webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Level-Up

Nakaramdam ako ng kapayapaan habang nasa ganoon kaming posisyon. Hindi iniisip ang ibang bagay, dahan-dahan kong hinawakan ang braso niyang nakapulupot sa bandang leeg ko. His warm arms made my night more warmer. Sakto ang init ng katawan niya sa nanlalamig kong sistema.

"Is… this fine with you?"

Nakakapanindig balahibo ang pabulong niyang boses habang tinatanong sa akin 'yon. Dahil sa distansiya naming dalawa, halos mabingi na ako sa mabilis at kumakabog kong puso. Lahat ng iyon dahil sa distansiya at posisyon naming dalawa. Nakakakilabot in a very warm way.

"It's fine. I like warm hugs," pabulong na sabi ko since nagkakarinigan naman kaming dalawa kahit na hindi ko lakasan ang boses ko.

"Sa akin okay lang din. I give back hugs sa taong may utang sa akin."

Kumalas ako sa yakap niyang iyon at salubong ang kilay na napatingin sa kaniya. Nagulat din siya sa biglang ginawa ko at nakataas pa sa ere ang dalawang kamay na kanina'y nakapulupot lang sa akin.

"Edi ganito ka sa mga kaibigan mo?"

Napataas ang isang kilay niya, siguro nagtaka at nagulat sa naging tanong ko.

"Bakit nasali ang mga kaibigan ko rito? Ikaw lang naman 'yong pinautang ko. Ikaw lang din ang may utang sa akin." Tumalikod siya't naglakad papunta sa kusina. "Dinner's on me tonight. Sit down now and watch me make one."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa unang sinabi niya. I had to bite my lower lip just to stop myself from smiling widely.

Ibig sabihin ba no'n, sa akin lang niya ginawa 'yon? Kakaiba ka talaga kahit kailan, Siggy Lizares! You surprised me with every move you make.

Ngayon, alam ko na kung bakit ganito ang puso ko sa tuwing nakikita kita. Masiyado pang maaga para mag-conclude pero alam ko sa sarili kong crush na nga yata kita. Crush na crush.

Our blooming friendship turned into something spectacular. Something spectacular I didn't see coming.

Hindi sa penthouse na ito nakatira si Siggy pero madalas siyang tumatambay at sinasamahan ako lalo na kapag wala akong pasok. Naging normal din naman ang takbo ng buhay ko. Nakahanap ako ng part-time job sa isang coffee shop malapit sa BGC. It was owned by one of my classmates in Diliman kaya agad akong nakapasok. Natustusan no'n ang allowance ko sa araw-araw. Dahil member ako ng Dulaang UP, at bukod sa literal na iskolar ako ng bayan, naging libre na ang susunod na semester ko. I have good grades. I have a peaceful life away from the chaos.

Naging malapit na rin kami sa isa't-isa ni Siggy. Unti-unti naming nakikilala ang isa't-isa. Nakapag-open up ako sa kaniya just like how I opened up with my bestfriends. Siguro nga bestfriend na rin ang turing ko sa kaniya.

Bestfriend ko 'yong crush ko! Naks naman, Sandreanna! Araw-araw tayong kinikilig, ah?

One thing I like about Siggy is that he always cook for me. Kapag nandito siya sa penthouse, palagi talaga siyang nagluluto. Minsan din, siya na mismo ang bumibili ng mga groceries and other ingredients since siya lang daw ang may alam magluto sa aming dalawa. Palagi niya ring pinapamukha sa akin na hindi ako marunong magluto. Pero sa tuwing nagtatanong ako sa kaniya kung puwede niya ba akong turuan, ayaw naman niya. Minsan talaga ang sarap bigwasan nitong Lizares na 'to, e.

It's a holiday at the end of November. Walang pasok. Walang magawa. Kaya pumunta na naman dito si Lizares. Nagpapa-impress sa bago niya raw natutunan na recipe.

Nakaupo ako sa dining table, nakatingin sa kaniyang likuran habang abala siya sa kung anong ginagawa niya sa kusina na hindi ko naman alam. Nakapalumbaba ako, studying every sides of his broad body. Ngayon ko lang napansin, malaki pala ang katawan niya ano? Halatang ang firm ng mga muscles niya sa braso, e.

Grabe, likod pa lang ulam na. Paano kaya kapag nakaharap na? Edi pinagsama-samang appetizer, main course, at dessert. All in one. Wala pang patapon. Karangyaan, kakisigan, kaguwapohan, katalinuhan, kapangyarihan, at kagalingan sa napiling propesyon. Lahat na lang yata nasa kaniya na. Kahit hindi pa naman kami tapos sa college pero feeling ko talaga magiging successful siya as an individual, e.

Holy mother of monkey! Nababaliw ka na ba, Sandreanna? Pinagpapantasiyahan mo na naman 'yang Lizares na 'yan.

"One chicken pesto for Sandi Hinolan."

Inilapag niya ang kaniyang niluto na agad ko namang pinagmasdan at tinikman ang sauce gamit ang hintuturo ko.

"Aray!" Pero bago pa man lumapat ang hintuturo ko sa sauce na gusto kong tikman, tinampal na ni Siggy ang kamay ko. Nainis ako sa ginawa niya. Kaya masama ang tingin ko sa kaniya ngayon.

"You didn't wash your hands. Go wash it."

I pouted and padabog akong sumunod sa inutos niya. Pumunta ako sa sink ng kitchen at naghugas ako ng kamay.

Habang naghuhugas ng kamay, nag-ayos naman ng lamesa si Siggy. Bigla tuloy nawala ang iritasyon ko sa kaniya at pa-simpleng nangiti habang naghuhugas ng kamay. Grabe! Husband material talaga 'yong crush ko! Sana ako pakasalan nito, sobrang suwerte ko siguro.

Matapos kong maghugas, napatingin agad ako sa mga nakahanda sa lamesa. Isang pinggan na may kanin, 'yong niluto niyang chicken pesto, tapos isang pirasong pinggan, kutsara, at tinidor. Naglapag na rin siya ng isang pitcher ng iced tea at isang pirasong baso.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko nang mapansing pang-isahang kubyertos lang ang mayroon sa lamesa.

"Kakain. Share na lang tayo, sayang ang hugasin," cool na sagot niya habang umuupo sa dining chair. Isinenyas niya pa sa akin ang katabi niyang bangko. "Upo ka na. Okay lang 'yan. Nag-s-share naman talaga ang mag-friends, e."

Eh?

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa huling sinabi niya, e. Everytime talaga na may ginagawa siyang something na gesture na halata namang hindi lang friendship level, agad niyang binabanatan na ginagawa naman talaga 'yon ng mga friends.

He's sweet, hindi man obviously sinasabi niya through words pero his gestures are telling me that he's sweet. Palagi siyang may dalang pagkain everytime na pumupunta siya rito sa penthouse. Kahit anong klaseng pagkain. Tapos minsan bigla-bigla na lang niya akong niyayakap. Then pahihigain niya ako sa lap niya o 'di kaya'y pahihigain niya ang ulo ko sa shoulder niya everytime na manunood kami ng movies or series. Lizares is so clingy.

He gave me no reason to feel awkward at all. Siguro, at first, oo, I felt really awkward when I'm with him. Hindi ko pa siya ganoon ka kilala, e. But when the months passed by at unti-unti ko na rin siyang nakikilala, naging komportable na rin ako sa kaniya. It feels comfortable he's like a family to me now. Hindi ko nga rin maalala kung ganito ba ako kakomportable sa family ko, e. Siguro kina Mikan at Kiara, oo. Pero sa family ko, mukhang never.

I don't know if normal friends do this pero parang oo? Kasi minsan sa buhay ko, nagawa ko rin naman ang maging clingy towards my guy friends like Mikan. Pero iba kasi 'yong impact 'pag si Siggy na ang gumawa, e. May halong kilig? Ikaw ba naman, maging crush mo 'yong tao tapos ganito pa makitungo sa 'yo. Edi parang sasabog talaga ang puso mo sa lahat ng gagawin niya sa 'yo.

Umupo ako sa tabi niya. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang nag-iisang pinggan naming dalawa. Nakapalumbaba ulit ako habang nakatingin sa ginagawa niya. Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa maamo niyang mukha at sa ginagawa niya. But at the end, I rested my vision on his innocent face.

"Siggy, ano ba tayo?" lakas-loob na tanong ko.

Sinalubong niya ang tingin ko, mukhang tapos na sa ginagawang pagsasandok ng kanin at ulam. Hindi man lang ako natinag sa pagtingin niya sa akin, kaya nakipagtitigan ako sa kaniyang mga mata.

"Uh… siyempre, friends," kibit-balikat na sagot niya pa, tuluyang ibinigay sa akin ang buong atensiyon niya.

Kaonting distansiya lang ang mayroon kaming dalawa kaya halos maduling ako kakatingin sa kaniyang magagandang mata.

"Friends lang?"

"Why? You want to level-up that? Bestfriends, maybe?"

Umiwas ako ng tingin at napa-pout dahil sa sinabi niya.

"E, may bestfriends na ako. Mikan and Kiara."

"Edi cousin."

What?

Salubong ang kilay kong napatingin ulit sa kaniya.

"Mukha mo ba akong cousin?"

He snorted a little laugh and shrugged his shoulder.

"I don't know. Ano ba kasing ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam. Nagtatanong lang naman ako kung magkaibigan pa rin ba tayo ngayon."

"You want to be my girlfriend now?"

Holy mother of monkey!

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat.

"W-Wala… H-Hindi ko naman sinabi 'yan. Kain na nga lang tayo."

Shet! Para tuloy akong na-awkward dahil sa sinabi niya. Wala naman akong sinabing ganoon. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Bakit kailangan talagang i-open up ang ganoong klaseng usapin, woy. Nakakahiya tuloy. Baka malaman niya pang kinikilig ako dahil sa kaniya. Ayokong maging awkward kaming dalawa.

Pero imbes na sumunod sa sinabi ko, hinawakan niya ang chin ko at dahan-dahang iniharap sa kaniya. Noong una, hindi pa ako makatingin sa mga mata niya. Pero no'ng maramdaman kong nakatitig talaga siya sa akin, napatingin na ako sa mga mata niya. Baka talaga malaman niya pang sobrang lakas na ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa ginawa niya kapag hindi ako tumingin. Tapos ang lakas ng hatak ng energy niya, I can't deny it.

"Kung liligawan ba kita, hahayaan mo ba ako?"

Nagpitok-pitok akong mata sa iyahang gisulti. Holy mother of monkey talaga!

Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Hindi ako nakahinga. Hindi ako nakapagsalita agad. Nagdaan muna ang ilang segundo bago ako nagkaroon ng lakas na sumagot sa sinabi niya.

"Bakit? Manliligaw ka ba?"

"Kung magpapaligaw ka."

"Edi aamin ka na?"

"Ikaw muna ang umamin."

"E, bakit ako, ikaw naman 'yong manliligaw?"

"May gusto ka naman sa akin. Okay lang naman na ikaw ang unang umamin."

"Oo nga, may gusto nga ako sa 'yo-"

"See, ikaw na mismo ang nagsabi na may gusto ka nga sa akin."

Napalunok ako sa napagtanto ko. Hawak niya pa rin ang baba ko pero wala akong lakas para tanggalin ang kamay niya. I licked my lips and umiwas na rin ng tingin.

Pakshet din 'yang bibig mo, Sandreanna, sabi mo siya muna ang umamin, bakit ikaw ngayon ang unang nagsalita? Boplaks.

"Gusto mo nga ako pero mas gusto kita. Kaya nga manliligaw ako sa 'yo ngayon, 'di ba?"

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. I bit my lower lip to stop myself from smiling widely. Nakita ko pang napatingin siya sa bandang labi ko pero panandalian lang naman iyon, agad din namang bumalik ang tingin niya sa mga mata ko.

"O-Okay."

"So… is it a yes or a no?"

"Okay. Sige. Tayo na."

Umiwas ulit ako ng tingin, nagkaroon ng lakas ng loob na iiwas ang baba ko sa pagkakahawak niya sa akin. Para makawala sa awkwardness ng kilig, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkaing nasa harapan namin.

"Tayo na? That fast? E, nanliligaw pa lang naman ako, Sandi."

"E, bakit pa patatagalin kung do'n din naman ang punta natin?"

I heard him chuckled hanggang sa naging tawa na talaga ito. Mas lalo kong inatupag ang sarili ko sa pagkain. Nilagyan ko ng kanin ang kutsara at handa na sanang isubo ito nang pinigilan ni Siggy ang kamay kong may hawak ng kutsara. Tumingin ako sa kaniya.

"Tayo na talaga? As in you're my girlfriend now?"

I sighed and inilapag na lang ang kutsarang hawak.

���Oo nga sabi. Kumain na nga lang tayo. Baka magbago pa ang isip ko't hindi talaga kita papayagan maski ang manligaw man lang."

Tumawa ulit siya at bigla akong niyakap. Marahan lang naman pero nakakagulat. May narinig akong malakas na tibok ng puso. Hindi ko nga lang alam kung galing sa kaniya o galing mismo sa akin. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya yumakap ako sa kaniya pabalik.

"I don't want to give you promises but I'll stick with you no matter what. I'll be your air from this day forward, Sandreanna."

I smiled while feeling his warm embrace. Wala akong masabi sa sinabi niya. Masiyadong tumagos sa puso ko, e. Ganito siguro kapag gusto mo talaga ang isang tao 'no? Kahit anong sabihin niya, tumatagos talaga sa puso at isipan mo.

"Kain na nga lang tayo."

I masked up my shyness and my blushing face by diverting to other things. Humiwalay na rin ako sa yakap at inatupag ulit ang pagkain.

"Gusto mo talaga ako, 'no? Sabagay, hahalikan mo ba ako no'ng gabing iyon kung hindi."

"Ha? Hindi, ah? Na-guilty kaya ako sa ginawa kong iyon, lalo na no'ng akala ko may relasyon talaga kayo ni Madonna."

"Mm-Hmm… E, after mong malaman na hindi pala kami ni Madonna? Nawala na 'yong guiltiness mo?"

"M-Medyo. Pero nakaka-guilty pa rin 'no. Imagine, kissing a guy you're not in a relationship with. It's like weirdo kaya."

Natawa siya sa sinabi ko. Hindi ko nga lang alam kung bakit ba siya natawa. Seryoso naman ako sa sinabi ko at wala namang nakakatawa ro'n.

"Why are you laughing? Gusto mo hiwalayan kita?"

Mabuti at kumalma ang pagtawa niya pero may ngiti pa rin sa kaniyang labi. Sinamaan ko na lang ng tingin. Okay na sana 'yong kilig-kilig kanina, e, tapos bigla siyang tatawa na wala akong alam kung bakit.

"Hindi… natatawa lang kasi ako. Nanggaling pa talaga sa 'yo na nawi-weird-uhan ka sa mga taong kini-kiss ang mga hindi nila karelasyon.���

A memory from my eighteenth birthday flashed in my mind. Nagpatay-malisya ako't hindi pinahalata sa kaniyang nakain ko nga ang sariling sinabi.

Ang boplaks talaga, Sandreanna. Maaaring hindi nga alam ni Siggy ang tungkol do'n, at hindi na niya kailangan pang malaman, pero nakakahiya pala talaga. Ang tanga no'ng ginawa mo.

"You seriously didn't remember what you did to me, 'no?"

Ipinilig ko ang ulo ko't kinalimutan na ulit ang nangyari two years ago. Nangunot ang noo ko sa naging tanong niya.

"Bakit? May ginawa ba ako sa 'yo bukod sa pagsagot ko ngayon sa 'yo?"

He chuckled again. Ito, legit, medyo naiinis na ako, ha.

"Bakit ba kasi? Ano ba kasing ginawa ko sa 'yo?"

"Your eighteenth birthday. Your debut."

Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ko nga yata alam kung nagkasalubong ba o nag-ekis na talaga. Pilit ko ulit na inaalala ang nangyari during my debut.

"Bakit? Um-attend ka ba ng debut ko? Pasensiya na kung um-attend ka pero hindi ko maalala. Hindi ko kasi talaga kilala lahat ng bisita that night, e. Nandoon ka ba?"

He stared at me for too long. Ako na nga mismo ang umiwas ng tingin dahil hindi ko makayanan ang pagtitig na ginawa niya.

"Okay… I'll give you a clue. Try to remember it yourself."

"Sige, try me," patango-tango ko pang sabi. Tuluyang nakalimutan ang pagkain.

"Your debut. L Fisher. Chalet. Bar area."

Umiwas ako ng tingin ulit. Narrowed my eyes and kunwaring nag-isip kahit halos matawa na ako dahil isa lang naman talaga ang nangyari sa gabing iyon, e. 'Yong naglasing ako tapos…

"The kiss."

~