webnovel

chapter 2

Let's escape

Matapos Ang mga araw Ng practice ay dumating na Rin Ang presentation day.

Pagtapak ko palang sa venue ay na bighani na ako sa ganda. Kung Sino man Ang nag design nito, I'm sure they placed a great deal of effort.

Matapos ma locate Ang aming station sa guide map ay dumeretso na ako upang makapagbihis sa aking costume.

Pagkalabas ko ay sakto na mang nakita ko si Zandra

"Zandie!" Tawag ko sa kanya

"Hey, Sigyn!" Lumapit siya sa kin at umakbay "Alam mo bang 5th performer Tayo?" Tanong Niya

Bumilis bigla Ang pintig Ng puso ko sa kaba! Literal!

"Ba't na man? Kknakabahan na ko!" Singhal ko na may pahawak pa sa puso

"Hay nako beh, Hindi ko Rin Alam Kung bakit! Teka! Nasan na ba Yung partner mo? Kailangan pa siyang ayusan!" Luminga-linga pa siya

So Wala pa pala siya

"Hihintayin ko na lang siya sa gate." Paalam ko tsaka tumakbo

"Paki ayusan na Rin beh!" Pahabol na sigaw Niya. Nginitian mo lang siya

Nagmamadali akong tumakbo sa gate at Ang Lola niyo napakagaling dahil may nakabangga pa!

"Ayan ka! Palaging di tumitingin!" Muni Muni ko sa sarili

"Next time look at where you're going." Masungit na boses Ang bumati sa kin

Napa angat ako Ng tingin at Ng makitang si weirdo iyon ay napangiti ako Ng malaki at Di napigilang patalong yumakap sa kanya!

"H-hey....!" Napabitaw ako pero Wala akong naramdamang hiya, makapal Ang mukha Ng Lola niyo

"Hey-hey ka diyan! Kanina pa Kita hinahanap!- joke!!"

Napakamot na man siya sa kanyang batok

"U-uh..-" naputol Ang sanang sasabihin Niya nang biglang sumingit Ang guard

"Paki tabi kayo! Marami Ang dadaan, Kung gusto niyong maglambingan Doon kayo sa bench!"

Napatawa na man Ang karamihan sa nakarinig Lalo na ako kaya hinila ko si Aadiv sa tabi "sorry cheif!" Tumango lang siya

"Halika na, kailangan ka nang ayusan, ibibigay muna Kita Kay Zandra." Hinila ko siya pero Hindi siya nagpatianod, kaya nilingon ko siya

"Hindi na man ako sa kanya." Sambit Niya

Bumuntong hininga ako

Wala na man akong sinabi na pagmamay Ari ka Niya? Bat ganun?

"Papaayusan ka lang na man."

"No.." iritadong singhal Niya

Ano bang problems Niya Kay Zandie? Tatawa tawa nga Yung bruhang yon eh

"Oh, edi ako Ang mag aayos sayo?" I ask full of PATIENCE

"Hmm..." Iling iling Niya

Muli akong napabuntong hininga

ano bang problema Ng lalaking toh? Parang Bata Ang kausap ko

"Oh, sige si Zandra o ako?" Teka, bakit parang may Mali sa tanong ko?

Blankong tinitigan Niya lamang ako. Naiilang na ako sa mga intimidating stare na Yan!

His gaze is forcing me to confess something I don't even know. What's wrong? Is he always like this to everyone he meets? What's his problem?

Nagtitigan lamang kami

"Akward..." I said through gritted teeth

"Sige, ayusan mo na Lang sarili mo." Tsaka akma akong aalis Ng hinila Niya Ang kamay ko

"Ikaw na lang,uh.. mag ayos sa kin." Ani Niya habang nag iiwas Ng tingin

Napatawa na man ako dahil sa reaksyon Niya "oh sige!" At hinila ko siya para maayusan na.

* * * * *

Pagkatapos ko siyang ayusan ay pumaroon na kami Kung saan Ang aming mga kaklase

"Oh! Hero na pala Ang Muh-Lan at prinsipe!" Anunsiyo Ni Zandra at nag si lingunan Ang aming mga kaklase

Maraming papuri Ang ibinato sa min

"Ang ganda at gwapo nila!"

"Bahay na bagay kayoo!" Oop 😅

"Woooh group 2 kaya natin tohh!!!"

Umiling iling akong natawa at hinarap si Zandra

"Dito muna si Aadiv, punta muna ako nang canteen, nauuhaw na ako."

"Eh? Bakit mo pa ihahabilin sa kin Yan, eh pwede mo namang isama! Oh.." kinuha Niya Ang aking kamay at ipinatong iyon sa kamay Ni Aadiv

Pinandilatan ko si Zandra, ~ANONG GINAHAWA MO?~

"oh! Ayan! Wag long bibitawan Yan ah? Baka mawala!" Napabuntong hininga lamang ako at lumingon Kay weirdo na makahilugan Ang tingin sa kin

"Let's escape then." Ngiti ko tsaka hinila siya.