webnovel

TBAB: 9

Now playing: Be With you - Akon

Nicole POV



Magkasalubong ang mga kilay at hindi maipinta ang aking mukha habang mabilis na naglalakad papasok sa mansion nina Skyler.

Ang aga-aga eh talagang kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Nakakahiya! Nag-expect na ako ng sobra tapos hindi naman pala totoo lahat ng mga pinagsasabi niya.

Panay kalokohan lang talaga ang alam. Argh!

"Skyler!" Inis na sigaw ko nang makapasok sa bahay nila. Kung nandito man ngayon sina Tita Aerin at Aunt Billy, mas maigi nang maisumbong ko 'yung pinaggagawa ng anak nila.

*Flashback*

Habang nag-re-ready ako sa pagpasok sa school ay may dumating na maid para sabihin na may naghahanap sa akin.

"Naghahanap? At sino naman?" Tanong ko rito. Kasi usually, wala namang naghahanap sa akin. Dahil kilala naman dito sa bahay si Chase, ganoon din ang mga kaibigan ko. Hindi na nila ako kailangang hanapin pa dahil basta-basta na lang pumapasok ang mga iyon dito sa kwarto ko.

"Violet daw po ang pangalan." Sagot nito. Para naman akong nabingi at kusang natigilan nang marinig ang kanyang pangalan.

"W-What is her name again? V-Violet?" Pagkukumpirma ko. Napatango ito.

"May kailangan daw po kasi siyang sabihin sa inyo, ma'am." Dagdag pa niya. Napalunok ako ng mariin.

"O-Okay, pakisabi susunod ako." Noong masabi ko iyon ay agad na lumabas na rin ng kwarto ko ang maid. Habang ako naman ay nanghihina ang mga tuhod na napaupo sa ibabaw ng aking kama.

What is she doing here? Atsaka papaano niya nalaman ang address ng bahay namin?

Tsk! Ano pa nga bang ini-expect ko, kaibigan nga rin pala niya ang stubborn kong best friend na si Skyler.

Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang lalong makaramdam ng kaba dahil muli kong naalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi sa restaurant dahil sa ginawa ni Chase. Pati na rin ang kung papaano ko pagsalitaan si Violet noong gabi na iyon.

Pagkatapos kasi ng pagyayari na yun, ay pilit na iniiwasan ko muna ito. Hindi na muna ako pumupunta sa Coffee Shop at ipinagkatiwala na muna kay Jordi ang lahat. Tinatawagan lamang ako nito kapag mayroong kailangan at may concern na dapat sabihin.

Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. Nahihiya ako sa sarili ko at pati na rin sa nagawa ko sa kanya. Pero teka nga, bakit ba masyadong akong apektado kapag si Violet na ang pinag-uusapan? Tss!

For sure ako lang itong hindi pa rin maka-get over sa nangyari. Tama?

Sa ngayon, okay na kaming muli ni Chase. Wala eh! Mahal ko 'yung tao. Kailangan ko siyang patawarin. Atsaka nangako na rin naman siya na hindi na n'ya iyon uulitin.

Well, let's see. May pakiramdama kasi ako na may personality talaga siya na hindi ko pa nakikita eh. Hay ewan. Ke aga-aga sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip.

Pero teka nga, ano naman kaya 'yung bagay na sasabihin ni Violet sa akin? Wait, don't tell me sasabihin niyang crush niya ako? Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa aking bibig habang may kung anong kaba at kiliting nararamdaman.

Pero may girlfriend siya, right? At alam din niyang may boyfriend ako.

Hays! Hindi ko malalaman kung hindi ko siya haharapin ngayon. Kaya pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin ako dahil baka naiinip na si Violet sa paghihintay sa akin. Isa pa, loaded ako ngayong araw dahil sa dami ng activity sa school na gagawin.

And there she is, prenting nakaupo sa isang single couch habang abala ito sa pagkalikot sa ng cellphone.

Habang papalapit naman ako ng papalapit sa kanya, ay mas lalong palakas ng palakas ang pagkabog ng aking dibdib na animo'y gusto nang kumawala nito. Kulang pa nga eh, gusto na nitong mauna na sa akin sa paglalakad makarating lamang agad kay Violet.

Excited much? Tuyo ng aking isipan.

Agad naman na nakita niya ako kaya mabilis itong tumayo at agad na binigyan ako ng pormal ng ngiti hanggang sa tuluyang makahinto ako sa kanyang harapan.

I never took my eyes off her. She looks more beautiful in her white loose t-shirt na mayroong print na malaking mukha ng anime sa harap, tucked into her denim shorts, habang tinirnohan naman ng isang sneakers sa pang ibaba.

She always dresses very simply but she still looks elegant.

Naka-pony tail ang kanyang may mahabang buhok kaya mas lalong nakikita ko ang maamo, sweet shape ng kanyang mukha, especially her jawline na tila ba ang sarap halikan at pasadahan ng aking dila.

Ano raw?! Errr! Mabilis na napailing ako. What the fuck? Saway ko sa aking sarili.

Girl, just a reminder may boyfriend ka. Okay? Wag mong hayaan na tuluyan kang mabaliko ng isang Violet Torres. Hindi yun pwede. Paalala ko pa sa sarili.

"Violet, what brought you here?" Kunwaring tanong ko at pagkatapos ay napa-cross arm pa sa kanyang harapan.

Napalunok ito ng mariin bago nagpalinga-linga sa paligid. Mukha siyang balisa na hindi mapakali.

"Can I talk to you privately?" Tanong nito sa akin.

Private daw. At bakit naman kailangan private pa? Ganoon ba talaga ka-importante ang sasabihin niya?

"You might be late for school kaya hindi rin ako magtatagal. I just want to clarify something." Paliwanag nito.

"Okay, I understand. Please, this way" Agad ko siyang iginala sa mini bar namin, ini-lock ang pinto at pagkatapos ay tinignan siya na 'you can start now'. Ngunit napatawa lamang ito sandali.

Kunot noo na tinignan ko naman siya.

"Sorry. Sorry. I-I just can't help it."

"May nakakatawa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo naman kasi kailangang i-lock pa ang pinto." Sabi nito habang nagpipigil pa rin ng kanyang pagtawa. Gusto ko ring matawa sa ginawa ko pero lakas loob na pinipigilan ko ang aking sarili. "Unless na lang may gusto kang gawin natin?" At pagkatapos ay napatingin ito sa ibabaw ng billiard table na nasa loob lamang din ng mini bar.

Awtomatiko naman na nangamatis ang aking itsura at tinignan siya ng masama. Parang sobra yata yung naisip niya? Kung ako nahalikan ko siya nung first meet namin, pero mas malala naman pala itong pagnanasa niya sa akin. Tss!

Gusto mo naman? Muling tuyo ng aking isipan.

Duh! No way! Agad na pagtatanggol ko naman.

"Hindi ko alam may pagkamanyak ka rin pala!" Mapakla na wika ko na mas lalong ikinatawa niya. "So, ano nga yung importanteng sasabihin mo? Ma-le-late na ako sa klase ko, at alam mong ayaw na ayaw kong na-le-late." Dagdag ko pa.

Noon naman ay biglang sumeryoso ang mukha niya. Napakamot din ito sa kanyang batok.

"Look, I just want to clear things out because Skyler mentioned what happened. The flowers that she gave you---"

"Oh! Yes, about that. Thank you so much, Violet. I really appreciate it." Putol ko sa kanya habang may malawak na ngiti sa aking mga labi. Pakiramdam ko rin, kumikinang na ang mga mata ko sa saya ngayon.

Nahihiya naman na ginantihan niya ako ng ngiti bago ito napakagat sa kanyang labi.

Wait, don't tell me sasabihin na niya yung meaning ng mga bulaklak na iyon kahit na alam ko na? Kasabay ng pag-amin niyang gusto niya ako?

"T-Those flowers did not come from me. T-That was... that was just Skyler's idea and trick because she didn't know I had a girlfriend. I'm sorry." Walang prenong paliwanag nito sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Awtomatikong napa 'O' na lamang ako ng aking labi. Dahil maging ako ay hindi rin makapaniwala na naisahan ako ni Skyler. Kusa ko ring naramdaman ang lalong pamumula ng mga pinsgi ko dahil sa kahihiyan sa harap ni Violet.

"Sorry. I-I thought it was---"

"Yeah. That's why I came here." Putol nito sa akin.

Akala ko pa naman. Dismayadong sabi ko sa aking sarili.

"Akala mo ano?" Biglang tanong ni Violet na hindi ko alam ay nasabi ko pala ang dapat na nasa isip ko lang. Mabilis na napaiwas ako ng tingin.

I forced myself to smile and say, "Nothing."

"Look, Nicole. I'm sorry. Hindi ko naman alam na---"

"It's alright. You have nothing to apologize for. We're cool. Thank you for telling me." Pagkatapos ay napatingin ako sa wrist watch ko. "Uhh, I gotta go?" Paalam ko sa kanya.

Napatango lamang ito at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng mini bar. Agad na dumitreso siya sa kanyang sasakyan na nakaparada sa labas ng aming bahay, habang ako naman ay agad na sumakay na rin sa aking kotse at mabilis itong pinasibad papalayo.

That brat, Skyler. Humanda talaga siya sa akin. Hinding-hindi ko palalampasin ang araw na 'to! Argh!

*End of flashback*

'And no one knows

Why I'm into you

'Cause you'll never know what it's like to walk in our shoes

And no one know

The things we've been through Can never measure up to half of what I put you through

That's why we'll break through'

"Skyler!" Sigaw ko sa labas ng kanyang kwarto.

Pero dahil walang sumasagot kaya diretsong pumasok na ako sa loob at pagkatapos ay agad na tumambad sa akin ang hubad niyang katawan habang may sway sway at pasayaw-sayaw pa itong kumakanta at naglalakad papasok sa kanyang walk-in closet.

Halatang katatapos lamang nito sa pagligo. Habang mayroong napalakas na sounds na bumabalot sa kanyang kwarto.

Hindi niya ako napansin agad dahil nakatalikod siya mula sa akin. Hindi na rin ako nag-abala pang takpan ang mga mata ko dahil nakita ko naman na ang lahat sa kanya magmula pa noong maliit pa kami.

'And I don't care what they say

I'm gonna be with you

I'm gonna be with you

I wanna be with you

And I don't care what they do

I'm gonna be with---'

"What the fuck?!" Pagmura nito at mabilis na napaharap sa aking direksyon dahil binato ko siya ng bag ko.

"Nicole! What the hell are you doing here?!" Nagtataka na tanong nito bago ako muling tinalikuran para makapagbihis na. Agad naman ako na lumapit sa kanya habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib.

"Nasabi na sa'yo ni Violet kaya ka ba nagkakaganyan?"

"Buti naman alam mo!" Inis na sabi ko sa kanya at lalapitan na naman sana siya nang agad na lumayo na ito sa akin habang tumatawa.

"Duh! At least I made you happy!" Pagdadahilan nito.

"You lied to me. Pinaniwala mo ako na nanggaling sa kanya 'yung mga bulaklak kahit na hindi naman pala."

"Nya nya nya nya!" Napahawak ito sa kanyang tenga habang nagmi-make face na parang bata. "Stop acting like a child, Nic." Dagdag pa niya habang nagsusuot ng kanyang underwear at bra.

Yes, right in front of me. Err! Hindi niyo lang alam kung gaano karaming mga babae ang nangangarap na sana ay nasa kinatatayuan ko ngayon habang nagbibihis ang isang Skyler Ross.

"Look, who's talking?"

"What?!" Inis at magkasalubong ang mga kilay na tanong nito sa akin. "Ganito lang kasi yan Nic, stop thinking you're straight and not gay. It is impossible to happen. Bakit? Dahil bakla ang parehong nanay mo, bakla ang mga kaibigan mo. Bakla tayong lahat dito! Wag mo ngang pinagloloko ang sarili mo!"

"I. AM. NOT. GAY." Bigay diin ko sa kanya. Ngunit napahinga nalang ito ng malalim bago napatawa ng sarcastic.

"Whatever you say, Nic." Napapailing na wika niya. "You know what? It's true that you are happy and your relationship with Chase is healthy and I have NOTHING against that. Really!" Napapatango na dagdag pa niya.

"But my point here is, how long are you going to fool yourself, Nic? Ang gusto ko lang naman, tanggapin mo kung sino ka talaga. Just know who you really are and embrace it. Come out of your closet because there is nothing and no one stopping you." Pagpapatuloy niya.

"Kaya mo ginagamit ang taong may girlfriend na?" Pagtukoy ko kay Violet. Napatango ito bilang sagot. "Sana naisip mo rin na may relasyon ka na pwedeng masira at masagasahan, Skyler." Dagdag ko pa. "And again, ako LANG ang pwedeng mag-decide para sa sarili ko. I am not gay, pwede bang tanggapin mo na lang yun?"

At pagakatapos ay mabilis na tinalikuran ko na siya ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay muling nagsalita siya.

"Then, why are you so obsessed with Violet?" Muli akong natigilan ngunit nanatiling nakatalikod na mula sa kanya. "You stalk her on all her social media three times a day."

"Wait, are you spying on me?!" At walang nagawa na muling napaharap ako sa kanya in disbelief. Ngunit hindi nito pinansin ang tanong ko at nagpatuloy siya sa sinasabi niya.

"And that moment when I gave you the flower and you knew it was from her, Nic, the smiles on your lips, I've never seen that in the three years of your relationship with your boyfriend. So forgive me, if I'm still not convinced that you're straight." Pagpapatuloy niya.

Napahinga na lamang ako ng malalim bago walang sabi na tinalukuran na si Skyler. Hindi ko na kailangang pahabain pa ang pagtatalo namin.

Alam ko at kilala ko ang sarili ko. Bakit ba pinagpipilitan niyang gay rin akong katulad nilang lahat? Hindi ba niya pwedeng tanggapin na lang na mas pinipili ko ang ganitong landas?

But yeah, maybe Skyler is right. I think her words made me realize that I was becoming obsessed with Violet because I stalked her all the time.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. At itong nararamdaman ko, masyado na akong ginugulo. Naguguluhan na ako ng sobra.

Hindi ko alam kung alin pa ang paniniwalaan ko. At ayaw kong paniwalaan ang mga sinabi ni Skyler na katulad din nila ako, that I am also gay. Pero tama nga siya, parang niloloko ko lang ang sarili ko?

But then, the realization hit me again, I already committed to Chase while Violet also has a girlfriend. At ayaw kong maging selfish.

Ayaw kong makasakit ng iba at manloko ng ibang tao.