webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
54 Chs

Chapter 24

CHAPTER 24

--ALEX:

Matapos kong mag-prepare, lumabas na ako ng kwarto at nagcheck-out na ako sa hotel.

Nakita ko naman sa lobby ng hotel si unggoy na prenteng nakaupo sa sofa.

Tsk feel at home ang unggoy. -_-

"Tara na." Cold na sabi ko sa kanya at agad din naman siyang bumangon at naglakad palabas ng hotel.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko, kasi sa right way ang daan papuntang paradahan ng jeep pero pumupunta siya sa left way.

Alam ko naman na ang ibig niyang sabihin nang itaas niya ang susi habang patuloy pa rin ang paglalakad.

"Saan mo nakuha itong kotse? Kanino 'to?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan niya ang kotse.

"Sa bahay ko ito kinuha. Sa'kin din ito."

"WHAAT?! Ba't ikaw may kotse samantalang ako, hindi pinadala sa'ki yung wheels ko?"

Nakakainis, bakit siya pinayagan samantalang ako, nagpakahaggard sa biyahe tsk.

"Haha, ako pa." Naka smirk na sabi niya.

Padabog naman akong pumunta sa backseat para umupo nang pigilan niya ako.

"And who told you na diyan ka sasakay?" Habang nakataas ang kilay niya.

"Paki mo ba?" Sasakay na sana ulit ako nang pigilan niya ulit ako. -_-

"Ikaw ang driver ko 'diba?" Syy shocks, nakalimutan ko, kainis naman, naalala nanaman niya.

Dumi retso nalang ako sa driver seat ng padabog at inirapan siya.

Ginantihan naman niya ako ng ngisi. Mabuti na lang at nailagay ko na ang bagahe ko sa compartment ng kotse kasi baka naibalibag ko sa kanya iyon ngayon.

"So paano nga nangyaring may kotse ka dito? Wala naman ito kahapon ha." Tanong ko nang makapasok siya ng kotse.

"Ahh, pupunta sana ako kahapon ng Baguio para may asikasuhin doon na importanteng bagay. Then nung nasa biyahe na ako, bigla akong tinawagan ni Buzzer at sinabi sa'kin na naaksidente si Godyr at sinabi rin niya about dito sa mission. Kaya hindi na ako tumuloy at dumiretso na ako dito sa Pangasinan kasi nga 'diba pinagbantahan ako ni Buzzer about doon sa credit card ko." So ganoon pala 'yon.

"Eh 'diba, sira yung kotse mo? Bakit may dala kang kotse?" Tanong ko.

"Ahh ito ba, sa akin din ito. Kinuha ko sa bahay ni Buzzer."

"Eh loko-loko ka pala eh, may kotse ka pa pala tapos ginawa mo pa akong driver!" Nakakainis lang, may kotse pa pala siya tapos pinapahirapan niya akong maging driver niya!

"Haha. Yun ba, ang totoo, gusto lang talaga kitang pagtripan and isa pa mahal yung kotse ko, dalawang taon ko din 'yon pinag-ipunan at wala ng libre sa panahon ngayon."

So pinag-ipunan niya pala iyong kotse niya. Akala ko spoiled siya sa parents niya.

"Ahh ok." Maikling sabi ko, wala akong masabi eh.

Matapos no'n, nabalot na kami ng katahimikan.

"Tama ba itong dinadaanan natin? Pansin ko kasi paikot-ikot lang tayo." Out of nowhere na tanong niya.

Tam—ppppppppprrrrrrrrrtttttttttt!!!!!!!

"Aray!! Dahan dahan ka naman sa pagpreno! Alam mo namang hindi ako nakaseatbelt oh." Sabi ni Godyr, habang hinihimas himas ang ilong niya

Bigla na lang kasi ako nagpreno kasi bigla kong narealized yung sinabi niya na paikot-ikot lang kami.

Lintek, oo nga paikot-ikot lang kami! Arrrggghh.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi mo naman kasi sinabi sa'kin kung saan!" Bulyaw ko din sa kanya at tinabi muna ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

"Sinabi ko kaya, sabi ko sayo kanina na sa Mangaldan tayo pupunta. 'Di mo lang ata narinig tsk." Sabay irap niya sa akin.

Ganoon ba ka-occupied ang isip ko kanina at hindi ko narinig na sinabi niya yun?

"Saan ba yung mangaldan? Hindi ko alam kung saan yon!" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw ang nagddrive tapos hindi mo alam?!"

"Eh sino ba ang nagsabi na ako ang magdrive ha!?"

"Ako! Bakit ba?----ARAY!! PARA SAAN NANAMAN 'YON?" Sabay himas niya ng batok niya, binatukan ko kasi.

Loko-loko naman kasi siya kaya ayan, binatukan ko, yun bang halos maputol na ang leeg niya. Nakakainis kasi siya, sinisisi niya ako kasi hindi ko alam ang daan eh in the first place, siya ang nag-utos sa akin na magdrive!

"Eh shunga ka pala eh! Ako ang pinagddrive mo eh hindi ko naman alam kung saan yung pupuntahan natin!" Sabay irap ko sa kanya.

"Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na hindi mo alam eh! Sabi ko sa Mangaldan tayo pupunta at tumango ka lang at diniretso mo ang pagddrive. Ni hindi mo nga sinabi sa akin na hindi mo alam!"

"Hindi ko nga kasi narInig yung sinabi mo!"

"Edi kasalanan mo na yun! Tsaka bakit mo ba ako sinisigawan ha?! Anlapit-lapit ko lang sayo pero kung makasigaw ka, parang anlayo-layo ko! hindi ako bingi!"

"Sino ba kasi sa ating dalawa ang unang sumigaw ha?! 'Diba ikaw? Tapos kasalanan ko nanaman?!"

"Sorry na." Parang napahiyang sabi niya sa akin.

Haaaiissst.

"Sorry na din." Mahinahong sabi ko.

Ayoko na ng away, kaya papababaan ko na lang ang pride ko this time.

Masakit na rin ngala-ngala ko kakasigaw kanina.

"Ako na lang magdrive para wala ng away at para makarating na tayo sa pupuntaha. Natin." Pagvovolunteer niya.

Kaya bumaba na rin ako at nakipagpalitan ng upuan sa kanya.

So siya na nag nagddrive ngayon.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Pinagmasdan ko naman siya habang nagddrive. Seryoso siyang nagddrive habang nakatutok sa daan ang paningin niya.

Sa unang tingin mo sa kanya, hindi mo mahahalatang ang nagmamay-ari ng magandang pagmumukha na ito ay isa palang napakayabang na nilalang. Mukha siyang good boy kung titignan pero loko-loko pala kapag nakilala mo siya.

Kaya siguro kahit na mayabang siya, madami paring nagkakagusto sa kanya kasi totoo namang hot siya. Kahit anong porma niya bumabagay sa kanya. Kahit siguro basahan ang isuot niya marami paring magkakandarapa sa kanya.

Except me, hindi ko siya magugustuhan. Hindi ang kagaya niya ang tipo ko.

Mula ulo hanggang paa, ang masasabi ko lang ay sadyang hot siya. Hindi ko na iyon itatanggi. Ayaw ko nga lang sabihin sa kanya mismo baka kasi ipagmayabang nanaman niya sa akin at makasapak ako ng unggoy ng wala sa oras.

Kaysa sa pagmasadan ko siya buong biyahe, minabuti ko na lang na maidlip muna sandali kasi feeling ko puyat at pagod pa rin ako kahit na nakapag pahinga ako buong gabi.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts