webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
54 Chs
avataravatar

Chapter 33

CHAPTER 33

--JACOB:

Whahahahahaha shet na malupet, grabe ang tawa ko kaya 'di ko na napigilang magpagulong-gulong sa sahig habang nakatayo naman si Alexa na hanggang ngayon ay nakakunot pa rin ang noo niya.

'Di talaga ako makaget-over dun sa naging reaksyon niya kanina. Her reaction is SO epic to the point that I can't move on. Damn, she's so cute even though napaka-priceless ng mukha niya.

Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal tumatawa at nagpagulong-gulong sa sahig at nang matapos akong tumawa, wala naman na si Alexa sa harap ko. Siguro umalis na at iniisip niya na nababaliw na ako or naka-drugs.

Kasi naman for the first time in forever este for the first time magmula nung makilala ko siya, ngayon ko lang nakita ang reaksyon niya na yun. Yun bang hindi mo alam kung natatae ba siya na ewan. Hindi naman siguro gano'n ka-creepy yung mukha ko kanina para maging gano'n ang reaksyon niya.

At bago pa ako multuhin dito sa terrace, pumasok na lang din ako sa loob.

Nakita kong nasa kusina si Alexa at lumalamon ng chocolate cake na siya mismo ang gumawa. Bigla ko nanamang naalala yung panahong pinagbake ko siya ng cake na nilagyan ko ng napakaraming chilli powder para gantihan siya.

Pero kapag iisiping anlaki ng nagbago sa samahan namin magmula nang magkasama kami dito sa Pangasinan, napapangiti na lang ako ng mapait kapag maaalala kong maaari rin itong magbago sa isang iglap lang.

"Oh, what are you looking at?" Mataray na sabi niya sabay subo ng cake.

"A-ah wala naman." Taena, bat ako anauutal?!

"Kung tapos ka ng titigan ako, kuha ka na ng cake sa ref at lumamon ka na. Cause if I know, na-drain ang energy mo kakatawa at pagpapagulong-gulong sa sahig. Don't worry, walang lason ang cake na ginawa ko. At wala rin akong nilagay na CHILLI POWDER diyan kaya don't hesitate na kumuha." Napangiti nanaman ako kasi kanina iniisip ko lang ang ginawa ko sa binake kong cake dati, pero heto siya, naalala rin ang ginawa kong katangahan hahaha.

Sumunod naman ako sa sinabi niya at kumuha na ng cake sa ref at sinimulan na din kumain ng cake. Nang matikman ko ang cake na binake niya, feeling ko nasa cloud 9 ako. Sabihin niyo ng exagarated pero yun talaga ang nafifeel ko sa sobrang sarap ng cake na natikaman ko. Hindi ko akalain na ganito siya kagaling mag-bake.

"Kanino ka natutong mag-bake?" Tanong ko.

"Kay Anthony" Ahh, so kaya pala. Kunsabagay magaling sa kusina si Anthony. Kahit na architect ang kinuha niyang course, akalain mong parang isa siyang professional chef sa galing niyang magluto at mag-bake.

"Magaling siya sa kusina." Sabi ko habang ninanamnnam ang cake sa bibig ko.

"Yeah right." Simpleng sagot niya.

"So, ano palang kinuha mong--" Natigilan ako sa pagtatanong sa kanya about sa kinuha niyang course nang makarinig kami ng sunod sunod na pagputok sa labas ng bahay.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Nagkatinginan muna kami ni Alexa bago nagmadaling pumunta sa sala at sumilip sa bintana. At nagulat na lang kami nang nagsitalsikan ang salamin ng isang bintana malapit sa kinaroroonan namin.

Shit! Fck! This cannot be. Paano nila kami natunton?! Shit! Akala ko hindi nila kami mahahanap. Paano sila nakapasok sa subdivision eh, mahigpit ang security dito. Ugghhh, nakakainis! Lagot ako kay Buzzer nito.

"Ano'ng nangyayari Vince?" Naguguluhang tanong ni Alexa. Mababakas sa mukha niya ang pagkalito pero naging kalmado pa rin siya at hindi nagpapanic.

Sa halip na sagutin ko siya, pinapasok ko na lang siya sa loob ng kwarto.

"Alexa, go to your room, lock the door, at 'wag lang lalabas okay?" Mabilis na sabi ko sa kanya at nagulat naman akong hindi siya umalis sa pwesto niya at tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Baka ikaw ang kailangang gumawa niyan" At ngumisi siya ng nakakakilabot.

Agad siyang tumakbo sa kwarto niya kaya gano'n din ang ginawa ko. Tumakbo din ako sa kwarto ko para kunin ang baril na dala-dala ko. Don't worry lisensyado 'to.

Pagkalabas ko ng kwarto, saktong labas din ni Alexa sa kwarto niya at kagaya ko, may hawak din siyang baril at nakita kong may isa pang nakasukbit na baril sa bewang niya. At bigla na lang siyang tumakbo pababa.

Pagkababa namin, nakita namin ang basag-basag na salamin ng bintana ng bahay at nakakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril na nagmumula sa labas ng bahay at itong bahay ang puntirya nila. Shit.

Para naman may silbi ang baril na dala ko, nakipag-putukan na rin ako habang nandito pa rin kami sa loob. Nakatago ako sa gilid ng bintana habang nakikipag-putukan.

Tinignan ko rin ang katabi kong si Alexa na nakikipag-putukan rin kagaya ko. Bilib din naman ako sa kakayahan niya kasi napaka-swabe niyang gumalaw, para bang sanay na sanay na siyang sa ginagawa niya.

Madaming mga armadong lalaki ang nasa harap ng bahay at patuloy na nagpapaputok. Nakita ko rin na ginawang hostage ng ibang armadong lalaki ang mga kapit bahay namin. Shit!

Sa sobrang abala ko na nakikipag-putukan, hindi ko napansin na may nakapasok na armadong lalaki sa loob ng bahay. Double shit! Hindi ko ito napag-handaan.

Bigla na lang nagpaputok ang isang lalaki sa pagitan namin ni Alexa. Bakas din sa mukha ni Alexa ang gulat dahil sa putok ng baril.

May binulong ang lalaking nagpaputok sa amin sa isang kasama niya. Tumango naman ito at lumabas ang lalaki at may binulong din sa mga kasamahan niya sa labas at huminto sila sa pagpapaputok sa amin.

"Sino sila?" Naguguluhang tanong ni Alexa na siya namang ikinalakas ng kabog ng dibdib ko.

"So hindi mo kami kilala, Azhrect." Malakas na sabi nung lalaking napaputok sa amin. Kaya sabay kaming napatingin sa kanyaha bang nakatutok ang baril namin sa kanya at sa tatlong back-up niya.

"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" Nakangising sabi ni Alexa. Shit. Ayan nanaman siya sa malamig na tingin at pananalita niya. Nagsitayuan nanaman ang balahibo ko.

"Aba't! Bastos ka huh!" Inis na sabi nung lalaking nagpaputok sa amin at ikinasa ang baril niya para paputukan ulit kami nang pigilan siya ng kasamahan niya ay umiling ito. Mukhang naintindihan naman niya at inalis ang pagkakatutok ng baril sa amin at ngumisi siya.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts