webnovel

HYEORAEK

What will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find out who they are? Seven men, along with four have women, different perspectives and identities. Will they be able to succeed in these catastrophes? "They're the real zombies, infected by a pestilential disease." -Erros

BernSooyah · SF
レビュー数が足りません
10 Chs

Chapter 09

Madilim at panay tulo lang ng tubig ang naririnig namin.

Mabuti na lang at may dala kaming flashlight sa bawat bag namin kung hindi ay malamang magkakapaan kami rito dahil sa dilim at halos wala nang makita.

It's creeping me out everytime na may dadaan bigla sa harapan namin na malalaking daga. Muntik pa ngang magtatatalon sa takot si Xavier at Ali, pero nakontrol naman nila ito kahit papaano.

Wala ulit mababakas na mga zombie's sa paligid, at ito ang mas ikinakatakot ko dahil baka nasa paligid lang pala sila at naghihintay ng tyempo na sugurin kami.

Here we go again, Alice. Being paranoid as always.

"Kung dederitso tayo. Nandoon ang mga armas na tinatago ng mga police." Itinuro ni Drew ang madilim na pasilyo sa harapan namin.

"Sa kaliwa mula rito makikita naman ang lumang pinto na office ng Chief nila. Nandoon ang mapa ng Pilipinas ay-este- mapa ng Marikina," he continued.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at nagkasundo na maghiwahiwalay para mas mapadali ang plano.

"Xavier, Matt and You. Kayo na ang maghanap ng mga armas. Kami naman ng kapatid ko ang bahala sa pagkuha ng mapa kasama itong isang ito! Maliwanag ba?" desisyon ni kuya.

Sumang-ayon ang tatlo. At nakakapanibago ang pagiging tahimik ngayon ni Ali. Masama lang ang pinupukol niyang tingin kay Drew at hindi na ngayon kay kuya.

"Kami ng bahala. Expert kami dyan. Magkita na lang tayo ulit rito, Pre and Alice babe, mag-iingat kayo," pagpapaalam ni Xavier.

Hindi na tinuonan pa ng pansin ni kuya ang pagtawag sa 'kin ni Xavier ng 'babe' nasanay na yata. Tumango ako sa kanilang tatlo, gusto ko pa sana silang i-incourage pero mukhang hindi na nila kailangan iyon.

"Kayo ring tatlo. Now move," ani kuya.

Nagtanguan pa kami ulit bago magkahiwa-hiwalay. Dumeritso na ang tatlo papuntang pasilyo habang kami naman ni kuya ay sinundan si Drew papasok sa kaliwang pintuan. Gumawa ito ng kaunting ingay, nangunguna si Drew sa pagpasok sa loob sumunod si kuya, saka ako.

Gamit ang flashlight namin ay agad naming nilibot ang buong office. Medyo maluwang ito pero sobrang kalat. Wala pang tatlong minuto ng paghahanap ay makita na namin ang maliit na mapa ng marikina, na nakadikit sa pader malapit sa sira-sirang bintana ng chief at agad iyong kinuha ni Drew sa pagkakadikit.

Lumapit kaming dalawa sa kanya. Nilahad ni kuya ang kamay niya kay Drew. Senyales na hinihingi niya ang mapa sa kamay ng lalaki.

Pero imbis na ibigay ito sa amin ay agad niya itong tinago sa likod niya dahilan para magalit si kuya.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo bata. Give that map to me," banta pa ni kuya. Ngumisi ng nakakaloko si Drew at mas nilapit pa ang mukha kay kuya. Mesa lang ang nagiging pagitan nila.

"Bago ko muna ibigay ito sa inyo, harapin niyo muna si Chief. Gutom na gutom na kasi siya kanina pa eh. Salamat nga pala sa info, ngayon alam ko na kung saan ako papunta," bulong niya kay kuya at tumawa pa siya ng malakas kasunod noon ang narinig kong mahinang ingay sa likod ko hanggang sa lumakas ito ng lumakas. Nilingon ko ito at napaawang ang labi dahil sa nakita.

"Hi Chief! Ito na ang hapunan mo, mainit init pa!" sabi nito at huli na ang lahat ng tatangkain na sana ni kuya na sugurin ang taksil pero nakatakas na ito at iniwang nakaawang ang pinto. Hinila ako ni kuya papunta sa likod niya habang paatras kami ng paatras.

"My hunch is right! He's a traitor, f*ck! AC ilag!" he shouted.

Sabay kaming gumulong ni kuya papunta sa gilid ng tangkain kaming hawakan ng Chief ng station na zombie na ngayon.

Doble ang laki nito samin. Mahigit na 10 inches ang taas nito kay kuya kaya halos mabali ang leeg namin katitingala sa kanya. Nanlilisik ang mga mata at tumutulo ang laway na parang gutom na gutom habang nakatingin sa amin at parang kami lang ang makakawala noon. Nagmistula siyang wrestler sa laki ng muscle niya, malaki rin ang tiyan niya na tumatalbog pa.

Sh*t!

Pero nagkaroon kami ng kalamangan sa hipe ng polisya dahil nakaka-kadena pala ito at ilang pulgada lang ang layo samin ni kuya. Ngunit abot-abot naman niya ang pinto kaya hindi kami makakatakas ng ganun-ganun lang kung hindi namin siya haharapin.

"I will fight him and while he's busy to me, you need to run and---" I cut quickly his words.

"Don't act like a hero, kuya. Kaya natin siyang patumbahin, kaya kung pwede tumayo ka na riyan at maghanap tayo ng armas!" putol ko sa sasabihin niya.

Kahit na nangangatog na 'yung mga tuhod ko at pinanghihinaan na ng loob ay gusto ko pa rin magmukhang malakas sa harap ni kuya. Ayokong maging mahina.

Not now..

Napangiti si kuya dahil sa sinabi ko. Mula sa pagkakatumba ay mabilis siyang tumayo at hinanda 'yung baseball bat niya na hawak pa rin pala niya hanggang ngayon. Ako nga pala ang walang armas.

Mabilis si kuya na nakalapit sa hipe at pinaghahampas niya ito ng baseball bat niya. Sa braso, tiyan o tuhod man nito. Umiiwas naman si kuya pag siya naman ang inaatake nito.

Subalit kahit anong hampas ni kuya ay wala itong epekto sa zombie. Nilingon ko ang pintuan at malayo-layo na rin ang distansya ng hipe roon, pero ayokong maging duwag at iwan lang si kuya na mag-isang lumalaban.

Habang nakasandal ako sa lamesa ng chief. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagala ito sa mesa at kung ano man ang mahawakan ko ay iyon naman ang ihahagis ko sa hipe, kahit papel na hindi man lang makaabot sa direksyon nito.

"Get out of here Alice, please!" utos sa 'kin ni kuya. Naramdaman niya rin siguro na wala kaming laban sa hipe na doble ang lakas kumpara samin.

Nangingilid na ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ang hina-hina ko habang si kuya puro galos na nga ang natamo ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagsugod sa hipe.

"I can't leave-" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay napatigil agad ako ng may mahawakan ako na malamig na bagay. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ito.

A gun...

"Erros, duck!" I shouted to him and quickly pointed the gun at the chief.

"What?" Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang hawak ko. Yumuko siya at agad nagtago.

Kinalabit ko ang gantilyo kasabay ng pagnganga ng nilalang. Umalingawngaw ang putok ng baril na hawak ko, at parang ritmo dahil kasunod naman nito ang malakas na impact ng pagbagsak ng hipe.

Natulala kami ni kuya ng ilang segundo. Pero agad akong natauhan ng kinuha bigla ni kuya ang baril na hawak ko kasabay ng paghila sa 'kin palabas ng pinto.

"Next time. I will never ever let you use gun ag--" he started to lecture me pero agad din kaming natigilan ng makita sa kanan namin ang traydor na si Drew, na nakahiga na sa sahig habang may nakadagan sa kanyang babaeng gwardia na sa sobrang ikli ng suot ay halos masilipan na siya.

"T-tulungan n-niyo.. a-ako.." he desperately asked our help despite of what he did to us.

Nagpalitan kami ng tingin ni kuya bago ibalik ang paningin sa lalaki na halatang hirap na hirap na sa kaiiwas sa bibig ng babaeng zombie na pilit siyang inaabot para kagatin. Gusto ko siyang pagtawanan dahil ang bilis lang ng karma sa kanya. Kanina ay kami ang nasa delikadong sitwasyon, ngayon ay siya naman.

Hindi na nakakagulat ang pagtulong ni kuya sa lalaki. Sinipa niya ang babae palayo sa lalaki and before the lady attacked us, he immediately pulled the trigger to it. Bulagta ito habang nakabukas pa rin ang mga mata at bibig.

Mukhang nasasanay na ako sa ingay ng baril, sa nakakadiring mukha ng mga zombie at pagiging brutal ng mga kasama ko. Wala na kaming pagpipilian pa. Kung hindi kami ang papatay sa kanila, sila naman ang uubos sa amin.

Mabilis na umatras ang lalaki palayo sa babae at natulala habang hinahabol ang hininga.

"Now, give that map to us, criminal. Hindi kasing haba ng baba mo ang pasensya ko," nagtitimpi ang boses ni kuya habang sinasabi iyon.

Pero na trauma na yata ang isa sa nangyare sa kanya at hindi na napansin ang pang-iinsulto ni kuya rito. Matunog na buntong hininga ang pinakawalan ni kuya at inabot ang kanang kamao niya kay Drew.

"Here, take my hand," mahinahon na ngayon si kuya habang nakaabang pa rin ang kamay niya sa lalaki. Hindi makapaniwala na nag-angat ng tingin si Drew at gulat na napatingin kay kuya.

Kahit naman ako hindi ko inaasahan na tutulungan pa rin niya ang lalaking naglagay sa amin sa delikadong sitwasyon. He lied to us and trap us inside that chief f*cking room!

I want to take a revenge. Pero alam kong wala ng magagawa pa ang paghihiganti ko dahil magiging katulad lang rin niya ako, and revenge is not a solution to this d*mn situation.

He take my kuya's hand and kuya pulled him up. Ilang segundo siyang natulala bago iabot sa amin ang ninakaw niya, ang mapa. Agad naman itong kinuha ni kuya, bumuka ang bibig ng lalaki.

"S-sala--"

Pero bago pa niya matuloy ang sasabihin ay nakarinig kami ng nakakabinging pagsabog kasunod ang mga putok ng baril at maingay na sapatos na tumatakbo papunta sa direksiyon namin. Agad naming nilingon ang likod ko habang patuloy pa rin naririnig ang mga ingay na iyon.

Ngayon ko lang naalala na may kasama pa pala kami. Si Xavier, Matt at-- what the?

Napakunot ang noo ko nang makitang mabilis na tumatakbo si Ali papunta sa amin. Dala-dala niya ang mga armas habang nakaagapay ang flashlight niyang hawak na kung saan-saan na napupunta ang liwanag.

Dumilim ulit ang sa likuran niya. May kung ano itong sinisigaw pero hindi ko maintindihan lalo na ang marinig dahil sa pagsabog na nagaganap. Malayo rin ang distansiya namin sa kanila.

Kasunod naman niya si Matt At si Xavier na tumatakbo rin. Halatang kanina pa sila tumatakbo. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtigil ni Xavier sa pagtakbo at pagharap sa likuran niya, saka hinagis bigla doon ang hawak niyang pabilog na bagay, a bomb.

Tapos nagpatuloy ulit sila sa pagtakbo at sumisigaw na naman.

"What the hell is he saying?"

takang tanong ni kuya sa likuran ko.

Mas lalo pang kumunot ang noo ko nang sumenyas na naman si Ali gamit ang kamay. At naiinis na ako dahil hindi ko siya maintindihan. Can they just stop throwing that bomb so that we can hear and understand each other?!

"Som...Bee?" narinig ko ang pagbulong ng isa pa naming kasama.

Nilingon ko si Drew na nakatingin na rin ngayon kay Ali habang nakakunot rin ang noo, at parang pilit na iniintindi ang sinisigaw ng lalaki...

Wait...

"Sombee...." I utter and when I realized what it means I immediately turn to Ali's side and pointed my flashlight to their back.

Sh*t!

"Zombie!" Ali shouted.

Ngayon ay malinaw ko nang naririnig ang sigaw ni Ali, at malinaw ko na rin nakikita ang batalyon na dami ng mga zombies na humahabol sa kanila. Mix of detainee and police!

"Ang.. dami nila...." bulong naman ngayon ni Drew.

Agad na pumuwesto si kuya sa harapan namin at isa-isang pinuntirya ng baril niya ang mga nilalang na nasa likuran ng tatlo.

"Go to the door and open it!"

Wala na kaming oras pa ni Drew na malaman kung sino ang inutusan ni kuya, dahil parehas na kaming nagpanic at mabilis na tumakbo papunta sa backdoor ng police station.

Mabilis akong nakalapit rito at hinawakan ang doorknob saka hinatak ito para mabuksan.

But I can't open it no matter how I tried! What the hell is happening to this door?!

Nilingon ko si kuya Erros na kasama na ngayon ang tatlo na busy na sa pagpapaputok sa mga gustong sumugod sa amin. Habang palapit ng palapit ang mga zombie ay pabawas naman ng pabawas ang bilang ng mga ito. Ginagamit na nila ngayon ang armas na nakuha nila. Nilingon ko muna si Drew na tulala na naman, bago ko sabihin ang napakalaking problema.

"I can't open the door."

nangangatal na sabi ko.

"What?!" sabay-sabay silang apat na sinigaw iyon.

Agad akong nakaramdam ng inis sa pagsigaw nila sa 'kin.

"Did you all just... yell at me?!" sigaw ko rin sa kanila. Pwede namang hindi sumigaw 'cause I'm starting to hate this situation right now.

Sino ba ang may gusto ng sitwasyong ito?!

Halatang nagulat sila sa pagsigaw ko pero agad ding nakarecover dahil mabilis na tumungo si kuya sa pinto at pilit itong binubuksan.

"Siguro hindi lang tama ang hatak niyo!" Xavier said na seryosong-seryoso na ngayon. Abala pa rin silang tatlo sa pagpapaputok. Ilang beses pa na sinubukan na buksan ni kuya ang pinto pero hindi talaga ito mabuksan.

"It's not opening! G*dd*mit it!" frustrated na sigaw ni kuya.

Habang ako ay pilit na hinihinahon ang sarili. Calm down Alice... may paraan pa... think!

"S--sira n-na ang.. ang p-pintong 'yan.."

"What?" Ngayon ay nakisali na rin ako sa pagsigaw dahil sa sinabi ni Drew.

"What do you mean huh? Nabuksan natin to kanina so why the hell it's damage?" galit kong tanong sa kanya.

I'm losing my temper now.

And my hope too.