webnovel

TBAB: 38

Now playing: Old Love - Yuji & Putri Dahlia -

Nicole POV

Nag-cr lang ako sandali pagbalik ko pinapalibutan na ng mga kaibigan ko si Violet habang nakaupo sila sa pabilog na couch dito sa may pool area ng bahay namin.

And they were all asking Violet about the two of us. Except for Autumn and Skyler who already memorized our story. Hindi ko mapigilan ang mapairap habang naririnig ang mga tanungan nila kay Violet.

Daig pa nila ang mga imbistigador ng bayan kung makapagtanong. Gisang-gisa tuloy ang fiancee ko, kawawa naman.

Ngayong araw ko kasi formal na ipinakilala sa mga kaibigan ko si Violet. Pati na rin sa mga kaibigan ng mga magulang ko na kung ituring ako ay tunay na anak na rin. Kasama rin ni Violet ang kanyang mga magulang kung saan, nasa loob silang lahat ng bahay.

Nagmistulang business proposal nga ang lunch namin ngayong araw dahil panay negosyo at politics ang pinag-uusapan ng mga ito kaya lumabas na lamang kami ng mga kaibigan ko rito sa may pool area at nagkaroon ng sariling mundo.

Daig pa nila kasi ang mga teenagers sa ingay. Dinaig pa ang mga boses namin. Hmp!

"Pwede bang tantanan niyo na 'yang fiancee ko?" Saway ko sa mga ito nang makabalik at agad na tinabihan sa pag-upo si Violet.

"Ang damot mo naman. Nagtatanong lang naman eh." Reklamo ni Kezia.

"Just don't mind her, V." Sagot naman ni Gabby. "Sa'kin ka lang tumungin at 'wag mong pakinggan 'yang si Nicole. Sa amin ka ngayong araw." Dagdag pa niya.

"Oo nga! 'Wag ka ngang madamot, Nic. We're just asking her, of course dagdag na siya sa circle natin, right? Magiging misis mo na siya, soon." Singit naman ni Autumn habang pangisi-ngisi pa.

Napapanganga na lamang ako in disbelief. Aba't talaga naman. Magsasalita na sana akong muli nang maramdaman ko ang kamay ni Violet na yumakap sa aking beywang bago ako nito tinignan ng 'it's okay look'.

Mabuti na lang at napaka-soft ko palagi pagdating kay Violet. Mula noon hanggang ngayon, siya ang nagsisilbing weakness ko sa maraming bagay. Pero siya rin naman ang nagiging strength ko. Aba! Lalo na ngayong engaged na kami, 'no?

Muling ibinalik nila ang kanilang mga mata kay Violet at nagsimula na muling makipag-asaran.

"Ang paborito mong moment with Nicole so far?" Tanong ni Sydney na tatahimik-tahimik lang kanina.

"Aba! Ano pa nga ba?" Sabat ni Skyler. "Tinatanong pa ba 'yun? Edi bed scene--- aray naman!" Bigla na lang kasi siyang binatukan ni Kezia. Habang ako naman ay tinignan ko siya ng masama.

"Paborito naman talaga 'yun eh." Wika ni Kezia. "Pero anong paborito mong posis--- sabi ko nga tatahimik na." Tinapunan ko kasi ito ng pamatay na tingin kaya muling nagtawanan ang lahat.

"Did you know that you were the first one that Nicole formally introduced to our entire circle?" Tanong ni Tabitha kay Violet. Agad naman napatango ang lahat dahil sa sinabi niya.

"And we're glad dahil pumasa ka kaagad sa standard ng mga magulang NAMIN." Bigay diin naman sa huli na dagdag ni Gabby bago pasimpleng umakbay kay Tabi.

Napapailing na lamang ako habang lihim din napapangiti sa aking sarili dahil sa kilig at chemistry nilang dalawa.

Ship ko talaga itong dalawang kaibigan namin. They're so cute together. But sad to say, walang talo-talo sa tropa. That's our rules. Like our parents. Walang talo dapat sa tropa. Kapag tropa, tropa lang.

Pero matagal ko nang napapansin, noon pa man, nasa high school days pa lamang kami, na may lihim na pagtingin itong si Gabby kay Tabitha. Pero ito namang si Tabitha, bukod sa alergic na sa love life eh, kaibigan lang talaga at parang kapatid na ang turing kay Gabby.

Oh, well. I'm hoping that I'm the only one who notices this thing. Hindi ko na binanggit pa sa ibang mga kaibigan namin dahil mahirap na, I didn't want to ruin our friendship. Pwede kasing mali lang din ako ng akala, so I have to zip my mouth.

"So, sino naman kaya ang susunod na magkakajowa sa inyo?" Pabirong tanong ko sa kanilang lahat at pasimpleng napasulyap sa dalawa kong kaibigan, especially kay Gabby na lihim na pasulyap-sulyap kay Tabi.

"Pakigalaw na ang baso kung sino man kayo." Makahulugang dagdag ko pa bago nagtawanan ang lahat at awtomatikong nagbaling ang mga ito ng tingin kay Skyler na ngayon ay kunwaring hindi sila napansin at kunwaring abala sa pag-scroll sa kanyang cellphone.

Awtomatiko naman na napakunot ang aking noo. May hindi ba ako alam? Tanong ko sa aking sarili.

"Isang taon at kalahati lang akong nawala. Anong chika?" Tanong ko sa mga ito sabay isa-isa ko silang tinignan para sa kanilang explanation or kwento.

Bigla namang natawa iyong fiancee ko na halatang may ideya rin sa mga kaganapan sa buhay ni Skyler habang wala ako rito sa Pilipinas.

Tinignan ko naman ito nang may pagtataka. Tapos pa-simpleng kinurot siya sa kanyang tagiliran para sabihin sakin kung anong nangyayari. Kaso dahil mukhang malabo, kaya si Skyler na mismo ang tinanong ko.

"Oh, may girlfriend ka na? As in, seryosohan na ba? OH. MY. GOSH!" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. Hindi rin maitago ang excitement sa aking mga mata.

"Hindi ko siya girlfriend!" Mariin na pagtatanggi nito at noon din ay inulan na naman siya ng samot saring pang-aasar mula sa mga kaibigan namin.

"Ano nga kasi? Hello guys? You have to tell me, kasi parang ako lang ang walang ideya sa nangyayari." Namumuryot na tanong kong muli sa kanilang lahat.

Malulutong na tawa ng mga ito ang sumunod na naman nilang pinakawalan.

"Will you please stop guys?" Halatang pikon nang sabi ni Skyler.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapataas ng isang kilay. Ang seryoso niya kasi, samantalang dati, siya itong nangunguna sa ganitong asaran.

"Bahala nga kayo riyan!" Sabay walk out na sabi nito at hindi na kami muling nilingon pa.

"Anong nangyari dun?" Tatawa-tawa na tanong ko sa mga ito habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa papalayong si Skyler.

"Nakatagpo lang naman kasi siya ng katapat niya. Hahahaha!" Paliwanag ni Autumn atsaka muling nagtawanan ang lahat. Kaya walang nagawa na nakitawa na rin ako.

"So, hindi niyo pa rin sasabihin sa akin? Come on! Nangangati na ang tenga ko na makarinig ng tsismis." Pangungulit ko pa rin sa kanila.

"Ganito kasi 'yun..." Panimula ni Autumn. Kaya naman lalong naging alerto ang aking isipan na tumanggap ng mga masasagap na balita tungkol kay Skyler.

Next update po will be tomorrow! Abangan! :) At sabay-sabay po nating abangan at alamin ang tungkol sa kwento ni Skyler sa susunod na libro na ating bubuksan. Entitled, HBS: New Generation - The Player.

Pagpasensyahan n'yo na rin po kung matagal nakapag-update, nag-iipon na po kasi ako ng drafts for our next book para mas madaling mag-publish everyday. Yay! I'm so excited naaaa! :)

Jennexcreators' thoughts