webnovel

CHAPTER 1: Plan

Jayzi's Point Of View

Agad kong binawian ng sapak ang lalaking kaharap ko. Ang kapal ng mukha nyang galawin ang gwapo kong mukha. Hindi ako nakuntento kaya sunod-sunod ko itong pinatikim ng sapak hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Enough,Jay." 'Ika ni Alvin habang nakasandal sa poste. "We need to go,baka may makakita pa sa'tin rito." Pagpapa-alala nito.

"Fine." Tumayo na'ko at iniwan ang lalaking walang malay. Dapat lang sa kanya 'yan,mali sya ng kinalaban.

"May klase ka pa ba?" Tanong ni Alvin habang nag-lalakad.

"Oo pero magdi-ditch nalang muna 'ko,wala 'ko sa mood pumasok."

"Sa'n ka naman pupunta?" Napatingin ako rito at bahagyang ngumisi. "No need to answer."

"Gusto mong sumama?"

"Sure,wala rin naman akong gagawin." Inakbayan ko ito.

Dumiretso kami sa likod ng Campus ,andito kasi 'yong lumang gate na dating entrance ng Campus kaya madali lang kaming nakakalabas.

Wala 'kong kotse dahil grounded ako kay Dad dahil sa ginawa ko nung nakaraan,thanks to that jerk kaya ko na grounded.

"I.D?" Tanong ng Guard.

Kinuha ko ang fake I.D ko at pinakita sa Guard. Gumawa kami ni Alvin ng fake I.D para makapasok sa bar. Under age pa kami kaya hindi pa kami pwedeng pumasok pero hindi naman gano'n kabata ang itsura namin kaya hindi halata na under age pa kami.

"Let's drink." Bulong ni Alvin. Tumango nalang ako.

We're 17 kaya pwede na kaming uminom,isang taon nalang naman at minor na kami kaya walang problema kung uminom kami ngayon.

'Ng makapasok kami ay agad kaming umorder ng isang case ng beer at pumuwesto sa taas.

"Hindi ko ata nakita si Ms. Lim ngayong araw?" Tanong ni Alvin bago umupo sa harapan ko. "Napagod na ata sya."

"Yun? Napapagod? Asa. Kahit ilang beses ko pang saktan 'yon,hindi yun nadadala kaya nga nage-enjoy ako 'e." Natatawa kong sabi.

"But she's still a girl Jay,what if bigla nalang dumating yung kaibigan nya." Agad kong sinamaan ng tingin si Alvin.

"Alvin,wala kong pakeelam kung mag-sama pa yung dalawang kuto na yun tsaka yun naman ang plano ko 'e,sasaktan ko si Ms. Lim hanggang sa dumating yung walang kwenta nyang kaibigan—ang kapatid ko."

"Hindi parin ba kayo magka-sundo ni Andrei?"

"Hindi at hindi na 'yon mangyayari." Diretso kong tinungga ang isang bote ng beer. "Gusto ko syang bawian dahil sa ginawa nyang pagtataksil sa'kin kaya sasaktan ko ang kahinaan nya."

"Alam na ba ni Andrei yung plano mo?" Umiling ako.

"Thanks to Ms. Lim dahil sinusunod nya 'ko,hindi pa sya nagasu-sumbong sa magaling kong kapatid." Masyado pang maaga para matapos ang plano ko.

"Mukhang magiging sucess ang plano mo ah?" Itinaas nito ang kanyang baso. "Cheers."

"Cheers." Yeah,gusto kong paluhurin sa harapan ko ang mga taong nagtaksil sa'kin.

Hindi ako susuko hanggat hindi ako nakukuntento.