webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
54 Chs

Chapter 25

CHAPTER 25

--ALEX:

Nagising ako nang mapansin kong ako na lang ang nasa loob ng kotse. Paglabas ko ng kotse, bumungad sa akin ang mga naglalakihang bahay. Sa tingin ko ay nasa isang subdivision kami kasi nakakita ako ng karatulang may nakalagay na "Flower Paradise Subdivision."

Hindi na ako magtataka kung bakit bawat bahay ay may sari-sariling bakuran na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak na siyang nakakadagdag sa kagandahan ng mga bahay.

May nakikita akong mga tao na namamasyal sa Park na nasa loob din ng subdivision malapit sa kinatatayuan ko. May mga magkakabarkada na tumatambay at nagkakasiyahan habang naglalakad.

Sa 'di kalayuan, nakakita ako ng mga batang naglalaro sa playground na nasa loob rin ng subdivision. Maraming nakapaligid na mga bulaklak at mga puno na nagbibigay lilim sa buong playground.

Sadyang nakakamangha ang paligid. Parang an'sarap sa pakiramdam, yun bang nakakawala ng stress.

Makikita na simple lang ang pamumuhay ng mga tao dito.

In short, mukha talaga itong paraiso.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa nakikita mo ha, Alexa." Napabalikwas na lang ako nang magsalita si unggoy na nakacross arms sa harap ko habang tinataas baba ang magkabilang kilay niya.

"Kanina lang yun, pero hindi na noong nakita ko ang mukha mo." Sabay tabig ng mukha niya papalayo sa mukha ko.

"Haha, oo kanina, na-enjoy mo pero ngayon hindi na kasi super enjoy ka na hehehe." Napairap na lang ako sa kawalan dahil umiral nanaman ang kahanginan niya.

"Tigilan mo ako." Sabay lakad ko papunta sa compartment ng kotse.

"Pinasok ko na sa loob ng bahay yung mga gamit mo, tulog mantika ka kasi." Sabi niya bago ko pa man mabuksan ang copartment ng kotse.

"Tsss." Ayoko ng makipagtalo sa kanya kasi ayokong masira ang gising ko dahil lang sa isang kumag na kagaya niya.

"Oh by the way, pasok ka na sa loob ng bahay then sunod na lang ako kasi ipupunta ko pa itong kotse sa garahe ng bahay." Sabi niya saka na sumakay sa kotse.

Kunsabagay, nakapark ang kotse sa gilid ng kalsada kaya baka makaabala pa ito sa mga dumadaan.

Bago pa umandar ang kotse, kinatok ko muna ang bintana ng kotse.

"Saan ang bahay?" Tanong ko matapos niyang ibaba ang bintana ng kotse.

"Sa likod mo lang." Sabay paandar niya ng kotse.

Tumingin naman ako sa likod ko at nakita ko ang isang magandang bahay na sa tingin ko ay isa sa pinakamaliit na bahay dito sa subdivision. Hanggang third floor ito pero napansin ko na ang rooftop ay mukha siyang veranda. Hindi siya kagaya ng ibang bahay na nakita ko dito sa subdivision na mala-mansyon ang laki.

Pero kahit may kaliitan siya, nagingibabaw pa rin ang ganda nito sa labas, lalo na sa bakuran.

Napakadaming bulaklak ang nakikita ko, pero karamihan ay mga rosas.

When I enter the house, I was shocked. Kung ano'ng ikinaganda ng bahay sa labas ay mas lalo pa ang iginanda niya sa loob.

Ang linis ng bahay at marami rin itong palamuti sa paligid. Makikita ang magandang pagkaka-ayos ng mga gamit kaya 'di ko maiwasang hindi mapahanga.

Yung feeling na at home ka, eto yun eh.

Kapag titignan sa labas, maliit lamang itong bahay na ito pero pagpasok mo ay, maluwang ito.

Para siyang gano'n sa bahay ko na maliit sa labas pero maluwang sa loob.

Kung ito, maluwang na, pa'no pa kaya yung mga ibang bahay na mala-mansyon sa laki. Siguro napakalawak din ng nasa loob.

After kong mag-ayos ng mga gamit ko, humiga una ako sa kama.

Good thing kasi tatlo ang kwarto dito sa bahay kaya tig-isa kami ng kwarto.

Nakapag-ayos na din si unggoy ng gamit niya kanina kasi pinadeliver daw ni Buzzer ang gamit niya bago pa kami makarating dito.

Ang daya, dapat yung sa'kin rin. Naghirap kaya akong nagcommute habang dala,dala ang bagahe ko tapos si unggoy, parelax-relax lang.

Hmmm, 'di bale, tapos na kaya hayaan ko na lang.

Nalaman ko rin pala na dito kami titira ni unggoy hanggang matapos namin ang mission namin.

Hindi na nag-hire si Buzzer ng maid namin kasi kaya naman na daw namin ang sarili namain at hindi na kami bata para bantayan.

Pagkababa ko sa kusina, nakita kong nagluluto si unggoy ng pagkain at naamoy kong may binebake siya.

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya minabuti kong umakyat sa kwarto ko at kumuha ng kung anong pwedeng makakain.

At kung minamalas nga naman, puro chocolates lang pala ang nadala ko, kaya no choice ako kundi bumaba sa kusina.

Pagkabukas ko ng ref, nanlumo nanaman ako kasi puro hilaw na gulay at prutas ang 'andoon at drinks.

Wala pa naman akong ganang kumain ngayon ng prutas at gulay. -_-

Kaya kumuha na lang ako ng Nestle yogurt.

Isusubo ko na sana yung kutsara na may lamang yogurt nang tabigin ito ni unggoy.

"Problema mo?" Asar na na tanong ko.

"Ikaw." Asar rin na sagot niya.

"Ano'ng ako? Kita mo ng kumakain yung tao eh."

"Bakit kasi kumakain ka na niyan agad niyang yogurt eh hindi ka pa kumakain? Baka mamaya sumakit tiyan mo." Sabay kuha sa akin ng yogurt na hawak ko at lagay ng plato sa harap ko at nilagyan niya iyon ng pagkain.

Bigla naman akong pinamulahan. Kasi hindi ako sanay sa inaasal niya ngayon.

Yun bang hindi niya ako inaaway. Yung concern siya sa akin. Nakakapanibago lang talaga.

Hindi ako sanay!

Ano ba ang nakain nitong uggoy na to at biglang bumait sa akin?

Ang ineexpect ko kasi sisisgawan niya nanaman ako.

Natawa naman siya nang marinig niya ang tunog ng tiyan ko, sign na gutom na ako.

"Oh kita mo na? Kumakalam na sikmura mo tapos magyoyogurt ka?" Sabay upo niya sa upuan na katapat ko at sinimulan na ang pagkain.

"Kain ka lang ng mabuti para tumaba ka naman. Tignan mo nga iyang katawan mo oh, ang payat." Sige asarin mo pa ako. -_-

Pero kahit payat ako, masaya naman ako kasi hindi ako tumataba. Kaya wala sa vocabulary ko ang salitang diet kasi kahit anong lamon ko ay hindi naman ako tumataba kasi mabilis ang metabolism ko. Hindi ako kagaya ng iba na nag-aaburido na tumaba kapag kumain ng marami.

Syempre, sinimulan ko na rin ang pagkain kasi gutom na ako. Susulitin ko na ang pagkakataon na mabait sa akin si unggoy kasi baka bukas paggising ko ng umaga, bumalik nanaman siya sa asal unggoy niyang ugali.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts