webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · 歴史
レビュー数が足りません
41 Chs

Chapter 17

Mairy Alois Hernandez

Kaagad na hinatak ni Alois si Ignis nang makalabas ito sa silid aklatan ng palasyo. Kakatapos lang nitong mag-aral and she's been waiting for him for almost three hours. She missed him.

"Alois! Where are we going?" Nagtatakang sabi ni Ignis.

"Sa likod ng palasyo. Kikitain natin ang mga kaibigan natin."

Kaagad na pinigilan ni Ignis si Alois. He's nervous.

"They'll just laugh at me."

Alois tapped his shoulder bago ito ngumiti. "I'll protect you, Ignis. Hindi ko sila hahayaan na pagtawanan ang mga mahal ko sa buhay— and that includes you."

Nag-aalangan na tumango si Ignis. Do'n mas lalong lumawak ang ngiti—scratch that. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Alois.

"You're already fifteen, dapat hindi ka na duwag. Paano 'yan kapag kinasal tayo?"

He pouted. "Fine."

Tuwang-tuwa si Alois habang nakatingin kay Ignis na nakatulala. Tinatago niya ang saya na nararamdaman. She's pretending na galit siya sa mga bata, but deep inside she's happy. Panay ang pangmamaliit ng mga tinawag nilang kaibigan— mga pekeng kaibigan. Calling Ignis by names. Pinapamukha ng mga ito na hindi dapat siya naa kaharian, na wala siyang lugar sa kaharian na ito.

"Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman totoong anak ng hari at reyna. Sampid ka lang!"

"Wala kang karapatan na magsuot ng magarang damit!"

Akmang sasaktan sananila si Ignis nang humarang siya. She's pretending that she's mad. Itinago niya sa kanyang likod si Ignis na nakatulala lang. Mas lalong naging masaya si Alois nang makita ang luha sa mga mata nito.

"Iyakin pala ang sampid na 'to!"

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Ignis ng tumawa ang mga ito.

"Stop it! Hindi siya sampid!" Sigaw ni Alois. Tiningnan niya ang mga ito. Hindi lang ito basta-bastang tingin.

"Huwag niyo siyang tatawaging sampid dahil hindi siya gano'n!" gustong sumuka ni Alois sa mga sinasabi niya. Napilitan lang naman siyang ipagtanggol si Ignis. She doesn't want to protect him—the person who stole his father's attention and everyone's attention.

"P-patawad prinsesa." Aniya bago kumaripas ng takbo palayo sa kanila.

Ngumisi si Alois. Gumana ang plano niya. Nagpanggap siyang malungkot bago harapin si Ignis. Umupo siya para mapantayan ito.

"Shh, hush now Ignis. Wala na sila."

Ignis hugged her tight. She wants to push him but she can't baka magtaka ito. Sa ngayon kailangan niyang tiisin, she'll let him hug her pero sa susunod ay itutulak niya na ito.

Kung dati gusto-gusto niya ang yakap nito, ngayon hindi na. She hates him, his face, his voice, his hugs, everything about him. She loathes him!

"Let's go back to your room, Ignis." She said bago alalayan si Ignis na tumayo.

Magkasundo pa din sana sila ngayon kung hindi lang sana inagaw ni Ignis ang atensyon ng ama niya. Hindi sana mangyayari ang lahat kung wala itong inagaw. But he stole everything! She loved him, past tense. She hates him now.

...

Ipinikit ni Alois ang mata niya. Matagal na niyang kinalimutan ang mga ginawa niya kay Ignis dati. But she just had a dream where she started betraying Ignis.

Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Nakatulala lamang siya sa magagandang bulaklak ng malawak na hardin kung nasaan siya. Naka-upo siya sa kulay puting bakal na upuan. Kulay puti din ang lamesa at ang payong na panangga sa init ng araw.

Malawak ang kaharian, ngunit nananatili lamang siya sa east wing nito. Naibaling ni Alois ang tingin sa kaliwa nang makarinig ng ingay. Boses ng mga babae. Magara ang suot ng mga ito, katulad ng sa kanya. Kumunot ang noo niya.

Nagpapasok sila ng ibang tao sa palasyo?

"Sino sila?" Tanong niya sa isa sa nagbabantay sa kanya.

Walang sumagot.

"Hindi ba't nagtatanong ako kung sino sila?" Inis niyang tanong. Tiningnan niya ito ng masama.

Napabalik lamang siya sa huwisyo nang may maglapag ng tea cup sa lamesa—sa harap niya. It's her servant, Lithana. Hindi niya alam kung bakit ito pa ang taong inatas ni Ignis para bantayan at pagsilbihan siya.

"They are the Concubines."

Umusbong ang galit at pagkabigla sa puso ni Alois. Concubines?

"Is it… his Concubines?" Tukoy niya kay Ignis. Tunango si Lithana bilang sagot.

Naalala niya ang unang pagbalik niya rito dati. Noong pinagtaksilan siya ni Ismael. Naalala niya ang babaeng nakakapit dito. Ibig sabihin hindi lang siya nag-iisa. Kaya pala hindi niya ito nakikita dahil abala sa mga babae. Naiyukom niya ang kamay.

Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Galit, inis, lungkot at sakit. Bakit parang pinagtaksilan siya ni Ignis? Hindi niya dapat nararamdaman 'to. Matagal na niyang nakalimutan ang nakaraan.

"Here's your tea, princess." Turan ni Lithana.

"I don't like the scent. Alisin mo 'yan sa harap ko kung ayaw mong ibuhos ko sa'yo ang laman ng tasang 'yan." Inis niyang sabi.

Hindi siya nagsisinungaling. Hindi niya talaga gusto ang amoy ng tsaang 'yon. Mabaho at masakit sa ilong. Tinakpan niya ang ilong niya. She felt sick.

"I said get rid of it!" She shouted.

Kaagad na kinuha ni Lithana ang tasa but it was too late. Bumaliktad na ang sikmura ni Alois. Dali-dali siyang tumayo pero bumagsak siya sa sobrang hilo. Sapu-sapo niya ang sinapupunan niya habang nagsusuka sa damo ng hardin.

"Aloi— Princess!" Gulat na sabi ni Lithana.

Sobrang sakit na ng lalamunan niya. Naluluha na siya at hindi na niya alam ang gagawin niya. Hinawakan ni Lithana ang magkabila niyang balikat. Hinagod nito ang likuran niya.

"Princess, you're going to be okay."

Nahihirapan siyang tumango. Maganda naman ang pakiramdam niya kanina. Maya-maya lang ay tumigil na siya sa pagduwal.

"I-ibalik mo ako sa k-kwarto ko." Nahihirapan niyang sabi.

Tumango ito bilang sagot. Nasa pasilyo na sila ng palasyo nang mapatingin siya sa bintana. Nakita niya ang limang paparating na karwahe.

"May bisita?" Aniya sa sarili.

"Darating ngayon ang mga kaibigan ng prinsipe. Nakalimutan ko rin ipaalam sa'yo na kailangan mong maghanda para sa salo-salo mamaya."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Lithana. Para saan ang salo-salo na 'yon at bakit kailangan kasama pa siya?

"Magpapahinga ako. Sabihin mo sa prinsipe niyo na masama ang pakiramdam ko." She said.

Tumango na lamang si Lithana bilang sagot. Kaagad niyang ipinikit ang mata nang makahiga na siya sa kama. Itutulog niya na lang ang hilo na nararamdaman niya dahil alam niya na mawawala rin ito sa oras na magising siya.

"Rest well, Princess." Lithana said before she closed the door.