webnovel

Chapter 17

"Are you okay there?" Tanong ko sa kanya dahil sa pananahimik nya at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa beywang ko.

"I'm hungry." Bulong ito at ngumuso kaya naman natawa ako at namula dahil sa ka kyutan nya.

Kinurot ko ang chicks nya at syaka hinila papunta sa mga nakahilerang pagkain.

"Nicole!!" Sigaw ni Krisha at Irish kaya naman inilagay ko muna ang plato sa tabi bago yakapin sila.

"Kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila dahil lahat dito ay naka cocktail dress

"Eto naman, buhay pa." Irap ni Irene kasama ang boyfriend na si Israel.

Napa tango naman ako. Kinuha ko ang plato ni Scott at ako ang kumukuha nang pagkaing itinuturo nya.

Ibinigay ko iyon sa kanya at kumuha na rin ako ng iinumin nya. Ganito ako mag alaga, sa taong gusto ko. Ngunit hindi ako ang gusto. Pero ayos lang, basta't masaya siya ay kahit masakit. Magiging massya na rin ako para sa kanya..

Kanina pa talak ng talak si Irish at Krisha. Si Chloe naman ay tulala. Hindi ko rin aakalain darating sina mom at dad kaya napatalon ako sa tuwa nang makita nila ako at nagyakapan kami kasama ang tatlong kapatid ko.

"I miss you Mom and Dad." Ngising sambit ko sa dalawa.

"Bakit ka tumakas papunta dito?" Pagsusungit ni daddy kaya naman napanguso ako.

"I'm sorry." Sabay tingin sa sahig na parang bata.

Naghiwa hiwalay kami. Binati nila Mom and Dad sina Rea at Trevor. Kasama ang magulang nila ay nag kwentuhan ang mga ito.

Makalipas ang ilang oras ay hindi ko iniwanan si Scott at nasa tabi nya lang ako. Dumating ang kambal ng late na. Kasama si Naiser. Dumating din ang Pamilyang Melendes.

Nagyakapan kami ni Sean, Drake, Axel and Xyria at kaunting kamustahan bago sila nakihalubilo sa iba.

Hindi ko rin aakalain dumating si Desiree at ngumiti lang ito ng tipid ng makita ako. Sunod na dumating ay ang tropa ni kuya kasama sina Lexord at France.

Natapos kami sa pagkain at panay kwentuhan lamang. Nang makita kong nag uusap si Scott at Naiser ay nakipag usap na muna ako kay Desiree.

"Ano, kamusta?" Ngising sambit ko.

"Busy lang."

"Kaya pala ang tagal mong hindi nagpakita." Irap ko sa kanya na ikina simangot naman niya.

"Hindi lang sa ibang tao umiikot ang mundo ko. Nicole."

"Bakit kaya hindi ka magkaroon ng love-life?" Sabay lagok sa iniinom dahil may bottle of wine sa lamesa at marami iyon kaya hindi ko na kailangan tumayo pa.

"Not Interested." Matagal bago niya iyon sinagot. Well, trust issues nga naman.

"Hindi ko na kaya." Parang naiiyak si Chloe na ikinatahimik namin.

"Anong drama yan! Ha!" Sigang sambit ni Krisha

"Sometimes, he's sweet. Sometimes, cold.. I don't know." Sabay lagok ni Chloe sa basong hawak nya.

Kinomfort namin siya. Dahil umiiyak na ang babaita. Matapos noon ay uminom na lang kami ng uminom at nagpakalasing.

Umiikot na ang paningin ko at hindi ko aakalain makikisali sa inuman itong si Desiree. Ang nangyari? Ayan naka tulog na sa lamesa at nakapatong sa kaliwang kamay nya sa ulo.

Nasa kaliwa ko si Desiree at sa kanan ko naman si Scott. Patuloy pa rin ang pagdadaldalan nila kasama ang dalawang kambal.

Kinausap ko rin si Xyria kahit hindi ko medyo close. Mabait naman sya at hindi mo makikitaang maarte siya.

"Sorry, I have to go na." Nakipag beso siya sakin. At umalis na. Balak ko pa naman sanang ipakilala sa mga kapatid kong hindi ko alam kung nasaan na.