webnovel

Chapter 38

Nang makarating ako ay nagulat pa ako nang makasalubong ko si Xy. Ayun na naman ang mapupula nyang mata.

"Ate." Pabulong nito.

"What's wrong?" Umiling iling lamang ito at biglang may tumawag sa cellphone nito at nakita ko ang pangalan na iyon bago sya umalis at humingi nang tawad sakin.

Sinundan ko pa sya ng tingin at nakikita ko ang pagmamadali nya. Alam ko ang nangyayari at nararamdaman ko iyon kaya naman hindi ko na muna inisip iyon dahil may sari sarili rin kaming problema sana maging ayos sya.

Hindi mapakali tinitingnan nya ang bawat taong pumapasok nang coffeeshop. Nagka tanguan kami bago ako lumapit. Ako pa ang na late imbis na sya.

"I'm sorry too. Pero sana tigilan mo na ang pagkukumpara sa kanya at sa akin. Dahil hindi biro ang idudulot mong sakit sa puso ko." Pinigilan ko ang emosyon ko. "Alam kong hindi rin naging madali para sayo. Dahil nag iisa kang lumaban at natuwa ako dahil kahit huli mo nang na realize ang lahat ay lumaban ka pa rin at hindi sumuko. Ang sarap mong sampalin kung nandun lang ako sa tabi mo noon ay gagawin ko sayo yon para naman magising ka sa reyalidad. Alam kong marami tayong pinagdaraan kaya naman sa susunod na nagkaka problema ka ay nandito lang ako sa tabi mo at hindi ka iiwan." Panay ang hingi nya nang tawad matapos sabihin iyon. Tinanggap ko ang lahat nang sinabi nya ngunit ino onti unti ko para maging comportable ulit sa kanya. Natutuwa akong nilabanan nya ang pamilya nang Klaire na iyon.

"Hindi na muli ako aalis at hindi na ulit kita papakawalan. Bigyan mo lang ulit ako nang isang pagkakataon at hayaan mong bumawi ako sa'yo." Sambit nya at ramdam ko ang pagiging sincere nya kaya naman pinapatawad ko na sy Sa tuwa ay agad nya akong niyakap at niyaya na rin nya akong kumain nang hapunan.

Nag gala pa kami saglit at nag kwentuhan nang makita nya ako sa kanila ay gulat na gulat sya dahil kausap ko si Ate Yvonne at doon ako nag overnyt panandalian.

Natatawa na lang kami sa pag papanggap namin noon. Ngayon ay maayos na ang problema namin ay hindi ko na rin pinatagal at sinagot ko na sya. Mahirap ang walang label sa amin dahil hindi ka pwedeng mag reklamo pwera na lang kung nasasaktan kana talaga.

Matapos non ay hinatid nya na ako sa amin at sakto nalan nandun na sina mom and dad at humingi na rin sya ng tawad sa kanila. Nagka sundo na rin agad sina Kuya ngunit kay Veil ay para bang pilit lang pero ayos na rin iyon dahil hindi rin naman naging madali.

Nag usap kami na ihahatid nya ako kinabukasan upang makita ulit sina tita at miss ko na rin sina Irish wala na rin akong balita sa kanila.

Kumaway ako at sinabihang mag ingat sya bago ako halikan sa noo at umalis na.