webnovel

Hector I Love You

Matapos ang pitong taong pagdurusa dulot nang pagkamatay ni Hector ay natutunan ni Clarang bumangon at muling lumigaya. Sa kanyang puso at isipan batid niyang hindi na mibabalik pa ang lahat sa dati. Nagising siya mula sa bangungot at muling nagpatuloy sa buhay. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa isang iglap ang nakaraan ay muling nagbalik. Hindi siya makapaniwalang nagbalik ito sa paraang unti-unting dinudurog and kanyang puso.

Aedecember · 都市
レビュー数が足りません
52 Chs

CHAPTER 41

Kinagabihan napuno nang miss calls at text messages ang aking phone mula kay Eric, pero nagmatigas akong huwag itong sagutin. Nagulat nalang ako nang may ibang taong tumatawag.

Si Melay iyon kung kaya't napilitan akong sumagot. "Ara, ano ba ang nangyari sa inyo ni Eric? Kasama namin siya ngayon, lasing na lasing at kanina pa umiiyak,"

Maingay ang kanyang background, nag-iinuman ata sila. I clear my troat. "I'm sorry Melay. Nagkaroon lang kami nang mis-understanding kanina – please alagaan niyo sana siya,"

"Pumunta ka kaya rito girl – nag aalala na kami sa kanya baka bigla nalang magwala,"

I closed my eyes, I end the call quick. I sit on the surface of my bed, itinaas ang dalawang tuhod at niyakap ito. I have no intention to hurt Eric pero nadamay na nga talaga siya, nasaktan ko siya. Sana masabi ko sa kanya ang totoo ngunit nanghihina ako, hindi ko talaga kaya. Dinaan ko nalang sa iyak ang lahat, hanggang sa makatulog ako ng hindi ko namamalayan.

***

Seven nang umaga at nagising ako sa tunog nang doorbell sa pintuan. Napilitan akong bumangon, I have no idea kung sino ang pupunta sa unit ko nang ganito kaaga. I tried to fix myself ngunit hindi ko matatakpan ang namamaga kong mga mata.

Binuksan ko pa rin ang pinto at nasorpresa pagbukas. "T – tita Cecile,"

Bigla niya akong sinampal sa kaliwang pisngi, masakit dahil malakas ito. Natigilan ako at napahawak sa parteng iyon. We stood in the doorway for almost a minute nang hindi nagkikibuan. Alam ko na kung para saan ang sampal na iyon.

Bumulalas ako nang pag-iyak sa kanyang harapan. "I'm sorry,"

"Papasukin mo muna ako," sambit niya.

I walked away from her at umupo sa sofa na humihikbi. Sumunod siya sa akin at siya na rin ang nagsara nang pinto. Akala ko nga sasambunutan niya ako pero tahimik lang siyang umupo sa aking tabi.

"I told you Ara. Don't let Eric down. Alam mo namang mahal ko ang pamangkin ko,"

Napayuko ako at mas lalong umiyak, lalo pa akong na-guilty dahil sa aking ginawa.

"Ara, mahal na mahal ka ni Eric," wika niya. Iniisip ko tuloy na I'm such a bad girl, dahil nagkulang na talaga ako kay Eric na to the point, siya na mismo ang kusang naka-alam. "Kagabi, biniro siya ni Derek – tungkol sa relasyon niyo. Nagalit si Eric dito, natakot ako kasi muntik na silang magpang-abot,"

"Gumagawa po ako nang paraan na mailayo si Hector," humihikbi kong wika. Napahilamos ako ng mukha. "I'm trying to protect Eric, pero mas lalo atang gumulo ang lahat. May alam na siya,"

Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit.

"Forgive me, if I failed him,"

"No, you don't – he could always forgive and forget,"

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon," napahilamos ako nang aking mukha. "Gusto kong lumayo si Hector kasama nang buo niyang pamilya pero bakit naaapektuhan pa rin ako at nasasaktan,"

"Bakit kaylangan mong mag-dusa, kung alam mo namang wala ka nang babalikan pa – "

"Nakikilala na ako ni Hector,"

Hindi nakasagot si tita Cecile at bigla siyang bumitaw mula sa pagkakayakap. Kaya ako nasasaktan ngayon dahil lalayo na siya ng tuluyan sa aking buhay, hindi ko nga inaasahan na mangyayari kaagad ang bagay na iyon.

"Nagkaroon siya nang bagong amnesia pagkatapos nang kanyang brain injury," paliwanag ko. I ran my fingers through my hair. "Nagulat ako, kasi tinatawag na niya palagi ang pangalan ko na parang nagbalik siya sa dati. Hindi ko nga alam kung sa papaanong paraan na niya ako nakikilala – but I tried my best na maging manhid sa sitwasyon namin. Ayokong maging kumplikado ang lahat kapag nalaman ito ni Maya at Eric, pero si Eric, nakakaramdam na ata siya. Nagseselos siya kay Hector kahit hindi naman niya ito kilala,"

"Ang hirap magalit sayo Ara, hindi sa dinidiktahan kita kung ano ang dapat mong gawin pero kung alam mo sa sarili mo na kung saan ka mas nahihirapan, dapat doon ka bumitaw. Ikaw din naman ang nagpapa-kumplikado nang sitwasyon mo,"

Tama nga si tita Cecile, hindi ko kasi sinabi ito kay Eric. Na dapat pala nang una ko palang siyang makilala, kinuwento ko na sa kanya ang aking nakaraan. Mabuti nalang nauunawaan niya ang sitwasyon ko ngayon. Dinamayan nalang niya ako kasi may alam siya sa nakaraan ko. Niyakap ko siya at muling binuhos ang mga mapait na luha sa aking mga mata.

***

Monday morning, nagulat ako nang biglang sumulpot si Maya sa clinic. Nasabihan ba siya ni mommy Gloria na okay lang kung hindi na sila makipag kita pa sa akin one last time. Nasa harap siya nang aking table at nakatayo, hindi niya kasama si Hector.

Ang putla niya nang makita ko, nangangayayat ata siya. Dati, mix emotions ang aking nararamdaman kapag nakikita ko siya, inis at simpatya. Ngayon na-aawa na ako, I realized that she is just a normal housewife who will do everything for the sake of her family.

"Kamusta ka na Maya?" tanong ko. Umupo siya sa aking harapan at ang table ang pagitan namin.

She looked stress, yung mata niya namamaga pa ata. Masyado ba siyang naapektuhan sa pangalawang amnesia ni Hector?

"Nagtungo ako rito para sabihin sayong ititigil na namin ang treatment ni Hector," wika niya at nauunawaan ko iyon. "Dito sa clinic mo. May kakilala palang psychologist si daddy Ben. Huwag sanang sasama ang loob mo dok Ara huh," matipid siyang ngumiti sa akin.

"Kung yan ang gusto niyo. I respect your decision,"

"Kaya din namin itinigil kasi may balak kaming kunin nila mommy sa states," sa loob-loob ko. mabuti yun, mawawala na ang mga agam-agam ko. "Baka dun na kami tumira habang buhay,"

Nakakatuwa lang kasi kinuwento pa ni Maya ito sa akin. Kung alam niya lang, ako ang may gusto talaga nito. Hindi ko siya masagot dahil ayokong madulas ako sa pagsasalita. Puro tango at ngiti nalang ang naging response ko sa kanya.

"Alam mo bang, na-ayos na ang kaso ni papa," dagdag niya. Ikinatuwa ko iyon na pumukaw ng aking interes. "Tinulungan kami nang dating kaklase ni daddy Ben na lawyer na ngayon. Sobrang saya ko doktora – kasi naayos na ang gusot sa pamilya namin,"

"Masaya rin ako para sa inyo Maya,"

Tumigil siya sa pagsasalita, tumagos ang tingin niya sa akin. Naghintay ako nang sunod niyang sasabihin at nababasa kong nag-iisip siya.

"Ahm, doktora," wika niyang muli. Umangat ang dalawa kong kilay bilang response. "Papaano mo ba masasabi sa sarili mo na totoo mong mahal ang isang tao?"

That question caught my attention, sa isip ko, yan ba ang ipinunta niya rito? Nag-struggle ba siya sa relationship nila ni Hector bilang mag-asawa? Bilang isang dating radio DJ na madalas batuhin nang ganoon tanong, sinagot ko siya.

"Kapag – kapag hindi ko malilimutan ang taong iyon," ang asawa mo ang tinutukoy ko Maya, sa loob-loob ko. "Bakit mo natanong Maya?"

"Wala naman doktora...naisip ko lang kung may lovelife ba kayo," kumunot ang noo ko. Seriously Maya, nag-abala siya para lang sa tanong na iyon. "Pasensya na sa pagiging tsismosa ko,"

Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at pinakita ang sing-sing. "Malapit na akong ikasal Maya,"

Ngumiti siya sa akin na abot-langit, pero sa facial expression niya parang may iba pa siyang gustong sabihin. "Pasensya na talaga dok Ara kung sa ibang ospital na kami magpapatingin. Baka eto na ang huling punta ko rito. Mag-aayos sila mommy nang emergency visa para kay papa,"

"Kung may problema kayo tungkol sa dokumentong ipapasa niyo sa napiling ospital doon, sabihin niyo lang sa akin, willing akong tumulong,"

Natutuwa ako sapagkat natuloy ang plano nang hindi ko inaasahan ngunit masakit pa rin tanggapin dahil tuluyan na talagang malalayo si Hector sa aking buhay. Pero yun lang ang tamang paraan para walang madamay, kaylangan kong magsakripisyo for Hector's sake. Hindi lang siya pati na sa pamilya niya at lalong-lalo na kay Eric. Gusto kong humingi nang tawad sa kanya. Wala siyang kinalaman sa nangyayaring gulo sa buhay kong ito.