webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Yes

"The kiss."

Yeah, shit! 'Yong may hinalikan akong hindi ko kilala!

Lumingon ako sa kaniya at mas lalong nagtaka.

"Bakit mo alam ang tungkol do'n?"

"That was me."

"That was you? Ha?"

"Ako 'yong hinalikan mo no'ng gabing iyon."

Kruu kruu kruu… What? Holy mother of monkey! What?!

"Ikaw 'yong first kiss ko?!" Nanlaki ang mga mata ko pati bibig. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nagda-doubt na rin ako. Imposibleng siya 'yon!

"So… that was your first kiss then? Ang suwerte ko pala."

"Weh? 'Di nga? Hindi ako naniniwala."

"I have proof that I was that guy."

"Sige nga. Sa'n na 'yong proof na sinasabi mo," panghahamon ko pa sa kaniya.

Imposibleng siya 'yon. Kung siya 'yon, edi sana nakilala ko na siya.

Kinuha niya 'yong phone niya somewhere from his pocket and he manipulated something on it. I waited for seconds until his face lit into a smile.

Nandidilim paningin ko. Parang hindi ko gusto ang paraan ng kaniyang pagngiti. Pigilan niyo ako.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ipinapakita sa akin ang dapat na ipakita niya. Patuloy pa rin siya sa simpleng pagngiti niya na halos umabot na sa pagtawa habang nakatingin sa kaniyang phone pero mag-aangat naman ng tingin sa akin. Parang palipat-lipat lang ang tingin niya sa phone at sa akin.

"Sige na, sa'n na 'yong proof na sinasabi mo. Mukhang wala naman, e. Hindi yata ikaw 'yon." Umiwas na lang ako ng tingin at inatupag ang sarili sa pagsalin ng iced tea.

"Heto na, heto na."

Habang umiinom ako ng iced tea, inabot ko ang ibinigay niyang phone. The glass on my left hand, the phone on the right.

Holy mother of monkey!

Legit na naibuga ko ang iniinom kong iced tea nang makita kung anong picture ang nag-appear ngayon sa screen ng phone niya.

"Hey, Sandi!"

Wala na akong pakialam kung nabasa ako sa iced tea na naibuga ko at sa naging reaction ni Siggy sa nangyari. Mas concern ako sa nakikita ko ngayon.

Holy mother of monkey, Sandreanna! Anong klaseng kagagahan 'yang ginawa mo?!

Mas idinutdut ko pa ang phone sa mukha ko at sinipat talaga ito ng tingin. Bawat angulo ng mukha ko, bawat maliit na detalye ng mukha ko, hindi ko pinalampas, hindi pinalampas ng mala-CCTV kong mata.

Holy mother of monkey talaga, Sandreanna! Para kang tanga sa picture!

"After you kissed me, you asked me if I have a phone because you said you left your phone in your hotel room. I said yes, then you insisted that we should have a photo op. I said no but you still insisted it and gave the phone to the bartender. So… that's why we have a photo like that."

Photo… photong ina!

"Hep, hep, hep! Sshh! Sigurado kang ako 'to?"

"Bakit? It doesn't look like you ba?"

Messy hair, make-up quite ruined, smiling widely, my hand's on his shoulder embracing him like we were the best-est of friends, my cheeks on his cheeks that killed the distance between us. He was smiling but you can see the awkwardness in his eyes, halatang napipilitan sa distansiya naming dalawa at sa mismong pagpapa-picture na rin mismo. There's a bottle of a familiar alcoholic drink in front of my space habang isang bote ng Heineken naman ang nasa harapan niya.

That was indeed my clothes after the party. Halata ring nasa Chalet nga kami, kung saan ako pumunta to drown myself with hard drinks. Ako nga ito.

My eighteen year old self was really fucked up! Payat pa rin naman ako ngayon pero sobra-sobrang kapatayan pala ang mayroon ako rati. Parang gustong manusok ng collar bone ko sa sobrang tulis nito tingnan. Gosh, Sandreanna, parang hindi ka pinapakain dati.

I bit my lower lip and the more I stare at that picture, lalo na sa mukha ni Siggy, the more I got disappointed with myself. I was just having fun that time, not minding what that guy I kissed might be thinking of me when I kissed him.

Anong katangahan talaga 'to, Sandreanna Millicent?

"D-Did I… did I molest you that night by suddenly kissing you?"

Inilagay ko ang phone niya sa lamesa at dahan-dahang napatingin sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa naging tanong ko. Hindi agad siya nakasagot.

I stared at his eyes and find answers through it. If you say yes, I am accountable for what I did and be guilty of it for the rest of my life.

"No. You asked for my consent that night."

"But as far as I remember, I did not hear you said yes."

"Hindi naman ako lasing nang gabing iyon. So I have the power to stop you, but I did not."

Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo pa bago ako nag-iwas ng tingin.

"Sabagay, lalaki ka nga pala. Sino bang hindi aayaw sa halik ng isang magandang babaeng katulad ko lalo na't siya pa mismo ang nag-initiate no'n. Boys can't resist that kind of temptation," kibit-balikat na sagot ko at inatupag ang pagpupunas ng lap ko gawa ng pagkabasa ko kanina dahil sa bumulwak na iced tea.

"Hindi lahat ng lalaki gano'n, Sandi."

"O, e, bakit hindi mo ako pinigilan sa kamanyakang ginawa ko?" Tumingin ulit ako sa kaniya.

Nagkasalubong ang tingin naming dalawa. O hindi niya talaga inalis ang tingin niya sa akin.

"Because you're Sandi Hinolan."

I narrowed my eyes on him.

"Ako ba, pinaglololoko mo? Anong klaseng sagot 'yan?"

Imbes na sumagot, bigla niya akong niyakap nang patalikod. Nakaupo pa naman kami ngayon pero nakasandal na ako sa kaniya habang mahigpit at napakakomportableng nakapulupot ang braso niya sa katawan ko. I felt his soft kiss on my head, just like what he always do.

"Did you ever regret what you did that night?" tanong niya.

Hinawakan ko ang braso niya at dinama ang warm niyang temperatura sa katawan habang nakatingin sa mga ulap from the glass wall. Komportable kong ibinigay sa kaniya ang buong bigat ko, embracing my life around me.

"Never. Because before I did that, I said to myself that I'm going to do something horrible on my eighteenth birthday."

"Mabuti na lang talaga at ako ang nahalikan mo no'ng gabing 'yon. I can't imagine what will happen if it's not me."

I chuckled on his answer at mas lalo siyang niyakap gamit ang aking mga kamay. Naramdaman ko na naman ang halik niya sa aking ulo.

This is so comfortable. I never thought my first relationship with someone will be this comfortable and serene.

Natahimik kaming dalawa. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga ulap habang dahan-dahan silang gumagalaw, siguro inaanod ng hangin. Habang siya'y natahimik din, siguro tinitingnan din ang tinitingnan ko.

Masaya ako kasi nasa bisig ako ng taong hindi ko aakalaing mamahalin ko.

"I love you, Sandreanna."

Bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig kong sinabi niya iyon. Hindi ako kinabahan, sadyang bumilis lang talaga ang tibok nito. Para pa nga akong hinele nang marinig ang boses niyang sinabi ang mga salitang iyon.

Pumikit ako at mas dinama ang kapayapaan sa aking puso.

"I love you too, Freud."

I slept in his arms. Nagising na lang ako na nasa kama na ako. Ang una kong nakita nang magbukas ako ng mata ay ang mga ulap sa labas ng glass wall. Sa tantiya ko, baka sunset na, going to gabi. Malapit na rin kasing magkulay kahel ang langit. Naka-on na rin ang lights sa penthouse.

Ang sarap ng tulog ko! At mas lalong naging masarap ang gising ko nang paglingon ko sa kabilang side ng bed, nakita ko si Siggy na nakapikit ang mata.

Lumawak ang ngiti ko at tumagilid para mas maayos na mapagmasdan ang kaniyang maamong mukha. Grabe talaga 'tong boyfriend ko, ang inosente na nga niyang tingnan kapag gising, nagmukha na talaga siyang anghel ngayong tulog siya. Look at that long lashes o, that touches his skin. Tapos 'yong buto niya sa ilong, ang tangos! Ang smooth ng skin niya sa malapitan. Hindi siya ganoon ka puti pero ang clear skin, wala akong makitang pores kahit saan. Parang pina-Vicky Belo, 'day. And the most attractive part of his face and probably his whole body is his lips.

Makapal, malambot, tapos parang naka-heart shape pa. Gusto kong matawa, proud ako sa sarili ko nahalikan ko ang labing iyan. Gusto ko sanang halikan ngayon, kaso tulog, hindi ako makapagtatanong kung okay lang ba sa kaniya na halikan ko siya. Kahit in a relationship na kami ngayon, a consent is a must pa rin, 'no. Kahit mag-asawa na kayo, a consent is really a must pa rin.

I just traced his noseline using my fingertips. Memorizing every side of his face. Making sure I will remember this face forever in my heart. Char, Lasalista pa naman 'tong boyfie ko. Jesus forever in our hearts!

Habang ginagawa ko 'yon, bigla siyang dumilat ng mata. Kinuha niya ang daliri kong nakahawak sa noseline niya at dahan-dahan itong ibinaba para mas makita niya ang mukha ko. Nakipagtitigan ako sa kaniya, halos maduling na dahil sa distansiya naming dalawa.

Disclaimer, walang nangyari sa amin. Sadyang kanina bago ako natulog nasa may dining table pa ako, pero paggising ko, nandito na ako sa bed at katabi ko na siya. Paniguradong binuhat niya ako habang tulog ako. Ang sarap para sa feeling nang ganoon, 'di ko naranasan 'yon no'ng bata pa ako, e. Thanks to him, naranasan ko kahit na tulog naman talaga ako.

"Did you have a good sleep?"

"Mm-Hmm."

"Where do you want to eat tonight? Just to mark our first official date?"

I stared for him for too long. Sinusubukang makapasok sa kayumanggi niyang mga mata.

"Ang suwerte ko sa 'yo. Ang suwerte-suwerte ko talaga sa 'yo," biglang sabi ko habang nakatingin lang sa kaniyang mga mata, hindi pinakinggan ang itinanong niya sa akin kanina.

"Seryoso kasi, Sandi. Sa'n mo gustong kumain mamayang dinner or gumala or something?"

I pouted. Umiwas na rin ako ng tingin at napaisip sa sinabi niya.

Oo nga 'no. Kung lalabas kami mamaya, 'yon ang magiging first date namin. Hindi ko pa na-i-experience ang kahit anong klaseng date. Never pa akong nagka-boyfriend and hindi rin naman ginagawa ng mga lalaking nagkakagusto sa akin noong high school ang i-date ako. Takot lang nila sa parents ko.

"Kahit saan. Okay nga lang na rito na lang tayo sa penthouse, e. The important part of a date is the presence of each other kasi, not the place itself. Luto mo na lang ako ng fried chicken na may crispy chicken skin."

He poked the tip of my nose and I got irritated with it immediately pero panandalian lang naman. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"I just want to make our first day as a couple memorable for you."

Naibalik ko ang tingin sa kaniya. A little hand just touched my heart when I heard him say that. He's so thoughtful. I'm so lucky nga.

"This… is memorable for me already. I'll never forget this day that I was able to cuddle you the day I said yes to you. Pa-hug!"

Niyakap ko siya kahit na nakahiga pa kaming dalawa. Akala ko magiging mahirap ang posisyong ganoon pero ginawa niyang komportable. He stretched out his arms near me and rested my head on his arms. Alam kong nakakangawit 'yon pero hindi siya nagreklamo. We stayed like this for a couple of minutes. Me in the arms of the man I love.

After that, siya na mismo ang unang tumayo at bumangon para maghanda na for our dinner. He agreed na rito muna kami sa penthouse mag-spent ng date. Nagluto siya ng fried chicken and as a loving and supportive girlfriend, nandoon ulit ako sa dining table, patiently waiting for him to finish what he is doing. May natira ring chicken pesto kaninang lunch kaya pina-init ko na lang sa kaniya para madagdagan ang ulam namin for dinner.

Habang abala siya sa pagluluto, inatupag ko muna ang sarili ko sa phone. I'm still using the iPhone he lend me. Ayaw na niyang tanggapin kahit na puwede na rin naman akong bumili ng akin sa perang na-suweldo ko from my part time. Pero ayaw niya kaya heto't gamit ko pa rin.

After months of being idle and gone from the social media network world, I decided to make one. With new email account, password, and news feeds. Gumawa ako ng Facebook, Instagram, Gmail, and Twitter account with the same name: Sandi Hinolan. Nakalimutan ko na kasi 'yong email and password ko sa mga previous account ko kaya gumawa na lang ako ng bago. At saka masiyadong corny ang pangalan no'n, akalain mo ba namang Sandreanna Millicent Prietos Hinolan talaga ang ipinangalan ko sa lahat ng accounts ko. Ang corny pala talaga kapag bata ka ano? Ang inosente pa talaga.

Nang nagawa ko na ang mga accounts ko, the first thing that I did is to visit my old account. 'Yong Sandreanna Millicent Prietos Hinolan.

It looks inactive because it is inactive. Ang profile picture na mayroon ako, kuha pa no'ng last debut ko. My last post was during Kiara's wedding. Nag-upload lang ako ng iilang photos naming tatlo ni Kiara and Mikan with a caption 'my besty's dream wedding in real life.'

Napatitig ako sa picture naming tatlo. We look so happy. Bigla ko tuloy na-miss ang dalawa. I've never heard of them for months na. Based on what Siggy said, Kiara's doing good daw as his Kuya Einny's wife and living peacefully sa province. Hindi ko na binalubog, I'm at peace nang malaman kong masaya na siya. While Mikan… well, I've heard of him every single day na papasok ako sa school. Sino ba naman kasi ang hindi siya magiging bukambibig? His band is now rising just like how he dreamt of it. Naging masaya na ako para sa kaniya kahit na simula no'ng sagutan namin sa dati kong apartment ay wala na akong naging communication sa kaniya.

There are friends lang talaga sa buhay natin na kahit kinalakihan nating kasama, hindi talaga aabot hanggang sa adulting natin.

I clicked their profile through that photos. Pero katulad nang dati kong account, naging inactive na rin ang mga accounts nilang iyon. Paniguradong si Mikan sa fanpage na ng banda nila nakikipag-interact with his fans, hindi na sa mismong account niya. While Kiara's not really fond of Facebook din.

Hindi ko na sila in-add as friend, paniguradong hindi rin naman nila ako ma-a-accept.

Sunod kong hinanap ang account ni Dahlia. Grabe, nakaka-miss din pala ang kapatid kong 'yon, ano? Ilang months lang akong hindi nakipag-communicate sa kaniya pero it feels like years already.

I sighed when I saw that her account is private. Tss, napaka-private na tao talaga ni Daling. She's miss congeniality pero daig pa loner sa pagkaka-private ng account niya. Hindi ko tuloy ma-check ang mga latest posts niya. I can't even message her. Diretsong follow ang nakalagay na button sa profile niya.

Sunod kong ch-in-eck na account ay kay Hannah. Contrary to Dahlia's choice of privateness, Hannah isn't. Naka-public lahat ng posts niya at mismong account niya. Marami siyang likes and followers. Actually, ang latest post niya ay isang shared post ng meme and it was one minute ago. I want to contact her nang makitang online siya. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Hindi talaga kami magkasundo ni Hannah. Palagi kaming nag-aaway. Palagi siyang nagagalit sa akin. Kahit na nagpapaubaya na ako, nagagalit pa rin siya sa akin. Ewan ko ba. Pero as an Ate, inintindi ko na lang 'yon. So, parang wala na lang sa akin 'yon. Pero I ditched her debut. Kaya hindi ko alam kung anong impression niya sa akin ngayon lalo na't naglayas pa naman ako sa bahay.

Hoover is inactive din. Kaya sa huli, wala akong napala sa mga taong malapit sa akin. Wala akong in-add kahit isa sa kanila. Hinanap ko na lang ang mga accounts ng mga kakilala ko sa Diliman at sa Dulaang UP. May ibang nag-accept agad. May iba namang hindi pa. Pero that's a start of my social media world.

Matapos kong i-add ang mga kakilala, binalingan ko naman ng tingin ang abala pa ring si Siggy. Bigla ko ring naisip na hindi ko nga pala na-s-stalk ang account niya. Stalk ko kaya?

I typed on the search box the name Siggy Lizares. Maraming result ang agad na nagpakita. Some were obviously posers. So I clicked the first in line na obviously naman ay kaniya talaga: Siggy L. Lizares.

Wow. Profile pa lang ang neat na. Just like how neat he is in person. Only few informations were flashed on his account. Like where does he lives, how many followers were following his account, and the link to his instagram account. Pero katulad din pala siya ni Dahlia, masiyadong pribado ang buhay at hindi ko ma-view ang laman ng timeline niya unless I add him as a friend. Wala akong balak na i-add siya. Baka ano pang makita ko sa account niya na hindi ko ikatuwa kaya 'wag na. Mas mabuti na 'yong sa personal kami magkarelasyon kaysa sa social media lang.

But I wanna stalk him pa rin so I clicked the link on his Instagram account. Kusa akong napangiti nang makitang hindi ito naka-private kasi nakita ko agad ang mga uploaded photos niya roon. He has fifteen thousand plus followers with ten uploaded posts and twenty-one followed people.

Nakaka-amaze 'yong fifteen thousand, ha? Ang dami naman nito? Marami rin ba siyang kakilala?

I focused on his photos first. Sampu lang iyon at ang latest upload was taken last month. It's all in black and white. Siya ang subject pero iba't-iba ang background. Hindi siya nakangiti, hindi rin siya nakatingin sa camera. He just candidly posed on the camera while looking on something, picking something on the floor or sa lupa, or anything basta hindi nakatingin sa camera. Sobrang minimalist ng mga post niya.

Ang sunod kong tiningnan naman ay ang twenty-one people na pina-follow niya. Inisa-isa ko itong tingnan through their usernames.

@felicitylumaynolizares. @daddygablizares. @madonnav. @decartlizares. @einnylizares. @newtonlizares. @sonnylizares. @darrylizares. @alyqlizares. @kiarafranmonli. @adaposmena. @teagangan. @chainedtotheosmena. @itsme_tonette. @jakaescala. @mikanosmena. @yuliamont. @ericozam. @cleeosmena. @dahbarbhinolan. @sandreannamph.

Mahina akong natawa nang makita ang username ng old account ko sa Instagram. Pina-follow niya pala ako? Bakit hindi ko yata napansin? Sabagay, hindi ko nga pala masiyadong pinapansin ang mga nag-f-follow sa akin nor tinitingnan kung sinu-sino ang mga nag-l-like ng mga post ko.

"What are you doing? Ba't tumatawa kang mag-isa?"

I pursed my lips and looked at Siggy. Itatago ko na sana ang phone pero huli na ang lahat at nakuha na niya ito. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko habang tinitingnan siyang pagmasdan kung anong mayroon sa phone.

"Puwede mo namang hingin sa akin ang account ko, ibibigay ko naman sa 'yo. Hindi iyong inii-stalk mo pa ako," nakangising sabi niya sabay balik sa akin ng phone.

Nagtaka ako sa mga pinagsasabi niya pero mas lalo akong nagulat nang makitang pina-follow na ng account ko ang account niya! Wala akong balak na i-follow siya sa kahit saang social media accounts niya!

~