Nasa gilid lamang ako at pinapanood sila. Gusto kong mapag isa. Nanlamig ang buong katawan ko nang tingnan ako ng malamig ni Scott.
Siguro nga ay plano nyang mahulog ako sa mga bitag nya. Well, alam kong masaya na sya ngayon. Because I'm not the girl who has a very kind and charm. I am not like her. I'm not her. At hinding hindi ako papayag na maging siya.
Mas ma appreciate ko pa kung yung totoong ako ang nakikita nila. Hindi ang ibang tao. Nahulog ako sa kanyang mga patibong. Para siyang bato. At ako naman ang papel. Kaunting basa lang nang papel ay pwede itong madurog kapag hindi mo iningatan.
Napaiwas na ako ng tingin at lumabas na lang ng hotel para magpahangin.
Masyadong maaliwalas ang lugar at napaka linis. Gumagaan ang pakiramdam ko habang tinatanaw ko ang magandang tanawin.
"Beautiful right?" Wika ni Xian at tumabi ito sa akin.
"Yeah."
"Parang ikaw." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa malayo. "Maganda."
Napangiti naman ako doon at niyakap siya na ikinagulat nya. "I will miss you." Bulong ko sa taenga niya
"What do you mean?" Litong wika nito.
Agad ko siyang niyakap at sinipa ang binti nya kasabay ang pag putok nang baril kung saan. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at tumingin sa akin ng nagtatanong kung paano ko iyon nalaman.
Hinila ko siya patayo at tumakbo upang makapag tago sa gilid.
Narinig ko ang ibang pag panic ng tao kasama ang mga magulang namin. Nasi siyenyasan kami nila Desiree at agad na silang nanakbo.
Nang makapasok kami sa loob ng hotel ni Xian ay binigay ko ito sa kambal nya.
"Pumasok na muna tayo sa kanya kanyang kwarto." Wika ko at sumunod naman sila.
Hindi ko iyon ginawa. Hinanap ko ang fire emergency at binasag iyon gamit ang kamao ko.
Pinindot ko na rin ang fire alarm na at automatikong nag sara ang pintuan nang hotel palabas pati ang mga kurtina ay nag sara.
Nang wala na akong narinig ay binuksan ko na ito.
"Isang ligaw na bala na tumama sa isang lalake. Masyadong malayo ang putok noon pero rinig pa rin natin."
Umuwi na rin kami agad sa iisang mansyon. At kami kaming anim kasama ang ibang lalaki na mag o overnight muna dito sa amin.
Lahat kami ay nakatunganga lamang at hindi magkanda uga uga sa nangyari kanina.
Naglibang kami at naglaro na lang ng kung ano ano. Gusto kong maiyak dahil naglalambingan ang ibang mag jowa dito. Nakaka bitter sila at parang gusto ko na lang silang sabihan na may kwarto naman para may privacy sila.
Ngunit hindi ko ginawa iyon. Dahil mahahalataang bitter na nga ako. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin siya. Isang araw pa lang na wala siya sa tabi ko ay gusto ko nang maiyak.
Lalong nananakit ang dibdib ko kapag punapasok siya sa isip ko. Hindi ko minsan maiwasang matulala at mawalan ng gana kumain at makipag usap. Masyado akong gulong gulo sa sitwasyon ko ngayon.
Kamusta na kaya siya? Ok lang kaya siya? Masaya na kaya sya sa mahal niyang si Klaire?
Ang hirap maging masaya. Lalo na kung ang taong minahal mo ng panandalian ay kasama na nang iba.