

" ahh...thank you ah."

" wala yon." pilit na pinasigla ni Yen ang tinig.

" baka mamaya o bukas lumabas na ako. saan ka na ba ngayon? wala ka na don kila Madam Lucille ee"

" ah oo. limipat na ako sa bahay ko. "

" may bahay ka na pala. di ako nainform."

" ahh haha tagal na. gusto mo pag galing mo pasyal ka para makita mo."

" saan ba? "

Malinaw na sinabi ni Yen ang address ng bahay niya. Paraan para kung sakali ay alam na ni Jason king saan siya pupuntahan. Hindi siya basta susuko nang hindi lumalaban. Alam niya na mahal siya ni Jason at sapat na yon para patuloy na panghawakan angkung ano mang meron sila.

" ah... hehe cge."

" balitaan mo ako kung makakalabas ka ngayon baka magdrop by ako after work."

" babe, wag ka munang magtelebabad kailangan mo pang magpagaling."

Narinig ni Yen ang isang malanding tinig sa kabilang linya. Pagkatapos ay naputol na ito at nong tingnan niya ay nadrain na pala ang battery niya.

Natigilan naman siya nang maalala ang babaeng sumabat sa usapan nila. Marahil ay si Trixie na nga ito. Pakiramdam niya ay sumulak ang kanyang dugo. Nakadama siya ng inis nang maalala ang tagpo kanina bago sa umalis sa ospital. Palagay niya ay hindi siya gusto ng ama ni Jason para sa kanya. Pero bakit??

Dahil wala siyang makapal na make up at hindi siya chick? Hay, baka nagha-halucinate lang siya. Ayaw niya nang mag isip. Ayaw niya pag aksayahan ng oras ang mga taong kontrabida sa kanyang buhay pag-ibig. Ang sa kanya ay hindi pa siya pwedeng bumitaw. Dahil ang laban niya ay hindi pa naman nag uumpisa. Sa ngayon, ang nais niya nalang ay matulog at magpahinga.