*Ara011 is now online*
Ara011: AAAAAAAHHH!!!
Xtine: wb ara! :)
oppanoticedme: wb! anyare? :P
Ara011: pasukan na naman kasi bukas :(
Ara011: ano'ng nangyari sa summer vacation ko?
Xtine: hahaha! excited na ako pumasok bukas! may baon na ulit ako! :D
oppanoticedme: heol! Me too! Makikita ko na ulit si oppa! <3
*Lovelyme is now online*
Lovelyme: nakakainis tong si topher. Sira ulo talaga. Adik!
oppanoticedme: bakit nag-away na naman kayo ng boypren mo?
Lovelyme: pano ba naman kasi sabi ko na wag na sumama sa barkada nya ayun tumuloy parin
Lovelyme: nabugbog tuloy
Ara011: hala! :O
oppanoticedme: heol! :O
Xtine: bakit? Sino bumugbog? :O
Lovelyme: ung mga zero bwisit!
Ara011: whut?!
Xtine: ano naman ginawa nila? bakit sila nabugbog?
Lovelyme: nakipag-pustahan daw sila tapos natalo. E si fredrik ayaw magbayad. Nandaya raw kasi mga zero. Ayun. Nagka-initan ng ulo.
Lovelyme: ito naman si topher nakisali pa. nabugbog tuloy.
Lovelyme: may dinner pa naman sa bahay sa Saturday. Paano ko ipapakilala sa parents ko e mukha niya puro bangas?
Lovelyme: stupid talaga! Idiot!
Lovelyme: di naman marunong sumuntok
Lovelyme: bwisit di nag iisip kasi e
Ara011: ano plano mo?
oppanoticedme: omo omo :O
oppanoticedme: yung mga zero?
oppanoticedme: taga pendleton high?
oppanoticedme: omo omo! Daebak!
Xtine: tsk tsk
Lovelyme: bahala sya break na kami
Lovelyme: bwisit sya
Lovelyme: ayaw makinig sakin bahala sya
Xtine: bakit ba kasi sa zero pa sila nakipagpustahan
Xtine: alam nyo naman reputasyon ng mga yon
Xtine: di nag iingat mga yan
Lovelyme: yabang kasi ni fredrik
Lovelyme: to naman ex ko kung makasunod dun parang aso
Lovelyme: mag sama nga sila
oppanoticedme: hayaan mo na yon. Sama ka nalang sakin
oppanoticedme: may mga gwapong friends si oppa <3
oppanoticedme: pakilala kita
Ara011: sino raw alpha nun nakaaway ni topher?
oppanoticedme: alpha?
oppanoticedme: O.O?
Lovelyme: nakalimutan ko e
Lovelyme: pero sophomores daw
Xtine: mabuti hindi 1st yrs
Xtine: kundi tapos sila
Xtine: tsk tsk
Lovelyme: right? Stupid boys
oppanoticedme: di ko gets ???
oppanoticedme: bakit mas malala kapag freshmen?
Ara011: kasi mas wild sila
Ara011: sikat ang pendleton high sa pagpapatino ng students
Ara011: mga drop outs, troublemakers ang tinatanggap don
Ara011: in short, tapunan
oppanoticedme: omo garbage? What?
Xtine: hindi rin sila pwedeng matawag na garbage kasi mayayaman mga napasok don
Ara011: tama tama
Lovelyme: mga black sheeps ng pamilya
Lovelyme: yung mga napabayaan ng parents at di napatino
Lovelyme: mga troublemakers
Lovelyme: yung sobrang dami ng school records na hindi na kayang tanggapin sa ibang schools
Ara011: trooo mga na-kick out
oppanoticedme: may gwapo ba don? :O
Xtine: si janika ng class b kilala nyo?
Ara011: yup yup
Xtine: boyfriend nya taga pendleton high!
oppanoticedme: heol! Jinjja? :O
Xtine: nakita ko sila one time
Xtine: ang gwapo ng boyfriend nya!
Lovelyme: sabi nga nila
Lovelyme: marami raw gwapo don
Lovelyme: pero chismis lang naman yon
oppanoticedme: punta tayo! :D
oppanoticedme: gusto ko sila makita! :D
Xtine: huh? Mag isa ka
Xtine: delikado ron
Lovelyme: pero diba naging co-ed na sila 3yrs ago?
Xtine: pati mga babae tinatanggap na ron
oppanoticedme: edi hindi na delikado
oppanoticedme: kasi may mga babae na rin na pumapasok don?
oppanoticedme: punta tayoooooo >.<
Lovelyme: mga delinquents din ang mga babae don ano ba
Lovelyme: hindi safe don
Lovelyme: kapag may nakabunggo ka na babaeng zero
Lovelyme: tumakbo ka kaagad
Lovelyme: iwasan mo sila
Xtine: may narinig akong kwento
Xtine: na kaya raw itim ang uniforms nila kasi...
Xtine: dati yung anak ng may ari ng school
Xtine: may mga binugbog na tao
Xtine: at yung uniform nya naging kulay itim dahil sa dugo ng mga nakalaban nya
oppanoticedme: HEOL!!! JINJJA?!
Ara011: pfft!
Ara011: hindi yan ang narinig ko
Ara011: kasi raw palaging may mantsa ng dugo ang uniforms ng mga students don
Ara011: kaya ginawa nilang itim para matago
oppanoticedme: OMO! Scary!!!
Ara011: kaya wag kang pupunta don
Xtine: kumusta kaya ang first yrs ng pendleton high ngayon
Xtine: mga bagong salta na naman
Xtine: sana hindi ko sila makasalubong
Xtine: lalo na yung mga babae
Xtine: mas nakakatakot sila e
Lovelyme: may nabasa ako sa forum
Lovelyme: isa raw sa mga papasok this year
Xtine: ano ano? Sino?
oppanoticedme: o.O?
Ara011: sino raw?
Lovelyme: anak daw ng dating leader ng Lucky 13
Ara011: OMAYGAHD!!!
oppanoticedme: ???
Xtine: edi gwapo yun?!
Lovelyme: wala pang nakakita sa kanya e
Lovelyme: ang tagal din kasing nagtago ng pamilya nila
Lovelyme: nabasa ko lang to sa forum e
Lovelyme: di ko rin alam kung totoo
Ara011: sa blacksite?
Ara011: yung underground site?
Xtine: paano ka nakapasok don?
Lovelyme: nakuha ko kay topher, nakapasok kasi sya gawa ni fredrik
Lovelyme: ipinagyabang e, ayun
Ara011: bakit daw nagtago yung family nila?
Lovelyme: nagkaron daw ng malaking scandal ang pamilya nila years ago
Lovelyme: kulang sa details e
Lovelyme: hindi sinabi kung ano ang nangyari
Lovelyme: pero may mga iba na nagsasabi assassination attempt daw?
Ara011: baka yung mga nakaaway dati nun leader
Xtine: o baka dahil sa yaman?
oppanoticedme: daebak! Gusto ko sila makita!
oppanoticedme: baka nandon na si the one ko!
Ara011: -_-
Ara011: stahp
Xtine: delikado ron
Xtine: wag kayong lalapit sa school nila
Xtine: o sa mall na malapit sa kanila
Ara011: tama tama
Ara011: wag talaga
oppanoticedme: ???