webnovel

3

Chapter 2

- Cade's POV -

Nakaupo ako ngayon sa upuan ko at pinapagalitan ng mga kaibigan ko.

"Ano ba ang problema mo?" Tanong ni Jaylen.

"Kasalanan nya yon, hindi sya tumitingin sa dinadaanan nya." Sagot ko. Napahilamos namab sila pareho ng muhka.

"Bro, bulag nga. Bulag! Tapos sasabihin mong 'hindi tumitingin sa dinadaanan nya'? Abnormal ka ba?" Inis ding sabi ni Lawrence.

"Ehh, bakit nyo ba ako inaaway? Ako ba talaga ang kaibigan nyo? O sya?" Inis kong sabi. Naupo na sila dahil pumasok na ang lecturer namin.

"Good morning." Nakangiting bati nito.

"Goood morrninggg, misss." Mahabang sagot namin.

"Ano yan? Umaga palang mga inaantok na kayo? Hindi pwede yan sa klase ko." Sabi nito habang umiiling.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK

Palabas na sana kami ng biglang makita naming makasalubong ang babaeng pumasok ng classroom namin kanina. Naglalakad ito mag-isa at parang walang pake.

"She's the blind stupid girl, right?" Rinig kong bulong ng babae sa likod ko.

"She's so clumsy. Nadapa sya sa harap mismo ni Cade. My god. Is that girl flirting with Cade?" Maarteng sabat ng isa.

"I don't know. If that so, she's so pathetic." Sabi pa ng isa pang babae. Hindi ko na sila pinansin at nagsimula na akong maglakad papunta ng Cafeteria.

Nang makarating ako doon ay agad kong nakita ang babaeng mahal ko. Ang babaeng nagpapasaya sa buhya ko. Ang babaeng hindi nakokompleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita.

"Hi, Scar." Bati ko at umupo sa tabi nya. Kasunod namang umupo sila Jaylen at Rence na may kanya-kanyang tinitingnan. Si Jaylen ay kay Angel nakatingin at si Rence naman ay hindi ko alam kung nasaan.

"Hello, babe." Nakangiting sabi nito.

"How's your day?" Tanong ko pa. Tinabingi nya naman ang labi nya at umaktong nag-iisip.

"Ok naman. Medyo nahirapan lang ako dahil hindi ko mapagsundo ang mga classmates ko. Pero everything is under control." Nakangiting sabi parin nito.

"Hehe. Shempre, ikaw pa ba?" Nakangiting sabi ko at may pagmamalaki din sa boses.

"Ikaw, how's your day?" Balik sa akin ng tanong. Bigla namang sumama ang muhka nya kaya bigla akong napalunok. "I heard na may pinatid ka? Is that true? Gusto mo bang mapagalitan ka nanaman nila Tito at Tita?" Sabi nya na masama parin ang muhka. Nagbaba lang ako ng tingin habang napapalunok.

"I'm sorry..." Mahinang sabi ko.

"Hindi ka dapat sa akin nang hihingi ng sorry, and it's ok. She deserved it, masyado syang paepal." Sabi nito at gulat naman akong napatingin sa kanya. Nagulat ako dahil hindi naman ganon magsalita si Scarlett sa isang tao.

Ang inaasahan ko ay magagalit sya dahil bukod sa walang laban sa akin ang babaeng iyon, bulag pa ito. Parang may kung ano sa aking na-turn off dahil sa sinasabi nya ngayon sa akin.

"Why?" Tanong ko. Hindi ko pinahalatang may ibig sabihin ang tanong ko.

"She's so pabida. She want that everyone's attention is only to her. Nakakainis sya, she's nothing but a blind girl lang naman." Nakataas ang isang kilay habang sinasabi nya iyon.

Buti nalang tumayo sila Rence para um-order.

"Bakit? Ano ba ang ginagawa nya?" Tanong ko pa. Nandoon sa tono ko ang na-turn off dahil sa ugali nya ngayon.

"She's my blockmate in biology. And she's so annoying kasi sya nalang palagi ang sagot ng sagot. Buti nalang talaga ngayon lang ako doon." Sabi pa nito habang panay ang irap sa hangin.

"Just don't mind her, ok? Be your self." Sabi ko at natahimik na dahil nakabalik na si Rence sa upuan namin.

"Where's Jaylen?" Tanong ko kay Rence habang nakakunot ang noo at nakatingin sa kanya.

"Nandoon, sinamahan si Angel sa kung saan." Sabi nito at agad na sumubo ng burger na binili nito.

"Si Angel? Ehh, diba ayaw nyang nakakasama si Angel dahil galit na galit daw sya doon? Bakit sinamahan nya pa?" Tanong ko habang pinapanood syang ngumuya.

"Si Dean ang nagpatawag sa kanila, hindi ko alam kung bakit." Sagot nito. Ako naman ay tumayo para um-order. Pagbalik ko ay takang tumingin sa akin si Scarlett.

"Where's mine?" Tanong nito.

"Ohh... I-I'm sorry. Wait for me, bibilhan lang kita." Sabi ko at dali-daling inilapag ang pagkain ko lamesa. Pero pagbalik ko ay si Rence nalang ang nasa upuan at kasama na nya si Jaylen.

"Nasaan na si Scarlett?" Tanong ko kay Rence.

"Umalis na. Late na daw kasi sya, ehh." Sagot ni Jaylen.

"Bakit ka ba sumasagot? Hindi naman kita tinatanong, ahh?" Nakataas ang isang kilay kong sabi.

"Kahit naman tanungin mo ako, hindi kita sasagutin. Hindi tayo talo, bro." Sabi nito at parang walang ganang ngumiti at tinapik ang balikat ko. Wala na akong nagawa kung hindi kainin ang binili kong pagkain para kay Scarlett.

- Luna's POV -

"Sigurado ka ba?" Rinig kong tanong ng babae kay Angel.

Kung bakit ko sya nakilala? She's my cousin. Sa Lola's side at kababata ko din sya.

"Oo. Kilalang-kilala ko si Luna, ehh. Alam kong sya yun." Rinig kong sagot ni Angel.

"Pero baka nagkataon lang. Lalo na yung pangalan, shempre hindi lang sya ang may pangalang Luna." Sabi pa ng babae.

"Pero ang Amos, kami lang ang meron ng apilyido na yon, ang huling gumamit lang non ay ang lola namin, at ang Mommy ni Luna, tapos sya."

Hindi na ako magtataka. Matatalino talaga kami.

"Bahala ka. Baka nagkakamali kalang." Sabi pa ng babae. Napabuntong-hininga naman ako.

Kung ang pinsan ko ay nakilala ako, delikado ako kapag nakita ako dito ni Tita Lina.

Dahil tapos naman na ako ay tumayo ako pero pagtayo ko ay bigla akong may nasagi tapos may bigla nalang juice na natapon sa uniform ko. Pasimple ko syang tinignan at dahil sobrang black shades ko ay hindi nya nakitang nakatingin ako sa kanya.

"Are you blind--- ohh. Hahahaha! Ikaw pala ang babaeng bulag na transferrie dito sa school namin. You don't deserve this school, blind girl. And, dapat nasa bahay ka nalang dahil masyado kang nagmumuhkang basura." Mataray na sabi nito. Ako naman ay bumuntong-hininga at walang pakialam.

Bat ko pa sya papatulan? Baka isang pitik ko lang dito, tumalsik na to, ehh.

"I'm sorry." Mahinang sabi ko.

"Why am I have a feeling that you are not sincere? Hmm. Para magmuhka kang sincere, I want you to kneel down infront of me and say sorry again." Feeling maangas na sabi nya.

Tss. Akala mo, ikinaangas mo yan?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ang naging pagkilis ko. Kaninang nasa harap nya ako pero sa isang kisap ng mata ay nasa likod na nya ako, hawak ang buhok nya.

"Hindi mo ako kilala, hindi porket bulag ako. Ngayon palang, sinasabi ko na sayo, wag ako." May diin kong sabi. Mabilis ulit akong kumilos at kunuha ang mga gamit ko.

Hindi ko nalang pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Wala naman akong ake kung nakatingin sila, hindi naman ako mamamatay sa tingin nila. Baka sila pa ang magpakamatay pag tiningnan ko sila.

Papunta na ako ng cr ng may biglang humila sa akin. Sa gulat ko ay muntik ko na syang masuntok sa tyan pero buti nalang at nagsalita sya.

"It's me, Luna." Sabi ni Adrian. Parang nakahinga naman ito ng maluwag ng ibaba ko ang mga kamao ko.

"Bakit ka naman kasi bigla-biglang naghihila?" Nakataas ang isang kilay kong sabi.

"Bakit ganyan disguise mo? Alam mo bang takaw sa inis ang mga bulag? Iniisip kasi ng mga taong salot sila, pero ang totoo, sila ang mas kailangan ng awa dahil nga sa kondisyon nila." Parang nalulungkot na sabi nito. "Kagaya ngayon, muhkang binuhusan ka ng juice." Sabi nito habang nakatingin sa damit ko.

"Ok lang naman ako. Hindi na uulit ang mga yon. Takot lang nya sa ginawa ko." Walang ganang sabi ko.

"Ate naman, be careful. Alam kong nandito ka kasi may pinagtataguan ka nanaman." Sabi nito habang bakas ang pag-aalala sa muhka. "Tumakas ka nanaman ba sa Spain?"

"No. Sila Lolo na talaga ang nagpadala sa akin dito." Sabi ko.

"Bakit dito?" Tanong nya pa.

"Dito kasi hindi pwedeng pumasok ang mga lokong yon. Hindi sila registered sa bansang ito kaya paniguradong hindi nila iisiping nandito ako." Nakangising sabi ko.

"That's good. And mabuti nalang din dahil nandito din kami." Nakangiting sabi ni Adrian.

"Please, wag mo munang sabihing nandito ako." Pagpapaki-usap ko.

"Ok lang. But, si Ate, alam na ba nyang nandito ka?" Tanong pa nya.

"Nakita nya ako kanina, classmates kami. Alam mo namang matalino tayo, kaya wag ka nang magtaka kapag nalaman mong binabantayan na pala nya ako behind my side." Sabi ko na parang walang paki.

"Tsk. She's always like that. Sige na. Baka mahuli ka na sa klase mo." Sabi nito at inakay ako.

"Thanks, bro." Sabi ko.

"Kumusta nga pala sila Lolo?" Tanong nito.

"Still alive and like a childish abnormals." Sagot ko.

"Tsk. Still like that? Ayoko nang pumunta ng Spain kung ganon. It's still creeping me out." Sabi nito habang nakakunot ang noo at parang may naaalala

"Just don't think about them, they're ok." Sagot ko. Shempre parang wala paring gana. Wala namang exciting sa pinag-uusapan namin.

"You're still cold, ate." Sabi nya habang nakangiti at nasa daan ang tingin.

"Yeah, cant help." Sagot ko.

"Hahahaha. Ang laki talaga ng pinagkaiba nyo ng Ate ko. Pero pareho kayong nakakatakot pag magalit." Natatawang sabi nito.

"Mas nakakatakot parin si Tita Lina." Sabi ko. Natahimik sya saglit, arang natigilan, pero mahinang tumawa din naman pagkatapos.

- To Be Continued -

(Mon, May 10, 2021)