webnovel

TP: 1

Now playing: Pasilyo - SunKissed Lola

Skyler POV

Malakas na hiyawan at ingay na tunog ng mga sasakyan at pag banggit sa pangalan ko ang maririnig sa buong kapaligiran noong sandaling maabot ko ang finish line.

Yes! Finish line.

Yes, we are doing street drag racing which is highly prohibited because it is hazardous. But what can the authorities do? Nothing.

Kasi karamihan sa mga gumagawa nito ay mga anak ng matataas opisyal sa gobyerno at iba pang mga kilala at maempluwemsyang mga tao.

Habang ako naman, hindi naman talaga ako dapat mapapadpad rito. Kung hindi nakipagpustahan sakin ang mga kaibigan ko at hanggang sa nakaadikan ko nang gawin ito.

But I don't do it all the time. Only when I have the chance dahil magagalit sa akin ang Dada Billy ko. Mahirap kapag nagagalit yun 'no? Nambabali ng buto. Hahaha. Joke!

Takot ko lang sa nanay kong 'yun. Istrikto pa sa istrikto pero syempre, cool. Kanino pa ba ako magmamana kundi sa kanya.

Maya-maya lamang ay dumating na rin sa Trevor kasunod ko. Ang anak ng Mayor ng City.

Lumabas ako ng sasakyan at kumaway-kaway sa mga taong sumusuporta sa akin. Nagpa-flying kiss rin ako sa mga ito bago kumindat habang isinisigaw nila ang pangalan ko.

Lalo naman lumakas pa ang tilian ng mga ito.

"KYAAAAAAAAHHHHH!"

"Skyler, you're so hot!"

"Waaaahhhhh!!! Akin ka na lang please."

"Ang galing mo talagaaaaa! Kyaaaahhh!"

Nakita kong lumabas din ng kanyang sasakyan si Trevor. Bago ito maangas na tinignan ako.

"Why are you always their favorite?" Naiiling na tanong nito sa akin bago ito napasandal sa kanyang sasakyan, habang naka-cross arms.

"Simply because I'm good at everything. See? You can't beat me. I'm always the winner." May pagmamayabang na sagot ko sa kanya bago siya nginisian.

Agad naman ako nitong dinuro bago pa man ako muling makapasok sa aking sasakyan.

"Tandaan mo 'to. May araw ka rin." May pagbabanta na sabi niya sa akin. "Even if I can't beat you in a drag race, maybe I can beat you in another way. The world will not always be in your favor, Sky. Mahahanap ko rin ang kahinaan mo."

Ngunit hindi man lamang ako natinag o nangamba sa sinabi nito. Muli na lamang akong pumasok sa loob ng aking sasakyan. Malapit na kasing magmadaling araw at baka mahuli pa ako ng ina na ko na wala pa rin sa bahay hanggang ngayon. Isa pa, dadaan pa ako sa Baylight bago ito tuluyang magsara.

"Wag ka masyadong pakampante." Dagdag pa ni Trevor.

Hindi pa rin talaga siya tumitigil 'no? Dahil dun ay hindi ko napigilan ang matawa. Lalaki ba talaga 'to o babae? Masyadong iyakin eh.

I just shrugged and gave him my sweetest smile before starting my car's engine.

"Well, good luck with that Trev." Pang-aasar ko pa sa kanya na halatang lalo pa siyang napipikon. "Just please try harder? Ang boring mong kakompetensya, you know that? Tsk. Tsk." Naiiling-iling na wika ko habang may mapang-asar na ngiti bago tuluyang pinasibad papalayo ang sasakyan.

Gusto niya ba akong talunin? Well, that's not going to happen. Mapapagod lang sila sa pakikipagkompetensya sa akin dahil kahit subukin nila, hindi nila mamagawa because I was born to be a winner in everything.

Hindi pa pinapanganak 'yung taong makakatalo sa akin. At hindi pa pinapanganak 'yung taong magiging dahilan ng kahinaan at pagkatalo ko.

---

At dahil umaga na talaga bago ako nakauwi kaya naman pahikab-hikab akong naglalakad papasok ng bahay galing sa parking area.

Mabuti na lang at medyo madilim pa. Sigurado akong pagising pa lamang ang mga magulang ko at hindi mapapansin na kadarating ko pa lamang.

Nang mabilis na napatakbo ako sa may corner ng entrance ng bahay para magtago dahil nagkamali ako ng akala.

Gising na pala ang aking Dada Billy at bihis na bihis na. Kasama niya papasok ng bahay ang isang matanda na rin na lalaki. Habang nakasunod naman sa kanila ang tatlong guards including the main guard ng mansion.

Nagtataka na awtomatikong napakunot ang aking noo.

May nangyari kaya?

Kapag kasi ganitong maaga masyado ang lakad ni Dada Billy at kasama pa ang main guard, may importante at mahalaga siyang gagawin.

Means, mayroon siyang misyon na isasakatuparan.

Pero ano naman kaya yun? Paano kapag nalaman na naman ito ni Mimi Aerin? Baka mag-away na naman sila. Tss!

Pero ang labis na mas ipinagtataka ko lang. Bakit mukhang hindi naman malaking tao yung matandang lalaki na kasama ni Dada.

Mukha lang siyang simpleng mangingisda na naligaw dito sa bahay. And besides, that old man seems familiar to me. I just can't remember where I last saw him.

This is the first time na nangyari na may naging bisita si Dada na parang normal lang na tao. Hayst! My curiosity really hits me.

Napailing ako at agad na sinundan ang mga ito patungo sa opisina ni Dada Billy. Makikiisyuso na lang ako at makikinig.

Pero shit lang. May bantay sa labas ng opisina niya.

Napahinga ako ng malalim habang ini-exercise ang mga balikat at kamao ko.

Dating gawi. Sabi ko sa aking sarili.

Mabilis ang mga hakbang na nilapitan ko ang dalawang guwardya at mabilis na pinatulog ang mga ito. But of course, maingat na ginawa ko iyon at hindi gumawa ng anumang ingay.

Sinampal-sampal ko pa ang mga ito sa kanilang pisngi para masiguradong nakatulog na nga sila. Atsaka ako lumapit sa pintuan at pinasiwang ito ng konti para mas maayos kong maririnig ang pag-uusap sa loob.

"Sa wakas at napagbigyan mo na rin akong maka-usap ka. Matagal na panahon ko rin na pinaghandaan ang araw na'to." Panimula ng matanda bago ito napaubo ng marami. Iyong ubo na animo'y may iniinda siyang karamdaman. "Wala akong ibang taong pwedeng mapagkatiwalaan sa buhay ng anak ko kundi ikaw lang. Alam ko kasi na kayang-kaya mo siyang protektahan laban sa anumang panganib na pwedeng mangyari sa kanya."

"Why me?" Blangko ang expression na mukha ng aking ina habang tinatanong ang matanda.

"Dahil ikaw si Billy Ross. Ang perfect candidate na pwedeng promotekta sa mga nanganagilangan ng tulong at proteksyon." Ngunit napangisi lamang ang aking ina dahil sa sinabi nito.

"Babayaran mo ba ako?" Pamimilosopo ng aking ina. "Alam mong malaking halaga ang kapalit nito." Dagdag pa niya ngunit hindi pinansin ng matanda ang kanyang sinabi.

"Alam ko katulad ko, gagawin mo rin ang lahat para protektahan at masiguradong ligtas ang anak mo." Dagdag pa ng matanda. "Wala na akong ibang malalapitan na pwedeng mahingan ng tulong kundi ikaw lang." Bago ito muling napaubo.

"H-Hindi alam ni Felicia ang tungkol sa karamdaman ko. At hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko kaya ako nandito ngayon sa harap mo at maayos na nakikiusap sa'yo." Pagpapapatuloy n'ya. "Kung ang inaalala mo ay ang halaga kapalit ng proteksyon na hinihingi ko para sa anak ko, 'wag kang mag-alala. Makukuha mo ang gusto mo." Tahimik lamang na nakikinig si Dada Billy sa kanya.

"Hindi rin nito alam ang tungkol sa tunay niyang pagkatao, Billy." And because of what the old man said he got my mother's attention.

"Tunay na pagkatao ng anak mo?" Napatango ito. "So, you're saying na hindi mo siya tunay na anak." Napailing ang matanda bilang sagot.

Maya-maya lamang ay may iniabot itong isang itim na envelope sa aking ina.

Ang main guard ang kumuha no'n mula sa kamay ng matanda at inabot ito kay Dada.

"Naglalaman 'yan ng mga impormasyon tungkol kay Felicia. D'yan mo rin malalaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. At oo, tama ka. Hindi ako ang tunay niyang magulang. Kinuha at inilayo ko lamang siya laban sa mga taong gusto siyang ipaligpit balang araw." Dagdag na paliwanag pa nito.

Hindi nagtagal ay bigla na lamang napaluhod ang matanda sa harap ng aking ina habang humihikbi.

"Kaya nakikiusap ako, Billy. Alam kong sobra-sobra itong hinihingi ko. Lalo at hindi mo ako kilala. Pero walang-wala na akong ibang pwedeng malapitan kundi ikaw lang. Ikaw na sana ang bahalang kumupkop sa kanya. Darating ang araw, may mga taong hahanapin siya para ipaligpit. At hindi ko na magagawa yun lalo kung nabibilang na lang ang mga araw ko---"

"You don't have to beg and put yourself down like that. I will help you no matter what." Pagbibigay ng word ng aking ina sa kanya.

"T-T-Talaga?" Utal na tanong nito. Yumuko ang aking ina at lumuhod din para alalayan siya sa pagtayo.

Napatango si Dada.

"As a parent like you, I will do everything for my child's protection. And as someone who is able to protect the lives of others, I will help those who need it most." Pagpapakalma ng aking ina sa kanya at pagbibigay ng assurance. "H'wag kang mag-alala walang sino man ang pwedeng makalapit sa kanya. Sagot ko ang buhay ng anak mo." Dagdag pa ng aking ina.

"I mean...sagot ng anak kong si Skyler ang buhay ng anak mo." Pagkatapos ay dahan-dahan na napalingon sa direksyon ko si Dada Billy. Nahuli ko pa itong napangisi noong makita ako at nagtama ang mga mata namin. Kaya mabilis at agad akong nagtago habang napapapikit ng mariin.

Fuck! Kanina niya pa ba ako nakita? How did she know I was listening?

And wait... anong ibig niyang sabihin sa kanyang sinabi na sagot ko ang buhay ng anak ng matandang yun?!

Paano naman ako na-involve sa usapan nila?

Hahahaha! Lagot!

Jennexcreators' thoughts