webnovel

I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog)

Paano kung napakasalan mo ang isang patay na? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano niya ipapaliwanag sa kanya na isang pagkakamali lang ang kasal nila? Nang dahil sa pagkakamali ay nagbago ang lahat pati ang nilalaman ng puso niya.

genhyun09 · ファンタジー
レビュー数が足りません
23 Chs

05: Paraan

Gising na ako madilim parin ang paligid. Tinignan ko ang relo ko 8:45 am na pala pero madilim parin rito. Ibig sabihin isang araw nalang ang natitira at ikakasal na kami ni Jemea. Pero paano ko ipapaliwanag kay Feira ang lahat na hindi siya masasaktan? Ayoko rin naman na sirain yung pangarap niya na maikasal.

Tumayo na ako sa kabaong na hinigaan ko at lumabas. Umupo ako sa silya na nandito sa labas. Tinignan ko ang tanawan sa lugar niya, siya lang ang nag-iisa rito sa gubat na nakakatakot. Inangat ko ang aking paningin sa taas at tinignan ang maitim na langit, walang masyadong ilaw na sumisinag sa lugar nato. Malamig ang simoy ng hangin, maraming uwak na lumilipad at kakaibang ingay. Umaga na sa mundo ng mga buhay, base sa relo ko pero ang dilim parin rito.

Asan na kaya yung babaeng yun? Bakit wala siya dito.? Tss. Bahala siya.

May biglang lumipad na bagay at tumabi sa akin, itong uwak lang pala.

"Gising ka na pala. May pinuntahan lang si Feira"

"Hindi ako nagtatanong"

"Ang sungit mo rin no?"

"Ang pangit mo kasi na uwak" sabi ko ng bigla niya lang akong tinuka-tuka.

"Aray! Ang sakit! Tumigil ka na nga!" inis kong sabi sa kaniya at lumapid lang siya pataas para di ko maabot at tawa ng tawa.

"Nakakatawa ka"

"Nakakasuka ka namang ibon ka." Inis kong sabi at umupo ulit. Wala ako sa mood na makipaglaro o makipag-asaran. Iniisip ko kasi si Jemea.

"Hoy!

"Cedwarg Lance ang pangalan ko hindi HOY!"

"Hahaha. Gusto ko lang sanang sabihin na huwag mong saktan si Feira..."

"Dahil napakabuti niyang kaibigan. Masaya ako dahil natupad ang pangarap niya. Ngunit di maaalis sa isip ko na baka pagkakamali lang ang lahat."

"Tss!"

"Isa kang buhay Cedwarg, humihinga. Di katulad niya na patay na at naghihintay nalang na tawagin ng langit..."

"Matagal na siya rito, siguro dahil gusto niya na maranasan ang makasal, at tinupad mo iyon. Naging masaya siya lalo, pero hindi kayo pwede. Hindi naman sa tutol ako, buhay ka at dapat kang mamamatay para maging karapat-dapat kayo sa isat-isa."

"Hindi gagawin ni Ced yan" Singit ni Feira sa usapan.

"Hindi ko hahayaan na mamatay siya para lang sa akin." seryoso niyang sabi.

Ngayon ko lang siya nakita na ganiyan ka seryoso.

"Pero Fei--"

"Tama na Lucio. Hindi ko hahayaan na mapapahamak ang asawa ko."

"Feira, sa tingin mo kaya niya ang lugar na to? Kailangan niya ng pagkain, ng maiinom,at iba ang temperatura rito palaging maginaw. Alam mo ang mga sinasabi ko sayo dahil pumupunta-punta ako sa mundo ng mga buhay"

"Kaya nga na umalis ako dahil naghahanap ako ng paraan para maging pwede na kami na hindi niya kailangang mamatay o ipapahamak ang sarili niya."

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Pero hindi ko ma kayang tumahimik pa dahil ako ang paksa ng usapan nila. At nacu-curious rin ako sa paraan na sinasabi niya so I asked.

"Ano naman yun?" Tanong ko kay Feira at humarap siya sa akin at ngumiti.

"Malalaman mo rin asawa ko. Hindi ko hahayaan na mapaano ka rito. Alam ko naman na hindi ka pwede magtagal rito dahil hindi ka nararapat rito." Ngiting sabi niya at pumula pa ang pisngi niya.

Pinapapelan niya talaga ang pagiging asawa. Tss. Grabe! Naguguluhan na ako. Paano ko sasaktan ang damdamin niya? Eh masyado siyang mabait. Kahit patay pa sila may nararamdaman parin sila. I'm confuse right now. There's a part of myself, telling me that I shouldn't hurt her. She too good to be hurt.

But all of this was all a freaking mistake.

*********

Kanina pa kami lakad ng lakad na dalawa. Ni wala siyang sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. Basta pumasok lang kami sa isang malaking kweba at kanina pa kami lakad ng lakad sa loob nito. May mga ilaw sa gilid, may mga bungo na nakakalat sa kung saan.

Ipalalapa niya ba ako sa halimaw na nandito.? Hindi naman siguro.

"Feira?"

"Bakit Ced?"

"Anong ginagawa natin dito?"

"Diba sabi ko sayo hahanap tayo ng paraan? Tama si Lucio, hindi ka pwedeng magtagal dito"

"Anong paraan naman yan ah?"

"Kaya nga nandito tayo para itanong sa matandang kaluluwa na babaylan kung tawagin sa inyo, pero sa amin isa siyang makapangyarihan dahil marami siyang alam. Pwede din tayong magpahula. Hehehe" namumulang sabi niya.

"Talaga? Hmm. Ibig sabihin makakaalis na ako rito?"

"Oo at kasama ako"

"ANO!" Gulat kong tanong.

"Bakit Ced? Ayaw mo ba na kasama ako? Nandidiri ka ba sa akin dahil isang patay na ang asawa mo?" tanong niya.

Did I offend her? Kasi naman eh. Bakit pa kasi kailangan niyang samahan ako?. Oo na, hindi ako nandidiri, basta hindi ko alam. Para nga siyang buhay eh, kaso kalansay na yung kanang kamay at kaliwang paa niya at nag-iilaw na kulay asul.

"No. But you're dead now. You're dead. Can you afford to live there? L-Look at yourself."

"Talaga? Akala ko kasi nandidiri ka. Hehehe. Excited na akong makilala ang parents mo. Kung gusto, may paraan. Huwag kang mag-alala sa akin. Gagawin ko ang lahat para sayo." sayang sabi niya.

Nandito na kami sa sinasabi niyang lugar. Sa dulo pala ng kwebang pinasukan namin ay may malaking bato na nakaharang sa butas. May sinabi lang si Feira at may pinindot pindot sa bato at gumulong na to patagilid. Pumasok na kami. Napatingala ako sa taas ng mesa. Sa paligid ay may nga buto, mga libro sa gilid na nakaayos. May kandila din na lumulutang sa taas. Kita rin sa butas sa taas ng kweba ang bilog na buwan.

Ang ganda! What a nice view.

"Tanda! Nandito po ako, si Feira. Hihingi po sana ako ng tulong" sabi niya at parang may puting tela na lumulutang sa taas, at pababa ito. Nakatitig lang ako sa telang yun hanggang sa bumagsak ito sa harapan namin at naging babae, na ang kalahating mukha ay kalansay na, maputi ang buhok at ubod ng itim ang mata niya.

"Matanda ba yan? Eh ang bata pa nga at di-uugod ugod. Parang kaparehas mo lang eh" komento ko sa nilalang na nasa harapan namin ni Feira.

"Nakakatuwa ka naman. Anong maipaglilikod ko sayo Feira? " Tanong nito.

"Aaah! Alam ko na..."

"...hmm. tungkol sa lalaking to, isang buhay na dinala dito dahil nakatali na siya sayo, dahil sa mag-asawa kayong dalawa. Kailangan mo ng aking tulong sa suliranin na mayroon ka ngayon, Feira?"

Tumango si Feira bago nagsalita.

"Opo. Alam niyo na man na bawal yun diba? Pero alam mo rin na pangarap ko na to. Buhay si Ced, at hindi siya talaga pwede dito unless mamamatay siya. Hindi ko naman gusto yun" nakayuko niyang sabi sa babaeng yun. Nasa tabi niya lang ako, tahimik na nagmamasid at nakikinig sa kanilang dalawa.

Usapang babae yan. Di tayo kasali diyan. Bahala silang dalawa. Ang gusto ko ay makaalis na dahil kasal na namin ni Jemea bukas. Gusto ko na rin siyang makita at makasama. Ipapaliwanag ko nalang lahat kay Feira ang lahat pagnakalabas na ako rito sa mundong to.

Naglakad yung babae at pumunta sa mga libro niya at naghukay. Naghahanap siya na parang naghuhukay lang. Tumatalsik ng kung saan ang mga lumang aklat. Ilag lang kami ng ilag ni Feira upang hindi kami matamaan.

Ang galing lang. Ano namang hinahanap nito?

"Nahanap ko na!" Sabi niya sabay buklat sa libro. Napaubo naman kaming tatlo dahil sa alikabok.

Napa-upo si Feira dahil sa alikabok, ako naman ay agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang jacket.

"Pasensya na. Wala akong oras na maglinis. Nandito na ang paraan upang makabalik na siya sa taas, kasama ka Feira. Pero alam mo ba kung ano ang magiging dulot nito sayo? Labag ito sa nakakataas, Feira. Maaari kang hindi mapunta sa langit kung pupunta ka roon sa mga buhay."

"Hindi naman po ako tatagal don. Magpapakilala lang ako. Kahit isang araw lang o di kaya dalawa po. Paki-usap."

"O siyq, sige. Pagbibigyan na kita. Maghanda na kayo."

Masaya ako na may paraan upang makakabalik ako don. Hindi na ako makapaghihintay na makita si Jemea. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya dahil baka masama na ang loob non sa akin. Hindi ko pa naman kaya na magalit siya sa akin. Mahal na mahal ko kaya yun.

Pero ang lahat ng ginagawa ni Feira sa akin ay napakabuti, nakokonsensya ako. I don't know how she will handle herself the moment I tell to her the truth. I don't know what would be the effect of it for the both of us.

Bahala na.

Here's another chapter. Hope you like it. Comment your thoughts about it. Thank you so much.

genhyun09creators' thoughts