webnovel

0

Panimula

@}~;~—

Marahan kong idinilat ang aking mata kasabay ng mga luhang tumulo. Muli akong napapikit dahil sa hapdi ng dapit hapong sinag. Iniwas ko ang aking mukha at muling humikbi.

Paulit ulit kong tanong sa sarili; bakit? Buong buhay ko wala akong inisip kundi ang kapakanan at kaligayahan ng iba. Napapangiti ako makita ko lang silang masaya. Natuto akong makontento.

Pero may isang tao na nagparanas na kaya niyang umiyak para sa akin.

Yung mga taong pinahalagahan ko... bakit pilit kaming pinaglalayo?

Hanggang kailan siya mapapasaakin?

Hanggang kailan ako magpaparaya?

Pinahid ko ang aking luha, huminga ng malalim... kailangan ko lakasan ang aking loob. Hindi ito ang oras!

Una kong napansin ang ceiling fan, at sunod na sinuyod ng aking mata ang lugar. Sa aking kanan ang patong-patong na bakal. Nakaramdam ako ng kaba. Ito ang ginagamit nilang pang-torture! "Anong makina 'to?"

Masakit ang katawan ko dahil sa pagpilit kong bumangon.

Nasaan ako?

Warehouse?

Nanikip ang aking dibdib nang mapansing hubad at tadtad ng pasa ang aking katawan.

Ang tanging kalat na pira-pirasong tela na aking dinadampot ay pantakip sa hubad kong katawan.

Sa lahat-lahat ay, "Bakit?" boses ko siguro 'yon. Hindi siya familiar, marahil hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa ginawa nila sa akin!

Hanggang maubos ang aking boses, patuloy ako sa pagsigaw ng hinanakit.

"Ahhh! MGA HAYOP!!" Nais kong saktan sa marahas kong pagpunas ng bawat parte ng aking katawan.

Sa bawat parte na hindi nila tinantanan.

"Shh... may susunod pa."

Sa bawat parte na kanilang minarkahan.

"Ayaya... kuting kuting!"

"Ahhhh! Ayaw ko po!!!"

"BAKIT, BAKIT BAKIT, BAKIT!!!"

"Pusa ka! Tapos na 'yung sakit kanina pang nakauna sa'yo! Ano pang iniiyak-iyak mo!"

"Ahhh! Tama na po!"

"Patingin nga kung eepekto din sa'kin 'tong laruan hehe"

"Ahhh! Maawa na po kayo..."

Inilabas ko lahat sa pag hagulgol at sa pagsaktan sa sarili. "BINABOY NIYO KO!!!" Sumigaw ako nang walang tigil. "MGA WALANG HIYA!!" sinasakal ko na ang sarili sa pagsigaw.

"CUT!"

Ganoon lang kasimple. Tulala pa, bago naproseso na tapos na.

Natawa ako sa kanilang palakpakan. Pinasuot agad sa akin ng PA ko ang robe.

"OK Good!" at nagpahayag ng anunsyo si direk El at sa buong crew. Ilang araw na pagtatapos! Ang pinakamasarap na feeling, "Pack up!"

"As expected, Lenne." binigyan ako ni Direk El ng thumbs up at umakbay sa akin.

Ngumiti ako, "Thank you direk El."

Bumalik muli sa akin ang PA para abutan ako ng tissue at ipinunas sa paligid ng aking mata.

"Scene 78; Outdoors... Lorie and Albert get ready."

Naging busy na si direk El ng kausapin siya ng screen writer. Tutal eh, tapos ang scene ko for this day, nagpaalam na ako for my next shoot.

"3, 2, 1—ACTION!"

I closed my eyes at dinama ang hangin galing sa electric fan. Sumabay sa pagsayaw ang aking buhok at ang mga petals na hinagis ng staff sa akin. I touched my neck at iniawang ang labi; marahang inidinilat ang mata sa pagtingin ko sa camera.

Satisfied ang naging feedback ng staff sa akin.

"Lenne tubig," pag alok sa akin ng manager ko.

"Thanks," at naupo sa designated seat.

Sa buong isang araw, Ten pm sharp ang pagtatapos ng huling schedule.

Currently, nasa sofa lang ako at inaaliw ang sarili. Habang ang mga tao sa paligid ko aligaga. Dunno what they're up to. Kung kailan free time ko... sila naman ang busy!

I am residing in a high end condo for whatever privileges... "Ateng! Ito na 'yung first print ng Magazine! Ito oh!" Pinakita sa akin ng PA(her name is Pau-pau) ang cover. Wala doon sa magazine ang attention ko kundi sa mga bitbit niya. May flowers ah? May nanliligaw sa PA ko?

"What's that?" Turo ko sa mga bitbit niya. Kahit ang obvious...

"Oh?" Tiniklop niya ang magazine at pinatong sa table. Pati 'yung bouquets. May nilabas siya sa paper bags; pinakita niya sa akin. Agad nawala ang interes ko. "T-shirts. bracelets, teddy bears, and chocolates! Ang gaganda Ateng! Saka may bulaklak pa oh!" ang sarap kaya mag interoga ng ibang tao minsan.

"Boring," sambit ko.

Sinabi ko kasing pag galing sa fans ay kanya nalang.

Ano namang gagawin ko sa mga 'yun?

Dinala niya 'yon lahat sa kwarto niya.

About killing time! Pinag interesan ko nalang nails ko.

May malaking tao sa harap ko at nakapamaywang pa. "Are you sure na aalis ka sa showbiz?"

I rolled my eyes upward, seriously!? Focus lang ako sa ginagawa ko... I blow my newly branded pinkish polished nails! Hindi ko na kinaya ang pag aalburuto ng manager slash my Dearest among the rest Aunticle. Auntie and Uncle combined. Hmm... Parang combi Rebisco lang. Oh my shiz. I'm craving for Combi Cookie Crunch.

"Aunticle! You know naman na noon ko pa gustong makaranas na maging student!" Pouting my lips when I say that. Ever since, homeschooled kasi ako. "Since the beginning I was born, I turned into instant celebrity. Wala na kong privacy." I've been a celebrity since I was a baby. Malamang, role ko 'yung anak nung naging bida. Then, hanggang sa nagtuloy tuloy na. Hanggang sa naging passion ko na ang acting career, and I'm enjoying it naman. Now, I'm turning nineteen, pero hindi pa ko nakakaranas na maging estudyante na pumapasok sa school or magkaroon ng friends, dito kasi sa showbiz. Malabo. And I know for sure, kakabiganin nila ako because I'm Lenne. My screen name.

And about my past relationships? I'll tell you, It was all showbiz. I planned to set an contract to only last for six months. Contractual lang kumbaga. And they were cool with it naman.

Nagbuga siya ng hangin. Shucks! Ang bahooo! I gestured my hand as a sign of his bad breath haha! "Hoy Jackie Lenne Madrigal Cuevas!" Yup, sinabi na niya full name ko.

And he continued, "Paano ang million fans mo, magwawala sila kapag hindi ka nagparamdam sa kanila! God, Jackie!" pahisterya niya.

"Sabihin mong magbabakasyon muna ako sa showbiz, simplicity as that dot dot dot." I smiled while looking at my baby nails. They were so cute!

May narinig kaming katok kaya pinagbuksan 'yon ni Aunticle. Oh! Another gifts and flowers. Kinuha iyon ni Aunticle, nginitian ko 'yung bellboy, then he left. Smiling.

Nilagay niya 'yung mga bouquets sa table. "Leave of absence? Paano si Harvey. 'Yung love team mo. Baka nakakalimutan mong may movie project kayo?"

"Edi cancelled. Magpa-audition nalang sila ng bagong leading lady. Para naman sa mga haters na umay na sa love team namin." Inabot niya sa akin 'yung letters, at fan arts. "Wala bang chocolates?" Makakain ko ba ang mga 'tong puro papel?

"Hep. Bawal ka sa chocolates. Sa akin 'to." Nanlaki ang mata ko sa hawak niyang assorted sweets!

"Hey—" Out of the pink, nag-ring ang phone ko. Suddenly I feel bored dahil si Jason lang pala. Teka ngayon ang ending ng contract namin ah? So, hindi ko na siya boyfriend! Ini-swipe ko and answered him right away, "Hi Ex." Nagkatinginan kami ni Aunticle.

He chuckled on the other line, "Babe, I still have four hours before midnight. Dapat nga sinusulit ko 'to eh, at dapat we're on a date?" Mariin niyang sinabi.

"You know I can't right?" Jason's not a celebrity. Just a random guy, to be exact. Hindi ko na nga maalala kung when or how kami nag-meet. It just happened.

Okay, tutal naman matagal muna akong mananahimik, might as well meet him. "Where to?" Nakita ko sa mukha ni Aunticle ang pag-tutol.

"Spade Haven Bar." he answered, then I hung up.

Binabaan ako? Kainis huh? Dapat inunahan ko na eh!

Nagtext ako sa kanya na hanggang parking lang ako!

"What is it now Lenne?" He crossed his arms under his chest. "Baka nakakalimutan mo na naman! 19 ka palang! Pinagsasabihan kita ng maraming beses! Aba! Daig mo pa—"

"Don't worry Aunticle, I know my limits. May four hours remaining pa for Jason. " I winked at Aunticle. Tumayo na ako at— "and, oh please I-enroll mo na ko ng school. Gusto ko 'yung walang makaka-recognize sa akin. I want to start with beautiful, wonderful, blissful, colorful Monday!" Sabi ko bago pumasok sa dressing room para magpalit. What color matches my skirt ang shoes kaya?

Sigh "Suko ako sa'yo. Sige ipapatapon na kita sa probinsya. Pag usapan nalang natin 'to bukas. Gusto mo bang ipag-drive kita?" I heard him say... Nakapagtataka, I'm expecting na magkaka-world war III bago niya ako payagan sa mga kagustuhan ko.

I shrug, at least pumayag siya 'di ba?

"Nah. I can manage! Kalapit lang naman ang Spade Haven dito sa pad!" I yelled. Few minutes of changing lumabas na ako. Nakipag-beso muna ako sa kanya bago lumarga. Lalabas na ko sa unit ko as Lenne Madrigal. The very Sophisticated, Kind-hearted Celebrity. Para saan pa't binansagan akong 'Asia's Heart Queen' dahil hindi lang ako dito sa pilipinas celebrity. And few projects international recently. Hmm. I can't say kung nanghihinayang ba si Aunticle dahil sa decisions ko. Because I'll definitely lose my opportunity working in New York. Because Aunticle said they were checking on me for a role. Well whatever...

Humalik muna ako kay Macchi, my Pomeranian puppy. Kung pwede ko lang siya isama doon. Nakakagigil!

Feels like a runaway papunta sa elevator. Suddenly a bunch of fan girls approached me. Nanlalaki ang mga mata nila sa akin. IKR, star struck. Aligaga nilang nilabas sa bag nila 'yung Fall all over again album. Aunticle said na Platinum na 'yon sa mga record bars.

SFX: ting!

Pinauna nila akong pinapasok sa elevator. Pinindot ko agad ang B1 bago ako pum'westo. Nagsabay silang lima sa pagpasok and they're squealing nonstop!

"Here po," with eyes glittering.

It's fascinating to see my albums who's screaming for my signature. Inabutan ako ng pentel ni ate girl sa left.

I smiled and pinirmahan ang limang albums na hawak nila. As an artist dialogue lines; magpapasalamat dahil sa pagbili ng artist albums. At tulad ng inaasahan nilang isasagot; "Ang ganda po talaga ng boses n'yo!"

"Ang ganda ganda po niyo sa personal!"

Na-entertain ako sa kinanta nilang song sa album. Wala sa blending... That's a compliment anyway.

After that scenario they ask for a groufie and I obligue, "Salamat po Lenne!" sabi nung babaeng—siguro tenant din siya dito. Nagkataon lang na nagtagpo ang mga landas namin. And she's cute by the way.

Sinabi ko lang ang uber gasgas na linya. "Thank you," with my dashing into the snow smile.

Mas lalo silang nagtilian. They started to be clingy na. Sanay na naman ako, nung una inisip ko na baka natibo na sila sa akin. Pero sadyang hinahangaan ka lang talaga nila. Alam ko naman iyon.

SFX: ting!

Then we bid our goodbyes. Nanatili ako sa pwesto ko. Hindi pa tuluyang nagsasara ang pintuan kaya naririnig ko pa ang comments nila...

"Grabe... ang bait niya!"

"Ang ganda pa..Eeeeek!!!"

"Waaaaaa~ Magkikita siguro sila ni Harvey!"

I heave a sigh, I've had enough. Ngayon ko lang gagawin ang sana'y naranasan ko through my early ages. Hoping it's not too late.

"Pinagsasabe mo 19 ka palang!" Ugh I can hear Aunticle's voice in my head!

Gosh. May biglang kamay na nag-jumpscare dahil pasara na 'yung elevator. Parang zombie! You know, parang sa movies and video games?

Anyway, magkabilang dulo ang pwesto namin. Siya sa likod ko, nakikita ko siya through reflection. After buttoning his cuffs, he put his hands on his pockets. He got broad shoulders and he's skinny. I can't say if wearing a black polo with gray vest did suit him.

At the middle of analysing him, through reflection nainterrupt ako because he's also looking at me.

Naturally, i will stop analyzing dahil nahuli na ako.

SFX:ting!

Nauna siyang lumabas, I went outside when the door was about to close...

Napailing nalang ako at nilabas ang car keys habang naglalakad.

At the parking lot I saw Jason. Niluwagan ko ng bahagya ang muffler.

Sinalubong niya ako ng yakap. Ang alam ng tao ay kami ni Harvey. Nakakailang tanggi na nga ako, ayaw pa ring maniwala. Por que love team gusto kahit sa totoong buhay ay kami nga.

A few minutes, sinilip ko ang wrist watch. "Jason, two and half hour left." My eyes widen when he angled his face to meet my gaze.

Ilang segundo ang lumipas, nanatili lang kaming magkatitigan. Kung magka-issue naman, palagi naman akong may alibi. Alibi ng mga celebrities.

Ngumisi si Jason ng nakakaloko. "Why babe? Sinusulit ko lang ang mga natitirang oras natin." Dumausdos ang palad niya sa bewang ko.

I gasped. "I'm busy Jason, look i already gave you my time para lang makipagkita sa'yo."

He shrug, "Sayang. Kung naandito lang sana ang band mates ko. Gusto kong mapanood mo kami." Pagmamalaki niya. May kinuha siya sa kotse, and gave me some can.

"Hey, is this liquor?" Marami-rami siyang dala ah? Don't tell me—

Tinawanan ni Jason ang reaction ko. "Ang cute mo, that's why I like you. Light lang yan."

Puro kwentuhan lang naman ang nangyari sa amin. Minsan, sinasakyan ko na din ang paghahalo niya ng flirty words to our conversation. And of course, I can't let myself drunk. Bah, I don't even take a sip!

I'm always aware around my surroundings. Kahit nasa parking lot lang kami, baka may dumaang kung sino.

Nag-vibrate ang phone ko at binasa ang message ni Aunticle.

Aunticle;

Karakaraka ang proses ng files mo! 2m bka mkuha qouh n. Abwt s pic mo, my naicp n qouh!

Talaga 'tong si Aunticle! Kawawa ang ka-text, palaging iintindihin ang message. Hindi manlang buuin!

I replied, 2 pm pa?

Aunticle;

Gaga! Tomorrow! Arwd 8! Dhl mrmi k png ga2wn!

Tamo! Na-gagazoned pa ko! At ano 'to? Around 8?

I know what's on your mind. My dear Aunticle, pag di-disguisin mo ko? I wonder. Anong klaseng disguise naman kaya? Hindi kaya magmukha akong stalker?

No wait.

Gosh. Spy agent role play?!

Exciting!

I bit my lower lip to prevent smiling. No, I can't expose too much excitement... can't I?

Teka, teka kasama ko pa si—"What makes you excited just looking at your phone? May nag me-message na ba ng bagong lalake sa'yo?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. No way.

Still looking wary of me, "Wala bang extension?"

Five minutes left.

Our Contract expires, and we're done. I give him a smile, "sooner. We're done."

"Then, can I kiss you?"

Continued smiling... "No."

My eyes past him and got me chills.

"You, with your date? Sa parking lot?" he chuckled. Tapos pinasadahan niya ko ng tingin, and raised his brows. He's the elevator man.

Umangat ang tingin ni Jason. "Oh hey..." bati niya.

"Is she—?" Alanganin niyang tanong, if he join us, I might as well go.

"Upo ka tol. Paalis na rin naman siya eh." Bumaling sa akin si Jason. Nagpapaawa effect ba 'to?

"Sabi mong mag iinuman tayo eh. May kasama ka pala." Umupo na rin siya sa side namin. "Bakit baha—tol natatapon na beer mo."

Busted! "Okay... I have to go, thank you for you company Jason. See you around then?" Narinig ko ang mahinang hagikgik ng lalakeng kasama niya. What's his problem? Mataman ko siyang tinitigan, somethin' smellin' fishy kasi eh.

Napa hawak ako sa nakabilog kong bibig. Don't tell me...

Confirmed!

Naglipat ang tingin ko sa kanila ni Jason, tapos sa kanya. Aba ang bruha napakagat labi pa! Bet na bet!

Permanently deleted na ang memory ko sa kanya!

I flashed my sweetest smile kay elevator-man, on my peripheral vision tulala na sa akin si Jason. Inirapan lang ako ng bruhilda. I leaned on him para makipag beso. Sayang ka, hmp!

"Good luck girl..." bulong ko sa kanya. "He's still into me" Then winked. Kaimbyerna! Parang diring-diri pa sa akin! Gwapo sana kaya lang—nevermind.

Papalayo na sana ako sa kanya ng hilain niya ang braso ko pababa. Jason is glaring at him now.

He smirked then kissed me on the cheek. Hah! Anong akala mo, you don't have that effect on me! You no fashion sense!

"Bruha ka." I chuckled, "O' nga eh, sayang ka. Anyway akala ko nga waiter ka sa vest mo." He frowned. Dumeretso ako ng tayo. Then flip my hair as I turned. Mamatay ka sa inggit. Straight kaya si Jason!

> > >