webnovel

High School Diaries

2008, Trixie Natividad is just a first year student in a Senior High, she gets bully with her best enemy named, Christian Kyle Santos. His Step Brother too. Before she fell in love with her Senior and Campus President called Mr. Weirdo Man, named Ivan Flores. She became his maid for the sake of helps she need. She gets more bullied when Ivan died and called her, she killed him. 2009, She was trying to hide at the library to get away from the bullies, until she met the most famous vocalist of the band and called himself a serious guy named Rom Villanueva. She was trying to be an out cast person but her diaries was left by him and he getting to know more about her. He fell in love with her but her past love with Ivan Flores wasn't easy for her to moved on. She gets caught with the leader of the bullies and the ex girlfriend of Rom Villanueva named Jillian Flores, the little sister of Ivan Flores. She tried to dropped her out of the Senior High but Christian Kyle Santos and defend her and stayed by her side. 2010, When she met someone in the farewell party of Rom Villanueva. The guy who always watching her from a far. The guy who was accused by her because of the simple ballpen named, Paul Rodriguez. Her cool gangster saviour. Until they knew that they're engaged and became a dog-cat lovers. He fell inlove hardly but his best friend, Christian was there to stop their fake relationship. 2011 When Christian finally confirmed his love for Trixie and her best friend named Shyrene Tolentino caught them and just because she's Christian real girlfriend. She ruined their friendship goals and became a love triangle. Not untill, Trixie Natividad found out that Christian was suffering by the leukemia like Ivan Flores illness in the past few years. She found it too that her father was alive and Christian knew about it. Before the graduation in year of 2012, She Left the Senior High and the life in that places and lived to the province where her father was live. She's with Jin Ford Arevalo who makes a deal with his best friend, Rom and live in there too. It was too late when she find out that she was carrying a child of her first love. She getting pregnant with Christian but it's too late for their one big happy family. They could be ever met again?

SimplyMarjo · 一般的
レビュー数が足りません
15 Chs

CHAPTER 13.

🄿🄰🄶🄴 13.

TRIX'S POVS.

...

"Anak.. . tumakbo ka na!! Pap*tayin ka rin nila kapag nakita ka nilang buhay!!" Sabi sa'kin ni Papa bago sya paputukan ng b*ril sa ulo nya.

Umiiyak ako at umiyak pa ng umiyak hanggang sa nakita ko na dumadaloy ang dugo ni Papa papunta sa akin.

"Buhayin nyo ang bata na yan! magagamit natin sya!" Narinig ko na sinabi ni Lorena sa kanyang mga tauhan.

Hinigit ko ang mini skirt nya pero itinulak nya ako.

"Isa kang pagkakamali sa buhay ko Trixie! Naiintindihan mo!!" Matigas niyang sabi.

"Sige na, dalhin nyo na yan!" Pag uutos pa niya.

Tapos pagkadala sa'kin sa isang damuhan, Bin*ril ako ng isa sa tauhan nya at tinamaan ako sa aking binti.

Naging madilim na ang paningin ko hanggang sa nagising na lang ako sa isang malawak na bahay.

Hindi ko agad mailakad ang aking paa dahil sa sugat na tinamo ko.

May isang bata na kasing edad ko lang ang nakatingin sa'kin habang inaasikaso ako ng isang lalaki na kasing tanda ni Papa.

Ginamot nya ang sugat ko at inayos ang pananamit ko.

Binihisan at pinakain hanggang sa pinag aral ako nito sa isang Private school ng Elementary.

Mortal kong kaaway ang anak nya pero masaya sya na lagi kaming magkasama.

Habang nagkakaroon ako ng sariling pag iisip at nagma matured na ako ay mas pinili ko ang tumayo sa sarili kong mga paa at subukin ang hamon ng buhay.

***

Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang alarm clock na nasa ulunan ko.

"Cielo!!" Balikwas na tawag ko pero walang sumasagot.

Teka bakit yata ang lawak ng kwarto namin ngayon?

Nag general cleaning ba sya?

Tumayo na ako at napatingin ako sa aking suot na damit.

Polo shirt ang suot ko at naka panty lang ako at sando na lang yung nakasuson sa polo na suot ko.

Pumasok sa utak ko yung nangyari.

"Huhh? Nasa bahay ako ni Rom? Anong ginawa nya sa'kin? Nasaan ang uniform ko?" Naguguluhan ako at hindi ko mawari ang lahat ng nagawa ko.

Hindi ako makalabas ng kwarto dahil baka nasa pinto lang sya.

Baka makita pa nya ang kaluluwa ko pero anong gagawin ko?

Biglang may pumasok sa kwarto kaya agad kong hinagilap ang unan para takpan ang hindi dapat niya makita.

"Seniorita gising na po pala kayo?" Bungad sa akin nang isang Matanda.

"Huh? Seniorita?" Nagtataka ako. Ako ba ang tinutukoy niya na Seniorita?

Bigla syang pumalak pak at kaagad may mga pumasok na 5-7 na maids yata.

"A....anong ga...gawin nyo sakin?" Nalilito kong tanong habang sinusubukan nila akong lapitan.

"Mahalagang ipinagbilin po ni Seniorito Rom na paliguan at bihisan ka bago niya kayo makita!" Paliwanag pa nito.

"Ano? Teka sandali lang! Hindi nyo ako pweding....!" Hindi na natuloy ang aking sasabihin dahil agad na nila akong dinala sa napakalawak na Banyo.

"Take your time Seniorita!" Pinagsarahan na nila ako ng pinto.

Namangha na lang ako sa aking nakita sa loob ng banyo.

"Wow.. . Pwedi ng maging isang apartment ang banyo na ito, Ganito pala sya kayaman?" Bulong ko.

Agad na akong nagbabad sa bathtub na napaliligiran ng petals ng rose at kung hindi ako nagkakamali ay Maids niya ang lahat ng tao na iyun.

"Haissst! Trix ano tong ginawa mo? Bakit ba ako pumayag na pumunta dito?" Bulong ko sa aking sarili habang inuuntog untog ko pa ang aking ulo sa bathtub.

"Aray!" Kainis naman.

.

.

.

Nang makaligo na ako ay binihisan nila ako na parang isang Prinsesa.

Hindi ako pweding tumanggi dahil baka bugbugin nila ako sa sobrang dami nila.

"Pinapahatid na po sya ni Seniorito Rom sa Dinning Area! Chairwoman!" Sabi nu'ng isang maid na nag ayos sa akin.

"Sige na ihatid nyo na siya! Seniorita maaari na po kayong kumain!" Pagbibigay galang sa akin ng matanda.

Lumabas na ako ng kwarto at laking gulat ko dahil gumalang sa'kin ang lahat ng maids na nakahelera sa aking nilalakaran.

Para akong Prinsesa na naglalakad sa red carpet pababa sa hagdan at sumalubong sakin si Jin para alalayan ako papunta sa Dinning Area.

May okasyon ba na sobrang ingrande at kailangan talaga ay ganito ang aking ayos sa sarili?

"Jin... Ano bang kalokohan nyo na naman ito huh??" Derektang tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lang sya sa'kin.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari kaya bumitaw na ako sa pag alalay nya at sinugod ko na si Rom sa Dinning.

"Hoy!!!!!!!!" Duro ko sa kanya.

"Mabuti naman at naisipan mo pang gumising?" Sabi nya.

"Anong kalokohan ito huh?" Taas kilay ko sa kanya.

"Ang alin?" Pagtataka pa niya.

"Baka nalilito pa rin sya Seniorito Rom!" Tinig ni Ace na naghahayin ng pagkain sa lamesa.

"Ginag*go nyo ba akong tatlo huh? Bakit nyo ako pinagtri tripan?" Singhal ko sa kanila.

"Hindi naman sa ganu'n Seniorita Trixie Natividad! Gusto lang ni Seniorito na makita ang hidden beauty mo sa kabila ng pinagda-daanan mo!" Paliwanag ni Jin.

"Hindi ako natutuwa! Uuwi na ako!" Tinalikuran ko na sila at balak ko na ang umalis.

"Hayaan mo ako na magpakilala sayo Trixie Natividad!" Saad ni Rom na sinundan ko ng tingin ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

Hindi ko malaman ang itutugon ko sa kaniya.

Ano ba naman kalokohan ito?

"Anak ako ng isang Billionaire Executive Director ng Global Banks sa Italy at Chairwomen Officer ng isang television network sa New Zealand. Sila naman ang mga maids ko (Itinuro niya yung mahigit 20 Maids nya), Sya ang Mayor doma at nakakaalam sa lahat dito! (Itinuro rin nya yung matandang babae), She's my Nannie! Si Jin Arevalo ang Personal Assistant ko sa lahat ng Appointments ko and si Ace Ramos naman ang Master Chef ko dito sa Mansion ko!" Hindi ko maintindihan na pagpapakilala niya.

Billionaire?

"Huh?" Nalilito ako.

Ang sakit sa ulo mag isip kung ano ba itong nangyayari.

Sana isa na lang ito sa panaginip ko dahil hindi ko ito inaasahan mula sa kanya.

"Sa labas ng Mansion na ito, Isa lang akong tahimik na Senior Student katulad nila at barkada ko lang sila!" Pamumulsa niyang sabi.

"Mabuti pa kumain na muna kayo Seniorito and Seniorita!" Pag aaya na ni Ace.

"Tigilan mo nga ang pagtawag sa'kin ng Seniorita!" Inis kong sabi.

Nalilito pa rin ako at nagtataka na rin kung bakit binulgar nya ang tunay na estado ng buhay na mayroon siya.

Hindi ko tuloy maiwasan na mailang sa kanya.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasan ang magkamali.

Natapon ko yung soup sa damit niya.

"Ay.. Sorry Rom!" Pupunasan ko sana kaya lang pinigilan nya ako.

Yung next scene.

Nalunok ko bigla yung buto kaya nabulunan ako.

"Ah...aha..aha...!!, tu....b...ig..R..om!!"

Hinampas nya ang likod ko kaya tumalsik sa pinggan nya yung buto.

Eto pa yung pinaka nakakahiya sa lahat.

Pagtayo ko, nagpilipit ang dalawa kong paa kaya muntik ko ng salubungin ang sahig.

*MUNTIK LANG!*

Nahagilap nya kase ang kamay ko kaya nahila nya ako ngunit sa dibdib naman niya ako pumatong.

Nakakainis lang dahil sa sobrang seryoso niya parang balewala lang ang lahat ng 'yun sa kanya.

Pagkatapos ng kapalpakan ko sa hapagkainan.

Pinagmasdan ko sya kung paano tumugtog ng piano nya sa under ground basement nya.

Dapat ganitong oras ay nasa school na kami.

Nag aaral at sumusulat ng Lecture sa MAPEH.

"A year ago, My Parents got seperated just because of their differences opportunities about business and career, So i decided to go back here for a while and set me free until i met you!" Pagkukuwento niya at tumigil siya sa pagpi-Piano.

"Akala ko ba si Jillian ang dahilan kung bakit dito ka sa Pilipinas nag aral?" Kunoo't noo ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"Amh... Bakit mo ba ako dinala dito?" naiilang kong tanong sa kanya.

"Dapat ba mayroon akong dahilan?" He answered in a serious tone.

"Oo kase nalilito ako!" Usal ko naman.

Tumayo sya at lumapit sa'kin kaya napasandal ako sa pader.

"Anong gagawin mo?" Namimilog kong mga mata sa kanya.

Kanina ko pa napapansin ang hawak nyang gunting kaya napapikit ako nang i-angat nya yun sa mukha ko..

"Ah... Aray!!!" Daing ko.

"Oh.. Bakit? Masakit ba yung pagkakagupit ko sa bangs mo?" Natatawang tanong nya.

Akala ko sinaksak nya ako, ginupit nya pala yung humahaba kong bangs.

Napa-singhap na lang ako sa hangin.

Anyways.

"Kung iniisip mo na masisilaw mo ako sa yaman mo, pwest nagkakamali ka Seniorito Rom Villanueva! Hindi ako intrisado sa anuman pera o ari-arian ang mayroon ka kaya sana lang...." Nagsasalita pa ako ngunit hinila nya ako sa kanyang kinau-upuan

"May sinulat akong kanta para sayo! Gusto ko sanang marinig mo!" Sabi nya at kinuha naman nya ang guitara niya.

"Ano ba Rom? gtanyan ka ba talaga ka ignoranteng lalaki huh? May sinasabi pa ako, kung ano ano na ang inaatupag mo!" Baling ko sa kanya.

"Tell me, Am i nothing on you? Bandmates lang ba talaga ang tingin mo sa'kin Trixie?" Saad na tanong niya.

Bigla na lang nagbago ang Aura ng kanyang mukha namas lalo pang sumeryoso at hindi ito normal sa paningin ko.

"Ikaw ang unang babae na dinala ko sa Mansion na ito, Ikaw ang babae na nakakasira ng deskarte ko sa band ko! Ikaw rin ang dahilan kung bakit nakagawa ako ng una kong isinulat na kanta pero bakit pakiramdam ko parang balewala lang ang lahat sayo? Ikaw ang ignorante sa'tin dalawa at manhid ka pa!"  Matigas niyang sabi.

"Ano?" Gulantang ko.

"Alam mo bang si Jillian ang nagconfess sa'kin about sa feelings nya! Kaya niyang ibigay ang lahat sa'kin pero pinakawalan ko sya dahil gusto kong ako naman ang makaranas ng confession sa isang babae ngunit ang hirap palang gawin!"

Ano bang sinasabi nya? Nagkukuwento pa rin ba sya?

"Hindi kita maintindihan!" Gigil ko na sa kanya.

"I think I'm inlove with you Trix!" Derekta nya akong tiningnan.

"Huh? Ah.... Eh..." Anong isasagot ko.

"I don't want to offend you, I'm just trying to confess my feelings for you! Na-shock ka ba sa sinabi ko?" Tanong pa niya.

Sinapok ko sya.

"Aray!" Daing nya.

"Baliw ka ba? Sinong hindi magugulat sa sinabi mo? Alam mo kulang ka yata sa tulog, mabuti pa bumalik na tayo sa taas, matulog ka na lang ulit!" Sabi ko at balak ko na umalis.

Pakiramdam ko ay seryoso sya sa sinabi nya.

"Siya ba kaya ayaw mo akong intindihin?"  Napahinto ako sa tanong niya.

Yung Next Page.

Nabasa nya ang nasa Diary ko.

"Wala bang matinong lalaki ang pwedi kong pagkatiwalaan? Ipinahiram ko yung Diaries ko dahil sinabi mo na kukunin nyo lang yung kanta pero bakit binasa mo pati yung Next Page? Kaya nga may warning na nakasulat dun di'ba? Bw*sit!!!!" Maktol ko.

"Balewala ka lang sa kanya! Hindi nya pinahahalagahan ang mga effort mo kaya bakit sya pa?" Deretsang anas niya.

"Wala kang pake alam! Hindi mo dapat binabasa ang mga bagay na dapat sekreto lang!" Tumataas na ang boses ko sa kanya.

Bigla nya akong niyakap.

"Nagseselos ako sa kanya!" Masalimuot na sambit niya.

Pakiramdam ko ay tumigil ang ihip ng hangin na para bang may nagtatambol sa puso niya.

His heartbeat so fast.

"Rom!!" Itinutulak ko sya pero patuloy pa rin sya sa pagyakap sa'kin.

"Trix give me a chance to love you more! Please" Paki-usap niya na mas lalo kong ikinalito.

"Hindi mo ba naiintindihan! Gusto mo ba talagang mag away kami ni Jillian at pag usapan na naman nila ako. Sabihan ng kung ano ano? Alam mo hindi ko na talaga gustong manatili dito!" Nasa ganoon pa rin ang pwesto namin.

Naramdaman ko na lang na bumitaw na sya at inches na lang ang pagitan namin.

Napatingala ako dahil sa tangkad niya at tumungo naman sya para pantayan ang tingin ko.

Itinunghay nya ang mukha ko nu'ng tumungo ako.

Dahan dahan niyang inilapit sa mukha ko ang kanyang mukha.

Yung hininga nya ang lumilinis sa namamawis kong labi.

Napapikit naman ako at parang sandali na naputol ang hininga ko.

Lumapat ang kanyang labi sa aking labi hanggang sa ginusto na niyang idiin pa iyun sa'kin.

Lumalalim na ang bawat halik nya at pabago bago. Bigla akong natauhan.

Itiinulak ko sya at pinunasan ko ang aking labi.

"Trix!" Mahinang tinig niya sa aking pangalan at hinawakan pa nya ang aking kamay.

"Ayoko Rom! Mabuti na yung ganito lang tayo!" Tumakbo ako palabas ng basement.

Palabas sa Mansion na iyun.

"Trixie!" Narinig ko pang tawag ni Jin ngunit hindi ko na siya pinansin pa.