webnovel

Chapter 9

I'm here at the bar, drinking like till theres no tomorrow! Paanong hindi ako magwawala? My long time boyfriend get married to that ugly girl! I hate both of them! I thought he loves me. But no, I'm wrong! Fucking wrong!

Lumapit sa akin si Rig, tinatanong kung may problema ako. Siya lang naman ang boy version ni Alexandra! Sunod nang sunod. Malaki ang pagkagusto ni Rig sa akin. Ngumisi lang ako sa kaniya. He's carressing my bare back. And I love the feeling! Si Lee ginagamit ko lang siya. Simple lang, mayaman siya, guwapo at hindi ako maghihirap sa piling niya. Kaya ko gustong magpakasal at mawala sa landas ang anak niya siyempre gusto ko lahat ng atensiyon niya sa akin. Knowing Lee? Baliw 'yun sa akin, babalik at babalik 'yun sa akin. Lalo na kung magkakaroon kami ng anak. At sisiguraduhin kong sa bandang huli'y ako pa rin ang panalo. Saka iyong Alex na iyon magiging kawawang talunan! Just wait and see! Maybe, Alexandra can have his body, but not his heart!

I don't have feelings for Rig. Isang dakilang tanga! Sinusunod lahat ng gusto ko. At hindi na ako magtataka kung masiraan na siya ng bait nang dahil sa akin. And also, we always ended in bed.

---

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi tumingin sa babaeng pababa ng hagdan, parang luluwa na ang mga mata ko sa magandang tanawin nakikita ko ngayon. Nakasuot si Alexandra ng black dress na above the knee, halter sa harap at bareback sa likod, natawa ako sa isip ko, baka mapulmunya naman ito. Showing her fair and smooth legs ay mapapalingon ka talaga, samahan pa ng nakalitaw na likod. Pang-upo na lang yata natatakpan ng suot nitong damit. She looked so classy and sexy hindi tipo ng bastusin. Ngayon ko lang napagtanto. She's beautiful, very beautiful. Lalo na naka-curl pa 'yung dulo ng buhok niya. Nakalapit na pala siya sa akin. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. I smiled at her.

"Hon, pangit ba?" tanong niya. Napansin ko lang komportable na rin siya sa aming eandearment. Wala na iyong pagkailang kapag tinatawag niya ako sa tawagan namin. Which is good.

"Nope, you're very beautiful."

"Maganda pala ako? E bakit hindi man lang literal na tumulo 'yang laway mo?" nakangiting sabi niya. Natawa ako sa biro niya.

"Tumulo naman, nalunok ko lang," ganting biro ko sa kaniya.

"Sana sa susunod 'wag mong lunukin."

"You always amused me." Sabay halik ko sa kaniya, smack lang. Napangiti kami pareho.

"Tara na nga. Baka ma-late pa tayo." Aya niya.

Nandito na kami sa party, mabilis lang kaming nakarating. Halos mga Engineer 'yung mga dumalo. Laos yata beauty ko rito, hindi ako sanay.

Si Lee tinitingnan ko lang siya. Guwapo talaga ito, no wonder, kasi panay ang tingin sa kaniya ng mga babae. Tinataasan ko lang sila ng kilay, asawa ko kaya iyang pinagnanasaan nila! Gusto kong bulagin ang mapagnasa nilang mga mata.

Kahit yata pagsuotin mo ng basahan ito, guwapo pa rin. Bigla kaming napalingon sa nagsalita. Ano'ng ginagawa nitong mukhang nguso na 'to dito? Aba't siya pa talaga may ganang magtaray? Taasan ba ako ng kilay niyang ginuhitan lang? Si Lee hindi ko mabasa ang isip nito, bakit hindi yata makakibo? Nasaan ang dila nito?

"Tingnan mo nga naman o, nandito pala ang ahas na babaeng ito," nang-iinsultong sabi ni Akira. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.

Sinulyapan ito ni Lee hindi pa rin nagsasalita. Nakakainis ah panira ng moment talaga ang babaeng ito.

"Hoy, babaeng ginuhitan lang ang kilay!

Dahan-dahan ka sa pananalita mo kung ayaw mong ipasok ko sa iyo 'tong hawak kong purse na kasyang-kasya naman sa malaki mong bunganga!" nanggigil kong sabi.

Humarap si Akira kay Lee.

Iniinsulto na ako. Pero no comment pa rin si Lee! Sabog!

"I can't believe, you married her! Walang breeding! Ugaling squatter!" pang-iinis pa niya.

"Akira, stop it! You're making a scene!" seryosong saad ni Lee. Sa wakas nagsalita rin ito.

Nakakuha na nga kami ng audience. Kapal ng mukha! Ano ba'ng nagustuhan ng lalaking ito rito? Puro pintura naman ang mukha!

Nakatanga naman ang lalaking kasama ni Akira. May nalalansi pa pala siya. Hinawakan ni Lee ang kamay ko at iniwan na lang namin sila. Sumigaw pa ito.

"Hindi pa tayo tapos, Lee!"

Hindi na lang namin pinansin ito. Nag-sorry naman si Lee sa akin. Hindi raw niya alam na pupunta si Akira dito.

Umupo na kami sa isang table. Kilala rin namin iyong iba. Nag-umpisa na ang party. May dance floor din para sa mga gustong magsayaw. Sa katapat namin na mesa umupo si Akira at ang kasama nitong lalaki. Sinilip ko ang mukha ni Lee mukhang doon ang atensiyon niya kanina pa. Wala talaga hayun pala ang sweet-sweet ni Akira pati iyong lalaking iyon at naghahalikan pa talaga? Hindi na nahiya. Umalis muna ako sa kinauupuan ko, kutusan ko itong unggoy na kasama ko! Actually, guwapong unggoy! Nagseselos ba ito doon sa kasama ng ex niya? Nakakaasar pati pag-alis ko hindi man niya napansin? Pumunta na lang ako doon sa buffet table, kakain na lang ako, kaysa naman ma-stress lang ako sa katabi kong nilamon na ng lupa. Parang 'di niya ako asawa, I'm sure tuwang-tuwa iyong Akira na iyon! Nakatingin nga siya sa akin parang sinasabi niya na aagawin niya si Lee. Nakaka-paranoid! Life naman oo, Lee aminin mo nga? Iyong totoo wala ka na bang feelings sa Ex mo? Kausap ko sa sarili ko.

Naku naman! Natikman ko na lahat ng pagkain dito hindi pa rin ako hinahanap ni Lee. Ayun oh! Umiinom ng wine, titig na titig sa babaeng impakta na iyon! Asar!

Buti na lang pagtingin ko ulit sa puwesto ni Lee, kausap na niya si Sir Bob kasama ang date nito. Kadarating lang yata nila. Nakikita ko mula rito kung paano na naman niya tingnan si Akira. May pagtingin pa ba siya sa babaeng iyon? Nakaramdam ako ng inis. Tama ba ang nakikita at naiisip ko?

Nagpaalam si Lee pagkabalik ko sa lugar ko kanina. Pupunta lang raw siya saglit sa c.r. Iniwan niya akong nakikipag-kuwentuhan kina Sir Bob at sa nobya nito. Ang tagal niya, nababagot na nga ako eh.

"Alex, mauna na kami. Pakisabi na lang kay Lee, late na kasi," sabi ni Sir Bob.Tumango na lang ako.

Kaya naman sinundan ko na si Lee sa c.r. Palapit pa lang ako sa may pintuan nang may marinig akong mga ungol. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nagulat ako nang si Akira at Lee ang tumambad sa akin. Nakita ko kung paano ngumisi si Akira. Mga walanghiya! Gulat na gulat naman si Lee. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano sila maghalikan. Ang sakit 'di ba? Bakit dito pa? Wala na bang ibang lugar? Shit lang! Tumalikod na ako. Nagmadali kong kinuha ang naiwan kong purse sa inupuan ko kanina. Tang ina lang! Kailangan bang ipamukha pa talaga sa akin ang pagtataksil nila?! Nakalabas na ako ng gate, biglang may humablot sa braso ko na ikinapihit ko paharap. It was Lee, nakarami yata ito ng inom. Namumula na ako sa galit. Gusto kong pumatay ng malalandi!

"Where are you going?" tanong niya.

"Uuwi, saan pa ba?" inis kong sagot sa kaniya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. At tumalikod na. Wala akong pakialam kung maglakad ako pauwi. Ayoko siyang kasabay, may pride din naman ako.

Lumakad na ako palabas ng village. Nag-aabang ako ng taxi. Masakit na ang paa ko, nagka-paltos-paltos na rin, 6 inches ba naman ang takong ng heels ko. Pero wala nang mas sasakit sa nararamdaman ko. Nasundan ako ni Lee sakay ng kotse niya. Pakialam ko sa kaniya? Hindi nga siya nagpaliwanag o nag-sorry man lang?

Sinasabayan niya ang paglakad ko.

"Alex, get in the car!" sigaw niya.

Hindi ko pa rin siya pinapansin. Bingi ako. Kahit na maputol pa litid niya sa kakasigaw.

"Alex, please!" pagmamakaawa niya. Dedma ako.

Bahala siya sa buhay niya.

Bigla naman niyang inihinto ang kotse niya. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad, hindi na ako lumingon. Sumusunod na pala siya sa akin, ang layo pala ng labasan dito. Bigla niya akong hinila sa kamay dahilan para mapahinto ako. Niyakap niya ako. He sighed and then cupped my face.

"Alex, let me explain," sabi niya. Mapungay ang mga mata niya.

"Wala ka naman dapat ipaliwanag," inis kong sabi.

"I didn't kissed her. She was the one who initiate it," paliwanag niya.

"Eh bakit ang tagal n'yo?!" sabi ko. Naiinis pa rin ako.

"Alex, believe me, I didn't like it!" sabi pa niya.

"Sus, baka naman gusto mo pa siya?" mariin kong sabi.

Hindi ito kumibo. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko at tumalikod na. Ayaw kong makita ang reaksiyon niya.

"I can see that you still love her, Lee. It seems like, ako nga kasama mo pero siya pa rin nasa puso at isip mo." Pinunasan ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Gusto kong maging matatag sa oras na ito.

"I'm so sorry, Alex," malungkot na saad niya.

"Don't be. Now I understand." Tumakbo na ako palayo.

---

Dumiretso na ako sa kuwarto namin, nag-taxi lang ako kanina. Sira ulong lalaking iyon! Ako ang asawa niya, pero hindi pa rin ba niya ako matutunan mahalin? I'm crazy in love with him. Pasadlak akong umupo sa kama! Wala akong pakialam kung madatnan niya akong luhaan! Pabalibag kong itinapon ang suot kong heels! Humiga na ako ng hindi na nagpapalit. Sana paggising ko bukas maayos na ang lahat.

Hindi pa rin ako maka-move on sa mga sinabi ni Alex, I'm still here. Iniwan niya akong mag-isa wala akong lakas ng loob na sundan pa siya. Nasaktan ko na naman siya, napasabunot na lang ako sa sarili ko. She's my wife now. I have to talk to her. Pero magulo pa isip ko ngayon. Iyong kay Akira, hindi ko ginustong mangyari 'yon, sinundan niya ako at siya ang humalik sa akin. Hindi pa naman nawawala ang nararamdaman ko sa kaniya, that's true. Seeing her with other man makes me weak. I'm torn between two lovers.

Nalingat ako, alas kuwatro na pala ng madaling araw. Napabangon ako para tingnan kung may katabi ba ako sa kama. Meron nga. Nakatalikod siya sa akin, hindi na rin nakapagpalit ito. Mababaw lang akong magalit kaya niyakap ko siya nang nakatalikod sa akin. Ang bango niya lang naghahalo ang alak at pabango niya. Buti nakapag-drive pa ito?

"I love you, Lee, sana ako na lang talaga?" sambit ko bago ko ipinikit uli ang aking mga mata.