webnovel

High School Diaries

2008, Trixie Natividad is just a first year student in a Senior High, she gets bully with her best enemy named, Christian Kyle Santos. His Step Brother too. Before she fell in love with her Senior and Campus President called Mr. Weirdo Man, named Ivan Flores. She became his maid for the sake of helps she need. She gets more bullied when Ivan died and called her, she killed him. 2009, She was trying to hide at the library to get away from the bullies, until she met the most famous vocalist of the band and called himself a serious guy named Rom Villanueva. She was trying to be an out cast person but her diaries was left by him and he getting to know more about her. He fell in love with her but her past love with Ivan Flores wasn't easy for her to moved on. She gets caught with the leader of the bullies and the ex girlfriend of Rom Villanueva named Jillian Flores, the little sister of Ivan Flores. She tried to dropped her out of the Senior High but Christian Kyle Santos and defend her and stayed by her side. 2010, When she met someone in the farewell party of Rom Villanueva. The guy who always watching her from a far. The guy who was accused by her because of the simple ballpen named, Paul Rodriguez. Her cool gangster saviour. Until they knew that they're engaged and became a dog-cat lovers. He fell inlove hardly but his best friend, Christian was there to stop their fake relationship. 2011 When Christian finally confirmed his love for Trixie and her best friend named Shyrene Tolentino caught them and just because she's Christian real girlfriend. She ruined their friendship goals and became a love triangle. Not untill, Trixie Natividad found out that Christian was suffering by the leukemia like Ivan Flores illness in the past few years. She found it too that her father was alive and Christian knew about it. Before the graduation in year of 2012, She Left the Senior High and the life in that places and lived to the province where her father was live. She's with Jin Ford Arevalo who makes a deal with his best friend, Rom and live in there too. It was too late when she find out that she was carrying a child of her first love. She getting pregnant with Christian but it's too late for their one big happy family. They could be ever met again?

SimplyMarjo · 一般的
レビュー数が足りません
15 Chs

CHAPTER 12.

🄿🄰🄶🄴 12.

TRIX'S POVS.

...

Sa LIBRARY.

"Haysss! Hindi pa ibinabalik ng ugok na 'yun ang Diaries ko, Kainis naman! Napa trouble na nga ako hindi ko pa naiisulat yung next chapter sa next page!!!!" maktol ko sa likuran ng bookshelf.

Ginulo ko ang aking buhok at lumaylay ang bangs nito sa unahan ng aking mukha.

Bakit ang bagal humaba ng buhok ko?

Stress din ba toh?

"Ang tapang mo kanina ah!" Tinig ni Rom habang nasa kabilang likod ng bookshelf.

"Huh?? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Tutulog sana ako kaya lang ang ingay mo!" Sabi nya.

"Ah! Ganun ba? Sorry!"

"Okay lang, nawala na yung antok ko!" Naupo na sya at isinandal nya ang kanyang likod sa bookshelf habang nakaharap naman sa pwesto ko.

"Nag aaway ba kayo ni Jillian dahil sa'kin?" He's serious.

"Ts, Ang kapal naman yata ng mukha mo para pag awayan ka namin! Magpapaliwanag sana ako tungkol doon sa ginawa mo sa'kin sa Recording Studio!" Pag irap ko sa kanya.

"Ano bang ginawa ko?" Kamot niya sa kanyang ulo.

Napaisip pa yata sya?

"Ah, wala na yun!" Aalis na sana ako.

"Hindi ako papayag na sasaktan ka nya dahil sa'kin Trix, kung susubukan nyang mapatalsik ka sa band ko sisiguruhin kong ako ang makakalaban nya!" Mariin niyang sabi.

"Ha? Ano ba Rom? Hindi naman kayang gawin yun sa'kin ni Jillian, mabait sya at hindi nya lang siguro matanggap na namatay yung kuya nya dahil sa sakit, saka napapaligiran sya ng mga antipatikang kaibigan nya kaya ganoon lang sya!"  Paglilinaw ko.

"Hindi mo sya ganun kakilala Trix!" Baling nya sa'kin.

Ts, Bf/Gf nga pala sila.

"Hindi sya katulad ng kuya nya! Magkaiba sila! Believe me, She can do what she want as long as she'll be the happiest brat!"

"Okay!" Sabi ko na lang.

"Ni-hindi ka man lang natinag sa sinabi ko! This is so embarrassing!" Bumabagting na sa sabi niya.

"Dapat ba matakot ako sa katulad niya? Spoiled brat man sya o Anak mayaman, Wala na akong pakealaman!" Diin ko pa.

"As your say Ms. Diary!" Buntong hininga niya at tinapik na lang ako sa balikat.

***

THE NEXT DAYS.

ROM'S POVS.

...

"Mahal na mahal ko talaga sya!" Pagbasa ko sa Diaries ni Trix.

"Hoy! Nu'ng isa ko pang linggo ipinababalik 'yan sayo, bakit hindi mo pa rin ibinabalik kay Trix huh?" Baling sa'kin ni Jin.

Inilagay ko sa aking tainga ang headset ko kahit walang tunog para hindi na nila ako makausap kaya lang naririnig ko naman ang usapan nila.

"Binabasa pa nya!" Sabi ni Ace.

"Kaya laging beast mode si Ms. Diary, hindi pa nya yun nakukuha!" Giit pa rin ni Jin.

"Alam mo Jin, maganda naman yung si Trix, magaling pa magsulat ng kanta at mas magaling pa sa'kin maguitara! Naku kung nabubuhay lang si Ivan ang swerte nya dun di'ba?" Pagbabago ng usapan nilang dalawa.

"Akala ko ba inis na inis ka sa kanya at ayaw mong may mas gagaling pa kaysa sayo? Bakit sinasabihan mo sya ng maganda at swerte si Ivan sa kanya? Bakit binabati mo na ang mga effort nya sa banda? Saka matagal ng patay si Ivan, It's been 1 year and more months since he passed away, hindi pa rin ba sya nakakamove on sa lalaking yun?" Singit ko sabay tanggal ng headset.

Nakakairita ang usapan nila kaya hindi na ako nakatiis.

"Owh?" Gulantang nila.

"Amh... I mean... Hrr.. Bakit sya ang topic nyo?" Naiinis kong tanong.

"Woah?! I smell something irritation about umh.... May dapat ba kaming malaman sayo Rom?" Cross Arm ni Ace sa aking harap.

Ibinalik ko ulit ang aking headset sa tainga pero kinuha nya at tinesting ito kung may music nga ba talaga.

"Tinamaan na ng lintik, Jin!" Bulalas niya.

"Bakit Ace?" Taas kilay ni Jin.

"Whasheng yusha sheni borukas dixiummh!!" Bulungan nilang dalawa sabay tawanan.

Ano daw??

Alien words ba yun?

"Hoy tigilan nyo nga ako! Yung gig na lang natin ang atupagin nyo!" Pagkainis na utos ko sa kanila.

Ngunit patuloy pa rin sila sa bulungan nila at dumating si Christian kaya lalo akong nainis.

"Narito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap!" Tinig niya.

"Pag aari mo ang school na ito pero naliligaw ka pa rin?" Natatawang sambit ni Ace.

"Isa lang kase ang nililigawan ko!" Baling nya.

"Nonsense! Magjo joke na nga lang corny pa!" Bulong ko.

Napansin nya ang Diaries ni Trix kaya hinigpitan ko na ang kapit dito para hindi nya makuha.

"Grabeh.. Mahal na mahal mo yang diary nya ah!" Sabi nya nang iiwas ko sa kanya ang Diary na ito.

"May mga bagay na dapat sekreto lang gets mo?" Baling ko sa kanya.

"Bakit hinahayaan ka nya na basahin yan?" Matigas nyang tanong.

"Nandun kase yung mga sinulat na kanta ni Trix, babasahin ko sana yung next page kaso may warning eh, baka pag initan ako ni Trix!" Singit ni Jin.

"Seryoso may warning talaga? Ikakamatay mo ba kung mabasa mo ang mga nakasulat sa next page na sinasabi mo?" Pagtataka pa nya.

"Amh! Posible! Ikaw kaya yung balian ng tadyang, putulin ang kamay at tusukin ng chopsticks ang mga mata na parang fishballs ta's balatan ng buhay habang umiiyak ka ng dugo sa sakit? Ayokong mangyari 'yun sa'kin nuh!" Paliwanag ni Jin.

"Ang tindi pala ni Trix magalit!" Natatakot na tinig ni Ace.

"Hindi na ako magtataka kung isang araw takot ng lumapit sa kanya ang lahat!" Diin pa ni Jin.

"Kaya lagi na lang siya ang napagbibintangan sa pagkamatay ni Ivan dahil sa mga pananakot nya! Wag nyong paniwalaan 'yun, Walang kwenta ang pananakot nya na nakasulat sa Diary na yan! Hindi nya kayang gawin yun okay! Kaya sige na Rom.. Give it that to me!" Kinukuha nya na pero hindi ko ibinibigay.

"Hoy! Ano ba Rom?!" Pagpupumilit pa rin niya na makuha ito.

"May warning o wala, You have no rights!" Pagsusuplado ko sa kaniya.

"Rights saan? Step sister ko naman sya at saka ano bang meron dyan para pagbawalan mo ako na mabasa yan? Kung yung warning lang din naman, Don't you worry hindi ako natatakot sa kanya!" Lakas loob niyang sabi.

Kapag hinayaan ko syang basahin ang Diaries ni Trix sigurado ako na magiging awkward ang lahat.

May magbabago sa samahan nila.

Okay fine! Aamin na ako.

Nasaktan ako sa mga nabasa ko sa next page at secret files ni Trix.

Alam ko naman na may warning pero aksidente na mabasa ko ang tungkol sa isang bagay na itinatago niya.

Nung una, nakakatawa at medyo boring ang mga nakasulat ngunit kahit hindi kami close in person parang kilalang kilala ko na sya dahil sa Diaries na ito.

"Member lang ng band ko ang may karapatan na mahawakan ito okay!" Pagdadamot ko pa rin.

"Alright suko na ako!" Bumabagting niyang panga sa galit siguro sa'kin.

Nagheadset na lang ulit ako kahit wala pa rin music.

Kinuha ko ang guitara ko at nilaro laro ko lang yung cords nito habang nakamasid ako sa labas ng room.

Ts, Bakit ko ba sya hinihintay?

Ngunit nasaan na kaya yun? 10 minutes na lang ay late na sya sa first period ng klase.

Nasa library na naman siguro yun.

Napatingin ako sa mga Senior's Students na tumatakbo sa direksyon ng field at biglang dumating si Cielo.

"Rom... Tulong please!" Natataranta na sabi nya.

"Oh.. Bakit ka ganyan Cielo?" Paglapit sa kanya ni Ace.

"Rom!!!!" Tawag pa rin nya pero hindi ko naman sya pinapansin.

Baka kase kailangan na naman nya ako para magpa pogi points sa mga malalanding bakla na kakilala nya kahit hindi ako intrisado.

"Hindi ka nya naririnig, nakaheadset sya! Ano ba yun ha?" Baling sa kanya ni Jin.

"Si Trixie kase eh....!" Utal niya.

Tinanggal ko agad ang headset ko sabay tayo kaya nabitawan ko ang aking guitara.

"Anong nangyari kay Trix?" Sabay namin tanong ni Christian.

"Amh... Puntahan na lang natin sya sa field!" Paghila nya sa'min.

.

.

.

.

.

Sa FIELD.

"You killed my brother!" Sampal ni Jillian kay Trix.

"Pweh!" Pagdura naman ni Trix. May dugo na agad sa kanyang labi.

"Hindi ka ba talaga marunong mahiya!" Sasampalin ulit sana ni Jillian si Trix ngunit nasanggahan na niya ito.

Nagkatulakan pa sila at bigla na lang nagsabunutan.

Hindi yata sanay si Trix sa hilahan ng buhok kaya natatalo sya ni Jillian.

Nakiki-awat na si Christian pero parang hangin lang sya dun sa dalawa.

"Haysss Grabe na talaga si Jillian!" Umiiling na sambit ni Jin.

Lumapit ako sa kanilang kinapupuwestuhan at mabuti na lang nasalo ko ang bato na ibinato ni Jillian.

Muntik na si Trix.

"Ano ba itong ginagawa mo Jillian?" Tanong ko sa kanya.

"Don't tell me kakampihan mo ang babaeng yan? Rom she hurt me at first! She killed my kuya!, She's a gold digger, pathetically she was flirting you! All boys and students here should know her bad background!!" Nanggagalaiting sabi nito.

"Hindi totoo yan!!!" Depensa ni Christian para kay Trixie.

"How did you know? Do you have any proof that she's a good influencer for us? Ikaw ang may ari ng school na ito Christian, Dapat alam mo at kilala mo ang pagkatao ng mga students na pumapasok dito!" Dugtong pa nito.

"Ilan beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko pinatay si Ivan? Hindi nyo ba ako titigilan na pagbintangan sa pagkamatay ng kuya mo?" Saad ni Trix habang ito'y hinihingal.

"Ikaw ang huli nyang kasama bago sya mawalan ng hininga! Ano pa bang malay namin kung nilason mo ang Kuya ko!" Wala na sa tamang katwiran na anas ni Jillian.

"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa mga katulad nyong mahina ang pang unawa sa lahat ng bagay!" Pagtalikod na ni Trix.

"See! Nagpapaka innocent lang sya sa ating lahat!" Sigaw pa ni Jillian.

"Stop it Jillian!" Pagpigil ko na sa kanya.

"No! You can't stop me! Ipapatanggal ko sya dito sa Senior High!" Baling nito sa'kin.

"Hindi mo gagawin yan!" Sabi ko.

"Kung may dapat paalisin sa school na ito, Ikaw yun Jillian! Walang lugar sa school ko ang katulad mo!" Diin ni Christian.

"Let me reminds you Mr. Santos, Isa sa pinaka malaking shares sa school na ito ang parents ko, So don't you ever dare me!" Pagmamatigas pa nito.

"At ako ang mismong may ari nito! This is mine! Anak ka lang ng Main Share Holders! Kaya kitang ipa-expelled!" Ngayon ko lang nakita ang tunay na galit ng isang School Owner na si Christian.

"Makes sense Jillian! Walang ginagawang masama sa'yo si Trixie!" Tinitigan pa niya ito mula ulo hanggang paa.

Pinagtitinginan na sya ng lahat kaya nag walk out na sya.

Absent na sya the whole day.

***

Later on nakita kong umiiyak si Trix sa gilid ng Corridor.

Gusto ko syang lapitan ng makita ko na umiiyak siya pero naunahan na ako ni Christian na malapitan siya. Pinunasan nito ang kanyang mga luha.

Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang sya naipagtanggol kay Jillian kanina tapos ngayon ay para bang nagseselos pa ako sa sweetness nila ni Christian.

Akala ko ba best enemy sila? Bakit kulang na lang langgamin sila sa ginagawa nila.

Hindi ko na kinakaya pa ang mga nakikita ko kaya nilapitan ko sila at hinila ko agad si Trix.

A serious guy, Didn't need to explain.

"Teka, Saan mo sya dadalhin!?" Pagpigil ni Christian sa right wrist ni Trix.

"May rehearsal kaming dalawa!" Sabi ko.

"Hindi mo ba nakikita na ginagamot ko ang sugat nya?" Singhal nya sa'kin.

"Bitawan nyo nga ako! Nasasaktan ako!" pumipiglas sya pero hindi ko sya binibitawan.

"Hindi nya ikakamatay ang galos! Don't worry I'll take care of her!" Diin ko sa kaniya.

"Hindi mo yata naiintindihan! Ikaw ang puno't dulo ng gulo nila ni Jillian kanina dahil nilalapitan mo si Trix! Tapos..." Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya dahil tuluyan ko nang hinila paalis si Trix.

MANSION HOUSE.

...

"Nasaan ba tayo ha?" Pagtatakang tanong nya.

"Here at my Mansion!" Sabi ko at ikinuha ko agad sya ng juice.

"Uuwi na ako!" Aalis siya.

"No! Don't go!" Humarang ako sa dadaanan nya.

"Ano bang akala mo sa sarili mo huh Rom? Sa sobrang seryoso mo hindi mo napapansin na may nadadamay dahil sayo!" Singhap niya ng hangin.

"Sorry sa ginawa sayo ni Jillian!" All i can say.

"Huli na!" Sabi nya habang sisunusubukan na pigilan ang kanyang pagluha.

"Paano na ako ngayon? Lahat na lang ng sisi ay sa'kin nakabunton! Lahat sila ang tingin sa'kin ay killer, Mukhang pera at walang kwentang babae! Tapos nakukuha mo pa akong dalhin dito sa bahay mo para saan huh? Sisisihin mo rin ba ako kung bakit naghiwalay kayo ni Jillian? Pipilitin mo rin ba akong umamin na pinatay ko si Ivan!" Tuluyan na syang umiyak.

I hug her.

"Stop it okay... Don't say that!" Haplos ko sa kanyang likuran.

"Bakit kase ako pa?" Suntok nya sa dibdib ko.

"Pagod ka lang kaya nasasabi mo yan!" I just wanna comfort her.

Hanggang sa narinig ko na lang ang mahihinang hilik nya.

Ts, Ganito ba talaga sya? Nakakatulog sa tuwing umiiyak?

She's cute

Este

Antukin!!

Inayos ko ang pagtulog niya sa paglipat ko sa kanya sa aking kama. Saka ko lang napagmasdan ang buong mukha niya.

"Ms. Diary!" Sambit ko na lamang.

Tinext ko na lang si Cielo na narito sa bahay ko si Trixie.