webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · 若者
レビュー数が足りません
100 Chs

Chapter 92: Seryoso

Tinawagan ko si Kian pagkatapos ang pag-uusap naming iyon ni Papa. "Babe, did your Daddy talk to you?." I heard some noise on the background. Tunog ng ice cube na nasa baso na mayroong alak. Teka. Umiinom sya?. Saan?. Sinong kasama nya?.

"Yes babe.. he's here..Dad.. it's Kaka.." I think. He puts his phone on a loud tone. Bigla tuloy umatras ang dila ko. Ayoko ng magsalita.

"Hello there dear.. I'm talking to your man right now.. is your Papa done?." nahiya talaga ako. Biglang nanliit ang hinlalaki ng paa ko.

I clear my throat. "Ahmm.. yes po. Kakatapos lang po." nagpawis bigla ang noo ko. Kahit ang kili-kili kong hindi ugaling magpawis ay namasa nalang basta. Tsk..

"Hahaha.. is it okay with you if we do first the civil wedding?." agad akong napatango kahit hindi naman nya ako nakikita. Tanging ungol pa ang lumabas sa labi ko na naging dahilan ng paghalakhak ni Kian sa kabilang linya. Nakakainis!. "Saka na ang church wedding.."

"It's okay po Tito.."

"Oh dear.. ikaw talaga.. call me Daddy not Tito okay?."

"Po?. " dahil di ako sanay na tawagin syang ganun. Nangapa ako. Kaya isang po lang ang nasabi ko.

"Hahahah.." tumawa na naman sya. Ang saya nya yata ha?. Bakit kaya?.

"Stop laughing Kian. Mainis yang fiancée mo.. sige ka.." banta pa sa kanya nito subalit natawa lang naman sya. Suminghal pa nga si Tito. Dinig ko. "Don't worry hija. Ako nang bahala rito. Just do your thing there. Relax and enjoy your day.."

"Daddy.. di na yan mag-eenjoy dahil sigurado akong kabado na yan ngayon.. excited makasal sakin. hahaha.."

"Hoy Kian! Ang kapal!.." lumaki ang dalawa kong mata ng di oras. Asa naman sya!. Ang kapal din ng mukha! Baka sya ang excited sakin at binaliktad nya lang para di halata! Hayst...

"Oh bakit ba?. Ayaw mo?." huminahon ang boses nya. Parang inoff nya na rin ang speaker ng phone nya. Tanging hininga nalang nya kasi ang naririnig ko. Di tulad kanina na pati pagpatong nila ng baso sa babasaging mesa. Tilaok ng manok pati huni ng mga ibon. Ultimo ingay ng aircon sa loob ng office ng kanyang Daddy. Dinig ko. Ngayon. Nawala na. Meaning. Kami nalang itong nag-uusap.

"May sinabi ba akong ayoko?."

"Naku!. Naku! Naku!. Ayaw mo lang aminin eh.. babe.. hindi masamang umamin minsan.. hahaha.." pang-aalaska pa nya. Umikot tuloy sa kabuuan ng buong silid ko ang mata ko.

"E di.. oo nalang.. masaya ka na?." pinal kong saad. Heto na naman ang kanyang tawa. Tawa na puno ng tuwa.

"Excited na tuloy akong pumunta dyan ngayon. Gusto kitang makita. Date tayo.."

"Tsk.. busy ako.." tanggi ko naman. Wala lang. Pa-inarte paminsan minsan.

"Sus.. papunta na ako dyan.. just wait me.."

"Busy nga sabi ako.." giit ko naman. Natigilan sya. Naguilty din ako agad. Mabilis binawi ang naunang sabi.

Naman kasi Karen. Tama na ang laro. Magseryoso ka naman. Lalo na't magsisimula na ang bagong yugto ng buhay mo. Ito na eh. Ito na yung nasa bucket list mo. Wala ka na sa drama ng telebisyon. Kwento mo na talaga ito. Kaya maging seryoso ka na ha.

"Bat ka natahimik?."

"Kasi nga. Busy ka.. anong gagawin ko ngayon?. Gusto kitang makita.." bakas ang lungkot sa kanyang himig. Hula ko ay singhaba na ng ilong ni Pinocchio ang nguso nya.

"Gusto mo ba talaga akong makita?."

"Oo eh.. lalo na ngayon at ilang linggo nalang kasal na natin.." may kumiliti sa puso ko sa narinig. Really?. Parang panaginip ang lahat sa akin.

"Ako din naman. Gusto kitang makita.." and after telling him that we're on mutual feelings. Di na ito nag-atubili pa na puntahan ako dito sa bahay. Pumasok pa muna sya sa office ni Papa bago pumanhik sa silid ko. Syempre. Open ang pintuan para sa kung sino ang gustong pumasok pa. It's Papa's command.

"I miss you, my love.." mahigpit ang naging yakap nya. Maging ako ay hinigpitan ang ginawa nya. Pareho kaming natatawa nang kumalas sa isa't isa.

"I miss you more.." saad ko saka sya hinalikan sa pisngi. Napakislot sya't napapikit.

Tinuro nya yung bakas ng pinagdampian ng labi ko. "Isa pa nga.." utos nya. Ginawa ko naman. "Isa pa. Kulang eh.." humirit pa ng isa. Dahil gusto ko rin. Ginawa ko din. "Kulang talaga eh. Last na.." sa inis ko. Isang maraming halik ang iginawad ko sa pisngi nya. Hanggang sa gumalaw ang mukha nya upang salubungin ang huling halik na dapat sa pisngi nya. Sa labi nya iyon dumampi. "Save the best for last. Sabi nila." saad pa nya sabay taas ng kilay. Hinahamon ako.

"Ah talaga.. sapak gusto mo?."

"Ano ka ba?. Hindi mo ba iyon alam?." mabilis syang lumayo sakin hawak ang isang unan na ang pundang naroon ay si Sasuke. Ang naiwan sa higaan ko ay si Sakura. Dinampot ko iyon. Ibabato ko na sana ng may biglang sumulpot na bulto sa likod nya. Si bakla. Gaya ko. Mukhang nagulat din sya sa kausap ko.

"Nakakaistorbo ba ako?." anya sabay silip sa mukha ni Kian. Naglakad ako't pinaunlakan sya sa loob. Hinarangan ko ang pagitan nila ni Kian dahil baka biglang magpaulan ito ng sapak. May saltik din to minsan e.

"Hindi naman... napadaan ka?." tanong ko while holding Kian at my back. Para kaming mga timang dito.

"Wala naman. Naisip ko lang na sumaglit rito. Di ko naman alam na may, BISITA ka pala.." pagdidiin nya sa kasama ko. "But don't worry. Di naman ako magtatagal.. actually.. may sasabihin ako sa'yo Kaka.."

"What is it?." mabilis pa sa hininga ko ang pagkakasabi ko rito. Di ko din kasi alam kung anong sasabihin nya.

"Ang mga Eugenio.. mukhang pauwi sa graduation natin.." balita nya. Alam ko na yata ito. Dinig ko din kay Aron nung minsang napasyal sya rito para makipagkamustahan. Tinaasan ko sya ng kilay. Asking him this way of what. "At, alam mo na ang ibig kong sabihin?."

"Anong alam ko na?. Di ako manghuhula girl.." biro ko. Na naging dahilan ng pag-irap nya.

"Ibig kong sabihin.. yung kasal nyo?. Diba papalapit na?. Alam na ba nila?." pareho kaming walang imik ni Kian. "See?. Silence. Meaning. Di pa ninyo nababanggit sa kanila. We didn't tell them about this dahil gusto namin kayo mismo ang magsabi sa kanila. Ayaw namin kayong pangunahan.." dagdag pa nya. Huminga si Kian sa likod ko saka humakbang para tabihan ko. He manage to hold my hand gently kahit kaharap pa namin ang ibang tao. Nakakapanibago.

"Yeah. We will tell them later.. don't worry Win.." si Kian ito. Malumanay.

Bumuntong hininga si bakla bago kumaripas ng nagpaalam para umalis. May pasok pa raw sya. Nagtaka ako sapagkat di yun basta basta pupunta rito ng walang dahilan. Alam ko may iba pa sana syang sasabihin subalit piniling wag nalang banggitin dahil may ibang tao. Parang alam ko na rin yun. Baka manghihiram sya ng pera. Kaya tinext ko na rin sya. Tinanong kung ano ba talagang dinaanan nya rito. And I'm right. Ang sabi nya. Gipit daw kasi sya dahil ang dami nyang bayarin. Lalo na't graduating din. Ubusan talaga ng baon. Kaya di na ako nagdalawang-isip pa na pahiramin sya. Tutal. Ganun din naman ako sa kanya minsan.

"Call them na.." pilit ko dito kay Kian. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya sa mga Eugenio. Di ko alam bakit. Bigla nalang tumubo.

"This time. We're serious Kaka.. Sina Lance ito.."

"I know.. magtatanong ang mga ito panigurado.." di naman sa natatakot kami sa kanila. Talagang malaki lang ang respetong meron kami para sa pamilya nila dahil walang hanggan ang pagpapakita ng kabutihang loob sa kahit na sino sa amin. Kaya eto. Lumulunok nalang ako sa gilid habang pinakikinggan ang tunog ng messenger. Habang hinihintay ang sagot ni Lance. I'm hoping na, maging masaya sila para sa amin. At sana. Makauwi talaga sila para makasama namin sila sa araw na itatalaga.