Now playing: Pagsamo - Arthur Nery
Skyler POV
It's been four days since Felicia left me.
Walang call.
Walang text o chat.
Walang kahit na ano.
Hindi dahil hinayaan ko na siya ngunit dahil gusto kong irespeto ang desisyon niya just like what she wanted me to do.
Pero hindi ko mapigilang mag-alala ng sobra at sobrang namimiss ko na siya.
Sana pala hindi ko na lang siya hinayaan o pinayagang umalis noong gabing iyon. Sana hindi ko siya pinakinggan. Sana kahit na sampalin o pagsabihan pa n'ya ako ng masasakit na salita hindi ako nakinig sa kanya.
Pero what else can I do? Wala akong magagawa kung ayaw nang manatili ng tao. Dahil kahit naman itali ko pa siya kung gusto niyang umalis, aalis at aalis pa rin naman siya. Kahit yakapin ko siya ng napakahigpit, kung gusto niyang magpumiglas gagawin pa rin niya.
At katulad nga ng sinabi niya, buo na ang desisyon niya, na kahit paulit-ulit pa akong makiusap at ipaunawa sa kanya na kasama at kakampi niya ako sa laban na ito, if she won't let me to protect and help her, wala akong magagawa.
Ayaw ko sa mga bagay na ako lang ang may gustong gawin.
Hays! Muli akong napabuga ng hangin sa ere habang pumaparoon at parito. Pero shit lang nasaan ba kasi siya? Tanong ko sa aking sarili.
Ang totoo pwede ko naman siyang ipahanap. Hindi naman iyon imposible at mahirap. Pero 'yun nga, hindi ko ginagawa. Dahil fuck! I have to respect her decision. At kailangan kong pagkatiwalaan na kaya n'ya ang sarili niya because I believe her kahit na halos mamatay na ako sa sobrang pag-alala dito.
Kaya naman wala akong ibang ginawa ngayon kundi ang istorbohin ang mga kaibigan ko na damayan nila ako sa paglalasing.
Oo, bumalik ako sa dating gawi ko.
Gabi-gabi sa Baylight para uminom, babae at kung anu-ano pa.
Pero mas lalo lamang akong nalulugmok dahil kahit isa sa mga babaeng nakakasama ko walang makakapantay kay Felicia. Nasasaktan ko lang sila. Nakakasakit lamang ako and I know deep inside na hindi magugustuhan ni Kulot ang lahat ng mga pinanggagagawa ko ngayon.
"Where are you going?" Tanong ni Autumn noong basta na lang akong tumayo sa upuan ko.
"Toilet?" Tipid na sagot ko sa kanya. Napatango ito at muling ibinalik ang kanyang atensyon sa kalandian nitong babae.
Nakakailang hakbang pa lamang ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone kong nakalagay mula sa likod ng bulsa ng pants ko.
Mabilis ko iyong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.
Agad na napakunot ang noo ko dahil bibihira lamang ang may tumatawag na unknown number sa telepono ko.
Dahan-dahan na ini-slide ko ang answer button at hindi kaagad nagsalita.
"S-Sky."
Mabilis pa sa alas kwatrong kumabog ang dibdib ko noong makilala ko ang boses nito.
"Felicia?" Pagkumpirma ko at agad na nagmadali palabas ng bar dahil maingay sa loob.
Hindi kaagad ito nagsalita noong banggitin ko ang pangalan niya kaya naman mas lalo akong nag-alala.
"Felicia, please answer me!" May pag-aalala na sa tono ng boses ko.
"K-Kailangan ko ng tulong." Wika nito sa mahinang tono na animo'y palihim na nanghihingi ng saklolo.
"Where are you? I'm coming for you." Agad na tanong ko at tinahak ang direksyon kung saan naka-park ang aking big bike.
"I'm...I'm sorry." Biglang paghingi nito ng tawad. "Sorry, Sky tumawag pa ako. Pero pakiusap, 'wag ka nang pumunta dahil---"
"WHERE ARE YOU?" Biglang putol ko sa kanya. Ramdam ko rin ang paggalaw ng aking panga dahil malakas ang pakiramdam ko na nasa gitna siya ng panganib.
"H-Hindi ko alam. Kinulong nila ako sa isang safe house at---"
*toooot toooot toooot*
"Felicia!"
"Hello?"
"Feli---Damn it!" Mabilis na isinuot ko ang aking helmet at agad na binuhay ang makina ng aking motorbike.
Ngunit bago pa man ako makaalis ay ini-activate ko na rin muna ang inilagay kong tracker sa kanyang phone para malaman ko kung saang location siya naroroon. Pero shit lang! Hindi ko mahanap kung nasaang location siya.
Hays! I'll find my way, anyway.
Palabas na sana ako ng parking area nang may limang armadong kalalakihan ang humarang sa aking daraan.
Dahil doon ay hindi ko napansin ang mabilis na paglapit sa akin ng isa pa nilang kasamahan mula sa aking likuran at mabilis akong nahagip ng kutsilyo sa aking tagiliran.
Napatalon ako palayo sa aking big bike dahilan upang ito'y matumba, ganoon din ako. Agad na napangiwi ako noong mahawakan ko ang sugat na aking natamo at muling ibinalik ang paningin sa sumaksak sa akin.
Napangisi ito at mabilis na humugot nang kanyang baril ngunit hindi niya ako natamaan nang magpaputok siya. Mabilis ko itong naagaw ang kanya, sinipa siya sa kanyang magkabilaang binti at binaril siya sa kanyang noo.
Pagkatapos noon ay agad akong nagkubli sa isang sasakyan na pinakamalapit sa akin. Nagsimulang magkalat at magsitakbuhan ang mga tao sa paligid dahil sa narinig na putok ng baril. Habang iyong iba naman ay pumasok sa loob ng bar.
Lumabas din ang ibang security ng Baylight para i-control ang mga tao.
Napahinga ako ng malalim. Kailangan ko silang mailayo rito dahil ayokong may ibang inosenteng tao ang madadamay. At isa pa, ayokong madamay ang Baylight sa anumang kaguluhan dahil siguradong mag-iimbestiga ang mga pulis.
Muli akong lumabas sa aking pinagkukublian at pinaputukan sa legs ang dalawa sa limang armadong kalalakihan. Atsaka ako mabilis na muling lumapit sa aking big bike at agad na pinaharurot iyon papalayo.
Mabilis at agad naman akong nasundan ng tatlo. Kung minamalas ka nga naman, lahat sila ay naka big bike ding katulad ko kaya para na naman akong nakikipag-unahan kay kamatayan.
Noong wala na masyadong tao at klaro kong walang ibang madadamay na tao at ibang sasakyan ay mabilis na huminto ako at ipinaharap ang aking sinasakyan sa direksyon ng mga humahabol sa akin. Pagkatapos ay mabilis at isa-isa silang pinaputukan.
Iyong isa ay sumimplang, habang iyong isa naman ay napatamaan ko sa kanyang helmet.
"Arrgh! Fuck!" Pagmura ko sa aking sarili dahil iyong isang naiiwan ay pinaulanan ako ng bala ng baril kaya muling pinasibad ko ang aking sinasakyan. At pagkatapos ay iniikot ito pasalubong sa kanya bago siya pinaulanan din ng bala.
Mabilis ko itong natamaan sa kanyang braso at legs kaya dumiretso siya sa poste ng isang kuryente at tuluyang natumba.
Nilapitan ko ito.
Bumaba ako ng aking big bike at agad na tinadyakan ito sa sugat na kanyang natamo habang nakatutok ang aking baril sa kanya.
Kailangan ko kasi ng isang buhay na tauhan para 'yun ang magtuturo sa akin kung nasaan si Felicia.
"Where is she?" Tanong ko sa kanya na may diin. "At 'wag kang magkakamaling sagot." Dagdag ko pa na may halong pagbabanta.
Ngunit natawa lamang ito at dinuraan ang paa kong nakaapak sa kanya.
"At sa tingin mo sasabihin ko sa'yo? Arrrggghhhh!!!" Muli itong namilipit sa sakit noong mas idiniin ko ang pagtapak sa kanyang sugat.
"Hindi ko na uulitin ang tanong ko." Pagkatapos ay itinutok sa kanyang sintido aking hawak na baril. "Alam mo na ang kasunod na mangyayari. Hmmm?"
Napalunok ito ng maraming beses na animo'y biglang natakot at dinaga sa dibdib.
Magsasalita pa lamang sana ito noong may biglang dumating na helicopter at parehas kaming pinaulanan ng bala.
Natadtad ng bala ang lalaki sa kanyang dibdib habang ako naman ay mabilis na tumakbo pabalik sa aking bike at muli itong pinaharurot ng takbo.
Habang sinusundan ako ng helicopter pansin ko na mayroong nakasakay na babae sa loob. Pilit itong nagpupumiglas at nagsisisigaw. At hindi ako nagkakamali, alam kong si Felicia ang babaeng nasa loob nito.
Kaya naman muling pinihit ko ang manobela paharap sa helicopter. Napansin ko rin kasi na papalayo na ito mula sa direksyon ko at hindi na ako sinusundan pa.
Naghanap lang ako ng tyempo at muling pinasibad ang aking sinasakyan patungo sa direksyon ng helicopter.
Ngunit huli na dahil wala na akong tatamaan. Nakakalayo na ito sa akin ngunit ipinilit ko pa rin because I wanna save her.
Alam kong takot na takot siya sa mga sandaling ito. At kahit pa ayaw niyang iligtas ko siya dahil sa takot na mapahamak ako dahil sa kanya, ililigtas ko pa rin siya. At susubukan ko pa rin kahit na ako'y mapahamak pa.
Hinabol nang hinabol ko pa rin ang helicopter hanggang sa mairampa ko ang aking sinasakyan sa isang nakaparadang kotse sa gilid ng highway. Sinusubukan kong maabot ang helicopter pero mabilis akong natamaan ng bala at this time... sa aking braso at balikat pa.
Dahilan para ako'y bumagsak pabalik sa ibabaw ng sasakyan at hindi na muling makabangon pa dahil nanghihina na sa sakit na aking natamo mula sa pagsaksak sa akin kanina, sa tama ng bala at lalong nawawalan na ng dugo ang aking katawan.
Hanggang sa mawalan na lamang ako ng malay.
Pagising ko nasa mansyon na ako.
Mabilis na napabalikwas ako noong mapansin na nasa loob na ako ng aking kwarto. Tumayo ako pero nahilo lamang ako at nanghina.
Pero sinubukan ko pa rin.
Kahit na nahihilo pa at masakit pa ang sugat na aking natamo.
Palabas na sana ako ng aking kwarto nang dumating si Dada Billy. Kitang-kita sa mga mata niya ang sobrang pagkadismaya sa akin.
Halatang hindi siya natutuwa sa mga nangyayari.
"And where do you think you're going, Sky?" Kalmado na tanong nito ngunit nandoon ang pagiging maawtoridad niya.
"Da."
"She's your weakness. And I can't let that happen. I mold you to be strong not to be weak." Malinaw pa sa malinaw ang pagkakasabi niya nito sa akin.
Ngunit napayuko lamang ako. Kung kailangan ko lumuhod gagawin ko. Pakawalan lamang niya ako dahil kahit anong mangyari hahanapin at ililigtas ko pa rin si Felicia.
"Da, please. Let me go."
"I told you already, Skyler. You need take your job more seriously. Mas inuna mo ang tawag ng laman kaysa unahin ang simpleng pinapagawa sa'yo." Wika nito bago napa-cross arams.
"Umalis, nagalit si Felicia at nawalan ng tiwala sa atin dahil sa kapabayaan mo. Now kung meron mang hindi magandang mangyari sa kanya, wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo." Dagdag pa niya.
Pero ayokong pakinggan ang mga sinasabi ni Dada ngayon. Wala akong pakialam sa kung ano ang tingin niya sa akin. Dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon mabawi si Felicia sa mga taong iyon.
"Da! Hindi mo ba ako naririnig?! PLEASE! I'm begging you! I HAVE TO FIND HER AND GET HER! I will bring her back!" Sinasabi ko iyon habang nakatitig ng diretso sa mga mata niya.
Ngunit alam ko naman na mas makunat pa sa makunat ang Dada Billy ko.
"If you really want to protect her then ptotect her from yourself. Admit it, Sky. Ikaw mismo, hindi mo siya kayang potektahan."
She's right.
"Mahina ka pa." Pagpapatuloy niya.
Kaya naman bagsak ang balikat na muling napayuko ako habang isa-isang naglalaglagan ang mga luha sa aking mga mata.
"What do I need to do, Da?" Tanong ko sa kanya. "What do I need to do?" Pag-ulit ko pa habang lumuluha.
"Be the right person for yourself, kid. Then maybe you will be the right person for Felicia at the right time."
"How? Paano kung---"
"She's dead?"
"Darling, Marsha needs her. Hindi niya magagawang patayin si Felicia unless makuha na niya ang gusto niya mula rito and you know that." Pagkatapos ay suminyas si Dada Billy sa most trusted guards niya at agad namang pumwesto ang mga ito sa labas ng pintuan ng kwarto ko upang bantayan ako. Napansin ko na meron ding nakabantay sa labas ng terrace ng kwarto ko.
Pagkatapos noon ay tumalikod na si Dada mula sa akin.
"Da! Please."
"You need to learn your lesson, Sky. And right now you don't have to do anything but get stronger." Muling humarap ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.
"Take a rest." Iyon na ang huling sinabi niya bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.
Habang ako naman ay nanghihina ang mga tuhod na muling naupo sa ibabaw ng higaan.