webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
54 Chs

Chapter 35

CHAPTER 35

--ALEX:

"Pa'no ko sasabihin sayo eh hindi ka huminahon? Can you please be calm for a moment?" Iritadong sabi ni Jacob. At siya pa talaga ang may ganang mairita, samantalang arrrgghh. Kaasar.

Ayo'ko ng makipagtalo sa kanya kaya huminga ako ng malaim at huminahon na ako.

"Ganito 'yan, nung papunta ako sa bahay niyo dati, may nakita akong kulay black na sulat na hindi masyadong nakapasok sa mailbox mo. Dahil curious ako, binuksan ko yung sulat and nabasa ko na a gang named Summoners is inviting you to a great gang fight, gusto ka nilang gawing sub member para sa gaganapin na fight.. And napansin kong parang may mali sa sulat pero hindi ko alam kung ano. Kaya I decided to consult Buzzer about doon sa sulat and I didn't bother to tell you ang tungkol do'n. Nung pinakita ko kay Buzzer ang sulat, agad niyang pina-imbestigahan ang nagpadala ng sulat and according to the investigation, ang Summoners talaga ang nagpadala ng sulat. So nagpa-imbestiga ulit si Buzzer about sa Summoners. Kahit naman matagal na sa Gang world si Buzzer, hindi pa rin siya pamilyar sa mga gang hindi ko alam kung bakit, siguro wala lang talaga siyang paki sa ibang gang. So ayun nga, pagkatapos ng investigation, napag-alaman namin na lahat pala ng nagiging sub member nila ang nagpapatalo sa gang nila. Kaya natakot ako sa natuklasan ko baka mapahamak ka kapag tinanggap mo ang fight dahil ang nangungunang gang sa buong Asia ang kakalabanin niyo. Sino ba naman ang hindi makakakila sa isang Azhrect na sadyang napakalakas, na kayang patumbahin ang isang gang na hindi man lang pinagpapawisan. Kung pagbabasehan ang estado ng Summoners, nasa lower class lang sila na gang pero they're merciless pagdating sa patayan. Low sila pero wala silang awang pumatay. Hindi ko alam kung bakit nasa mababang posisyon sila gayong malakas sila. Kaya natatakot ako na baka kapag natalo ang Summoners, patayin ka nila, knowing na sadyang malalakas ang members ng Artemis na siyang nangungunang gang sa Asia. Kaya I decided na hindi na ipaalam sa'yo ang nalaman ko. Sinabi ko rin ang nalaman ko sa mga magulang mo and they decided na mas mabuting ilayo ka nila sa lugar na kinaroroonan mo. Kaya hindi rin kita pinaapayagan na gumamit ng cellphone dahil baka matrack ka nila. Kaya hindi man lang sila umangal ang nang lumayo ka. And about doon sa Ella Catillo na hinahanap natin ay hindi talaga totoo. Alibi lang iyon para hindi ka magtaka." Mahabang paliwanag niya

Sa dami ng sinabi niya hindi ko alam kung paano i-aabsorb ng utak ko ang nalaman ko. Ang natandaan ko lang ata ay wala naman pala ang hinahanap naming Ella Catillo. Ramdam kong tila sumakit ang ulo ko sa mga nalaman ko. I can't believe it! All these time pala inuuto lang pala nila ako.

"Hey Alexa, okay ka lang? Magsalita ka naman. 'Wag mong sabihing kailangan kong ulitin ang sinabi ko. Ang haba kaya no--"

PAAAK!!!

Isang malutong na sampal ang isinagot ko sa kanya.

"Why did you do that Alexa?" Naguguluhang tanong ni Jacob habang nakahawak sa pisngi niya na sinampal ko. Sigurado akong masakit yun dahil hindi lang 'yon basta sampal. Sa sobrang lakas, nagmukha itong suntok. Hindi naman sa nag-eexagerate ako, sadyang yun lang ang totoo.

"Who the fckn hell do you think you are?!" Nagngingitngit na sabi ko. Kahit na gusto siyang sigawan at saktan, may parte sa akin na ayaw gawin ang bagay na 'yon. Yun din ang kinabibiliban ko sa sarili ko, hindi ako nag-frefreak out kahit na galit na galit na ako.

Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya hinayaan pa.

"First of all, sino ka para pakialaman ang buhay ko? kaano-ano ba kita? Ni hindi nga natin kilala ang isa't-isa masyado , pero kung makapapel ka sa buhay ko wagas. Hindi porket hinahayaan na kitang pumasok sa buhay ko hindi ibig sabihin na pakikialamanan mo na ako. Kung hindi dahil sa pagiging pakialamero mo, hindi sana hahantong sa ganito ang sitwasyon." Madiin na sabi ko.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo kasi baka mapatay ka ni--"

"Bllsht! Bakit sinabi ko ba na mag-alala ka sa akin? Ha?! At ba't ka ba masyadong nag-aalala sa akin eh kaya ko naman ang sarili ko?! Hindi porket malakas ka, pwede mo na akong pakialamanan. Hindi porket ikaw ang dakilang Godyr, mamaliitin mo na ako."

"So alam mo na pala kung sino talaga ako." Gulat na sabi niya.

"Hindi ako tanga para hindi malaman ang nangyayari! Simula't-sapul na nalaman ko ang tungkol sa misyong wala naman palang kwenta, alam ko na kung sino ka talaga. Hindi ako nagsasalita dahil alam kong sasabihin mo rin sa akin kapag handa ka na, kasi pinagkakatiwalaaan na kita. Pero itong ginawa mo?! Hah! Nawala na ang katiting na tiwalang binigay ko sa'yo." Hindi siya makapag-salita sa sinabi ko kaya pinapatuloy ko lang ang pagsasalita ko.

"Tsaka eh ano naman kung malakas ang kakalabanin na gang? Natatakot ka na mamatay ako? For your information, hindi ako magiging si Azhrect kung mahina ako. Hindi ako tanga para ipahamak ang sarili ko. Hindi ako basta-basta pumupunta sa isang fight ng hindi man lang inaalam ang background ng gang na kakampihan ko at makakalaban ko. Hindi mo man lang inisip na dahil sa pagiging pakikialam mo sa buhay ko, madaming mapapahamak na tao. Paano kung bumalik ang mga armadong lalaki at totohanin nila ang pananakit sa mga nakitira sa subdivision na ito? Palibhasa napaka sellfish mo." Sabi ko sabay talikod ko sa kanya.

Feeling ko yun na ang pinakamahabang nasabi ko sa tanang buhay ko. Infairness, nakakadrain ng saliva. Pero wala akong pake. Basta galit ako.

Galit ako sa mga taong nasa paligid ko kasi lang nila akong tinatrato na mahina. Sila mama at papa, si kuya, lagi na lang ako mahina sa paningin nila kaya nagawa nila akong ipaubaya sa taong hindi ko naman gaanong kakilala. Akala nila hindi ko kaya ang sarili ko. Hindi ko alam kung may nalalaman din ba si Aira at si Anthony about dito. Pero sana wala silang nalalaman kasi hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko pag nagkataon. Galit din ako kay Jacob kasi masyado siyang mapapel sa buhay ko. Pero mas galit ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang naramdaman na niloloko na pala ako.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts