webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Homecoming

"At saka 'yong kapatid ni Yulia, si Vad? Kilala mo naman 'yon 'di ba? 'Yon, magiging engineer na. Board exam na lang ang kulang. Ang daming nagbago sa bayan natin, actually, Ate. 'Yong dating classmates mo sa high school? 'Yon, they all look up to you now. Kung close lang talaga sila sa akin, baka matagal na akong nakahingi sa 'yo ng isang ream ng bond paper para lang sa autograph mo."

Nakangiti ako habang nakatingin sa kapatid kong patuloy lang sa pagsasalita habang ginagala namin ang kabuuan ng lupain. Hinahayaan ko siyang magsalita since madaldal naman talaga siya dati pa.

"Ano pa bang kapuna-punang pagbabago rito sa city natin? I've noticed the changes in rotunda. Kailan pa 'yong tower na 'yon do'n? 'Di ba parang malaking christmas tree lang 'yong nakatayo roon dati?"

"Three years ago na yata 'yong monument na 'yon. One of Tito Sally's projects. Marami siyang pinapahabol na projects ngayon before his three terms will end next year."

"Oh? Sunod-sunod ba ang naging term n'ya? Sinong nababalitang tatakbo in replacement of him?"

"Yep. He serves nine years straight. Next year magtatapos ang term niya. At saka nababalita na ang papalit sa kaniya ay 'yong current Vice Mayor ngayon, si VM Amell Zamora, from the Zamora clan. At ang papalit naman sa kaniya bilang VM ay si Einny Lizares."

"Einny Lizares? Kiara's husband?"

"Mm-Hmm, number one councilor kasi 'yon at malakas ang hatak sa mga voters kaya siguro gino-groom to be in a higher office."

"He's a politician now?"

"Oo! Natatawa nga ako kay Ate Kiara kasi sa tuwing nagkikita kami, palagi siyang nagku-kuwento sa akin kung gaano siya naiirita sa mga supporters ni Konsehal Einny."

Sunod-sunod ang naging pagtango ko habang tinatanaw ang green na environment. Kiara is a politician's wife now. Ngayon ko lang nalaman. Maybe she missed this topic to me when we saw each other back in London.

Pareho kaming natahimik ni Dahlia. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa paligid. I glance at her and she's now looking at her phone.

"Ate, may pupuntahan ako. Gusto mong sumama?"

My brows furrowed, quite curious where she's going. "Where to?"

"The Osmeñas invited me for a little celebration sa mansion nila. Wanna join me?"

"Osmeñas? Celebration? For what?"

"Homecoming ni Chain, Teagan, at Kuya Mikan."

My smile brighten. "Sure! Am I invited?"

"Only if you're coming."

"Tara!"

Agad din kaming bumalik sa kotse at nag-drive sa Osmeña mansion kung saan madalas nagaganap ang family gathering nila. As far as I remember, malapit lang ito sa lupang pagmamay-ari ko. I'm excited! It's been years since I attended some Osmeña gatherings. Nakaka-miss din pala. For sure din na matutuwa si Mikan. He's home and we're fine now. After all that happened, we're finally fine now.

"Don't worry, Ate, secured naman ang area. It's an exclusive gathering. Para na rin sa seguridad nilang tatlo. You know naman na sikat din sila katulad mo."

Maya-maya lang din ay nakita ko na ang tuktok ng Osmeña mansion. It's the place where Mikan's grandparents, Senyor Mado and Senyora Auring, lives.

Malawak ang lupang nasasakupan ng Osmeña mansion. Their mansion is an ancient spanish inspired house. Makalumang tingnan pero halatang napi-preserve pa rin ang ganda no'n kahit na ilang taon ng nakatayo ang mansion na ito.

Nag-drive papasok si Dahlia. Pero sa main gate ng mansion, hinarangan na siya. She open the window para makita siya ng security. Nang makilala, agad ding pinagbuksan ang electric gate. Nakasuot ako ng shades kaya hindi siguro ako nakilala no'ng security.

Dahlia parked on the vast front lawn of the mansion together with the other cars.

"Marami ba silang bisita?" I ask while walking towards the back lawn. Basically sinusundan si Dahlia. Mukhang alam na niya kung saan magaganap ang party. Kahit familiar na ako sa buong paligid, it's been years since I've been here, halatang may iilan na ring pagbabago sa paligid.

"Closest family friends lang and all the Osmeñas, siyempre."

"Example of closest family friends?"

"Ledesma, Vergara, Zamora, Vaflor, Barcelona, Escala, Ponsica, Lizares, Yap, Montero-"

"Wait… Lizares?" Napatigil na rin ako sa paglalakad to confirm what she just said.

"Mm-Hmm, Osmeña and Lizares are good fri- ay wait, oo nga pala. But you're okay, right? You're cool with it."

Umiwas ako ng tingin at napalunok. "Yep, I'm fine. Nagtatanong lang. Sa pagkakaalala ko kasi parang hindi naman vibes ang Lizares at Osmeña. For them, Lizares are untouchables."

Natawa si Dahlia sa naging sagot ko kaya naibalik ko ang tingin sa kaniya. She continue walking, napasunod tuloy ako.

"Sikat na sikat ka nga, Ate, and you're one of the best in your chosen field. Pero marami ka pa ring hindi alam. Lizares and Osmeña are soon to be families."

"Huh? Bakit? May nagpakasal na bang Lizares and Osmeña?"

"Wala pa. Pero soon. And it's through their undying family tradition."

"Sino naman sa kanila?"

"Don't know."

"Ah, okay."

Hindi na ako nagsalita ulit kahit na may gusto pa akong itanong sa kaniya. May na-mention siya kaninang Ponsica. Hindi naman siguro ang pamilya ng Thelaine na iyon ang makikita ko ngayon, right? Maraming Ponsica sa bayan na ito. And what are the chances na pati itong si Siggy ay makikita ko ngayon. Wala… kasi alam kong hindi siya pupunta sa ganito.

Nang makarating kami sa back lawn ng mansion, agad na bumungad sa akin ang isang garden setting na handaan. There are round tables, buffet table, nagtatakbuhang mga bata, nagkalat na mga Osmeña, may iba ring nagkakantahan, nagku-kuwentuhan, nagtatawanan, at kung anu-ano pa. Osmeña are one of a hella big family kaya aakalain mo ngayon na marami silang bisita kahit sila-sila lang din naman ang nandito.

So far, hindi ko pa nakikita ang kahit anong existence ng mga Lizares.

"Sandi Hinolan?"

"Uh… hi?"

All their attentions are already diverted to me. Tipid akong napangiti at kumaway sa kanila. Medyo nagulat na naibigay nila sa akin ang lahat ng atensiyon, as in lahat. Ang unang nakapansin sa akin ay ang isang pinsan ni Mikan na si Yohan.

Lahat nagulat dahil sa biglang pagsulpot ko. 'Yong kaninang nakita kong ginagawa nila, biglang natigil at talagang naibigay sa akin ang atensiyon nila. Medyo nagkagulo, hindi magkanda-ugagang tawagin si Mikan at kung sinu-sino pa. At siguro masiyadong natuwa sa presensiya ko.

"You're here? Dahlia, hindi mo man lang sinabi na kasama mo pala ang Ate mo." Maski si Mikan na siyang kaharap ko ngayon ay nagulat sa presensiya ko. Binati ko lang siya like the usual.

"Oo nga, hija. Edi sana mas pinabongga pa namin ang handaang ito."

Natawa ako sa sinabi ni Tita Virg. "Grabe naman, Tita. Dati nga sa loob lang kayo ng mansion nagpa-party no'n. Mas bongga na nga ngayon kasi nasa labas na."

"Ang humble mo pa rin, hija. Naalala mo pa 'yon?"

Isa-isa rin akong binati ng mga adults ng Osmeña. Nagbigay-galang ako sa kanila lalo na kay Senyor Mado at Senyora Auring na hindi napigilang sabihin sa akin na sinusubaybayan pala ang mga nagawa kong movies internationally. It was all fun. Ang sarap pa ring kausap ng mga Osmeña, they're still warm, and I still feel like I belong to their family.

Natuwa rin si Chain at Ate Teagan nang makita ako. Picture-an doon, picture-an dito tuloy ang ginawa namin. Kampante naman ako na kahit i-post nila 'yon sa social media, for sure na hindi ako pupuntahan ng mga fans dito sa mansion ng mga Osmeña. Nahiwalay na nga sa akin si Dahlia dahil sa sari-saring kausap ko. Natutuwa lang daw sila na makita ang naglagay ng pangalan ng city namin sa international stage. Naging komportable din naman ang interaction ko sa kanila kasi I feel safe. It was a private party at walang outsiders. Lahat kilala ko naman. May ibang hindi pero chill naman sila.

I did enjoy with them. Mayroon ding nakipagsayawan ako ng chacha kay Senyor Mado and other adults. I had more interactions with the adults kaysa sa mga ka-edad ko lang. But it's fun! Super fun! One thing I've missed in my province life!

Pero so far, hindi ko pa nakikita ang presensiya ng mga Lizares at ng Thelaine Ponsica na 'yon. Mabuti naman. Hindi ko lang kasi alam kung anong magagawa ko kung makita ko man sila sa kalagitnaan ng interaction ko with others.

"Pansin ko lang, hindi ko yata nakikita ang mga anak ni Tito Rest and Tita Blake? Si Kuya Yosef, Ate Tonette, at MJ? Where are they nga pala?"

After all the commotions and such, nakaupo na rin ako sa isang round table together with Mikan and Yohan. 'Yong iba nagsasayawan na at abala sa videoke machine, sa pangunguna ni Chain.

"Nasa ibang bansa pa rin si Yosef at Tonette. Si MJ naman may duty ng OJT sa Bacolod. Gusto nga no'n na umuwi today pero hindi siya pinayagan, baka raw masira ang good record niya sa OJT na iyon kaya probably sa thirty uuwi 'yon," sagot ni Yohan habang tinitingnan ang camera niya. He's responsible with documentation daw, as everyone said and as always.

"What about Ate Ada and Ate Fiona? Never seen them too."

"Sa twenty-eight pa uwi ni Fiona. Si Ate naman… teka, nasaan nga pala si Ate? Nandito 'yon kanina, e, bago kayo dumating ni Dahlia," sagot naman ni Mikan. Iginala pa niya ang tingin sa kabuuan, mukhang hinahanap nga ang presensiya ng kaniyang kapatid.

"Baka umalis na naman. Kilala mo naman si Ada, Mik, bigla na lang mawawala, bigla ring susulpot," natatawang sagot ni Yohan. This time, inilapag na niya ang camera sa lamesa at inabala ang sarili sa iilang inumin na nasa harapan namin ngayon.

"Sabagay. Baka nga umalis."

"Kayong dalawa lang ba ni Dahlia ang magkasama? Wala kang body guards? Or nasa labas?"

Tumango ako sa naging tanong ni Yohan. "Yep. Pero hindi ko na sinama 'yong body guards ko. May pinuntahan lang kasi kami ni Dahlia malapit dito and no need for their presence. I know I'm safe here."

"Sa lupa mo?"

"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ko kay Mikan.

"Lupa namin 'yong binili mo."

"Lupa n'yo 'yon? Hindi ko alam. Si Dahlia naman kasi ang inutusan kong bumili no'n kaya malay ko ba."

"You bought land here? Why?"

"Papatayuan ko lang ng rest house."

"So you're going to settle here na?"

"Rest house, Yohan. Rest house."

"Ah, yeah. Rest house. Bahay pahingahan. Oo nga. Pasensiya, may pagka-engot lang, Sandi."

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa mag-pinsan, nakikipagtawanan na rin, as our talk continue. Napag-usapan din namin ang nangyari sa amin ni Mikan and we all just laugh it all away, like it's no big deal at all. Napag-usapan din namin ang banda niya, ang Mikaneko. Ang sabi niya pupunta raw sina Auwi, Nesto, at Koko dito sa city namin. May gig daw sila rito sa twenty-nine, bisperas ng fiesta. At na-share na rin niya sa akin na every fiesta din daw silang tumutugtog dito sa city.

Maya-maya lang din ay may napansin akong isang guard na biglang pumasok sa venue at agad na nilapitan ang table kung saan nakaupo si Senyor Mado at mukhang may sinabi roon through whispering.

"They're here." Pero panandalian lang ang pagkakatitig ko roon nang marinig kong magsalita si Yohan. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya.

"Who?"

"Them."

Ngayon, si Mikan naman ang tiningnan ko nang siya ang sumagot sa naging tanong ko. Hindi siya nakatingin sa akin. He's facing front kaya sinundan ko ng tingin ang direksiyon ng kaniyang tingin.

And one look, alam ko na kung sino ang kanilang tinutukoy. Them… the Lizares.

Pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang makita siya katabi ang babaeng hindi ko aakalaing liligawan niya. Pero pag-iwas ko ng tingin, nakatingin na sa akin si Mikan kasama ang kaniyang pamilyar na ngising hindi ko talaga nagugustuhan.

"You still love him, 'no?"

"W-What… what are you saying? Hindi 'no!"

"Sus. Tigilan mo 'ko, Sandi. Kilala kita. Ito 'yong rason kung bakit na-busted ako 'no? Dahil sa kaniya?" Nagulat ako sa huling sinabi niya. Napatitig sa kaniyang mata at nang hindi makayanan ang sarili, kusa akong umiwas ng tingin. "I asked you kung siya pa rin ba pero ang sinabi mo 'don't drag that asshole's name in this situation.' I don't really know what happened to you and him but all I know is that all this time siya lang talaga. Siya lang 'di ba, Sandi?"

Naibalik ko ang tingin ko kay Mikan at seryoso siyang tiningnan diretso sa kaniyang mga mata. "Sila na ba?" sa hinaba-haba ng sinabi niya, 'yon lang ang naging sagot ko. Isa ring tanong. Oo na, tanggap ko na, ganoon talaga ako ka kilala ni Mikan.

"Siguro… kasi hindi niya isasama 'yan dito kung hindi."

Sumandal ako sa kinauupuan ko't tumawa ng mahina kahit sa kalooblooban ko, gusto ko ng umiyak. I bet there's no humor in my laugh.

"You wanna get out in here, Sandi?"

Lumipat ang tingin ko kay Yohan. Paniguradong nakinig lang siya sa napag-usapan namin ni Mikan at masiyado akong suwerte na naiintindihan niya ang bawat situwasiyong nangyayari ngayon.

"Tara?"

I was so ready to get up and get out of this shitty situation pero bago pa namin magawa 'yon, lumapit na si Kiara sa table namin at agad binati si Mikan. Nang makita niya ako, hindi niya alam kung anong gagawin niya pero in the end, niyakap ko pa rin siya. Walang saysay kung magagalit ako sa kaniya dahil lang sa sinabi niya noon. Nangyari na ang lahat, I can't withdraw that back. All I need to do right now is to continue what I started and what I intend to do.

Gusto kitang bawiin, Siggy, pero bakit nang makita kong magkasama kayong dalawa, naduwag ako't nawalan ng pag-asang magpatuloy?

Kinakabahan ako, sumisikip ang puso ko, I need a breather.

Binati ko ang Lizares brothers. Sinubukan kong batiin ang Mommy at Daddy nila pero hindi ko nagawa sa isang tingin lang ni Mrs. Lizares na parang nagsasabing 'hindi ko pag-aaksayahan ng panahon na makilala ka.' So I retreated.

Nanginginig na ang kamay ko dahil sa panlulumo. I really need a breather. I can't stay any longer.

Dahil naging okupado si Mikan, si Yohan na lang ang kinausap ko para magpaalam saglit. I just need to excuse myself for awhile. As if may kukunin sa kotse ni Dahlia. Kailangan kong huminga. Gusto ko sana sa gazebo pero makikita pa rin ako kaya kahit sa front lawn na lang ng mansion, okay na.

"Gusto mo samahan kita? Magyoyosi rin ako." Itinaas niya pa ang isang pakete ng sigarilyo. Hindi na ako tumanggi. I think it's better to be accompanied. Kung hindi nga lang busy si Mikan, siya na kinaladkad ko, e.

Nang makarating sa front lawn, katabi mismo ng mga kotseng hindi ko alam kung sino-sino ang may-ari ay agad akong bumuntonghininga. Medyo lame pala ang naging excuse ko. I don't have Dahlia's car key kaya paano nga pala mabubuksan ang kotse kuno ni Dahlia at kunin ang dapat na kukunin ko kuno.

Sumandal na lang ako sa kotseng nasa tabi ko at bumuntonghininga ulit. Yohan open his cigarette pack and kinapalan ko na ang mukha ko. I really need a breather.

"Can I have one?" He was about to put that pack inside his jeans pocket nang humingi ako. Nakasindi na siya ng isa at nasa bibig na niya ito.

I bit my lower lip and hilaw na napangiti sa kaniya nang makitang nagulat siya sa naging tanong ko. Pero in the end, ibinigay niya rin sa akin ang pack at ang lighter. Kumuha ako ng isa at agad itong sinindihan. Ibinalik din agad ang lahat ng pag-aari niya.

"You smoke? I didn't know about that one, ha?"

Pumikit ako't dahan-dahang ibinuga ang usok. Unti-unti na ring kumakalma ang sistema ko nang malasahan ang mint na hatid nito. Naibaling ko ang tingin kay Yohan nang maalalang may itinanong siya.

"I was influenced and it helps me soothe my trembling system."

"For sure it's not Mikan. Kasi kung siya, baka high school pa lang smoker ka na."

"Recently lang 'to and it's my hollywood friends who influenced me with this."

"Ah… hollywood. Grabe. This is a scoop. Hindi alam ng lahat na nag-s-smoke ka. I bet Mikan didn't even know about this too. "

"Yeah, I know and yes, you're right." Pero nagpatuloy ako sa pag-puff ng smoke. "But what I can do if they stop me from using this? What will they do if I still continue using this? It helps me calm myself."

"Wala namang masama. Except that you're ruining your own lungs."

"Coming from a smoker like you, ha?"

"It runs in the blood. Can't help it."

Natawa na lang kami sa pinag-uusapan naming ito ni Yohan. Natahimik din kami at nagpatuloy sa kaniya-kaniyang paghithit at pagbuga ng usok mula sa sigarilyong hawak namin.

We were silent for a couple of minutes. Naka-dalawang stick na rin kami. Until he broke the long silence again.

"Lagi talagang natatalo ng mga Lizares ang mga Osmeña pagdating sa mga babae, 'no?"

Wala akong naintindihan sa sinabi niya pero nang tingnan ko siya, nakangisi lang siya sa kawalan.

"Huh? Bakit naman?"

"Wala lang, na-realize ko lang. Kapag parehong nagustuhan ng isang Lizares at isang Osmeña ang isang babae, sa huli talaga ang pinipili ng babaeng iyon ay ang isang Lizares. Laging natatalo ang mga Osmeña."

"I still don't understand, Yohan. Pero kung pagbabasehan ang sinabi mo, paano naman? Pareho kayong mayaman, mas mayaman pa nga siguro kayo. Pareho rin kayong magaganda ang lahi. Kasing guwapo niyo ang mga Lizares. I don't want to compare but the personalities of the Osmeña are better than the Lizares."

Ngumisi si Mikan, still nakatingin sa kawalan. "But you still chose the Lizares. You will always choose the Lizares." Natigil sa ere ang kamay kong may hawak ng cigarette dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya na sakto ring nakatingin sa akin. "Binigyan ka ng pagkakataong mamili between an Osmeña and a Lizares and you chose the latter."

Napalunok ako ng matindi at kusang umiwas ng tingin.

"Iba naman kasi ang situwasiyon no'n, Yo. At saka, ako lang naman ang pumili ng isang Lizares over an Osmeña. 'Wag mong lahatin." Sinubukan kong idaan sa humor ang sagot ko pero nang bumalik ang tingin ko sa kaniya, seryoso pa rin ang naging tingin niya sa akin.

"Alam mo bang niligawan ko si Kiara noon? Kasabay ko no'n si Einny sa panliligaw sa kaniya. But look at now who she married?"

Holy mother of monkey? What?

Unti-unting nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Teka, bakit hindi ko alam na niligawan ni Yohan si Kiara? Teka, wait! Teka, bakit ngayon ko lang nalaman? Teka, bakit hindi sinabi ni Kiara? Ni Mikan? Teka, sandali!

Pero bago pa man ako maka-react sa sinabi niya, napalingon na siya sa harapan niya at doon ko rin naramdaman na may bagong dating na tao. Lumingon ako sa nilingon ni Yohan at halos maduwal ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino 'yon.

Nakatingin siya sa direksiyon ko pero hindi sa mismong mukha ko, kundi sa bandang baba ko, malapit sa- shit!

Nailagay ko sa likuran ko ang kamay kong may hawak ng sigarilyo at napaayos ng tayo. I animatedly cleared my throat and look away.

"Oy, Siggy, you're here," bati ni Yohan sa kaniya.

I bit my lower lip and pinigilan ang sariling makahithit ng usok sa sigarilyong hawak ko. Hahayaan ko na lang na maubos 'to. Sayang, kakasindi ko pa naman nito. Pero kailangan kong itago. Hindi talaga alam ng lahat ang tungkol dito. Mas lalo na siya.

"May kukunin lang sa kotse."

Holy mother of monkey! Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses niyang mas lalong naging buo sa aking pandinig mula no'ng huli ko itong marinig. Ang kaibahan lang, mas ramdam ko ang kalmado niyang boses kaysa noong nakaraan naming pagkikita.

"Uh, Sandi, kotse niya 'yan."

"H-Ha?" nagulat ako sa sinabi ni Yohan kaya ang una kong nilingon ay si Siggy na papunta sa direksiyon ko. Nang ma-sink in ang sinabi ni Yohan, kusa rin akong tumabi.

Kotse niya pala 'tong nasa likuran ko?

Tumabi ako kay Yohan, pilit pa ring itinatago ang sigarilyo sa sarili ko. Alam kong huli na ang lahat at nakita na niya pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tinatago ko pa rin.

"If you wanna throw the filter, may basurahan d'yan sa gilid."

Napaangat ulit ako ng tingin kay Yohan at saktong itinuro niya ang isang basurahan na nasa may gilid nga, likuran na ng mga kotse, malapit sa bushes. Naglakad ako papunta roon at itinapon na ang stick kahit hindi ko pa ito nauubos. Pinilit ko ang sarili kong maging cool kahit na nasa malapit lang ang presensiya niya. You need to be cool, Sandreanna. You being an asshole in front of him is the last scene you'll be needing now.

"May basurahan na pala rito?" Yep, that's me, trying to be cool.

"Uh, yeah. Lola installed that nang ma-realize niyang unti-unti nang nakukuha ng mga apo niya ang bisyo ng kanilang mga ama. At alam niya kasing makalat kami sa pagtatapon ng filter kaya pinalagyan niya halos lahat ng sulok nitong lupain."

Hilaw akong natawa. As if talagang na-gets ang sinabi niya. "Senyora Auring's quite a psychic ah?"

"Yeah… Gusto mo na bang umuwi? Paniguradong magpapa-iwan pa si Dahlia rito. Hatid na kita."

"Yeah, sure. Baka rin hinahanap na ako nina Ms. Yang. Hindi pa naman nila alam na nandito ako." Nagpapasalamat din ako na marunong umintindi si Yohan. Naramdaman niya ang pulso ko.

I never look back again. Gusto ko mang alamin kung ano ba 'yong kukunin niya sa kotse niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Taas noo kong tiningnan ang daan papunta sa back lawn.

"P're, Siggy, balik lang kami sa loob."

Umigting ang panga ko nang magpaalam pa talaga si Yohan sa kaniya. Paniguradong wala rin naman 'yang pakialam kung aalis na lang kaming bigla. Bakit ba kasi masiyadong kind itong mga Osmeña? Minsan talaga hindi nakakatulong ang ganoong ugali nila lalo na sa ganitong situwasiyon.

I grab that opportunity para tingnan siya. Baka sabihin niyang bitter pa talaga ako sa kaniya kung hindi ako magpapaalam.

Ngumiti ako kahit hindi nakikita ang mukha niya. Sumilip siya sa pintuan ng kotse, gamit ang walang emosyong mukha, tumango siya pero kay Yohan lang ang tingin.

Snobber. Hindi naman siya ganiyan dati ah?

Bumalik kami sa likuran ng mansion para pormal akong makapagpaalam sa mga Osmeña, pati na rin sa kapatid ko. Pero ang akala kong si Yohan mismo ang maghahatid sa akin ay biglang napalitan ni Mikan dahil sa sinabi niyang may kailangan daw siyang hintaying phone call. Scammer Yohan Osmeña. Paniguradong umiiwas lang na tanungin ko tungkol kay Kiara, e.

Bumalik kami sa front lawn ni Mikan. Nang malapit na kami sa itinuro niyang kotse, doon ko na-realize na kotse niya pala 'yong sinandalan ni Yohan kanina, at mismong tabi ng kotse na binuksan ni Siggy kanina. Saan kaya 'yon nagpunta? Nandito pa naman 'yong kotse niya pero hindi ko siya nakita sa likuran kanina nang magpaalam ako. Hindi ba siya bumalik? Kung hindi bakit nandito pa rin ang kotse niya?

Bakit ba kasi iniisip ko pa rin 'yon? Dapat stop na, Sandi. Sila na. Wala na talagang makakapigil. Mukhang sinagot na siya.

Palabas na ang kotse ni Mikan sa gate nang lingunin ko ulit ang kotse kung saan siya naka-park at doon ko nakitang kalalabas lang niya mula roon… mag-isa.

Akala ko ba may kukunin lang? Bakit parang nag-stay pa siya sa loob ng kotse niya?

~