webnovel

10

Chapter 9

- Cade's POV -

Nandito parin kami ngayon ni Luna sa sala. Masaya kaming nag-uusap kahit na minsan ay palayo na ng palayo ang pinag-uusapan namin. Pero hindi ko parin maalis sa akin ang saya ng pagpayag nya kanina.

Haha. Pumayag sya.

"May girlfriend ka, diba?" Biglang tanong ni Luna. Nag-iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako. Para kasing nagtataksil ako kay Scar at nakikipagflirt ako kay Luna.

"Oo... S-Si Scarlett." Nahihiyang sagot ko.

"Ahm..." Tumatango-tango sabi nya. Napalunok naman ako at nag-iwas ulit ng tingin kahit hindi naman ako nakatingin sa kanya. "Sana ako nalang ang ginusto mo." Biglang sabi nya dahilan para saglit akong matigilan at lingunin sya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Mabilis ba?" Tanong nya pa. Napakunot ang noo ko.

"Luna, hindi kita maintindihan." Kunot-noong sabi ko.

"Hindi ko kasi alam kung kailan pa to. Sana ako nalang ang gustuhin mo para hindi ka masaktan kung malaman mo ang mga ginagawa ni Scarlett." Nakangiting sabi nya. Lalo naman akong naguluhan.

"Ano bang.... sinasabi mo....?" Nalilito kong tanong.

"Wala. Wag mo nalang isipin yon. Sige na, uuwi na ako." Biglang sabi nya. Tumayo sya at iiwan na ako pero hinawakan ko sya sa siko.

"Nag-uusap pa tayo, hindi ba?" Seryosong kong sabi.

"Oo nga." Sagot nya.

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Wala nga."

"Sinisiraan mo ba ang girlfriend ko?" Inis kong tanong habang nakatingin ng deritso sa mata nya.

"Hindi ko sya sinisiraan. Nagsasabi lang ako ng totoo." Sagot nito. Lalo namang uminit ang ulo.

"Talaga? Ano pala ang ginagawa mo ngayon-ngayon lang? Pamumuri?" Sakrastikong tanong ko habang sarkastikong nakangiti din.

"Don't be so sarcastic. And, wag mo akong sisisihin kung malaman mo ang ginagawa ng GF mo. Basta, binalaan na kita." Sabi nya. Lalong pang nag-init ang ulo ko. Pero nagulat ako ng bigla syang lumapit at haplusin ang muhka ko. "Ako nalang ang gustuhin mo, para hindi ka na masaktan." Nakangising sabi nya. Hindi ako nakakaramdam ng sincerity sa kanya.

"Tsk. Sige, umuwi ka na. Mag-ingat ka." Inis kong sabi. At hinawakan ang kamay nakahawak sa pisnge ko. May parang kuryenteng dumaloy doon at nagtama ang paningin namin.

Ang mga mata naming magkatagpo ay parang nag-uusap. Walang nagsalita, walang gumalaw. Tanging mata lang namin ang nag-uusap at hindi namin alantana ang nangyayari sa paligid namin.

Ngayon ay nakita ko ng malapitan ang buong muhka nya. Matangos ang ilong nya pero hindi kasing tangos ng kay Scarlett. Maganda ang balat nya at muhkang natural, ang kay Scarlett kasi ay puno ng make-up at skincare products.

Malambot ang kamay nya pero mas malambot ang kay Scarlett. May magaganda at mapupungay syang mata pero mas maganda ang natural na haba ng pilik-mata nya. Maganda din ang pagkapula ng labi nya.

Masasabi kong natural iyon at alam kong hindi lang iyon ang nilagyan ng kung ano-ano. Natural din ang pula ng pisnge nya at talagang wala kang makikutang bakas ng kolerete sa muhka nya.

Patuloy lang kami sa ganong posisyon. Walang gumalaw, walang nag-iwas ng tingin. Hindi kami nangalay kahit na nasa ganong posisyon kami pareho. Hanggang may bigla nalang tumikim. Sabay kaming napalingon doon at nakita namin ang nakangising mga magulang ko.

"Mom." Gulat kong sabi at dali-daling umayos ng tayo.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ni Mommy.

"Tinutulungan ko po sya sa play na gagawin nila. Sya po kasi ang bidang lalaki, at sinabi ko pong ako muna ang magiging kapareha nya." Nakangiting sabi ni Luna. Napalingon ako sa kanya at nag-isip.

Paano nya nagawang magdahilan ng ganon. Sasakay na nga lang ako.

"Ayos ba, Mom?" Tanong ko at ginalaw pa ang dalawang kilay ko.

"Yeah, bagay kayo."

"Po?" Sabay naming tanong ni Luna. Nagkatinginan kami at sabay din kaming nag-iwas ng tingin.

"A-Ahh... Uuwi na po ako. Busy pa po kasi ako, ehh. Marami pa po akong gagawing assignment at kailangan na pong ipasa ang iba doon." Nakangiting sabi ni Luna habang tumatango-tango.

"Sige, magpahatid ka kay Cade." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Mom?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Ihahatid mo lang naman sya, ehh?" Kunwaring inosenteng tanong ni Mommy. Pero naroon talaga ang panunukso nito.

"Ok lang po. Tatlong blocks nalang po kasi bahay ko na." Nakangiting sabi ni Luna. Napalingon naman ako sa kanya.

"Hindi, gusto ko talagang masiguro ang pag-uwi mo. Sige na, magpahatid ka na kay Cade." Nakangiting sabi pa ni Mommy.

Mom naman!

"Wag na nga po, ok lang." Nakangiting pang sabi ni Luna.

"Sige na nga. Basta, mag-ingat ka sa pag-uwi mo, ha?" Tanong ni Mommy. Tinanguan naman sya ni Luna saka ito naglakad papalabas ng bahay namin. "Ang ganda nya, ano?" Tanong ni Mommy.

"Oo nga." Sagot ni Daddy.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, ahh?" Nakakunot ang noong sabi ni Mommy.

"Akyat na po ako, Mom." Paalam ko. Hindi ko na pinansin ang ibang sinabi nya at nag-ok sign nalang ako sa kanya. Pag-akyat ko ay agad akong nahiga sa kama ko at saka ako nakaidlip. Nang magising ako ay naiisip ko nanaman ang sinasabi kanina ni Luna sa akin.

Ano kaya ang sinasabi ng babaeng iyon? Bakit kaya ganon ang mga pinagsasabi nya tungkol kay Scarlett? Totoo kaya yon o sinisiraan nya lang talaga sa akin ang GF ko?

"Ehh, ano bang pakialam ko? Basta ako, kay Scarlett lang ang puso ko. Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng iyon." Mayabang kong sabi sa sarili ko.

Ehh, bakit parang naniniwala ka din sa kanya?

"Ano?! Ako? Naniniwala sa kanya?! Huh! No way!" Sigaw ko pa, sarili ko parin ang kausap ko.

Ehh, bakit naglalaban ang utak mo? Sino ang pipiliin mo? Si Scarlett o si Luna?

"Of course...." Sandali akong natigilan. "Si Scarlett!" Dagdag ko pa.

Ehh, bakit natigilan ka?

"Ehh, bakit mo ba ako kinakausap?"

Nababaliw ka na, Cade. Kinakausap mo na ang sarili mo.

"Tsk! Baba na nga ako!" Tumayo na ako at bumaba ng kusina. Nagulat ako ng makitang madilim ang babang bahagi ng bahay namin. Sa second floor lang ang meron, at lahat ng iyon ay malapit lang sa kwarto ko.

Bigla akong pumikit at naglakad para hanapin ang switch ng ilaw. Hindi ko alam pero sobrang natatakot ako sa dilim. Ayoko sa lahat ng bagay ang madilim.

May kung ano kasi sa aking sobrang natatakot kahit na alam kong walang gagalaw sa akin dito. Inaamin kong sobrang natatakot talaga ako sa dilim at hindi ko talaga alam kung bakit ganon nalang ang takot ko.

"M-Mommy?" Pagtawag ko kay Mommy habang nakapikit at naglalakad dahil hinahanap ko ang switch ng ilaw. "Mommy!" Sigaw ko at mas diniinan pa ang pag-pikit ng mata ko.

Patuloy lang ako sa pagkapa ng kung ano-ano habang nakapikit parin ang mga mata ko. Naglalakad din ako at paikot-ikot lang ako sa buong bahay. Hanggang sa mabuksan ko na ang ilaw.

Nang maimulat ko na ang mga mata ko at makita kong bukas na ang lahat ng ilaw ay nakahinga na ako ng maluwag. Umakyat ulit ako ng kwarto ko at tinawagan si Mommy.

"Mommy, nasaan po kayo?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Anak, diba, sabi ko sayo kanina aalis kami ng Daddy mo? Nandito kasi kami sa Laguna, may inaasikaso kasi kami. Nung sinabi ko sayo, nag-thumbs-up ka lang. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"Ahh... Opo. Pero ok na. Sige po, kakain na muna ako." Paalam ko.

"Sige, bye!"

"By---" Napakunot ang noo ko ng babaan ako ng telepono ni Mommy. Napanguso ako at nagpunta sa kusina.

Naghalughog ako sa kusina at nakita ko ang ulam na niluto ni Mommy. Medyo mainit pa ito kaya siguro mga within 30 minutes palang silang nakakaalis.

Inilagay ko ito sa isang lagayan at pinainit ng 2 minutes sa microwave. Nang matapos ay mag-isa akong kumain habang nakatingin sa labas at nag-iisip.

Isang gate nalang, bahay na nya? Tapos si Scarlett tatlong village pa. Hayts.

"Ehh, bakit ba naman kasi ako nag-iisip?" Sabi ko nanaman sa sarili ko at saka ako nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ako ay dumiretso na agad ako ng kwarto ko.

Nang makapasok ako ng kwarto ay naupo ako ng silya ko sa tapat ng bintana at sa tapat ng study table ko. Nagbuklat ako ng libro at sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay wala sa sriling napatingin ako sa kabilang binta.

Nakita ko doon si Luna na nakatapis lang ng towel at naglalakad na parang may hinahanap. Palakad-lakad ito at nakakunot ang noo nito na parang naaasar na.

Lumiwanag ang muhka nito at parang nahanap na ang hinahanap nya. Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang tanggalin ang tanging tapis ng katawan nya. Kaya naman nakita ko ang hindi ko dapat makita.

Nakatagilid ito sa akin pero nakikita ko parin malaki talaga ang hinaharap nya. Napalunok ako dahil minasahe nya iyon habang nilalagyan ng lotion. Nakagat ko ang labi ko ng magtama ang paningin namin.

Ngumisi ito sa akin at kinagat nya ang labi nya saka mas ginalingan ang pag masahe sa hinaharap nya. Itinirik pa nito ang mga mata nya na parang inaakit talaga ako. Ako naman ay laling nag-init ang katawan.

Ang kaninang sobrang mainit kong katawan ay mas uminit pa. Kahit na pinagpapawisan na ako ay hindi ko parin alintana iyon dahil kay Luna lang nakatuon ang atensyon ko.

Sawakas ay nagawa ko nang pumikit at tumayo. Lumapit ako sa bintana at dahil ilang metro lang ang layo ng mga bintana ay alam kong maririnig nya ako.

"Magbihis ka na! Baka may iba pang makakita ng ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya habang ang paningin ay nasa dibdib nya.

"Baka matunaw yan, ha?" Pang-aasar nito. Nagangat ako ng tingin at sinamaan sya ng tingin.

"Wag mo nang uulitin yan, maliwanag?" Masungit kong sabi.

"Ayaw. Pero pag-iba ang nasa harap ko, payag ako." Nakangising sabi nya pa. Sumama naman ang muhka ko.

"Magbihis ka na!" Sigaw ko.

"Opo, boss!" Sigaw nya. Akmang tatalikod na ito ng magsalita ulit ako.

"Mag-towel ka nga!" Sigaw ko pa.

"Yes, sir!" Natatawang sabi nya at pinulot ang towel nya. Ako naman ay bumalik sa kama ko. Napalunok ako dahil naalala ko nanaman ang imahe nya kanina.

Wala sa sariling napatingin ako sa alaga ko at nakita kong bakat na bakat na iyon sa suot kong boxer. Tumayo ako at pumasok ng bathroom. Siguro mawawala to sa isang malamig na shower.

- Luna's POV -

Tatawa-tawa akong bumaling papalikod at nagbihis. Magsusuot na sana ako ng bra ng mapatingin ako sa malulusog kong dibdib. Biglang nag-init ang muhka ko at muling hinawakan ang dalawang iyon.

Sa buong buhay ko. Hindi ko pa ginagawa iyon sa harap ng kahit na sino, maski sa harap ko. Tapos ngayon ginawa ko na sa may nakakakita, at lalaki pa. Bumuntong-hininga ako at nag-patuloy ng bibihis. Tapos biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"¿Hola princesa?"

(Translation: Hello, Princess?)

" ¿Qué quieres?" Tanong ko.

(Translation: What do you want?)

"El hombre que busca, lo hemos encontrado."

(Translation: The man you are looking for, we have found him.)

"¿Dónde está? Dimelo ahora."

(Translation: Where is he? Tell me now.)

- To Be Continued -

(Fri, May 21, 2021)