webnovel

Hey, Kid! (TAGALOG)

"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. "BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman. "Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya. "HMP." pagsusungit ko. "Ano na naman bang problema mo?" - Dice "WALA." "E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" "..." "Ugh. You're making me crazy." "..." "Just fvcking tell me already!" "You!" "What you?!" "You are my problem, Sir!" "Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" "How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako. "Bakit mo ko hinahawakan, pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin. "Bakit, nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin. "YOU'RE MY WIFE." He whispered. Yes. This guy here, is my stupid husband. Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!

emi_san · 若者
レビュー数が足りません
39 Chs

Chapter 6: Hold my Hand

Mahigit alas kwatro na. Kasalukuyan nagkaklase ngayon si Dice. Habang nagsasalita siya ay hindi ako makapagpokus dahil naiilang ako. Ewan ko ba, hindi ko kasi alam kung paano ako magrereact.

Hay sa wakas, natapos na rin ang klase niya. Kapag nagtagal at naging permanente na namin siyang teacher, baka bumagsak ako dahil hindi ako makapafocus sa tinuturo niya.

Pagkalabas na pagkalabas ni Dice sa classroom ay sinundan ko siya ng tingin. Napapalingon talaga halos lahat kapag nagdadaan siya. Kahit kasi nakauniform siya ay nadadala niya ito. Dahil nasa kaniya ang atensiyon ng lahat, mas lalo akong kinakabahan.

Nauna na ako sa palabas papunta sa kotse niya. Nasanay na akong ganito, na nauuna ako palagi at patagong sumasakay sa kotse niya. Mahirap na, baka may makakita sa amin at magduda pa.

Pero bago pa man ako makasakay sa kotse, biglang may humila sa akin. Papalag pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Wag ka munang sasakay." Anito. Boses iyon ni Ciro. "Pinapunta ako ni Dic— no, ni Sir Lucrenze dito."

"Why?" Tanong ko. Ano namang trip ni Dice ngayon?

"Alam mo naman siguro na siya ang center of attention ngayon. Ikaw naman kasi, nag-asawa ka ng ganoon ang hitsura." Sagot niya. Ibig kong matawa dahil sa sinabi niya, parang ayaw pa niyang purihin si Dice.

"Ngayong araw mo lang ba ako ihahatid?"

"Hindi ko alam, hindi ko rin kasi nakausap ng matagal si Sir Lucrenze." -Ciro

"Ganoon ba? Then, tara na." -Ako

Bigla naman siyang naglakad palayo sa akin. Ihahatid daw pero iniwan ako.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na." He shouted. "Pasensya ka na ha, nasa repair shop kase ang motor ko kaya maglalakad muna tayo ngayon." Napakamot siya at tila ba nahihiya.

"Okay lang, naglalakad din naman ako dati pauwi." I answered.

"Ah, mabuti kung ganoon."

Sinundan ko na lamang siya sa paglalakad. Ang sabi niya, madali lang daw tandaan kung nasaan ang condo namin kaya nakabisado niya agad ang daan.

Sobrang tahimik. Tanging ugong lamang ng mga sasakyan at tunog ng yapak ng mga paa namin ang naririnig ko.

"Alam mo, akala ko talaga sobrang tahimik mo. As in 'yung hindi talaga nagsasalita. Kaya nga dati, naiintimidate ako sayo." Pagbasag niya sa katahimikan. "Alam mo rin ba na isa ka rin sa mga center of attention sa school natin kagaya ni Di— Sir Lucrenze."

"Kapag hindi pa ako komportable sa isang tao, nahihiya akong makipag-usap." Sabi ko naman. Pero hindi naman talaga iyon ang tunay na dahilan. Siguro part lang 'yon kung bakit ako ganito. "Oo din, alam ko. Pero hindi ko naman 'yun ginusto, wala naman akong ginagawa." Natawa ako.

"I think you should smile more, kagaya ngayon." Sabi niya. "Pero baka lalo ka pang maging popular kapag ganon hahaha. Mas lalong dadami ang mga nagkakagusto sayo."

"I don't want to catch anyone's attention kaya dapat siguro wag na akong ngumiti kung ganoon." -Me.

Napakunot si Ciro. Humawak siya sa chin niya saka nagpout. Cute. Haha.

"Sa bagay, kahit ano naman gawin mo, agaw pansin. Then, be yourself na lang." -Ciro.

Be myself? Napaisip ako. Hindi ko pa ba ipinapakita ang real self ko ngayon? Idk.

Sa tingin ko malapit na kami sa condo, kanina pa kasi kami naglalakad.

Biglang may tumigil na kotse sa gilid namin kaya napatingin kami ni Ciro. Ah, si Dice pala.

"Hey kid! Get in." Aniya.

Tumingin naman ako kay Ciro saka nagpaalam. Nagpasalamat din ako.

"Thanks, man. We don't need you anymore." Sabi naman ni Dice. How mean. Sana ganyan din siya sa mga babae sa school para layuan na siya.

Nang makarating kami sa condo, agad akong pumasok sa kwarto ko para magpalit ng damit. Ginawa ko muna ang mga homeworks ko bago lumabas at magluto.

Matapos ko namang magluto ay naghain na ako. Pagkatapos kong maghain ay sakto namang lumabas si Dice sa kwarto niya.

"Let's eat." Pag aya ko sa kanya.

Kaagad naman siyang umupo kaya umupo na rin ako sa tapat niya. Nagsimula na kaming kumain. Ganito kami palagi, minsan lang rin naman ako kumibo. Hindi naman awkward kahit tahimik dahil nasanay na ako.

"Gumising ka nang maaga bukas." Aniya.

"Maaga naman ako gumising palagi, ikaw lang ang hindi." Sabi ko naman.

"Tss." Pagsusungit naman niya.

"Bakit ba?" I asked.

"Tinawagan ako ng Mama mo, dumalaw daw tayo sa bahay nila tommorow." He answered.

"Ah, okay."

Bigla namang nagring ang phone niya kaya kinuha niya ito agad. Pero tiningnan lang niya ito ng halos isang segundo saka pinatay.

"Who's that? Baka importante." Sabi ko.

"Nah, I'm sure it's not." Sagot naman niya.

Habang kumakain kami ay napapansin ko na pasinghot-singhot siya. Ang weird, umiyak ba siya? Or, he caught a cold.

"Are you okay?" Tanong ko naman.

"Yep."

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko para asikasuhin ang homeworks ko.

...

Mag-aalas sais ng umaga na ako nagising dahil weekend naman.

Nagluto agad ako ng breakfast sak kumain. Iniwan ko naman sa mesa ang pagkain ni Dice.

Pagkatapos kong iready ang mga isusuot ko, kaagad akong nagtungo sa CR para maligo. Expected ko na na mamaya pa magigising si Dice, palagi naman kasi siyang ganon, tanghali na kung gumising.

Habang naliligo ako ay parang nararamdaman ko na unti unting bumubukas ang pinto. Nilock ko naman yun kanina. Wait, nailock ko nga baaaaa? Hindi ko na lang sana papansinin pero—

"Aaaaaaaaaaahhhhhh!" Napatili ako dahil biglang pumasok si Dice. Buti na lang talaga mayroong kurtina na nakaharang!

Kaagad namang lumabas si Dice nang mamalayan niya ang nangyari.

"Im sorry, hindi ko alam na nandiyan ka. Why didn't you lock the door?!" Aniya.

"Nilock ko, I swear!" Sigaw ko naman.

Sa sobrang inis ko ay nagpapadyak ako sa sahig. Ugh.

"Aaaahhhh!" Napatili na naman ako dahil bigla na lang akong nadulas.

"What is that sound?" Tanong ni Dice. "And why are you shouting again?"

Tatayo na sana ako pero nadulas na naman ako. Lumikha iyon muli ng malakas na tunog.

"Ouch." Sabi ko ng makita na nagasgas ang tuhod at siko ko sa pagkakabagsak ko. Ang tanga ko talaga!

"Ano bang nangyayari dyan?" Isa pang tanong ni Dice, hindi kasi ako sumasagot.

"Nothing, just go aw— a-aray!"

"Are you okay? Nadulas ka ba? Wait, I'll go there."

"Huh? Hell no! I'm not wearing anything! Are you a pervert?!"

Bigla na lang bumukas ang pinto at hindi ko iyon napigilan dahil nakasalampak pa rin ako sa sahig.

Binato ko ng sabon si Dice kaya napaaray siya.

"Why did you do that! I'm not a pervert, can't you see I'm wearing a blindfold?" Pagpapaliwanag niya. Napatahimik tuloy ako.

Kinapa niya ang pader para makalapit sa akin. Literal na para siyang bulag ngayon.

"Here, hold my hand." Aniya. Medyo malayo pa siya kaya hindi ko maabot ang kamay niya.

"C-closer." Sabi ko naman. Lumapit naman siya.

Inabot ko ang kamay niya para makatayo ako. Muntik pa nga akong madulas pero buti na lang ay nakahawak ako sa braso niya. Nang masiguro kong hindi na ako madudulas ay dali dali kong inabot ang tuwalya saka ibinalot ito sa katawan ko. Tumakbo ako palabas ng CR and then dumiretso agad ako sa kwarto ko. Whew.

This. Is. So. Embarrassing! Ang tanga tanga ko kasi! Gosh, Shi!

Nang makatapos na kaming gumayak ay halos wala ni isa sa amin ang kumikibo. Nakarating nga kami sa bahay ng parents ko nang hindi kami nag-uusap. Hiyang-hiya ako.

"Kamusta naman ang buhay may asawa, my dear daughter?" Tanong ni Mama.

"Okay naman po." Sagot ko.

"Dice hijo, kamusta naman ang anak ko, wala naman bang ginagawang kalokohan?" -Papa.

"A-ahm, wala naman. Ang sarap po pala magluto ni Shi." -Dice

"Marunong kang magluto, anak?" -Papa

"Yes po." -ako

"How come you didn't cook for us?" -Papa

"Oo nga anak, hindi mo man lang ipinatikim sa amin ang luto mo." -Mama

"Palagi po kasi kayong wala e, sorry po." Napayuko ako.

"Kapag umuuwi kami ng Mama mo, bakit hindi mo kami ipinagluluto?" -Papa "Saka, paano ka natuto?"

"Ako po ang nagluluto para sa sarili ko palagi, ako rin po ang nagluluto ng kinakain niyo minsan kapag umuuwi kayo at wala akong ginagawa." Sagot ko naman. Medyo napatahimik sina Mama at Papa.

"Pwede naman po kayong ipagluto ni Shi ngayon." -Dice.

Napatingin ako kay Dice, ngayon parang hindi na siya apektado sa nagyari kanina.

"Really anak?" Asked Mama.

"O-opo." Sagot ko naman.

Nasa kusina ako ngayon habang nakatingin sa ref. Umiisip ako ng pwedeng iluto.

"Shihandra!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Manang Juling!" Sigaw ko naman.

Niyakap ako ni Manang Juling ng napakahigpit, at ganoon din ako. Halos siya na kasi ang tumayong magulang ko simula noong bata pa ako kaya sobrang close kami.

"Namiss kita anak." Aniya.

"Ako din po Manang."

"Nag-iisip ka ba ng pwedeng iluto?"

"Opo,"

"Alam mo, 'yang Mama mo, sinigang na baboy ang ipinaluluto kanina. Eh kung iyon na lang kaya, tutal iyon naman ang nakaplano."

"Ganoon po, kaya lang po first time ko lang po magluto 'non."

Pero naaalala ko pa rin naman yung tinuro sa akin ni Mommy Grace.

"Tulungan na lang kita ng kaunti, gusto mo?"

"Sige po Manang, iguide niyo na lang po ako kasi Mama and Papa wants me to cook for them."

Nang matapos na akong magluto ay tinulungan ako ng mga kasambahay namin na maghain sa mesa. Kanina pa kami nagkukwentuhan sa sala bago ako magluto. Sakto lunch na ngayon.

Tinawag ko na sina. Dice, Mama at Papa para kumain.

Kinakabahan ako. Palagi naman akong nagluluto para sa parents ko pero it turns out na hindi pala nila alam.

Habang tinitikman nila ang niluto ko ay napansin kong nakatitig lang si Dice sa pagkain niya. Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ni Mommy noon na mahilig sa sinigang si Dice.

"Wow, anak, totoo nga. Ang sarap mo nga magluto. Kaya pala napapansin ko na palaging masarap ang ulam kapag umuuwi kami tuwing weekends." Ani Papa.

"Oh, Dice, bakit hindi ka pa nagsisimula?" Tanong ni Mama kay Dice.

"May iniisip lang po ako, Mrs. de Dios." Sagot naman niya.

"Kanina mo pa kami tinatawag na Mr. And Mrs. de Dios, parang di mo naman kami in laws. Call us Mama and Papa na lang." Mama said.

"Yup, that's right, part ka na ng family namin ngayon." Papa added.

"Yes Mr. de D— I mean Papa." Dice answered. How cute hihi.

Habang kumakain kami ay biglang may nagring na phone. Kay Dice pala iyon. Paulit ulit niya lang nirereject ang phone call, ewan ko kung bakit.

"Bakit hindi mo sagutin, baka importante." Sabi ni Papa.

"No need. A bunch of people started pestering me since I started working on USJ." Paliwanag ni Dice.

"Is that so? I'm sure mga babae yan. Kaya anak, guwardyahan mo lagi ang asawa mo sa school niyo dahil maraming ahas diyan sa paligid-ligid. Gwapo pa naman yan." Biro ni Mama. Hindi ko alam ang irerespond ko kaya ngumiti na lang ako. Alam na pala nila na doon nagtatrabaho si Dice.

"Ah, Dice, mag-iingat kayo ha. You, working there, and my daughter studying there could be an issue. Mahirap ipaliwanag ang sitwasyon niyo sa mga tao." Sabi ni Papa. "Buti na lang din, I talked to USJ's BOD, na ihide muna ang situation niyo. That's why Shi is using your surname on papers and her maiden name if verbal."

"I understand." Sagot ni Dice.

Pauwi na kami ngayon sa condo. Two pm na nang makaalis kami kanina sa bahay ng parents ko.

"Ehem." Dice cleared his throat. "Whenever you're taking a shower, please lock the door."

"I-ikaw din! D-dapat kumatok ka muna." Shocks. Nautal na naman ako. Sobrang nakakahiya kase ng topic. "Wag k-kang papasok agad-agad."

"My bad, but don't worry, I didn't see anything." He smirked. Pamwisit talaga kahit kailan.

"BTW, sino nga pala yung tawag ng tawag sayo." Tanong ko.

"Why? You're jealous?" Nanatili ang pagngisi niya.

"Hindi no! Curious lang ako." Pagtanggi ko.

"Okay, no need to be defensive."

Tss.

Pagkauwi namin ay nabother na ako sa pagsinghot ni Dice. Noong nagdinner naman kami ay kaunti lang ang kinain niya. Habang nakatambay naman siya sa sala ay nakasuot na siya ng face mask. Is he sick?