webnovel

TBAB: 1

Now playing: I Found the Answer in You - Loving Caliber

Nicole POV

Estudyante sa umaga, negosyante sa gabi.

Estudyante sa weekdays, negosyante sa weekend.

D'yan lamang umiikot ang buhay ko sa araw-araw magmula noong maging legal age na ako. Naging mahigpit at istrikto sa akin si Mama Breeze. Dahil kailangan ko na raw na maging disiplinado pagdating sa paghahawak ng oras ko, lalo na ako ang magmamana ng mga negosyo na meron siya at pati na rin si Mommy Cath.

Hays! Nakaka-pressure rin kaya ang ganitong buhay. Nakaka-pressure rin kung minsan na maging anak nila. Lalo at kailangan kong i-meet palagi ang standard na meron sila, especially my Mama Breeze. Kailangan palaging tama at perfect ang mga ginagawa ko, kailangan ganito, kailangan ganyan. Para bang bawat paggalaw at kilos ko, bantay sarado nila. Palaging may don't and do's.

Minsan napapaisip na lang ako, mas mabuti pa siguro ang maging isang anak na lamang ako ng simpleng tao. Iyon bang tahimik ang buhay. Walang yaman o kahit na anong mga negosyo ang kailangang isipin at alagaan. Hindi katulad ng buhay na kinagisnan ko.

Andiyan naman si Kuya Jared, pero bakit pakiramdam ko mag-isa lamang akong anak niya na kailangan palagi niyang pinababantayan. Hindi na nga ako nakakasama sa lakad ng mga kaibigan ko eh. Halos wala na akong social life, wala akong oras sa maraming mga bagay.

But don't get me wrong ha? I love my parents. Hindi ko lang talaga maiwasan ang magreklamo kung minsan. Syempre, tao lang din ako, napapagod at kailangang huminga kung minsan. Hindi naman stable na dapat okay lang ako all the time. There are times na manghihina talaga ako, mapupuno at mapapagod sa maraming mga bagay.

Mahal ko ang mga magulang ko. And I love to do these things for them. Nagrereklamo lang naman talaga ako pero wala naman akong choice kundi sundin sila. Isa pa, ayaw ko pa rin naman silang ma-disappoint palagi. Gusto kong maging proud pa rin sila sa akin sa lahat ng bagay.

Mabuti na lamang nga at kahit papaano ay nandito si Chase. Mayroon akong perfect boyfriend na katuwang at kasama ko sa lahat ng bagay. Eh halos nga hindi na siya umuuwi sa kanila dahil lamang sa bantay sarado rin ako. Grabe kasi kung mag-alaga.

Pero kung minsan rin, nakakasakal na ang pagiging clingy niya. Sa totoo lang nauumay na ako sa palaging pagbubuntot nito sa akin. I mean, kailangan niya rin kasing gawin yung mga importanteng bagay sa buhay niya bukod sa pagbabantay sa akin.

Wala namang kaso sa akin kung hindi na niya ako ihahatid sundo pa. Kaya ko na ang sarili ko at hindi naman ako magloloko.

Yes! Hindi ako magloloko.

Alam ko kasi na sa panahon ngayon, hindi lang naman mga lalaki ang mga cheater. Pati mga babae ngayon, manloloko na rin. At kasama na sa mga iyon ang ilan sa mga kaibigan ko.

Ako kasi, pinangako ko na talaga sa sarili ko na si Chase ang una, kaya siya na rin ang huli. Ang stressful na nga ng buhay ko dadagdag pa ako ng another sakit sa ulo?

No way!

One man is enough at ayaw kong i-risk ang relasyon na meron kami. Tapos ano? Magsisimula na naman ako sa zero kapag nagkataon?

Kaya nga palagi kong sinasabi kay Chase, sa boyfriend ko, na kung magloloko siya. Sana gawin na niya ngayon at huwag na niyang patagalin pa.

Huh! Siya rin.

Ako? Si Nicole Sullivan, ipagpapalit pa niya? Pagmamayabang na sabi ko sa aking sarili.

Agad na ipinarado ko ang aking sasakyan sa tapat ng coffee shop na pagmamay-ari ni Mommy Cath. Which is, pagmamay-ari ko na rin because as of now, I am the boss here. Ako na ang nagma-manage nito ngayon.

Actually, ito ang coffee shop kung saan nagsimula ang love story ng mga magulang ko. Dating pagmamay-ari ito ng parents ni Tita Bianca na best friend ni Mommy Cath.

Mama Breeze bought this coffee shop because Tita Bianca's parents had planned to renovate it. Ayaw kasi ni Mama Breeze na mag-iba ang itsura nito dahil maraming alaala siyang pinoprotektahan at gustong pangalagaan. So, wala siyang choice kundi bilhin na lamang ang property kung saan, napa-oo naman nito kaagad ang mga magulang ni Tita Bianca.

Agad na binati ako ng bartender na si Jordi noong dumaan ako sa harap niya patungo sa aking office.

"Good morning, ma'am!" Pagbati rin ng dalawang staff sa akin na kasamahan nito habang nagmo-mop ng sahig at nag-a-arrange ng mga upuan.

Weekend ngayon kaya alam kong maraming customer na naman ang tatambay dito.

"Ah eh ma'am," Bago pa man ako tuluyang makapasok sa aking office ay tinawag ni Jordi ang pangalan ko kaya muli akong napaharap sa kanya.

"Yes?" Napakamot ito sa kanyang batok bago may iniabot sa akin na isang white folder. Agad naman na kinuha ko ito mula sa kamay niya ngunit hindi ko na tinignan pa ang laman na nasa loob, dahil tiyak kong nakita na niya kung ano man ang laman ng file.

"Hiring pa po tayo, 'di ba?" Tanong nito sa akin. "May dumaan po kasi kahapon rito. Last minute ng interview. Okay na po s'ya for final interview ma'am. Mukhang perfect fit siya sa pagiging barista dahil," napahawak ito sa kanyang baba habang nakangiti, "may itsura." Pagpapatuloy niya.

Napatango lamang ako at muling ibinalik sa kanya ang white folder.

"Dahil sa may itsura kaya mukhang okay na sa'yo? Importante pa rin ang may experience at syempre, good character." Paalala ko sa kanya.

Napatango ito. "Don't worry ma'am. Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. At opo, marami na siyang experience, nag-work na rin siya dati sa isang bar mismo, as bartender din, and previous job naman niya ay sa isa ring kilalang coffe shop."

Muli akong napatango. "Good. Ikaw na ang tumawag sa kanya. Sabihin mo, before lunch today, kailangan nandito na siya para sa final interview." Mahinahon na sabi ko kay Jorde.

"Copy that ma'am." Nakangiting sabi nito sa akin.

"And uh, Jordi."

"Yes, ma'am!"

"Wag niyo muna rin akong iistorbohin sa office ha?" Napangiti ako ng may pagkaalanganin. "You know, school works." Pagkatapos ay napatawa ito noong makita ang ilang libro na bitbit ko.

"Grabe, ma'am! Ikaw na talaga." Tatawa-tawa na sabi nito sa akin bago ko siya tuluyang tinalikuran na.

Pagpasok ko sa office ay agad na sinimulan ko na 'yung mga gawain ko nang matapos ako agad bago pa man dumating ang applicant.

Hays! See? This is my life. Ganito ang araw-araw na buhay ko. Kapag wala na ako sa school, dito sa coffee shop ako matatagpuan o sa ibang mga appointment na meron ako.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking ginawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang pangalan ni Chase sa screen ng aking cellphone.

"Love!" Hindi maitago ang excitement sa kanyang boses.

"Free ka ba? San mo gustong kumain? Treat ko na ang lunch mo." Masigla na tanong nito sa akin. Habang ako naman ay agad na napanguso kahit na hindi naman niya nakikita.

"Sorry love, I can't. Pwede sa dinner na lang? May interview kasi ako dito sa coffee shop and I have a lot of school work." Narinig kong napahinga ito ng malalim.

"Okay love, I understand. I'll see you later then." Sabi nito. "I love you."

"I love you." Ganting sabi ko naman bago tuluyang ibinaba na ang tawag at agad na ibinalik ang aking atensyon sa aking ginagawa.

Pagkatapos ng dalawang oras, sa wakas ay natapos ko na rin at nasagutan na ang mga dapat na sagutang activity. Napasulyap ako sa suot kong relo.

Kusang napakunot ang noo ko dahil 12:05 na ng tanghali ay wala pa rin ang applicant na sinasabi ni Jordi.

Napailing ako at muling itinuon ang atensyon sa mga libro na nasa aking harapan. Sandali na iniligpit ko na lamang muna ang mga ito para hindi rin makalat.

Pero magkakalahating oras na yata akong naghihintay ay wala pa rin 'yung taong hinihintay ko. Kaya naman naiinip na tinawagan ko si Jordi mula sa telepono na nakakonekta mula rito sa office ko at sa counter.

"Jordi, where's the applicant?" Tanong ko sa kanya. Ngunit hindi pa man ito nakakasagot nang magpatuloy ako. "You know how strict I am when it comes to my time. Kapag hindi pa rin siya dumating in 5 minutes, alam mo na kung ano ang dapat na sabihin sa kanya."

"Y-Yes ma'am." Sagot nito bago ko siya binabaan.

Hindi ako magla-lunch on time para sa interview na ito pero late naman darating. Ewan ko ba at bakit ang aming tao ang hindi tumutupad sa oras na napag-usapan.

Filipino time nga naman! Tsk.

Tatlong minuto matapos kong tawagan si Jordi ay siya namang biglang may kumatok sa pintuan ng office ko. Agad akong nabuhayan ng loob dahil alam ko na ang applicant na ito.

Sana...

"Come in!" Medyo matigas ang boses na sabi ko at hinintay na tuluyang makapasok ito. Sandaling napayuko pa ako dahil napatingin akong muli sa wrist watch ko.

"I-I'm sorry, I'm late." Pahingi nito ng tawad sa akin.

Wait...

That voice sounds very familiar.

Agad akong natigilan at dahan-dahan na iniangat ang aking mga mata para salubungin ang kanyang mga tingin.

Awtomatikong napasinghap ako ng palihim noong sandaling muling magtama ang mga mata namin. Agad din na nanlamig ang mga kamay ko at tila ba ibinalik ako sa panahon at oras kung kailan unang beses kaming pinagtagpo ng tadhana.

Binigyan ako nito ng nahihiyang ngiti na siyang dahilan para mas lalo akong mapatitig sa kanya. Ba't ganun? Pakiramdam ko pa para akong nakalutang sa hangin at tila ba biglang bumagal ang bawat pagglaw niya sa aking paningin.

Napakaganda pa rin niya at ang sarap paring titigan ng mga mata niya, nakakakalma ng inis na aking nararamdaman. Na kanina lamang ay halos umusok na ang ilong ko sa inip sa paghihintay sa pagdating niya.

Hindi nakaligtas sa akin ang muling pang ngiti nito na sumupil sa gilid ng kanyang labi noong mamukhaan niya ako. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero alam kong iisa lamang kami ng naaalala.

Ang daming katanungan din ang pumapasok sa isip ko. Pero isa lang ang sagot sa lahat ng iyon, nandito siya ngayon because she needs a job. It means, I will be her boss and she will be my employee. That's it.

Para bang biglang nagbago ang mood ko mula sa pagkabigla nang makita siya, ay pinilit ko ang aking sarili na mas sumeryoso pa this time.

"You're late." Matigas na sabi ko sa kanya. At pasimpleng pinasadahan siya ng tingin sa kanyang kabuohan.

She's now wearing a black slack, a long sleeve white polo tucked into her pants, the sleeves are rolled up to her elbows, habang hinayaan lang naman nitong nakabukas ang dalawang butones mula sa kanyang dibdib.

Hinayaan lamang din nitong nakalugay ang kanyang mahaba at itim na buhok. Para siyang Attorney kung titignan, na naligaw lamang dito sa office ko.

I think masyado yatang formal ang suot niya para sa kanyang interview ngayon.

Napayuko ito bago naupo sa single couch na nasa harap ng lamesa ko.

"You know this is your final interview, but let yourself be late." Panimula ko habang diretsong nakatingin lamang sa kanya. Habang nakatingin din ito ng mataman sa akin na tila ba nakikipaglaban ng titigan.

Gosh! I will not let this gorgeous woman intimidate me. She should be intimidated by me because I will be her boss.

"Now, why should I hire you? How can you ensure you will not be late for your work if I hire you?" Dire-diretsong tanong ko sa kanya.

Napalunok ito sandali na tila ba itinatago lamang ang kaba na kanyang nararamdaman. This time, ako naman ang hindi napigilan ang mapangiti ng palihim sa aking sarili.

Dapat lang na kabahan siya.

"First, you have no choice but to hire me. Second, you still have NO CHOICE but to hire me." Napanganga ako ng disoras dahil sa confidence na ibinigay niya sa akin.

At anong ibig niyang sabihin?

Napatawa ako ng sarcastic habang napapailing.

"You kissed me without my permission so you should hire me. You will hire me because I said so." Pagkatapos ay napa-cross arms pa ito sa harap ko habang naka-smirk.

Muli na naman kaming nagkatitigan but this time, mas intense na.

Bagong laya lang siguro ito sa mental hospital kaya ganito. Sabi ko sa aking sarili.

"I don't know what you're talking about." Matigas na pagtatanggi ko at pagsisinungaling na rin. "Get out of my office, before I call the guard." Sabay turo ko sa pintuan kung saan siya pumasok kanina.

Ngunit mas matigas pa yata ito kay Mama Breeze dahil tila ba wala siyang naririnig mula sa mga sinabi ko.

"Okay, what do you want?" Tanong ko sa kanya.

Seryosong binigyan lamang ako nito ng tingin.

"YOU." Bigay diin nito sa kanyang sagot. Napatiim bagang na lamang ako habang tinitignan siya.

"What?!" Natatawa na tanong ko sa kanya kasabay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.