webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Help

"Is she here?" Pag-uulit ni Krane sa kaniyang unang naging tanong.

I bit more my lower lip just to stop myself from breathing louder. Kinakabahan ako. Oo, kilala ko ang dalawang iyon pero walang kasiguraduhan kung tutulungan ba nila ako sa pagtatago kong ito.

"What? Ano namang gagawin ni Sandi Hinolan dito? And kung nandito man siya, bakit ko naman papapasukin 'yon dito, e, I'm having an alone time with Siggy."

"Ang dami mong satsat, Madonna. Sasabihin mo lang naman ay yes or no."

"Edi, no! Hindi ba obvious! Kami nga lang dalawa ni Siggy ang nandito sa kuwartong ito."

Dahan-dahan akong bumuga ng hangin at kahit papaano'y guminhawa ang aking pakiramdam nang i-deny ni Madonna ang tanong ni Krane. Dahan-dahan akong umupo sa tiled floor ng CR and waited for Krane to finally leave this premises. Kahit nakasiguradong hindi naman sasabihin nina Madonna na nandito ako, hindi pa rin ako nakasisiguradong baka nga ipahalughog ni Krane ang buong kuwartong ito.

I hugged myself. Still sinking in what had happen.

"Sir, wala po talaga rito si Ms. Sandi Hinolan. Kung pupunta naman 'yon dito, paniguradong aabisohan naman po niya siguro si Ms. Kiara sa kaniyang pagdating."

"Shut the fuck up, okay!"

I closed my eyes, tightened my hug, and remembered Dad's loud voice through Krane's. I can't live with this kind of nightmare. Like ever. I'm done living with this kind of nightmare.

"Bakit mo ba hinahanap si Sandi?"

Napamulat ako ng mata nang sa wakas ay narinig kong nagsalita si Siggy.

"Why do you care? You're out of this so you shouldn't care."

"P-Pasensiya na po sa nangyari, Sir Siggy, Ma'am Madonna."

Ang sunod kong narinig ang tuluyang nakapagpahinga sa akin ng maluwag. Nanatili akong nakaupo kahit na narinig ko na ang padabog na pag-alis ni Krane. Napatulala ako sa tiles na kaharap ko't nanatiling hindi gumalaw.

Unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ng mainit kong luha. Sunod-sunod ito na agad nagpalabo sa aking mata. Pinigilan ko ang humikbi. Silently feeling the pain I've experienced this day. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako papunta nito. Wala na akong ibang mapuntahan. Wala na akong ibang masabihan. Wala na akong ibang malapitan.

"Sandi, you can go out now. He's gone."

I heard three knocks on the door then Siggy's serious voice. Sinubukan kong pahiran ang basa kong pisnge, baka sakaling matigil ang pagbagsak ng mga luha pero hindi pa rin, patuloy pa rin ito. Tumayo na lang ako at binuksan ang pinto. Yumuko ako para hindi nila makita kung gaano ka-miserable ang buhay ko ngayon.

"M-Maraming salamat sa ginawa n'yo. I owe it all to you. S-Sorry na rin kung bigla na lang akong pumasok sa kuwarto n'yon-"

"Relax lang, Sandi. Breathe. Walang nagmamadali sa atin, okay? Hinay-hinay lang sa pagsasalita."

Sunod-sunod ang naging paghinga ko nang pigilan akong magsalita ni Madonna. Napalunok na lang ako't nag-iwas ng tingin nang sinipat niya ako ng tingin.

Hindi ko pa nakikita ang sarili ko magmula kanina, paniguradong sobrang gulo na ng mukha ko. Haggard is an understatement pa yata.

"Okay ka lang ba talaga, Sandi? Bakit ka nga ba hinahanap ni Krane? Sinaktan ka ba niya? Siya ba ang may gawa n'yan sa 'yo?"

"O, isa ka pa, e. Kakasabi ko lang relax, e. Uulitin ko, relax, okay? Kumalma tayong lahat," Madonna sighed and carefully caress my siko. Sumenyas siya sa akin na lumabas na muna ako ng banyo. "Maupo ka muna, Sandi. Sig, kuha ka muna ng tubig do'n."

"Bakit ako?"

"O, e, bakit hindi ikaw?"

Teka, mukhang magla-lover's quarrel pa 'tong dalawa 'to sa harapan ko, ah? Paniguradong dahil 'to sa ginawa ko kanina. Sandreanna naman kasi, magtatago na lang medyo tanga pa.

"Fine!"

"Kukuha naman pala, uungot-ungot pa. Tagalan mo, ha? Do'n ka kumuha sa Northwind para mas malayo."

Siggy raised his middle finger to Madonna na tinawanan lang no'ng huli.

Ganito ba sila as a couple? Masiyado silang comfortable sa isa't-isa, aakalain mong friends lang talaga sila.

"P-Pasensiya na talaga sa ginawa ko kanina. I swear, hindi ko talaga sinadyang mahalikan si Siggy kanina. Hindi ko intensiyong sirain ang relasyong mayroon kayo."

Biglang natawa si Madonna sa mga sinabi ko. Nagtaka pa ako kasi bigla-bigla na lang siyang natawa. Umiiwas pa siya ng tingin para lang makatawa ng malakas.

"Ano namang sisirain mo sa 'min? As if naman masisira ng isang kiss ang pagkakaibigan naming dalawa. For the record, Sandi, walang mayroon sa amin ni Siggy. Masiyadong tanga si Krane Lizares para paniwalaan 'yong pinagsasabi ko kanina."

"H-Hindi kayo?"

"No! Siggy's my distant cousin from the Lumayno's side."

"E, b-bakit kayo magkasama sa kuwartong ito kanina?"

"Ah, 'yon ba? Sinamahan kasi ako ni Siggy mag-check ng mga rooms dito sa resort. May upcoming family reunion kasi kami and my family decided na rito 'yong venue. Dapat nga si Kiara 'yong sasama sa akin ngayon pero they're out of town with Kuya Einny, so si Siggy ang sumama sa akin."

"Ah, ganoon ba?"

Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, muling nagbukas ang pinto ng kuwartong ito at iniluwa no'n si Siggy na may dala-dalang isang bottled water at isang first aid kit sa kabilang kamay. Sabay pa kaming napalingon ni Madonna sa direksiyon na iyon.

"You're back? That fast? 'Di ba ang sabi ko tagalan mo?"

Siggy ignored Madonna's questions. Inabot niya sa akin ang bottled water na iyon nang makalapit siya. Tipid akong ngumiti nang tanggapin ko iyon.

"T-Thanks..."

"Are you really okay, Sandi? Sinaktan ka ba ni Krane?"

Binuksan ko 'yong bottled water pero hindi agad ako nakainom dahil sa sunod-sunod na naging tanong ni Siggy. Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa. Habang sila ay nag-aabang sa isasagot ko.

Tumikhim ako.

"A-Ah, hindi. Hindi ako sinaktan ni Krane."

"Oo nga pala, Sandi. Bakit ka niya hinahanap kung hindi? Sinong may gawa n'yan sa 'yo? Namamaga 'yong pisnge mo at saka may galos ka pa sa tuhod, oh," tanong naman ni Madonna.

Pero imbes na sumagot agad, napagtoonan ko ng pansin si Siggy na biglang lumuhod sa harapan ko't binuksan ang first aid kit at kinalikot ito.

Napatulala ako sa ginawa niya, it took me seconds before I could answer Madonna's question.

"A-ah, wala. May ano... may maliit lang na problema within the family. I-It's nothing. G-Gusto ko lang talagang u-umiwas kay Krane kaya ako nagtago from him."

"Sandi, what... really happened?"

Napalunok ako sa napakaseryosong tingin ni Siggy sa akin. Hindi niya pinutol ang tingin niya sa aking mga mata. Ni pagkurap ay hindi rin niya ginawa. Diretsong sa akin lang talaga ang tingin niya na animo'y pati ang aking kaluluwa ay pinag-aaralan niya't hinahanapan ng sagot sa kaniyang katanungan. His chocolate-colored, almond-shaped eyes pleads guilty for knowing the answer so bad.

Ako na mismo ang umiwas ng tingin nang hindi makayanan ang intensidad ng kaniyang mga tingin.

"N-Nalaman nila ang ginawa kong pag-shift sa ibang course. Dad and Mom got angry with that and threatened me to be grounded for the rest of the year and even threathened me to marry off Krane in the future."

"What? Ano 'yon? Osmeña style?"

"Madonna, just please stay silent for a while, okay? O 'di kaya'y inform mo na lang si Auntie about the rooms here in the resort. They want you to update them right away, 'di ba?"

"E, gusto kong marini-"

"Madonna?"

Madonna sighed in retreat.

"Fine!" Tumalikod siya't lumabas agad ng kuwarto. Naiwan kaming dalawa ni Siggy dito with the same position.

I slowly gave him back my attention and quite taken aback when I saw his fixed gaze to mine.

"Mga magulang mo ba ang gumawa n'yan sa 'yo? Pinagbuhatan ka ba ng kamay?"

Ilang segundo lang akong napatitig sa kaniyang mga mata. Hindi ko pa rin makayanan ang intensidad nito at ayoko ring sabihin sa kaniya ang tungkol doon. Isinantabi ko ang bottled water na hawak ko, mukhang hindi ko na makakayanang mainom pa iyon.

Isa-isa kong pinisil ang mga daliri ko sa kamay. Pinag-isang linya ang labi, refusing to even speak a single word. I got stiff. Never kong inamin sa mga bestfriend ko ang tungkol sa pananakit na ginagawa ng parents ko. Kapag sinasaktan ako dahil sa petty reasons, ang sinasabi ko lang sa kanila ay napapagalitan lang ako. Hindi alam ng iba na sinasaktan ako. Even my little siblings. Kapag kasi sinasaktan ako, palaging sa loob ng opisina ni Daddy. Walang nakakaalam kundi kaming tatlo ni Mommy at Daddy. Kaya nga natatakot akong ipagtanggol ang sarili ko kapag dumating ang ganitong klaseng pagkakataon.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko para i-deny ang naging tanong niya.

"N-No. Nadulas lang ako kanina sa scooter na sinasakyan ko dahil sa pagmamadali kaya namamaga ang pisnge ko at nagkagalos itong tuhod ko," hindi makatingin sa kaniyang mga matang sabi ko. Patuloy pa rin na pinipisil ang bawat daliri ko.

Tahimik akong napa-impit ng sakit nang biglang dumampi ang bulak na nilagyan ng Betadine ang sugat ko sa tuhod. Hindi ko mararamdaman ang hapdi nito kung hindi lang nadampian ng gamot, e. Ganoon na yata akong namanhid sa lahat ng sakit na natanggap ko sa araw na ito.

Hindi na siya nagsalita at patuloy lang sa kaniyang ginagawang paglilinis ng sugat. Sana lang talaga naniwala siya sa sinabi ko. Hindi ko pa kayang sabihin sa iba. Mga magulang ko pa rin sila at ayokong masira ang pangalan nila nang dahil lang sa sinabi ko.

Hinayaan kong gamutin ni Siggy ang mga galos at pasang natamo ko sa mga nangyari kanina. Tahimik kaming dalawa. Wala ni-isang nagsalita. Tanging ang ingay ng aircon ang namutawi sa aming dalawa.

"Just tell me if it hurts. I'll stop."

Automatic akong napalunok sa sarili kong laway nang magtama ang tingin naming dalawa nang magsalita siya. Napatikhim tuloy ako ng wala sa oras.

"J-Just... continue."

"Sig, I need to- Ay, sorry, ginagamot mo pala 'yang sugat ni Sandi."

Holy mother of monkey!

Napaayos ako ng upo nang biglang pumasok ulit si Madonna sa kuwarto. Pero ang lalaking nasa harapan ko, parang hindi man lang natinag sa biglaang pagpasok ni Madonna. Parang okay lang na nakita niya kami sa ganitong situwasiyon: him facing me because he's currently cleaning my pasa in the face.

"Pero Sig, kailangan ko nang umuwi. Pinapauwi na kasi ako ni Mama, mahahatid mo ba ako?"

Pinasadahan ako ng panandaliang tingin ni Madonna nang nakangiti.

"Okay lang ba na samahan mo akong ihatid si Madonna sa kanila? I can't leave you behind here. Baka bumalik si Krane at makita ka."

Napatingin ako sa mga mata ni Siggy nang diretsong sa akin din ang tingin niya habang nagsasalita.

"Oo nga, Sandi. Samahan mo muna si Siggy. Sa proper lang naman, e, mabilis lang."

"O-Oo naman, walang problema."

Tipid na ngumiti si Siggy sa akin at agad din namang tumayo mula sa kaniyang pag-s-squat. Kinuha ni Madonna 'yong sling bag niya sa isang kamang nandito sa kuwartong ito at nauna nang lumabas.

"Sa front seat ka na lang umupo, Sandi, para hindi ka na lumipat mamaya kapag bababa na ako."

I was about to open the back seat's door when Madonna said that. Hinayaan ko na lang siyang buksan ang pintuang iyon at ang pintuan ng front seat ang binuksan ko.

Isang Chevrolet Colorado Trail Boss na kulay puti ang kotse ni Siggy. Ewan ko kung sa kaniya nga talaga ito pero mukhang sa kaniya nga since siya ang magda-drive. Paano ko nalaman na ganoon ang brand ng kotse niya? Marunong kasi akong magbasa.

"Don't worry, Sandi, tutulongan ka ni Siggy. Dito ka muna mag-s-stay sa resort na ito and he'll assure na you're safe."

Napalingon ako kay Madonna nang magsalita siya pagkapasok namin sa kotse. Nakangiti pa siya n'yan na parang isang normal lang na pangyayari ang nangyayari ngayon sa akin. Marami pang sinabi si Madonna pero hindi ko na napakinggan dahil agad akong napatingin kay Siggy. Seryoso lang siyang nagma-manipulate sa kaniyang kotse.

"S-Salamat," I said out of nowhere.

He was starting the car when he slowly looked at me.

"Kaibigan kita kaya dapat lang na tulungan kita. Buckle up now."

Umiwas ako ng tingin at agad inayos ang seatbelt nang makaalis na kami.

Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa bahay ni Madonna. Mas pinili kong hindi magsalita dahil sa pagod ko sa mga nangyari sa araw na ito. From my trip going home to what had happen to our house, to our family. Ngayon, unti-unting nagsi-sink in sa akin lahat ng nangyayari.

In exchange of reaching my dreams is my relationship with my own family. Is this worth it? I hope it is.

Napa-iwas ako ng tingin sa labas nang makita kong sinalubong ng Mama niya si Madonna. Lumabas din si Siggy para pormal na magpakita sa parents ni Madonna. Naiwan ako sa loob ng kotse since hindi naman nila alam na kasama ako no'ng dalawa. And also to not spark any commotion as why I'm with them. Hindi kaya kami close na tatlo. The only friend, like the real close friends and always kasama when I'm in the city, that I have are Kiara and Mikan.

Hindi kalaunan, agad din namang bumalik si Siggy sa kaniyang kotse't nag-drive pabalik sa Manlambus Resort.

"Is there anything that you need? Nagpadala na ako ng mga damit mo at paniguradong pagbalik natin sa resort, nakahain na ang dinner mo."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Abala pa rin siya sa pagda-drive kaya hindi siya nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba uuwi sa inyo? Baka hinahanap ka na sa inyo?"

Nanigas ang kaniyang panga at mas mariing tumingin sa kaniyang harapan. Sinubukan kong basahin kung anong klaseng expression iyon pero nabigo ako.

"Your life is in danger. I just can't leave you behind," matigas na sabi niya, without even glancing at me.

"S-Safe na naman siguro ako? Kung naniwala si Krane kanina na wala nga ako sa resort, paniguradong hindi na naman babalik si Krane doon." Umiwas na lang ako ng tingin. Baka magpang-abot pa ang tingin naming dalawa.

"Kapag si Krane ang mismong naghanap sa 'yo, your life is indeed in danger."

Naibalik ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagtataka sa binitiwan niyang mga salita tungkol sa pinsan niya.

"Why?"

"Is there anything that you need? Please, tell me, Sandi."

"Why is my life in danger when Krane is in the way?" Hindi ako nagpatinag sa kaniyang tanong. Gusto kong malaman kung bakit parang hindi maayos ang relasyon nila as a family.

"It's a family... thing."

Right, hindi dapat pala akong nanghihimasok sa kung anong mayroon sa pamilya nila. I'm out of their family and whatnots.

"Uh, pasensiya ka na. I... I just want to make some calls sana. I... I left all my belongings sa bahay, even my phone. C-Can you contact Mikan for me?" Iniba ko na ang usapan, baka kung ano pang marinig ko.

"Mikan? What about Kiara?"

"She's in a vacation, sabi ni Madonna. I don't want to disturb her. I'm sure she's having some fun, and I can't ruin that. S-Si Mikan na lang."

"Okay. Mamaya pagdating natin sa resort."

Tumango ako sa kaniyang sinabi at tahimik na tinanaw ang madilim na daan papunta sa Old Poblacion.

Ang bigat-bigat ng damdamin ko ngayon. Nagugutom ako. Pagod na pagod na. Ilang araw na akong walang saktong pahinga. Simula pa ito no'ng bisperas ng musical. I really just want to sleep.

~