webnovel

TBAB: 19

Now playing: Only Love Can Hurt Like This - Paloma Faith

Nicole POV

Kanina pa ako tahimik dahil kinakabahan at hindi alam kung paano uumpisahan ang pagsasabi kay Chase ng katotohanan. Alam kong wala na itong atrasan pa, kailangan na niyang malaman ang totoo dahil ayaw ko na rin naman itong patagalin pa.

Isa pa, napag-usapan na namin ito ni Violet. Aware naman kami pareho sa pinanggagawa namin at deserve ng mga partner namin na malaman ang katotohanan. May lakas ng loob kaming pagtaksilan sila, kaya dapat may lakas din kami ng loob na harapin at sabihin sa kanila ang totoo.

Napalingon ako kay Chase na abala sa pag-ta-type sa kanyang laptop. Nandito siya ngayon sa loob ng kwarto ko. Agad na pumunta siya rito sa bahay noong sinabi ko na masama ang pakiramdam ko, ngunit ang totoo ay dito ko talaga balak na sabihin sa kanya ang lahat.

Napansin siguro nito na kanina pa ako tahimik at panay ang pagsulyap sa kanya kaya napahinga ito ng malalim bago mataman na tinignan ako sa aking mukha. Maingat na inilapag din muna nito sa may gilid ang kanyang laptop bago kinuha ang kamay ko.

"Love, kanina ka pa tahimik. What is it? May sasabihin ka, alam ko." Malumanay at malambing na tanong nito sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi noong sandaling marinig ang boses niya. He's a very nice boyfriend to me. Yes, he has flaws, there are days when he hurts me verbally but that's normal for a person, especially kung mayroon kaming pagtatalo dahil ganoon din naman ako sa kanya kung minsan. Palagi naman siyang bumabawi kapag may nagagawa siyang pagkakamali.

Pero nagawa ko pa rin siyang lokohin. I don't know. Maybe may mga nakita at nahanap akong bagay kay Violet na wala sa kanya at hindi nag-fit sa pagkatao ko kaya ko siya nagawang lokohin.

But whatever my reasons are, I know I'm still a cheater at kailangan kong ipagtapat sa kanya ang katotohanang iyon. Kahit pa gaano kasakit, kailangan kong sabihin. Mahal ko si Chase, pero itong namumuong pagmamahal ko para kay Violet, alam kong mas magiging malalim pa kaysa sa pagmamahal na meron ako sa boyfriend ko.

"Love, talk to me. What's wrong?" Nag-aalala na tanong nito bago ako iniharap sa kanya ng maayos. Parehas kaming nakaupo sa ibabaw ng aking kama, habang kapwa nakasandal sa headboard ang aming mga likod.

Mariin na muling napalunok ako, napabuga ng hangin sa ere bago siya diretsong tinignan sa kanyang mga mata.

"Chase, can we end this?" Tanong ko sa kanya habang nararamdaman ang namumuo kong mga luha.

Naguguluhan naman na tinignan n'ya ako sa aking mukha habang napapailing. Halatang na-gets naman na nito kaagad ang ibig kong sabihin.

"W-What do you mean?" Pagmamang-maangan niya bago napalunok ng mariin atsaka lumayo mula sa akin bago tumayo.

"I'm breaking up with you, Chase. I-I'm sorry." Medyo napiyok pa ako sa dulo at doon, nagsimula nang bumuhos ang aking mga luha. Hindi kasi maitago sa kanyang mga mata na nasasaktan ko na ito sa mga sinasabi ko.

Napahawak siya sa kanyang noo habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Iyong tila ba nagpipigil siya na sumigaw at gusto niyang magwala.

"No...Nicole. Hindi mo pwedeng gawin yun. Mahal mo'ko 'di ba?" Sinasabi niya iyon habang naglalakad paroon at parito kaya tumayo na rin ako at nilapitan siya.

Mabilis na pinunasan ko ang aking mga luha. Pilit na pinipigilan ang sariling mapahikbi upang maayos na makapagsalita.

"Mahal kita, Chase." Panimula ko.

"Yun naman pala eh! Then what's wrong? Bakit mo kailangang gawin---"

"Pero hindi naging sapat 'yung pagmamahal ko na yun para sa'yo, Chase." Mabilis na putol ko sa kanya. Natigilan siya.

"Nicole, I don't understand. P-Pwede bang...pwede bang prangkahin mo'ko?" Napapakagat sa labi na tanong niya sa akin. "You are breaking up with me ng walang rason, hindi yun pwede. Ano gano'n gano'n na lang yun? Parang wala tayong pinagsamahan? No!" Matigas na pagtanggi niya at halatang hindi gusto ang nangyayari, not until natigilan siya noong may ma-realize ito.

"Are you cheating on me? Ganun ba?" Tanong nitong muli.

Dahil roon ay basta na lamang akong natulala sa kanyang mukha at diretsong tinitigan siya sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay lakas loob na napatango bilang sagot sa katanungan niya.

"Yes, Chase." Sagot ko at muling napapunas ng luha na pumatak mula sa aking pisngi.

"Nag-cheat ako sa'yo. Niloko kita. And I'm telling you the truth kasi alam kong deserve mong malaman ang totoo---"

"That's bullshit, Nicole!" Biglang pagtaas ng tono ng boses nito. This time, kusa na lamang ding tumigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Akala ko pa naman matalino ka. Pero hindi mo alam paano gagamitin ang utak mo pagdating sa ganitong bagay?!" Napangisi ito.

Habang ako naman ay napapasinghap sa mga salitang naririnig mula sa kanya ngayon. Dahil alam kong hindi si Chase ang kausap ko. Para siyang ibang tao.

"With whom?" Seryoso na tanong nito sa akin. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paggalaw ng kanyang panga.

Halatang nagpipigil ng kanyang galit.

"Violet." Tipid na sagot ko bago napaiwas ng tingin mula sa kanya. "I'm so sorry, Chase." Muling paghingi ko ng tawad habang lumuluha pa rin. "That's why I'm breaking up with you dahil hindi ako naging faithful na girlfriend sa'yo." Dagdag ko pa.

Hindi ito nagsalita. Hindi siya nagsalita at mataman lamang na nakatitig sa akin. Iyong titig na kahit umiyak pa ako sa harap niya, parang wala na siyang nararamdaman pa. Iyong kahit na umiyak ako, ayaw na niya akong yakapin pa.

"Walang mag-bi-break." Sabi nito kaya naman mabilis na muli akong napatingin sa kanyang mga mata. Pero tila ba ibang Chase na talaga ang nasa harapan ko ngayon. Hindi iyong Chase na kilala kong kahit galit na, hindi halata sa itsura niya.

Nakikita ko ngayon ang Chase noong gabing na nasa Restaurant kami kung saan nandoon din sina Violet. Iyong Chase na parang handang manakit. Kaya napaatras ako ng dalawang beses palayo sa kanya noong alam kong lalapitan na niya ako.

"Alam mo kung bakit?" Tanong nitong muli sabay hawak ng mahigpit sa aking braso noong tuluyang makalapit na siya sa akin. "Dahil akin ka lang. And you only have two options, it's either lalayuan mo 'yung lesbiana na yun..." sabay haplos nito sa mukha ko kaya napapikit ako habang tumutulo ang mga luha ko at nanginginig din ang aking mga tuhod.

"or ako mismo ang bubura sa kanya sa buhay mo." Dagdag pa niya na halos pabulong na, ngunit sapat lamang para marinig ko. Punong-puno ng pagbabanta ang mga salita niya. "At hindi kasama doon ang makipag-break ka sa akin. Naiintindihan mo?!" Pagkatapos ay mas mahigpit na hinawakan ako sa aking braso at sadistang hinila n'ya ang buhok ko mula sa baba ng aking batok.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit at higpit ng pagkakahila niya ng buhok ko roon.

"C-Chase nasasaktan ako." Mas naiiyak na sabi ko sa kanya dahil parang hindi siya 'yung Chase na kilala ko.

"Talagang masasaktan ka! Umayos ka ha!" Sabay pabalang na binitiwan nito ang buhok bago siya napatawa na parang nanggagago.

"Stupid, move!" Sabi nito habang tatawa-tawa. "Mag-chi-cheat ka na lang, aaminin mo pa? Dapat hindi mo na inamin, kung magloloko ka, dapat hindi mo pinaalam. At dapat hinayaan mo na lang na ako mismo ang nakaalam, kaso wala eh! Inamin mo. O sinong magmumukhang gago satin ngayon, ako?" Dagdag pa niya.

"Chase---"

"Sandali! Hindi pa ako tapos." Putol nito sa akin.

"I showed you my best, gave you the love you deserve, but that still wasn't enough for you. So, niloko mo na rin naman ako, edi magpapakagago na lang din ako. Pero walang mag-bi-break, kasi alam mo na ang mangyayari kapag nakipag-break ka sa akin. Mhmmm.." Pagkatapos ay umakto ito na parang nag-iisip.

"Tayo pa rin, Nic. Sorry, pero hindi ko ibibigay ang kalayaan mo. Kung inaakala mo na pagkatapos mong sabihin sa akin ang lahat eh magkakaroon na kayo ng happy ending ng Violet na yun, well sorry, that'st not gonna happen." Atsaka hinawakan nito ang baba ko at mabilis na hinalikan ako sa aking labi.

"Akin ka lang." Matigas na sabi nito at pagkatapos ay pasipol-sipol na kinuha ang kanyang laptop. Palabas na sana s'ya ng aking kwarto nang mapahinto siya at muling napaharap sa akin.

"Oh wait, wag kang magkakamaling sabihin ito sa kahit na sino, sa atin lang dalawa 'to." Sabay kindat na pahabol niya at tuluyang tumalikod na sa akin.

Habang ako ay naiwan na tulala sa pintuan kung saan lumabas si Chase.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bakit biglang parang ibang tao siya ngayon sa harapan ko. Hindi ito ang inaasahan ko. Para bang hindi ko siya kilala, hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

Napayuko ako at napatingin sa aking braso na mahigpit na hinawaka ni Chase kanina, kapansin-pansin ang bakas ng mahigpit na paghawak niya roon. Halatang bukas din ay may pasa na ako. Napahinga ako ng malalim bago nanlulumo ang mga tuhod na muling napaupo sa ibabaw ng aking kama.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa aking sarili habang lumuluha. Tama si Chase, ako itong nagloko tapos ako itong nag-e-expect ng happy ending?

Kasalanan ko rin naman lahat ng ito kaya dapat lang na harapin ko ang consequences. Pero paano naman si Violet? Paano na kami?

Umpisahan na ang bardagulan hahahaha!

Jennexcreators' thoughts