webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Kiss

Holy mother of monkey, bakit ang sakit ng ulo ko?!

Dahan-dahan akong bumangon mula sa kinahihigaan ko. Trying so hard to ease the aching head I am feeling right now. Sa sobrang sakit, para akong pinukpok ng sampung martilyo. Holy mother of monkey, what is happening to me?!

Mas diniinan ko pa ang pagkakahilot sa sentido ko habang iginagala ang tingin sa paligid.

Where am I and what am I doing here?

Pumikit ulit ako at dinama ang sakit ng aking ulo, hopefully sa huling pagkakataon.

"An'yare sa 'yo? Okay ka lang, 'te?"

Binuksan ko ang isa kong mata para makita kung sa'n galing ang boses ni Dahlia. I saw her just came out of the bathroom.

It's a relief, though, nang makita ko ang kapatid ko inside this room. It means, I'm in our hotel room. I'm safe.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya habang tumatayo from my bed. And also trying to hide the fact that my head is in pain right now.

"It's eleven AM, Sunday, July 29, 2012."

I heavily sighed and just continue walking towards the bathroom.

"Mommy and Daddy went home already together with Hoover and Hannah. Sumunod daw tayo after lunch." Nag-OK sign ako sa kaniya nang patalikod bilang sagot. "And bilisan mo, nagugutom na ako!" Dagdag na sigaw niya habang papasok na ako sa bathroom.

Gusto ko sana siyang pag-trip-an, babagalan ko sana ang pagligo ko kaso nagugutom na rin ako at nararamdaman ko pa rin ang sakit at bigat ng ulo ko.

Habang nag-s-shower, pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi after my debut. It was then blurry after I went to the roof deck of this hotel. All I know is that naglasing ako nang mag-isa.

"That's my hotel room. Yeah, 409. Let me see. Yeah, this is it. Oh, look, the card key fits perfectly! This is indeed my room! Yehey! Congratulations to us, we found the right room! Dora must be proud of us!"

"Yeah, yeah. She is."

Ang tanga, Sandi, sobrang tanga!

"Ate, bilisan mo, nagugutom na ako!" Sigaw ng magaling kong kapatid mula sa labas ng bathroom.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa pag-alaala sa mga nangyari kagabi.

I was with a guy. I'm sure of that. Kausap ko siya at inihatid niya ako sa hotel room ko. Paniguradong walang nangyari kasi intact pa naman ang suot kong damit at sa hotel room naman namin ako natulog. I'm so sure nothing happened.

Hindi ko kilala 'yong lalaki. I've never seen him before. Pero kung makikita ko siya ulit, paniguradong baka makilala ko siya by his features. I don't know, he seems blurry in my memories.

Tapos na ako sa pagligo and just stared at my self in front of the mirror, naglalagay na rin ng iilang cream and other etceteras for the face.

I was busy doing that when I remember something while looking at my lips.

"Can I kiss you?"

"Those who really want to kiss someone don't ask permission from them, you know?"

And then I leaned forward and felt a soft flesh between my mouth. It's so soft it feels like I'm in thin air. The kiss wasn't just a smack. It was a long, slowly moving, kiss.

Holy mother of monkey! That was my first kiss! That guy is my first fucking kiss!

Imbes na magalit at mainis sa naisip na alaala from yesternight, natawa na lang ako sa sarili kong kahibangan.

I was laughing in front of the mirror. Really laughing.

"I did something horrible on my eighteenth birthday," sabi ko sa sarili ko.

I must be really drunk last night to do that. I've never done such thing during my birthday nor on my normal days. Ngayon lang na eighteen na ako.

Kissing a stranger. Really, Sandi huh?

What I did was epic, though. I know naman na hindi ko na makikita ang lalaking iyon but what I did to him was kind of an experience. Malambot ang labi niya, he's leading the way, and kung magkaka-boyfriend na ako, paniguradong hindi na ako mangangapa sa dilim kung paano ang humalik. He's good though. Sayang lang at hindi ko na siya makikita para mapasalamatan sa ginawa niyang pagturo sa akin kung paanong humalik. I was wishing I will never see him again. Kasi kahit nagpapasalamat ako sa halik na iyon, nanlulumo rin ako sa sarili ko na baka hindi nagustuhan ng lalaking iyon ang ginawa ko. That was an aggressive move, you know. Babae pa naman ako.

"Ate, bilisan mo sabi, e."

"Oo na, heto na, masiyadong atat!"

Sabay kaming bumaba ng hotel room ni Dahlia para pumunta sa restaurant area ng hotel para kumain ng pananghalian. Brunch na 'to sa 'kin kasi nga late na akong nagising. Tinawag na rin namin si Manong Dodong para makasabay sa aming kumain since bayad na naman 'tong kakainin namin.

"Ate, daan naman tayong Ayala before going home."

Habang kumakain ay bigla akong kinausap nitong kapatid kong ito. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Ano na namang gagawin mo ro'n?"

"May bibilhin lang ako. Birthday kasi ni Yulia next month and she likes this sweater talaga and I will give it to her as a gift."

"Buy it online."

"Ate! Mas convenient kapag binili ng personal at saka ma-chi-check ko pa 'yong size kapag personal kong bibilhin."

I stared to my sister for a quick second.

"Teka, sa'n ka kukuha ng pera?" Nagtatakang tanong ko. Wala namang pera 'tong kapatid kong 'to para bumili ng mga damit, sa'n naman kukuha 'to?

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. 'Yong ngiti niyang alam mong may masamang balak at may binabalak pa talaga sa mga susunod na kaganapan.

"Mommy gave you a card, right? Binyagan natin?"

I knew it.

I sighed in frustration. Napapikit na rin ako para pigilang ma bigwasan 'tong kapatid kong 'to.

"Fine. Pero hindi natin gagamitin 'yong binigay ni Mommy. Paniguradong babawiin niya rin sa akin 'yong card when we get home."

"Yehey! Thanks, Ate. Yaman mo talaga! Bili kita milk tea mamaya."

"Whatever," ang naging sagot ko na lang at nagpatuloy sa pag-kain.

"Excuse me po, you're Miss Sandi Hinolan po, right?"

Dahlia and I were busy talking and eating when suddenly, a waitress from this restaurant come near us, especifically to my side.

Tumingala ako sa kaniya at nagtaka sa biglang paglapit niya.

"Yes, po. Why po?" Magalang na tanong ko. Obviously naman na mas matanda siya sa akin since she's working na here in the hotel so probably, ako dapat ang mag-po sa kaniya, not the other way around.

"May nagpapabigay po nito," sabi niya sabay lapag no'ng isang cup of a liquid material na hindi ko pa alam kung ano. Maybe coffee, I think? I hope it's tea, tho.

"Kanino po galing and ano po 'to?"

"Green tea with apple cider po. Hindi po sinabi no'ng nagpapabigay kung sino po siya, e, pero ang sabi niya po, it cures hangover po." Hangover? How did that person knew? "Sige po, Ma'am, enjoy your meal po."

Umalis 'yong waitress pero naiwanan ako ng napakaraming tanong.

"Hangover? Lasing ka ba kagabi, Ate?"

Naibaling ko ang tingin ko sa kapatid ko nang magsalita siya. Still confuse with what's going on.

"I don't know- I mean, siguro."

"Hala!" Exaggerated na reaction niya. Medyo kinabahan din ako, lalo na no'ng dilat na dilat ang kaniyang mata at nakaturo pa sa akin. "Hindi ka naman siguro pagagalitan nina Mommy and Daddy. Eighteen ka na, e. Sana ako rin," dagdag na sabi niya na parang naiinggit pa.

"Anong sana ako rin? Tumigil ka ha. Kumain ka na nga lang d'yan, Dahlia Barbara!"

Nag-make face lang si Dahlia na hindi ko na pinansin pa. Minsan talaga, ma-attitude 'tong kapatid kong 'to, e. Kaya minsan pinapabayaan ko na lang.

Napatingin ako sa ibinigay na tea no'ng waitress. It looks inviting and kung pagbabasehan ko ang sinabi niya kanina, baka nga ma-cure nito ang hangover na nararamdaman ko ngayon. Kahit nakaligo na ako't nakakain, nararamdaman ko pa rin 'yong kaonting kirot sa bandang noo ko.

I took a sip on it hanggang sa naubos ko ang buong cup.

"Hi, Siggy!"

Napaangat ako ng tingin sa kapatid ko nang bigla siyang may tinawag sa kung saan. When I saw her face, she was looking at the direction of my back. Wala akong interes sa kung sino 'yong pinansin niya, mas concern ako sa pagsigaw na ginawa niya.

"Tone down your voice nga, Dahlia, nasa isang four-star hotel ka, maraming tao."

Umismid lang siya sa akin bilang sagot. Kumaway lang din siya sa kung sino man 'yong tinawag niyang kakilala niya. Ako naman, patuloy pa rin sa pag-kain.

"Who's that?" Tanong ko without glancing at my back and minding my own food.

"Si Siggy, Kuya no'ng friend kong si Sonny," sagot naman ni Dahlia na ngayon ay ang pagkain naman niya ang inaatupag niya.

I got confuse to what she said kaya napatigil ako sa pag-kain at mataman siyang tiningnan.

"Kuya ng friend mo tapos you're not calling him Kuya?"

"He's-"

"Pero kay Kiki at Mikan, Kuya at Ate ang tawag mo na well in fact, isang year lang ang gap mo sa kanila?" Pagputol ko sa sinabi niya.

She pouted, halos umabot na nga sa akin ang haba ng kaniyang nguso.

"E, friend mo naman sila, e. Ate kita kaya dapat na Ate at Kuya rin ang tawag ko sa kanila. At saka friend naman din namin si Siggy kaya hindi na naman siya tinatawag na Kuya. Ayaw niya rin, e. Hindi rin naman siya tinatawag na Kuya ni Sonny kasi one year lang 'yong gap nila."

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya at wala akong idea kung sinu-sino itong mga kaibigan niya. I never heard a name like Sonny and Siggy sa school kaya hindi ko alam kung sinu-sino sila. Si Yulia lang naman 'yong alam kong kaibigan niya kasi approve kay Daddy at Mommy 'yon kasi anak 'yon ni Councilor Sally Montero, e.

"Dami mong sinasabi. Bilisan mo nga r'yan nang makaalis na tayo."

Matapos naming kumain ay agad din kaming nag-check out sa hotel. As per Dahlia's request, sinabihan ko si Manong Dodong na dumaan muna kami sa Ayala Malls dahil nga may bibilhin pa ang kapatid kong ito. Hindi na rin ako bumaba. Hinayaan ko na siyang pumunta sa kailangan niyang puntahan. I just gave her a time limit para hindi na siya magtagal pa.

My last year in high school continued. After a week, lumuwas ako ng Manila to take the UPCAT. Sinamahan ako nina Mommy at Daddy, pati na rin ng mga kapatid ko. Just as I thought they're here to support me, you're wrong and I'm wrong. Sumama sila kasi merong conference na sinalihan si Mommy. Si Daddy naman ay nakipag-meeting sa national government, DOH, I think? At 'yong mga kapatid ko naman ay hinayaang mamasyal kasama ang iilang pinsan namin sa mother's side.

Yep, Sandi, all-out talaga ang kanilang naging support. Umasa ka pa talagang ikaw ang dahilan kung bakit lumuwas silang lahat ng Manila.

I took the UPCAT by August and continued with my life after. I'm not sure, really, kung makakapasa ako pero nang tanungin ako ni Daddy kung madali ba ang exam, tumango ako.

By February, the next year, na-release na 'yong result. Luckily, nakapasa ako. UP Manila, it is. Tuloy na tuloy na talaga, wala nang atrasan.

Hindi kami nag-celebrate when I passed the UPCAT. Dad said it's normal since it is expected from me na makakapasa talaga ako. Ganoon kataas ang expectation nila sa akin na mas lalong nakadagdag sa pressure na pasan-pasan ko.

Fast forward to my high school graduation, my parents were luckily present despite me having a 'with honors' only award. They needed to be present during my graduation, it's publicity, and that's what they like. Usap-usapan kasing may balak tumakbo si Daddy na Councilor sa city namin sa susunod na election. I don't know if it's true, that's only what I heard.

But to tell you honestly, Dad got disappointed to me for having a 'with honors' award. He expected na 'with highest honor' ang makukuha ko. It was a devastating misunderstanding between us kaya ayoko na munang pag-usapan pa.

"I already enrolled you to UP, Sandi. Your dorm is already paid. Just pack your things and you're off to go on Friday. The school starts on Monday. So, you have two days to familiarize your new place."

I bit my lower lip when I heard what Daddy said. I silently played with my food and just agreed with everything he said, and he will say.

"Dad, can I go with Ate? I want to see her place too, Dad, Mom."

Pinasadahan ko ng tingin ang kapatid kong si Dahlia when she talked. Dinagdagan niya pa ng pouting lips and puppy eyes ang sinabi niya that added more pleading to what she said.

"Me too, Dad!" Sabi naman ng isa pa naming kapatid na si Hannah.

"Girls, it's a no. Hindi natin masasamahan si Ate Sandi sa kaniyang flight 'cause we have other important errands to do."

Just as I expected.

"Pack your things, Sandreanna, and bring everything. Ayokong sasabihin mo na may nakalimutan ka sa bahay na ito."

"Yes, po, Dad."

After the dinner, Dad reminded me again about packing my things. Tunog pa lang parang pinapalayas na ako sa pamamahay na ito. I'm a good girl and that's not gonna happen.

After a cruel summer, heto't kailangan ko na namang paghandaan ang bagong yugto ng buhay ko.

I went inside my room to check my luggages. Hindi naman ako maluho sa mga gamit. I read a minimalist style of living in the internet and that's what I'm practicing now kaya kaonti lang ang mga dala kong gamit. I left the things na sa tingin ko'y hindi makakatulong sa akin pagdating ko sa UP. I have the Macbook and iPhone as my gadgets. Kaonting damit lang din ang dala ko, marunong naman akong maglaba kaya laba-laba lang 'pag may time, e, 'no? And I brought some books na rin na puwedeng basahin. That's all. I don't need much.

I heard a knock from my room's door na sinabayan ng pagbukas nito. Napatingin ako roon at bumungad sa akin si Dahlia.

"I'm gonna miss you."

Napatigil ako sa ginagawa at muling napatingin sa kaniya. I sweetly smiled to her for an appreciation to what she said.

Sa lahat ng kapatid ko, si Dahlia ang pinaka-close ko. Dahil siguro sa age gap naming dalawa o pareho lang talaga kami ng wave length na dalawa?

"Hindi pa nga ako umaalis, mami-miss mo na ako agad?" Pagbibiro ko pa.

Tuluyan siyang pumasok sa room ko at umupo sa kama. Tinabihan ko naman siya.

"Wala na akong aasarin dito."

Pinisil ko ang pisnge niya. Nanggigigil ako sa batang ito.

"Edi si Hannah naman asarin mo."

She pouted and nagpapaawa effect na naman sa akin.

"Wala nang mangli-libre sa akin na bukal sa kaniyang loob."

Natawa na talaga ako nang tuluyan dahil sa sinabi niya.

"Ginagawa mo talaga akong ATM machine, ano? Ano bang dina-drama-drama mo r'yan? Susunod ka naman sa akin after a year, 'di ba?"

Umiwas siya sa akin ng tingin at nakitaan ko ang kaniyang mukha ng sadness.

"Dad agreed na sa Silliman na ako mag-aaral, just like what I want."

What?

Naipahinga ko ang kamay ko sa ibabaw ng kaniyang balikat dahil sa gulat sa sinabi niya. Napa-iwas na rin ako ng tingin para hindi niya makitang naiinggit ako sa desisyong iyon ni Daddy.

Sana talaga, lahat.

Gustong-gusto ko sa Silliman mag-aral. It's near compared sa Manila. Nasa kabilang province lang 'yon. Six to eight hours yata na biyahe from our city? It's my dream school, actually, dream school namin ni Dahlia. But Dad said he wants me to graduate in UP kasi that's his alma mater. Hindi naman ako suwail, kaya sinunod ko. I can't blame Dad din naman, hindi naman niya alam na gusto ko talagang mag-aral sa Silliman.

"Okay… we have video call naman. Messenger, social media accounts. You can contact me anytime you want, Dahl."

"Just tell me when you're not busy so I can contact you. Baka kasi busy ka. They say college is busy lalo na Nursing ang kukunin mo."

Inilapit ko siya sa akin for a slight hug and I also kissed the top of his head.

"I will get in touch from time to time, Dahl. I promise."

May pumatak na isang luha sa aking mata.

Maiiwan ko ang mga kapatid ko rito. Wala nang mag-aalagang Ate sa kanila.

I am confident enough na hindi na naman sila sasaktan ng mga magulang namin. Sa aming apat, ako lang naman 'yong nasaktan ng parents namin physically. Sa akin kasi lahat ng sisi. Kaya sa akin din ang lahat ng palo.

Pero natatakot lang ako na maiiwan ko sila rito. I will be back pero paniguradong matatagalan pa. It depends on my parents, tho, kung kailangan kong umuwi tuwing breaks.

I am going to college, the freedom I've been waiting for.

Will I be free or up until college, my parents decide for my everything?

~