webnovel

TBAB: 5

Now playing: I want you now - Loving Caliber

Nicole POV

Makalipas ang isang linggo magmula noong tuluyang maging empleyado ng Coffee Shop si Violet, ay naging abala naman ako sa school activities. Halos nga hindi na ako nakakadalaw pa sa Shop, pagkatapos ko kasi Goldin Hills, sa University kung saan ako pumapasok araw-araw, ay umuuwi na ako kaagad para gawin pa ang ibang home works ko.

Kaya ngayon, araw ng Sabado. Idinaan ko lamang sa Goldin Hills ang mga kailangan kong i-submit na papers at pagkatapos ay agad na dumiretso na rin ako sa Coffee Shop. Actually, late na nga eh. Dapat kanina pa akong umaga rito kaso itong mga kaibigan ko, ang kukulit, kaya hindi ko kaagad natapos ang mga gawain na dapat tapos ko na kanina pa.

Pasado alas singko na ng hapon noong makarating ako sa Coffee Shop, as I expected napakaraming customer. Hays! Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag-alala at makonsensya dahil ilang araw ko ring hindi nabisita sina Jordi rito.

"Uy! Good afternoon ma'am! Napadalaw po kayo? Hindi na busy sa school?" Tanong at pagbati sa akin ni Patrick habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng Coffee Shop.

"Afternoon." Tipid na pagbati ko rin sa kanya at agad na dumiretso sa opisina ko. Hindi ko na lamang din sinagot ang tanong nito sa akin dahil wala akong amor pa na magsalita sa sobrang pagod ng utak ko.

Letse naman kasing school works yan! Well, as a matter of fact. Ako naman palagi ang nauunang matapos sa aming magkakaklase. Paano ba naman hindi eh, para kapag nagawa ko na ay wala na akong ibang aatupagin kundi itong Coffee Shop at ang mga unannounce na appointment sa akin mula kay Mama Breeze.

Sa sobrang pagod ko, hindi ko na namalayan na naka idlip ako sa aking upuan habang nagpapahinga. Ang sabi ko pa naman, ipapahinga ko lang sandali ang mga mata at katawan ko dahil tutulungan ko sina Jordi sa pag-asikaso ng mga customers.

Napasulyap ako sa wall clock ng office ko. Mag-aala sais na naman pala ng gabi. Hays! Dismayado na muli akong tumayo at agad na lumabas ng opisina.

Ngunit wala na masyadong customers ang naabutan ko. Napansin ko na para namang mga lantang gulay na ang mga staff ko kaya hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam lalo ng awa.

"Ahem!" Napatikhim ako bago lumapit sa may counter.

"H-Hi ma'am!" Pagbati sa akin ni Jordi. Habang si Violet naman ay abalang-abala sa paglilinis ng counter. Pasimple naman siyang siniko ni Jordi para batiin ako.

"Oh! Hi ma'am!" Kunwari pang pagbati niya sa akin. Napailing na lamang ako at pagkatapos ay tinawag sina Patrick at Leo para sa i-a-announce ko.

Noong makarating na sila sa aking harapan ay agad na binigyan ko sila ng ngiti. Iyong ngiti na alam ko at naiintindihan ko ang pagod na nararamdaman nilang lahat.

"Thank you for your hard work, guys! Sobrang na-appreciate ko ang kasipagan ninyong lahat. And also, I apologize for not visiting you here for a few days because I was too busy with school." Panimula ko at pahingi ng tawad sa kanilang lahat. Tahimik lang naman din silang nakikinig sa akin.

Habang ako naman ay isa-isa silang tinitignan sa kanilang mga mukha. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa magandang mukha ni Violet, na ngayon ay mayroong nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya. At pilit na binalewala ang kanyang presensya.

"Kaya, maaga tayong magko-close ng shop today. So, you can all have rest. Okay?" Sabi ko sa mga ito na alam kong magpoprotesta na naman si Jordi.

"Eh ma'am, sayang naman 'yung kita. Maaga pa po atsaka baka marami pa tayong---"

"Jordi, hindi naman pwedeng trabaho lang tayo ng trabaho. Kailangan niyo ng pahinga. Tignan mo nga 'yang itsura mo, ang putla putla mo na kahit na ang kapal naman ng lipstick mo." Pagbibiro ko sa kanya na agad namang pinagtawanan nina Leo at Patrick.

"Salamat ma'am ah! Kayo lang talaga 'yung boss na may consideration sa mga empleyado niya." Sweet na sabi naman ni Leo sa akin, bagay na ikinataba ng puso ko.

"Well, health is wealth, guys." Iyon lamang ang tanging nasabi ko bago sila muling tinapunan ng ngiti. "Kaya linisin niyo na ang mga dapat linisin, sasabayan ko na kayo sa pag-out ninyo. Okay?"

Sabay-sabay naman silang sumang ayon. Habang ako naman ay muling bumalik sa loob ng aking opisina para i-check ang ilang araw na report ni Jordi, na hindi ko pa na-che-check hanggang ngayon.

Ngunit kalalapat pa lamang ng pwet ko sa aking upuan nang biglang mayroong kumatok at iniluwa noon si Violet, habang mayroong hawak na dalawang printed papers na alam kong ipinabibigay ni Jordi sa kanya.

"Pakilapag na lang d'yan." Agad na sabi ko sa kanya. Tahimik naman na lumapit ito sa aking lamesa at dahan-dahan na inilapag ang papel sa ibabaw.

Ngunit nagtataka ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umaalis habang mataman na nakatingin lamang sa akin.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko sa kanya bago sinalubong ang mga magagandang mata niya.

Mabilis itong napailing. "W-Wala naman na MA'AM." Bigay diin niya sa huling sinabi.

Is she insulting me or what?

"Okay, makakalabas ka na." Pagtatabuyan ko sa kanya.

"Okay po, MA'AM." Bulong nito kasabay ang pagtalikod sakin at agad na humakbang na palabas ng aking opisina.

Problema no'n? Tanong ko sa aking sarili.

Napailing na lamang ako at muling ibinalik ang aking atensyon sa monitor ng computer ko.

Nang bigla naman akong napahikab.

"Ugh! I hate this!" Reklamo ko aking sarili.

Napakagdesisyon na ako. Sa bahay ko na lamang itutuloy itong ginagawa ko dahil hindi ko na talaga kaya. Gusto ko nang mahiga at matulog ng dire-diretso. Bahala na kung mapagalitan man ako ni Mama Breeze. Eh sa inaantok na ako eh.

Ngayon lang naman. Hehe.

Inayos ko lamang sandali ang mga gamit ko, pinatay ang computer at hinintay na lang matapos sina Jordi.

Maya-maya lamang ay mayroong kumatok muli sa opisina ko. At katulad ng inaasahan, si Violet na naman ang muling pumasok rito, with a wide smiles on her lips.

"Ma'am, okay na raw po. Pwede na tayong mag-close." Sabi nito.

Napatango ako at agad na tumayo na. "Okay!"

Atsaka mabilis ang mga hakbang na nagtungo sa pintuan kung nasaan tahimik lamang akong pinagmamasdan ni Violet, at pagkatapos ay biglang napaatras ito, tinakpan ang kanyang labi gamit ang dalawa nitong kamay.

"M-Ma'am Nicole, may girlfriend na ako. Sorry, pero hindi mo na ako pwedeng halikan ng basta basta." Walang prenong sabi nito sa akin na para bang tropa lamang ako sa paningin niya.

Awtomatiko namang napakunot ang aking noo. Gusto ko pang matawa sa reaksyon niya. Kasi para siyang natakot bigla na baka nga halikan ko siyang muli.

Ngunit pinilit kong gawing seryoso ang aking mukha kahit na ang totoo ay gusto ko nang humagalpak sa tawa.

"What?!" Sabay kunwaring irap ko pa. "Hindi ko alam may pagka-feeling ka rin pala." Dagdag ko pa. "I-tu-turn off ko lang 'yung switch ng light na nasa may likod mo." Pagkatapos ay binigyan ko ito ng isang nakakalokong ngisi.

Iyong ngisi na mahihiya siya sa sarili niya. Napayuko ito habang namumula ang kanyang itsura. Agad na itinurn-off ko na ang switch at nauna nang lumabas ng opisina. Habang siya naman ay dahan-dahan na nakasunod din sa akin.

Atsaka, iniisip niya talaga na hahalikan ko siya? Duh! Noong makalabas na siya ay saka ko naman ini-lock ang pinto.

"Ahem!" Napatikhim ito ngunit wala na yung nahihiyang mukha niya kanina. Bumalik na 'yung dating confidence niya with a crook smile on her lips. "Sorry ma'am. Akala ko kasi hahalikan mo na naman---"

"At bakit naman kita hahalikan?!" This time, may pagkainis na ang tanong ko sa kanya. Hmp! "Matamis ba labi mo? Tss! Ang dry dry nga!" Sabay inis na napa-walk out na ako.

Napansin ko pa na napahawak siya sa kanyang labi. "Sus! Kaya naman pala." Bubulong-bulong na sabi nito sa akin ngunit hindi ko na lamang pinansin dahil hindi ko rin naman narinig.

Ang totoo, hindi naman talaga dry 'yung lips niya. Wala lang talaga akong maipintas sa kanya. Atsaka, eh ano ngayon kung may girlfriend siya? May boyfriend din naman ako ha!

Hays! Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nainis.

Makauwi na nga!

---

Bagot na bumaba ako ng kotse habang si Tabitha naman ay tatawa-tawa lamang sa aking itsura. Paano ba naman kasi? Umuwi nga ako para magpahinga, ito namang magaling kong kaibigan, inunahan na pala ako. Nasa bahay na siya bago pa man ako dumating para lang yayain akong mag Bar at pumunta rito sa Baylight.

Eh may choice ba ako? Alangan naman pagtabuyan ko siya o kung hindi naman ay hahayaan kong umalis na hindi ako kasama. Isa pa, minsan na lang din naman kasi kami magkasama eh. Ahead kasi ako sa mga kaibigan ko ng two years, so malamang sa malamang, wala akong choice kundi sumama na lang at samantalahin na may oras ako ngayon.

Habang naglalakad papunta sa entrance ng Baylight. Hindi ko maiwasan ang hindi maalala si Chase. Buong araw kasi yata na hindi siya nagparamdam ngayon? At kanina pa ako text ng text at tawag sa kanya pero hindi naman niya sinasagot.

Nabigla na lamang ako noong hablutin ako ni Tabitha sa braso ko.

"Hey! Is that your boyfriend?" Maarte na tanong nito sa akin.

Napatingin ako sa direksyon kung saan ang tinitignan niya. At tama nga si Tabitha, si Chase nga ang nakikita naming dalawa ngayon habang masayang nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan.

Napapailing na agad na lumapit ako sa mga ito.

"Wow! What a surprise! And you even managed to laugh and drink without even answering my calls and texts." Panimula ko na halatang ikinabigla nilang lahat, especially my boyfriend na kitang-kita kong may kaakbay pa na babae.

Oh, actually. Tropa niya yun. I know. Pero alam ko rin na matagal nang may gusto sa kanya. Tinignan ko ng masama 'yung babae kaya agad na napayuko siya at lumayo ng konti kay Chase.

Magsasalita na sana si Chase ng muli akong magsalita. "And yes! You better explain and make sure your reason is valid, Chase," Sa totoo lang. Mahina ako kapag ganitong mga confrontation.

Iyakin ako.

Mababa ang luha ko.

Pero kailangan kong maging matapang dahil ito yata ang kauna-unahang nagka-encounter kami ng ganito ni Chase.

"Love, minsan lang naman. Atsaka alam kong busy ka sa school works mo." Mahinahon na paliwanag nito sa akin. "Kaya naisipan kong gumimik muna kasama sila para na rin hindi kita maistorbo. Sorry na." Dagdag pa niya.

Napahinga ako ng malalim.

"Bakit kailangan may mga babaeng kasama?" Gigil na tanong ko sa kanya. Hindi ako nagtataas ng boses. Swear! Hindi rin ako sumisigaw or what. Mahinahon ang tanong ko pero maririnig sa boses kong galit na ako.

At malapit na rin akong umiyak. Kaya inawat na ako ni Tabitha.

"Ako nang bahala sa girlfriend mo, Chase." Sabat nito sa usapan namin ng jowa ko.

"Sandali, hindi pa kami tapos!" Matigas na sambit nito kay Tabi at hinila akong muli.

"Pwede ba? Let me go, Chase. Saka na lang tayo mag-usap kapag dalawa na lang tayo." Bulong ko sa kanya ngunit iyong medyo malakas para marinig niya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay ako na mismo ang nagpumiglas sa pagkakahawak niya. Agad na dumiretso kami ni Tabitha sa loob ng bar at naghanap ng bakanteng VIP table. Sakto dahil may dalawang table pa ang naiiwan.

Darating din daw kasi ang ibang kaibigan namin eh. I am so gald. I miss them!

Ngunit hindi parin maalis sa akin ang inis na nararamdaman ko kay Chase. Kaya agad na napakuha ako ng drinks mula sa waiter na naglalakad at tinungga ang isang shot glass ng margarita. Nakadalawang shot pa nga ako na magkasunod bago nagpasyang maupo sa couch. Habang si Tabitha naman ay abala sa kanyang kausap sa telepono na sa tingin ko ay isa sa mga kaibigan namin.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Masyadong malakas na ang sound system, medyo crowded na rin ang loob ng Baylight. Hanggang sa napadako ang mga mata ko sa isang babae na mayroong suot na head seat habang naglalagay ng mga alak sa shot glass. Sumasayaw-sayaw pa ito na parang ewan.

No, actually, she looked hot in her tight black jeans, while she was only wearing a black tube bra on top. Her long hair was loose, swaying as her body swayed.

Halos hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Ang sarap-sarap niyang pagmasdan mula rito sa kinauupuan ko.

Gosh! Hindi ko alam na ganito pala siya ka-hot lalo, especially kapag nandito siya sa Baylight. And take note, every night siyang nandito. So, it means, gabi-gabi ring may mga nabubusog na mga mata dahil sa paghanga sa kanya.

Ngunit mabilis din akong nagbawi ng aking paningin noong napalingon ito sa direksyon ko. Nang mapansin ko na ibinaba ni Violet ang kanyang hawak na bote, ay agad na nagtungo ito sa direksyon ko, kaya naman walang nagawa na agad akong napaharap kay Tabitha kunwari.

My heart was beating so fast for some unknown reason. Especially when I saw how she ramped through the crowd, while her eyes were only focused on me.

Why am I so nervous? The annoyance I felt towards Chase earlier was suddenly replaced by panic dahil sa paparating na si Violet.

Ilang hakbang na lamang ang layo nito mula sa akin, I could already see her sparkling eyes as well as her signature smile, especially the way she looked at me now, when suddenly a woman approached her from behind me and immediately kissed her on her lip, which she immediately kissed back.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanilang dalawa. Hindi ko rin maiwasan ang hindi mapatawa sa aking sarili at ang madismaya.

Nag-expect ka ba girl? Tuyo ng aking isipan.

Inisip ko talaga na ako ang tinitignan at nginingitian niya kanina? Argh! So embarrassing!

Mabuti na lamang din at sumaktong dumating na ang mga kaibigan ko. Kaya kahit papaano ay nawala na ang focus at atensyon ko kay Violet, pati na sa girlfriend niya.

Well, that's her girlfriend, right?

Yung akala mo sa'yo nakatingin, hindi naman pala. Hahahaha!

Jennexcreators' thoughts