webnovel

Heart's Desire

Have you ever felt desire for somebody? Have you ever been passionate to the point of obsession? Have you ever met someone who became the focus of your love? Here's a collection of stories about the people who were confused on what they felt for each other. Read about their Heart's Desire!

ecmendoza · 都市
レビュー数が足りません
24 Chs

Sweet Obsession - Chapter 3

IPINASOK ni Teo ang sasakyan sa gate ng bagong biling bahay.

Kasunod niya ang malaking van na may dala ng ibang mga gamit niya.

The sprawling wood-and-stone house was built during the American period in the Philippines.

Kaya parang ranch-style ito. Malapad at nakalatag sa malawak na bakuran ang kabuuan. Binubuo lang ng isang palapag.

May swimming pool sa likuran, isang walled garden na may rose shrubs sa palibot at ilang hilera ng vegetable and herbs cultivated beds.

Marami ding puno sa paligid kaya malamig ang klima sa loob ng bahay.

"Sir Teo, saan po namin ilalagay ang mga ito?" tanong ni Manong Pio, ang kanyang mayordomo.

Bitbit ng tatlong binatilyo ang malaking body-builder/exercise set.

"Sa likodbahay," tugon niya.

May nakatayong gazebo sa isang sulok na malapit sa swimming pool. Maluwang iyon at puwedeng gawing gym.

"Sir, ano'ng gusto n'yong iluto ko para sa pananghalian?" tanong ng asawa ni Manong Pio, si Manang Saning.

"Kahit na anong meron na lang. Pero mamayang gabi, gusto ko ng sinigang na bangus."

"Areglado, sir."

The place had become a bustle of activities with the comings and goings of everyone.

Nanatili sa palibot si Teo para maitanong agad sa kanya kung saan pupunta ang bawa't antigong kasangkapan na minana pa niya sa mga ninuno ng ama't ina.

His parents were still both alive but were now living far away in America.

May dalawang kapatid siya, parehong babae at parehong de-pamilya na. Nasa Canada si Precy at nasa Australia naman si Roseanne. Tatlo ang anak ng una at isa ng pangalawa.

Si Teo ang panganay sa tatlong magkakapatid na Montes. Trenta anyos na pero wala pa ring balak mag-asawa.

He was a romantic. Nobody knew his most secret dream of getting married for one reason alone--love.

And yesterday, he knew he had found the one woman he had been looking for--waiting for--for a long time...

Nadine Mercado, bulong niya sa sarili.

"Sir Teo, nakahanda na ang hapag," tawag ni Manang Saning, mula sa kumedor.

"Maghain na rin kayo ng para sa mga taong naghahakot, Manang," utos niya.

"Meron na kaming inilabas sa hardin, sir."

"Sige na, Manang. Kumain na rin kayo. Ako na ang bahala dito," pagtataboy niya sa matandang babae habang nakangiti.

Matagal nang naninilbihan sa pamilya niya ang mag-asawa. Mga bata pa sila natatandaan na niya ang mga ito. Kaya parang kamag-anak na rin kung ituring niya ang mga ito.

"Sumigaw ka lang kapag may kailangan ka, sir."

Napailing siya nang mapag-isa na. Gusto sana niyang 'Teo' na lang ang itawag ng mga katiwala sa kanya ngunit mapilit ang mga ito na ilagay ang mga sarili sa tamang lugar.

"Mahirap 'yung makalimot kami sa aming tunay na istasyon sa buhay, sir. Tama na 'yung alam namin na mahal n'yo kami," ang seryosong pahayag ni Manong Pio noon.

He admired the humbleness of the couple. Kahit na hindi siya kumporme sa paniniwala ng mga ito na panghabambuhay ang kahirapan.

Tinusok ng tinidor niya ang isang pirasong patatas at isinubo.

Steak ang inihain ni Manang Saning. Ganito rin ang kinain niya sa paboritong restaurant kahapon.

Kasalo niya ang isang babaeng walang gaanong self-confidence pero nagawa pa ring maging kapansin-pansin.

Nadine Mercado was a novelty to him. Sanay siya sa mga babaeng pusturera at sosyal.

But the pretty dolls of the elite society were oftentimes boring and monotonous.

Nagsasawa na pala siyang makinig sa mga kuwentong pulos tungkol sa mga sarili at sa mga tsismis.

Si Nadine ay hindi man lang nagsasalita at napakatipid ngumiti. Ngunit naging napaka-interesante para sa kanya.

"Napakamisteryosa ng babaeng iyon. Mukhang inosente pero parang napakaraming naiisip," sambit niya nang malakas.

He grinned at his loud musings.

Tinandaan niya ang plate number ng kotse ng babae.

Sooner or later, he would see the woman with the busy hands again.

Kumuriring ang cellular phone na nasa bulsa ng kanyang jacket.

Nahulaan niyang si Lani ang caller, ang kanyang sekretarya.

"Sir Teo, may dumating na fax message mula sa Japanese client natin. Gusto kang makausap sa telepono. Importante daw."

Dumukot uli sa bulsa ang kamay niya para sa maliit na filofax. "Okey, give me the numbers and I'll call them from here."

Tumalima ang kausap mula sa kabilang dulo ng linya.

"I got it," wika niya. "I'll be back on Monday, Lani. Kaya mo pa ba?"

Tumawa ang empleyada. "Si Sir naman. Ako pa?"

"Good."

"Kumusta nga pala ang paglilipat n'yo?"

"Patapos na kami. Naibaba na ang lahat ng mga gamit mula sa van."

"Magkakaroon ba ng house blessing?"

"Meron. Mga next month pa siguro. Isasabay ko sa anniversary ng opisina natin," he replied smoothly. "Mabuti't nabanggit mo pala ang tungkol diyan. Kindly prepare the necessary details for the catering and foods. Everybody will be invited."

"Consider it done, sir. Goodbye for now!"

Ang numero naman ng Japanese client ang kanyang pinindot sa cellular phone.

Hindi na siya nakakain nang maayos nang makontak ang medyo bulol na lalaking Hapon.

Itinuturing niyang isang malaking suwerte ang pagiging magkakilala nila ng naturang Hapones. It would be another feather to their cap, having an international business connection.

The foreigner was willing to spend millions of yen to build many factories in the Philippines. At siya ang pinipisil na maging kasosyo.

Ilang minuto rin siyang nakipag-usap rito, bago sila nagkasundo sa maraming aspeto ng negosyo.

Halatang nadismaya si Manang Saning nang makitang halos hindi niya napangalahati ang laman ng kanyang pinggan.

He smiled at the old woman apologetically.

Isang buntonghininga lang ang itinugon nito.

Sanay na kasi sa kanya ito. Malimit siyang maistorbo sa pagkain. Kaya ang nangyayari, hindi nauubos.

In fairness to the old woman, her food was well-cooked and delicious.

But he was not tempted to eat the home-cooked meals because they did not look appetizing. They lack the presentation number.

Nagtungo siya sa labas upang tingnan ang estado ng trabaho.

"Naibaba na ba ang lahat?" tanong niya sa matandang lalaki.

"Oo, sir. Naibaba na at naipasok na ang halos kalahati," tugon ni Manong Pio. "Tamang-tama lang na matatapos tayo bago gumabi."

"Good," wika niya. "Puwede na ba akong umalis? Wala na kayong itatanong sa akin?"

"A, wala na, sir," the old man assured him. "Kami na ang bahala dito," dugtong pa.

"Okey." Tumango ang binata bago tumalikod para magtungo sa kanyang silid.

He took a shower and changed into casual clothes. His grooming was finished within twenty minutes.

Being one of the younger generation of Filipino businessmen did not matter much to him.

He refused to look stuffy and severe through formal clothes.

He could turn into an authoritative and stern boss, even in his jogging shorts.

Ipinagbukas siya ng gate ng isa sa mga binatilyong kasama sa pagbubuhat.

"Salamat, 'toy!" wika niya rito nang makalabas na sa kalsada.

Ang kanyang lugar ang pinakamalaki sa mga naruroon.

Sinakop na yata ng bakuran niya ang kalahati ng isang bloke kaya may kanto sa magkabilang panig ng bakod na pader.

Sa di-kalayuan, natanaw niya ang isang lumang Toyota Corolla na kulay pula. Nakaparada iyon sa labas ng bakod na rehas, at tila hinihintay ang paglabas ng isa pang sasakyan na nasa loob ng makitid na garahe.

Kumunot ang noo ni Teo. Tinitigan niya nang mataman ang naunang kotse. Inaninag niya ang plaka.

The same plate number!

"She's here!" bulalas niya nang makatiyak. Tumawa pa siya nang malakas. "Ang suwerte ko naman! Kapitbahay ko pa pala ang aking dream girl!"

Nang makadaan na sa harapan niya ang L300 van, kungsaan nakasakay ang isang mag-asawang may edad na at dalawang babae na parehong nakasuot ng sunglasses, saka lang siya umibis para maglakad na lang.

Habang papalapit siya sa kinaroroonan ng antigong Toyota Corolla, nakakaramdam siya ng kakatwang kaba.

Saglit siyang nag-alinlangan.

Paano kung hindi na siya gustong harapin ni Nadine Mercado?

He had been a little bit presumptuous yesterday.

Hindi sana na-turned off ang dalaga sa kapreskuhan niya kahapon.

Kahit na nakatalikod sa kanya si Nadine, nakilala pa rin niya ito.

"Miss Mercado?" tawag niya rito.

Nakita niya kung paano parang napaigtad ang tinawag bago dahan-dahang humarap sa kanya.

Nanlaki ang mga matang medyo singkit nang makita siya.

She walked over towards him with reluctant legs. Her face was ashen with suppressed emotions.

"I-ikaw--?" bulalas nito, pero pabulong lang. "P-paano mo--?"

"I'm glad you still remember me, Nadine," ang patudyong wika niya. "Dito ka ba nakatira?"

The young woman nodded dazedly.

She was wearing a drab dress but her features were too arresting to be overlooked.

"Uhm, A-ano'ng ginagawa mo rito? P-pinasundan mo ba kami kahapon?"

Umiling si Teo. "Ako ang bagong may-ari ng malaking bahay diyan sa susunod na kanto," pahayag niya.

Lalong nanlaki ang mga mata ng dalaga. "K-kapitbahay ka na namin?"

"Oo. Imbitado kayo sa house blessing, ha?"

Paiwas ang tugon nito. "Siguradong magugustuhan ni Marissa ang pagkakaroon ng bagong kapitbahay," anito.

"Marissa?" Narinig din niya ang pangalang iyon kahapon.

"P-pinsan ko siya. Bahay ito ng mga magulang niya. Nakikituloy lang ako dito," she explained in a rush.

She looked so eager to humble herself.

He detected the damned self-doubt again in her tone.

"Ulila ka na ba?" It was an educated guess.

Tila napipilitan lang nang tumango ang tinanong.

"Magagalit ba ang mga kasambahay mo kung patutuluyin mo ako?"

"Oh!" Nataranta ang dalaga. "P-pasensiya ka na, Mr. Montes. I forgot my manners. Nagulat kasi ako sa 'yo."

"Well, nagulat din ako nang makita ko ang iyong Toyota Corolla."

She smiled at him stiffly. Her eyes bounced off his face to return its stare back to the gravelly ground.

"H-hindi akin ang Corolla, sa Uncle Peping ko," tugon nito.

She had no make-up on but her smooth and unblemished skin need no cosmetics to look beautiful.

"Napaano 'yan?" tanong niya nang mapuna ang isang bahagi na tila nagkapasa.

"Nabangga ako sa pinto kanina. Hindi na naman kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko."

She was lying but he would not tell her that.

He felt something warm and strong clutched at his insides. Para bang gusto niyang ipagtanggol ang babae mula sa mga puwersang mapang-api at mapanakit.