webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · 都市
レビュー数が足りません
129 Chs

Ang Katotohanan.

Madaling araw bumiyahe si Jason patungong bicol. Buo ang loob niyang makikita niya doon ang kanyang mag-ina. Mabilis siyang pinayagan ng ama na mag leave muna. Kaya naman malaya niyang nagawang umalis kaagad. Isa pa nandoon naman si Joseph mag asikaso ng business.

Mahaba ang binayahe ni Jason halos dose oras soya sa kalsada. Dalawang beses lang siya huminto para magpahinga. Inabot siya ng maghapon sa daan.

Pagdating sa lugar ni Yen ay sinalubong siya ng mga tao sa nayon. Maalab ang pagsalubong sa kanya dahil kilala siya bilang asawa ni Yen na ginagalang doon. May isang binata pa na nag magandang loob para samahan siya patungo sa bahay nina Berto.

Napangiti siya sa laki ng pinagbago ng bahay na iyon. Noong unang punta niya ay under construction iyon subalit ngayon ay pulido na at talaga namang napaka ganda. Ang hula niya ay Yen din mismo ang nagdesenyo noon. Pero nagkamali siya. Dahil si Berto ang gumawa at magdesenyo niyon.

Si Berto ay hindi lang magsasaka. Batikan din itong karpentero ng lugar. Ang bawat establisyimento sa nayong iyon ay halos si Berto lahat ang gumawa. Napakasipag ni Berto. Anupa't kitang kita naman sa katawan nito na banat ito sa trabaho. Kaya naman kahit medyo may edad na ay malakas pa rin ito.

Hindi nagulat si Berto sa kanyang pagdating. Inaasahan na nito na bigla siyang susulpot doon. Matapos niyang malaman ang hindi pagkaka unawaan nito at ni Yen-yen.

Mainit pa rin ang pagtanggap ni Berto sa hilaw na manugang. Kagaya ng ipinangako kay Miguel. Talagang tinanggap niya ito bilang isa sa kanyang mga anak. Gayunpaman ay bigo si Jason na maabutan doon ang kanyang mag ina. Maging si Berto ay walang ideya kung saan ito nagpunta. Ang huling tawag nito sa kanila ay mag iisang buwan na.Iyon yung naibalita ni Yen na may hindi lang sila pagkakaunawaan. Subalit wala itong nabanggit na lalayo o pupunta sa kung saan. Kaya naman bahagya din itong nag alala nang malaman na hindi pa rin ito kasama ng asawa.

Bagamat bigo sa pakay si Jason ay pinili nalang niyang manatili doon ng ilang araw. Mabuti din yon sa kanya para naman maibsan ang kanyang lungkot. Ang ideyang kasama niya ang pamilya ni Yen ay bahagyang nagpapawi ng kanyang alalahanin. Dahil sa mainit na pagtanggap ni Berto sa kanya ay nakasilip din siya ng pag asa na baka sakaling matanggap pa rin siya ni Yen.

Sumama si Jason kau Berto sa bukid para bisitahin ang mga pananim. Maraming itinuro sa kanya si Berto nong araw na iyon isa na doon ang pagtatanim ng bagong binhi. Mataas na ang araw ay nakababad pa rin sila sa putikan. Ramdam na ni Jason ang hapdi ng init ng araw sa kanyang katawan. Nananakit na ang kanyang leeg at likod sa kakayuko, subalit si Berto ay tila hindi pa rin natitinag at tuloy tuloy pa rin sa pagtutusok ng palay na binhi sa putikan. Napakabilis nito. Kita na niya ang distansiya nito sa kanya. Ilang pilapil na ang nalagpasan nito samantalang siya ay hindi pa nga nakakalayo.

Saktong alas dyes ng umaga nang sumigaw si Criselda. May dala dala itong basket at galon. Inaya siya ni Berto para sumilong sa ilalim ng isang malaking puno. Doon inilatag ni Berto ang sapin na para paglatagan ng kanilang pagkain. Tila sila nagpi-picnic at napangiti si Jason sa simpleng buhay na iyon. Naisip niya pag sila ay tumanda, nais niya na doon na lamang manirahan.

Iniwan sila ni Criselda pagkatapos nilang kanin ang kanilang pagkain. Dinala na nito ang kanilang pinagkainan. Habang namamahinga ay tahimik si Jason na nagmamasaid sa iminikilos ng hilaw na byanan. Maya-maya ay nagsalita ito.

" natural sa mag asawa ang hindi nagkakaintindihan. Nagkakaubusan ng pasensiya at minsan ay dumadating sa punto na maiisip mong hindi ka na masaya, ayaw mo na. Subalit sadyang ganon ang buhay. Mga tao tayo at may damdamin. Habang tumatagal ang inyong pagsasama ay marami kang matutuklasan sa kapareha mo at sa iyong sarili."

Mataman lang nakinig si Jason sa sinasabi ni Berto. Hindi siya sumagot at bahagya lang tumango. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita.

" Tatlumpong taon na ang nakalipas ay nangyari ang halos katulad ng inyong dinaranas ngayon. Nawalay si Yen sa kanyang ama dahil sa kaduwagan at kawalan ng disposisyon ng kanyang ama. "

Kumunot ang noo ni Jason. Hindi niya naunawaan ang narinig na sinabi ni Berto.

" dahil din sa babaeng magaling magmanipula kaya mawalan si Yen ng ama. "

Lalong naguluhan si Jason sa narinig. Ngunit hindi pa rin siya nagsalita.

" iniwan ni Criselda ang ama ni Yen dahil hindi nito magawang pangatawanan ang kanyang pagiging ama. Hindi nito maipagtapat sa kanyang mga magulang na may anak na siya. Nabuntis ni Rico si Criselda noong nag aaral palang sila. At itinago ito ni Rico kahit na sa kanyang malalapit na kaibigan. Walang nakaka-alam."

Namilog ang mata ni Jason.

" si Tito Rico ang ama ni Yen? "

" oo... si Rico na duwag. Nagtalo sila ni Criselda dahil hindi nito magawang ipakilala silang mag ina sa magulang ni Rico. Halos isang taon silang itinago nito sa condo nito. Bagamat hindi sila nagkukulang sa pinansiyal na pangangailangan ay kulang naman sila ng pag aaruga mula kay Rico. Madalas itong wala dahil nag aaral pa ito at nagtatrabaho naman sa gabi. Nakulangan sila ng kalinga. Hindi naibigay ni Rico ang pagmamahal na kailangan nilang mag ina. Noong gabing nagtalo sila, imbes pakinggan ni Rico ang himutok ni Criselda ay umalis ito at nagtungo sa isang bar kung saan naroroon si Sylvia. Si Sylvia na patay na patay kay Rico at handang gawin ang lahat mapaibig lamang ito. Noong gabing iyon ay sinamantala ni Sylvia ang kalasingan ni Rico. Dinala niya ito sa bahay niya at doon ay gumawa siya ng bagay na pag sisisihan ni Rico habang buhay."

Bahagyang tumigil si Berto at saglit siyang nilingon. At muli itong nagpatuloy

" Hindi alam ni Rico na nakasunod sa kanya ang kanyang mag ina. Nasundan siya nito hanggang doon sa bahay ni Sylvia. Naabutan ni Criselda ang dalawa habang wala itong mga saplot sa katawan. Inakala ni Criselda na totoong may nangyari kina Rico at Sylvia. Inisip niya na baka dahil dito kaya hindi sila magawang ipakilala ni Rico sa pamilya niya. Ginatungan pa ni Sylvia si Criselda at sinabi niyang nakatakda na silang ikasal. Sa sobrang sama ng loob ni Criselda ay lumayas ito at doon kame nag tagpo. "

Napanganga si Jason sa kwento ni Berto.

" Hindi ikaw ang tatay ni Yen? "

Umiling si Berto at muling nagsalita.

" Hindi ako pero inako ko siya bilang akin. Ni wala pang binyag at hindi pa nakarehistro si Yen noon. Kaya apelyido ko ang dinadala ni Yen ngayon. Si Yen ay isang Villaflor. Hindi niya ito alam, pero naniniwala akong malalaman niya din ito balang araw. Matalino si Yen at batid ko na pumapasok na ito sa kanyang isipan. Bagamat hindi ko ipinaramdam sa kanya na hindi ako ang kanyang ama. Alam ko na naiisip niya yan."

Tama ito. Minsan ay nagawa siyang biruin ni Yen noon na tatay niya Rico. Pinaniwalaan niya ito at hindi niya nga halos nakita na hindi naman villaflor ang apelyidong nakalagay sa I.D na inabot nito sa kanya. Naniwala siya at sa dulo ng kwento ay tumawa ito at sabay sinabing joke lang iyon. Naaalala ni Jason iyon. Hindi naman mahirap paniwalaan dahil talagang espesyal ang pakikitungo ni Rico dito. Maging ang pag rescue nito kay Yen tuwinang malalagay ito sa alanganin. Ang Villaflor na ipinagkatiwala nito kay Yen mang ganun ganon lang. Kaya mismo si Yen ay naghihinala na baka si Rico ang tunay nitong ama.

Si Rico...

Bakit hindi niya naisip si Rico? Si Rico ang madalas puntahan ni Yen at pagsumbungan tuwing may problema ito. Tama. Si Rico nga ang dapat nuyang hanapin. Lalong lumaki ang pag asa ni Jason sa naisip. Kung nasaan si Rico ay hindi niya alam pero sigurado siya na malaki ang maitutulog sa kanya ng kanyang ama para mahanap ito.