webnovel

5

There are two powers being measured using the crystal. First is the core which identifies how much power the person has within. It ranks as follow:

White - the lowest and most common among people who can't materialize their magic.

Violet - mostly found for people who just started to practice to control their magic. They already know how to release it but still can't control it.

Blue - mostly found to nobles. They can already control their powers but still have to hone their skills.

Green - highest color that can be attained by practicing.

Yellow - Inherent from mage clans.

Orange - Inherent from royalties.

Red - the most rare core color and is only possessed by geniuses.

The second one is by showing one's class. This is only possible for a handful of people who came from rare clans.

Black – Exclusive for Vampire and Demon Clan

Silver – Dragons

Gold – Angels

Ilang minuto na ang lumipas subalit hindi pa din bumabalik sila Kurohana.

"Pst!"

Napabuntunghininga na lang si Rod habang nakatanaw sa dinaanan ng dalawa kanina, nagbabakasakaling pabalik na ang mga ito.

"Pst!"

"Ano kayang nangyari?"

"Gusto mong malaman kung anong nangyari?"

Dahil sa gulat ay kusang pumihit ang katawan ni Rod kasabay ng pagbalibag sa taong biglang umakbay sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon, muling tumahimik ang paligid sa nangyari.

"A-aray!" daing nito na ngayon ay namimilipit sa sakit.

Napakurap pa sa pagkabigla si Rod ng makita ang lalaking dumadaing.

"Oh, what happened?" Kurohana who just returned asked. Her face is still void of any emotions. Kasunod niya si Shirley na ngayon ay nanlalaki ang mata dahil sa nakita.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Rod mula kay Kurohana at sa lalaking nasaktan niya na ngayon ay nakahiga sa nasirang lamesa at may mangilan-ngilang piraso ng kahoy na nakatabon sa kanya.

Ang grupong kanina lang ay umookupa doon ay mabilis na kumilos at tinulungang makatayo ang lalaki.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong pa ng mga ito sa lalake.

Pagkatayo ay agad niyang sinamaan ng tingin ang mga ito. "Halika, ibabalibag ko din kayo, tignan natin kung ayos lang kayo!" pikon na sabi niya matapos ay ako naman ang binalingan. "Anong problema mo?"

"Pasensya na," mabilis na paghingi ng paumanhin ni Rod na yumukod pa sa lalaki. "Ginulat mo kasi ako."

Sa sobrang galit ng lalaki ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng paglaki ng butas ng kanyang ilong saka umangil, "Nagulat? Nagulat ka lang tapos ibinalibag mo na ako?"

"Everyone, calm down."

Tumulong na si Shirley sa pagpapakalma sa lalaki pero ni hindi man lang siya nito pinansin.

"Hindi!" giit pa nito. "Sinaktan niya ako, kailangan kong gumanti!"

Matapos iyong sabihin ay agad nitong sinugod si Rod na mabilis namang hinarang ni Shirley, pero para lang papel siyang hinawi nito dahilan ng pagkawala ng balanse ng babae at malakas na pagtama ng likod nito sa kalapit na lamesa.

Pilit na tumayo ang babae upang ipagpatuloy ang pag-awat pero dahil sa sakit ay muli itong napaupo sa sahig.

Muntikan ng mahablot ng galit na galit na lalaki si Rod pero mabilis niya itong naiwasan. Muling inundayan nito ng suntok si Rod pero muli itong nakaiwas. Dahil ni hindi man lang matamaan ng kamao si Rod ay sinubukan niya itong sipain pero katulad ng mga nauna niyiang pag-atake ay madali itong naiwasan ni Rod ng tumagilid ito. Nang makitang nawalan ng balanse ang lalaki ay agad itong sinalubong ni Rod ng malakas na suntok sa sikmura na tuluyang nagpaluhod dito.

Bakas ang galit sa mga mata ng lalaki tumingala siyakay Rod. Mabilis na pumiglas ang lalaki at pinilit tumayo kasabay ng muling pagsugod kahit pa halatang malaki ang pinsalang natamo nito.

"Enough!"

Kasabay ng maotoridad na boses na iyon ay ang pagkulog at pagkidlat. Lahat ng nagmamasid ay napabaling sa pinanggalingan ng boses. Noon nila nakita si Kurohana na nababalutan ng itim na enerhiya na nagmumula sa kanyang katawan habang matalim na nakatingin sa kanila.

Lahat ng mga naroon ay mabilis at nag kanya-kanyang balik sa kinauupuan dahil sa takot sa babae.

"Rod, let's go!"

Wala sa sariling kusang sumunod ang katawan ni Rod palabas ng lugar.

"Here."

Paglabas nila ay inabot ni Kurohana ang hawak na maliit na supot. Sinamaan niya ng tingin si Rod ng makitang wala itong planong kuhain ang iniabot niya saka siya muling nagsalita,"your payment for the mission." Kurohana took his hand and placed the pouch on it. She also handed him a silver card together with the silver dog tag. "That's your pass," she said pointing at the card then she pointed to the dog tag, "This one's your registration to the guild. It also indicates your rank."

Muling nagpatuloy sa paglalakad ang babae na sinundan naman ni Rod.

"Do you already have a place to stay for the night?" the lady asked in her usual monotone.

Rod shook his head but Kurohana didn't bother to speak as she continued to wait for his answer.

"No, I don't."

She started to walk briskly upon hearing it and after a couple of minutes, she suddenly asked him to follow her.

She ushered Rod to a tiny inn, just behind the plaza which is at the center of the town.

"Magandang araw, Kurohana!" magiliw na bati sa kanya ng isang Ginang pagpasok pa lang ng dalawa. "Ang tagal na mula ng huli kitang makita!"

"Yes. May inasikaso lang ako, Manang."

"Trabaho?"

Tumango siya saka sumagot,"magpapalipas kami dito ng gabi."

Pagkarinig niyon ay agad na bumaling kay Rod ang tingin ng ginang. Nakapaskil sa labi nito ang mapaglarong ngiti kasabay ng mahinang pagsiko sa babae.

"Nobyo mo?" may kalakasan at pabirong tanong nito.

"No." Kurohana shrugged, then she added, "Palahian ko."

Biglang namula ang pisngi ni Rod dahil sa sinabi ng babae. Nang makita ng Ginang ang kanyang itsura ay bigla itong napahalakhak na ikinalingon ng mga parokyano.

"Oh, wala kang talo diyan," biro pa nito. "Maganda ka, makisig siya. Bagay na bagay!" Muli itong tumawa saka kinuha ang susi ng isang silid at iniabot kay Kurohana. "Tamang-tama, ipinalinis ko ang paborito mong silid."

"Salamat."

Pagkakuha ni Kurohana ng susi ay walang lingon-likod itong mabilis na umakyat sa ikalawang palapag. Ni hindi na ito nag-abala pang magpa-alam sa lalaki.

"Oh, hindi mo ba siya susundan?" maang na tanong ng Ginang.

"Wala na ho bang ibang silid?"

"Punuan ngayon. Marami kasing mga dumating na mangangalakal," umiiling na sambit nito. "Pero huwag kang mag-alala, malaki naman ang silid. Tanging siya lang din ang gumagamit niyon kaya nakasisiguro kang malinis at puno ng mabangong amoy niya," sinabayan pa niya ng kindat nang sabihin niya ang huling pangungusap.

Wala ng nagawa pa si Rod kung hindi ang mapabuntung-hininga saka bumulong, "mukhang inaalat ako ngayon."

Pabaling-baling si Kurohana mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pumayag siyang maghati sila sa silid lalo pa at ito ang unang beses na may makikihati sa kanya at lalaki pa!

Hindi niya rin maiwasan ang maisip ang unang pagkakataon na nagsama sila sa isang bahay sa Urbs Montis. Pero para sa kanya, magkaibang-magkaiba iyon lalo pa at malaki ang tinuluyan nila doon at magkahiwalay ang kanilang kwarto.

Napatingin si Kurohana sa pintuan. Mag-iisang oras na mula ng umakyat siya pero wala pa rin maski anino ni Rod.

"Hindi kaya natakot na iyon at tumakbo?" bulong niya.

Wala siyang nagawa kung hindi ang bumangon upang hanapin ang lalaki.

"Hindi naman siguro iyon napagkatuwaan sa unang palapag ng mga parokyano nitong lugar."

Saktong pagbukas niya ng pinto ay ang pagtama ng kamay nito sa kanyang dibdib. Halos sabay pang natigilan ang dalawa dahil sa nangyari na parehong biglang namula.

Mabilis na itinago ni Kurohana ang pagkapahiya saka tumikhim. Pasimple niya ding pinalis ang kamay nito mula sa kanyang dibdib.

"Saan ka nanggaling?"

Hindi sumagot si Rod na nagdiretso papasok ng silid.

"Tama ang Ginang sa baba, nasa pintuan pa lang ako pero nalalanghap ko na ang mabangong amoy ni Kurohana na pumupuno sa silid," saisip ni Rod.

Mabilis na pinasada ni Rod ang paningin sa kabuuan ng silid. Mayroon itong malaking higaan na kakasya ang hanggang apat na tao pero maliban doon, wala ng ibang laman ang silid. Mas lalo lang itong nagmukhang malaki dahil dito.

"Sa sahig na lang ako," pabuntung-hiningang saad ni Rod saka naghalungkat ng maipansasapin sa sahig subalit wala siyang makita. Nagtatanong ang kanyang mga matang bumaling sa babaeng kasalukuyang nanonood sa bawat galaw niya.

Napailing na lang si Kurohana saka pumwesto sa higaan.

"I don't have extra pillows and comforters, so why don't you just sleep with me?"

Halos sumayad sa lupa ang panga ni Rod matapos marinig ang sinabi ng babae.

'She wants to sleep with me?' bulong ni Rod sa sarili.

"Sigurado ka ba?" naninigurado pa niyang tanong dito.

"Yes. Why? You don't want to?"

Muling natigilan ang lalaki habang nakatitig dito kasabay ng pamumula ng kanyang tenga.

Nang mapansin ni Kurohana ang reaksiyon nito ay saka lang siya natauhan sa sinabi kasabay ng biglang pagpula ng kanyang mukha.

"No! What I mean, uh, we will sleep in the same bed," she defensively said. Halos magkandabuhol-buhol pa ang kanyang dila sa pagtatama ng kanyang sinabi. "You know, in the same bed, not you having sex with me."

Lalong namula si Rod sa sa ginamit nitong salita.

"Napakatabil talaga ng kanyang dila. Walang pakundangan o preno man lang sa mga sinasabi," muling bulong ni Rod sa isip.

"Y-yeah. I already understood," he said.

Umisod si Kurohana ng kaunti pakanan upang bigyan siya ng pwesto. Matapos iyon ay tinapik tapik ang tabi niya.

Rod just sighed as he hoped to survive the night.

Nagising na lang si Rod sa malambot na bagay na nakadagan sa kanya. Para siyang naging bato ng makita niya si Kurohana na nakadagan sa kanya habang nakasilip ang malaking dibdib nito mula sa suot na kamiseta.

Ilang minuto pa munang pinakalma ni Rod ang sarili bago niya nagawang maialis babae mula sa pagkakadagan saka marahan niyang inayos ang pagkakahiga nito bago tuluyang bumangon.

Maingay na parokyano ang bumungad sa kanya pagbaba niya.

"Oh, Rod! Magandang umaga!" magiliw na bati ni Manang Sola. Tinanguan niya lang ito saka nagtuloy sa bakanteng lamesa sa isang sulok. "Anong gusto mong almusal?"

Mabigat na agahan ang hiningi ni Rod sa Ginang saka isang tasa ng kape na mabilis naman nitong inilista bago pumasok sa kusina.

Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang mag-isip habang pinagmamasdan ang hawak na orasan.

"Kailangan ko talagang gumawa ng paraan upang maalala ko na ang aking nakaraan lalo pa at may posibilidad na may mga taong nag-aalala na para sa akin."

Ilang beses pa niyang pinaikot-ikot ang hawak sa pagbabasakaling makahanap ng kahit maliit na palatandaan mula rito na pwedeng makatulong sa kanya.

"Morning!"

Halos mabitiwan pa niya ito dahil sa gulat nang bigla siyang batiin ni Kurohana. Saktong paglingon niya dito ay hindi niya naiwasang mapatingin sa dibdib nito at pag-alala sa nakita kanina.

Ipinilig ni Rod ang ulo dahil sa naisip saka gumanti ng bati at inaya ito sa pagkain. Agad niya ring tinawag si Manang Sola para ipasabay ang agahan ni Kurohana.

"Ano na pala ang plano mo ngayon?" tanong niya pagkabalik ni Rod sa pwesto.

Saglit siyang natigilan saka muling napatitig sa babae.

"Ayos lang naman kung wala kang planong sagutin ang tanong ko," biglang bawi nito.

Similar to their previous conversation, she used her monotone but unlike from before, Rod can not only feel her emotions but he can also read her. Currently, Rod can see her bashfulness of being nosy.

Rod just gave her a warm smile.

"I will travel. Actually, I need to travel," he said, emphasizing the word 'need'. Mabilis na dumaan sa mga mata ng babae ang pagtataka pero agad niyang itinago ang emosyon niya. Lalong lumapad ang ngiti ni Rod nang mapansin iyon saka idinagdag,"I have to find my origin."